Truyen3h.Co

Brave Hearts (Published Under LIB)

Kabanata 13

heartlessnostalgia

Kabanata 13

"NAY, may tanong ako," tawag ko sa pansin niya habang nagluluto siya.

"Hmm?" she hummed and glanced at me, ang mga gulay na ini-slice ko ay inilagay ko sa plato.

"Have you ever been in love?" tanong ko.

Nanlaki ang mata niya at isinara ang kaldero.

"Hmm, bakit mo naman natanong, Lia?" she asked, quite shock but curious.

"I was just curious, Nay. Si ano kasi..." Napatikhim ako. "Si Heart? 'Yong kaibigan ko, ano kasi...brokenhearted, first love niya kasi sana but it failed," I lied.

"Oh, may boyfriend pala si Heart?" she asked. Tumango ako.

"Well, I've been in love." She smiled a bit at me. "Dati, he was my high school love, young love, Amalia."

I got curious, pumahalumbaba ako at nagtanong, "Talaga po? What happened then? In any case...is it my father?"

I saw how a lone expression left her eyes. She sighed again and stood, shaking her head. "Before I met your father, I met him first," aniya. "He's just so amazing, magical, lovely, lahat ng hinahanap ng mga babae ay nasa kanya, Lia."

She opened the casserole and checked the food. "We were in love, akala ko nga kami na but then we were young and foolish."

"What happened?" I asked, nararamdaman kasi ang lungkot sa boses niya.

"Ayaw ako ng pamilya niya because of my status," she muttered.

"Because of it lang, Nay? Dahil...wala tayong pera?" tanong ko.

"Anak, dati kahit papaano may masasabi naman ang pamilya natin. Your lola came from a rich family, we came from a rich one." Lumapit siya sa akin at kinuha ang mga gulay na ini-slice ko. "Ang mga magulang ni lola mo, they wanted to marry her off to a rich family but she didn't like it because she loves your lolo so much."

That made me smile. "She fought for him?"

"Yes," ngiti niya bago naupo sa harapan ko. "Pero ang kapalit n'on, itinakwil ang lola mo kaya nagsama sila ng lolo mo rito sa Cagayan. May naipundar kahit papaano, pero hindi na kagaya ng dati ang ngayon. Nagmamahal ang mga bagay kaya mahirap kumita at muling umasenso. Pero alam mo, kahit gano'n ang naging buhay nila, they were happy because they got the love they wanted."

"That's too ideal, sana lahat ng tao kaya makakuha ng pagmamahal na pang-matagalan, Nay, ano?" I said wistfully. I saw the lone expression in her eyes.

"Well, iyong tinutukoy kong first love ko, Lia, hindi niya ako naipaglaban. Hindi namin napaglaban ang isa't isa. We were still young that time so we broke apart. Naghiwalay kami and I met your father."

I stopped, ngayon niya lang bubuksan ang usaping ito kaya sumulyap ako sa kanya at nakitang nakangiti siya.

"Your father's like a ball of sunshine, mabait, responsable at palagi akong pinapasaya, I thought finally there was someone who could love me for who I was and you were made, kaso nga lang. Noong pinagbubuntis kita, he vanished...nalaman ko na lang na may ibang pamilya na."

I froze, hindi ko alam kung anong dapat sabihin. Natulala lang ako at si nanay ay ngumiti at hinaplos ang pisngi ko.

"Amalia, you see, my baby, young love tends to fade away quickly because your heart's still young, indecisive and uncertain." She smiled. I nodded, understanding her.

"Young love does not tend to stay forever—but not everything, may mga pagmamahal na nagtatagal, like your lolo and lola, not just...hindi sa lahat ng tao," she said. "It's okay to love but above all else, love yourself first. Bata ka pa, marami ka pang magagawa. Love will come to you if it's meant for you, no matter what happens."

She's right...

"Is it the reason why you were crying that night?"

Natigilan ako, mabilis akong umiling but she knew me too well that she wasn't even moved. "I know you, Amalia, you're my daughter. It's not Heart, am I right?"

Ayaw kong magsinungaling kaya tumango. "It's just...sorry, Nanay. Kung palagi kitang pinag-aalala," mahinang sabi ko. "C-crush lang naman sana kaso ano..."

She chuckled and pinched my cheek, napapikit ako nang bahagya siyang tumungo at hinagkan ang noo ko.

"Ang puso hindi napipigilan, Lia. Hindi natin masasabihang tumigil na magkagusto sa isang tao, na sabihang tumigil magmahal. We can't, kaya natural lang iyang magmamahal ka pero bata ka pa, 'nak. We never know what's certain, what will stay for a long time kaya mas mahalagang ang importante muna ang isipin mo, ang sarili mo."

Pinagmasdan ko siyang tumayo at inasikaso ang niluluto niya, nang patayin niya ang kalan ay muli siyang bumaling sa akin.

"I don't want you to be as miserable as me with love. I was young and stupid, Lia. Mahalaga ang pagmamahal ko sa isang tao noon kaysa sa pagmamahal ko sa sarili ko kaya ako napag-iwanan,"

"Si...tatay, hindi ba niya alam na mayro'ng ako?" I asked.

"Alam pero hindi na ako nagpakita pang muli, 'nak. Ayaw kong makuha ka niya sa akin, iniwan niya rin naman ako noong nalamang buntis ako sa 'yo kaya..."

Bakit gano'n 'no? Kung sino ang mabuting tao ay siyang nakakaranas ng ganito?

"E, 'yong first love mo, Nay?" I saw her stop in her tracks, nagulat sa tanong ko.

"Bakit mo naman natanong?" she asked, hindi lumingon at muling nag-asikaso.

"I was just curious, you sounded so sad," sabi ko at bumaling siya at inilapag sa hapag ang ulam.

"He has a family now, he has three kids with his wife but he said he isn't happy."

Kumunot ang noo ko.

"N-nagkikita kayo?"

She looked taken aback, tumikhim siya at tumalikod para kumuha ng kanin. Hindi niya ako sinagot kaya tinawag ko siya. "Nay?"

"U-uh, oo noon..." Tumikhim siyang muli at inilagay ang pagkain sa hapag. "But it stopped, maybe I was just too excited to meet him again. I realized I was doing something horrible and I ended it. It was never good, Lia."

Tumitig ako sa kanya at sumulyap siya sa akin nang mapansin ang tingin ko.

"Nay," I muttered.

"There were a lot of people who are fools when it comes to love and if ever we did something stupid, we should know how to reflect and never do it again." She smiled. "You understand me, Lia?"

I nodded.

"Bata ka pa, anak. You have a far great future ahead of you, you should grow first and love yourself more. Sa panahon ngayon, sarili mo na lang ang kakampi mo kaya mahalin mo. I don't want you sick again, Amalia. Hindi ko na iniisip ang pera, ang mahalaga lang sa akin ay ang kalusugan mo dahil marami pa akong pangarap para sa iyo."

"Naiintindihan ko po, salamat, Nay." I smiled.

"A matured love is better than a young love, we should never be stupid for it kasi ikaw din ang maaapektuhan noon, anak. Learn a lesson from me, I was stupid, don't be like that. Mas mahalaga ang sarili mo kaysa sa ibang bagay."

For the weekend, I spent my time peacefully with myself and my books. There came a time in those days na malungkot ako at naiiyak pero hindi ko masyadong dinibdib sa takot na ma-ospital muli.

Noong sumapit ang Lunes ay determinado akong maging maayos, I was not looking forward to anything until I saw Atlas sitting on the stairs with flowers in his hand. Pinagtitinginan na siya roon pero nanatiling nakaupo siya at wala sa sarili.

My heart ached to see him like that. I was so tempted to come and talk to him but I know I couldn't risk my heart again.

Tatalikod na sana ako pero bigla niyang iniangat ang tingin at nagkatinginan kami. My heart jumped. His mouth parted and stood kaya mabilis na tumalikod at naglakad palabas para sa kabilang gate na lang dumaan.

"L-Lia, wait!" he called. Hinawakan ko ang strap ng bag ko, mas binilisan ang lakad pero mabilis siyang nakasunod sa akin. Pinagtitinginan kami kaya mas lalo akong kinabahan.

"Lia..." I froze when he reached my elbow and slowly pulled me. Napaharap ako sa kanya at nakita ang balisa niyang mukha.

"B-bakit?" My voice trembled.

"C-can we talk?" he asked, staring intently at me.

"P-para saan pa? 'Di ba nag-usap na tayo?" Lumiit ang boses ko.

"No," he sighed. "You decided for the two of us, wala akong naging desisyon doon kaya hindi 'yong maayos na usap."

I sighed, kinuha ko ang braso ko sa kanya at mabilis siyang sumunod nang maglakad ako.

Pumunta 'ko sa gilid, sa medyo walang makakakita sa aming dalawa. He was still holding the flowers, magulo ang buhok niya. Tumayo siya sa harapan ko.

"Lia," he started. "What was that? A-akala ko ba ayos na tayo, why are you suddenly drifting away?"

"Atlas," I called. "We are still young, we're still not sure if tayo ba talaga—"

"How would we know if we don't take a risk?" he asked. I shook my head at him.

"I know we should take a risk but I can't, okay?" I explained.

I could never risk my heart to you...not now, not while we were still young and uncertain.

"Bakit hindi?" he asked. "I'm willing to take a risk for you, Amalia. I know I'm a bit playful but I am doing my best to be better...for you."

"It's just...you won't understand," I tried.

"Then help me understand," he said. "Let me know how and why..."

He was very determined.

"Atlas, male-late na tayo sa klase, we should go inside," sabi ko at tumalikod pero muli niya akong inabot at iniharap sa kanya.

My heart pounded harshly when I saw how close we were. Napasandal ako sa pader at ramdam na ang init niya. He lowered his head and pushed his forehead against mine, sighing heavily.

"May mali ba sa 'kin?" he whispered painfully. Mas sumikip ang pakiramdam ko.

"Hindi...hindi sa 'yo," bulong ko pabalik. "W-we're just too young for this."

"Yui's my friend, Lia," he explained, opening his eyes and staring at me with that soulful pair.

"W-wala ka namang dapat ipaliwanag, Atlas,"

"But I want to explain my side to you, my dad was hospitalized and I was panicking. Noong tumatawag sila sa akin ay hindi ko nasagot dahil sarado ang phone ko kaya si Yui ang tinawagan nila. She came with me. Noong maayos naman na, hindi kita matawagan kasi wala kang phone. When I contacted Heart and they found out, ayaw mo naman daw pakinggan ang sasabihin niya. I know I was wrong and I'm sorry, I wanted to make it up to you."

"I understand, Atlas," I said and tried pushing him, but he was too persistent, pumikit siya at mas idinikit ang noo sa akin.

"I've never been this in love, Amalia," he muttered and I froze.

"H-huh?"

"It was just a stupid crush but it's been years, I don't know anymore," he whispered and opened his eyes, meeting my confused ones.

"H-hindi ko alam ang sasabihin," I whispered.

"Just let me pursue you, I'll be better," he negotiated.

I shook my head and pushed him a bit. Nanghihinang napaatras naman siya at pagod na tumingin sa akin.

"Pursue not for other people but for yourself, Atlas," I said. "Sarili muna bago ang iba."

"Kasama na rin 'yon do'n, Lia. Bakit, ayaw mo ba sa akin?" marahan niyang tanong, binabasa ako. Malamlam ang mga mata niyang nangungusap.

"I like you too, I admit," sabi ko at napaayos siya ng tayo.

"But why—"

"But I am young, we are young. I have to think of other things, ang sarili ko at ang pamilya ko bago ang pag-ibig na ganito."

"Why? Will this love destroy yourself and your family?" he asked. I shook my head.

"No but this will destroy my heart," I confessed.

"I-I'd never hurt you—"

"We never know." I smiled sadly at him. "Maaga pa para masabi ang hinaharap, Atlas. We may and may not be for each other. Mas isipin muna natin ang sarili natin, mas mahalaga 'yon kaysa sa kahit ano. Maybe, when the time comes and we're really for each other, tayo pa rin talaga."

It took him time to process but when he read my expression, he nodded even if it pained him.

"I-I understand..."

"Thank you." I smiled, slowly moving closer, inangat ko ang kamay ko para ayusin ang magulong buhok niya at hinaplos ang pisngi niya. "Be better for yourself, okay? I'll do the same."

Sadly, I lowered my hand and turned my back but he called me again.

"Lia." Humarap ako sa kanya at nakitang inilalahad niya sa akin ang bulaklak. "Can you accept at least my flowers? Y-you left the bouquet last time."

It touched my heart. I didn't want leaving him like that kaya inabot ko ang bulaklak.

"Sorry at salamat," I hummed. "S-sana last na 'tong bulaklak."

He looked so hurt but he nodded, brushing his hair and staring at me with those lonely eyes.

"Final na ba 'yan?" he asked.

"'Yong?"

"Desisyon mo na...'di na kita liligawan?" he asked.

I didn't know why but it left a sting in my heart, thinking he'd definitely stop pursuing me even if it was me who asked.

"We should be better for ourselves para kapag nasa hinaharap at tayo pa rin, we're the best version of ourselves. Together."

"Alright." He licked his lips and stared at me kaya tumalikod at naglakad akong muli pero nagsalita siya.

"S-seryoso ba? Last chance na 'to, Amalia!" he exclaimed kaya natigilan ako at hinarap siya.

"Atlas, sinabi ko na nga sa 'yo—"

"M-mas maganda ang upgraded version ni Atlas Montezides. Mas maganda sa version 2.0, a-ayaw mo ba?" He pressed his lips together kaya napailing ako, frustrated na rin.

"Sinabi ko na ngang—"

"M-may limited edition 'to," he offered, kaya 'di ko alam kung magpe-face-palm ako o matatawa.

"Anong limited edition?" Kumunot ang noo ko.

"Ah, ano, may bibi mode." Napahawak siya sa batok at namula.

Umangat ang sulok ng labi ko, natawa na at umiling.

"Pumasok na lang tayo, Atlas." I smiled and turned my back, naglakad na palayo sa kanya.

"Free trial, Lia! Gusto mo?!" he offered. I shook my head, hindi na siya nilingon.

"Amalia Argueles!" he exclaimed and ran behind me. "Seven days free trial!" he negotiated.

Natawa na ako at umiling pa rin.

"Lia! Atlas Montezides Premium na lang?" sigaw pa niya, walang pakialam pang pinagtitinginan na ang nakakahiyang pagsigaw niya roon.

"Last chance, Lia!" aniya at napapikit ako nang mariin at mas binilisan ang lakad, humigpit ang hawak sa bulaklak.

"Ayaw mo?! Sayang 'to, limited edition offer lang!" sigaw niya pa kaya tumakbo na ako at makapasok lang sa loob ng university bago ko pa ma-avail ang offer.

Ma-avail ang offer?!

Nawala ang boses niya kaya lumingon ako at nakitang hinarangan siya nina Josh at Ted na natatawa. Nagsalubong ang mata namin ni Atlas. Nakikiusap ang mata niya.

"Ayaw?!" he exclaimed. I shook my head. Nahulog ang balikat niya at binalingan ang dalawang lalaki, sila na ang pinagbubuntunan ng sama ng loob niya.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at dumiretso sa chapel.

When I got inside the chapel, I offered the flowers he gave me to the altar and lit a candle. I spent my time praying and when I was done, pumasok sa classroom.

"Are you going to avoid me again?"

Sumulyap ako kay Heart na nakapahalumbaba na habang nakamasid sa akin. Umiling ako. "N-no, I just...sa clinic ako mag-la-lunch."

"You're avoiding Atlas," she said kaya natahimik ako. I tried avoiding her eyes but she can read me, nang hilahin niya ako paupo ulit ay sumunod na ako at humarap sa kanya.

"Oo," I confessed.

"Then let's avoid him together," she said kaya napaharap ako sa kanya. "Pinsan ko si Atlas at oo, bobo siya pero best friend kita, Lia."

Nagulat ako.

"Heart, ayokong iwasan mo siya, tamang ako lang—"

"You were hospitalized, right?" she asked kaya nakagat ko ang dila.

"P-paano mo..."

"Nagpa-check-up si mommy no'ng na-confine ka. I saw your mother and I found out."

"D-did you tell—"

"No, bakit ko naman sasabihin kay boplaks?" she asked. "'Di ko lang sinabi sa 'yong alam ko kasi I respect you, pero ngayong iniiwasan mo rin ako? Ayoko ng gano'n, Lia."

"Heart," I sighed. "I was just protecting my heart, alam mo namang m-may sakit ako, 'di ba? Ayaw kong bigyan ng problema ang nanay—"

"Then I'll protect you from the heartache from bobo too," aniya. "I'll be your human shield, remember?"

May mainit na humaplos sa puso ko na nangilid na naman ang luha ko.

"Hindi ko iiwasan si Atlas siyempre kasi pinsan ko siya, pero kapag magkasama tayo, siyempre, iiwas tayo sa kanya. You were there when I had no friends, Lia. When my plastic friends hurt me, you were there and became my friend. I wanted to be like that to you too. Now that you're hurting, gusto ko as your friend, nand'yan din ako, siyempre."

'Di ko na napigilan at niyakap ko na nang mahigpit ang kaibigan.

"T-thank you, Heart...maraming salamat," bulong ko.

"What is friendship for if you leave one another in times of need?" she asked and touched my back, tapping it before embracing me back.

Magkasama kami ni Heart mag-lunch pero napansin kong natigilan siya nang papunta na kami pabalik ng room para pumasok.

"Shit," she cursed, may kinuha sa bag at nakitang may libro ng grade twelve doon.

"Bakit?" tanong ko.

"Nakalimutan ko ibigay kay boplaks, kailangan niya!" she exclaimed and showed me the book.

Napakurap ako, 'di alam ang sasabihin at pinisil niya ang kamay ko.

"Sige, Lia, una ka muna. Hatid ko lang sa kabilang building ito."

"Samahan na lang kita," I said. Her eyes widened.

"Talaga? Nando'n si bobo!" she informed.

"'Di ba may klase sila ngayon?" I hesitated.

"Oo, i-e-excuse ko lang siya,"

"Then I'll come with you, pero 'di 'ko papakita, doon lang sa may tago. Ayaw kong mauna sa room," I said, naiisip ang mga babae roon. "Sina Anya kasi..."

"Alright." Humawak siya sa braso ko. "Ihahatid lang natin, sa may gilid ka lang para 'di ka makita. 'Wag ka na pala mauna sa room, baliw na 'yon sina Anya, may katok sa utak."

Magkasama kaming pumunta sa building ng senior high. I was supposed to stay in the side to hide pero nagulat nang makitang walang teacher yata at maingay ang hallway.

Ang ibang section ay nagkukulitan, ang room nina Atlas ay maingay din. Naririnig ko ang mga gitara, mukhang may nagkakantahan pa sa loob. My lips pursed, nagkatinginan kami ni Heart at umiling siya.

"Sorry, Lia. Wala yatang teacher sina Josh. Kahit dito ka na lang—" Natigil kami sa pag-uusap nang makita ko ang palabas na si Atlas kasama si Ted at Josh ng room.

Seryoso si Atlas, his lip's pursing, his brows furrowed, looking irritated. Suot pa ang niya ang varsity jacket na kulay puti at itim na pinaghalo. I watched his masculine shoulders molded on his jacket and he looked so good.

"Ayaw ko nga, Ted," he said.

"KJ naman, Cap! Akala mo dati 'di gustong-gusto!" Josh exclaimed.

"Ito na!" May lumabas na member yata ng varsity, may dalang medyo malaking box.

My forehead creased when they pulled Atlas. "Sige na, Cap, pasok ka hilahin namin, dali!"

"Ayaw ko nga—"

"Luh, KJ! Akala mo first time! Nagbago ka na, Cap!" his member exclaimed.

"Ganyan talaga kapag bigo ang puso mula sa bibi niya—"

"Gago, oo na!" Atlas puffed out a breath, medyo nanlaki pa ang mata ko nang pumasok siya sa box at naupo, napipilitan pa sabay halukipkip. It wasn't new seeing him like that.

Ganito talaga trip nila sa varsity. Minsan ang inuupuan niya basahan o bunot. Napapagalitan palagi ni coach o ng mga teacher.

Narinig ko ang tawa ni Heart sa tabi ko.

"Shit, pinatunayan na naman ni Atlas na boplaks siya," hagalpak niya.

Nagkantyawan ang mga lalaki, natawa na si Atlas nang hilahin ni Josh ang box habang nasa loob siya.

"Beep beep! Pakibilisan!" he exclaimed.

He pressed an imaginary horn.

Parang mga batang nagtawanan sila, si Atlas ay na-enjoy din kalaunan habang hinihila ang box, noong una ay kontento pa sila sa may tapat ng room pero 'di rin kinaya at lumipat sa hallway.

Ted stopped laughing when he saw us, si Josh na malaki ang ngisi ay natigil sa paghila sa box nang makita si kami. Bumaling ang pansin kay Heart na nagpipigil ng tawa.

"Ano na? Traffic? Bilis na, hindi ako sumakay dito para lang ma-late—" Atlas joked but then stopped when he saw the boys staring at us. Marahang lumingon siya at nakita ko kung paano siya napanganga nang magtagpo ang mata namin.

"Lia!" he exclaimed so loud and stood abruptly. He shook his head and motioned his hand.

"Mali ka ng nakikita! H-hindi ako bata para pumasok sa loob ng box—" he panicked and tried getting off the box pero huli na at natumba ito sa sobrang taranta niya.

He cursed loudly when he lost his balance, natumba siya kasama ang box na umikot pa sa semento, kasama siya sa loob.

"Hala..." I covered my mouth and the students walking along the hallway stopped, seeing something horrible.

It was pretty embarrassing. Namumula si Atlas nang tumayo ng diretso, tinatakpan ang mukha at pumasok sa classroom na wala nang mukhang harapin ako. Si Heart naman ay kay Josh na lang inabot ang libro, halos 'di na matigil sa kakatawa.

Noong sumapit ang uwian ay nagsabi na ako kay Heart na mauna na siya at sa ibang exit ako lalabas at mag-aantay ng tricycle nang lumapit sa 'kin si Anya.

'Di ko na sana papansinin pero may sinabi. "Oh, Lia. Sakto nandito ka, may naiwan kang libro sa banyo."

Nangunot ang noo ko roon at naisip na nagtungo nga akong banyo kanina bago mag-last period.

"Oh?" Kumunot ang noo ko at akmang kukunin ang bag para tingnan kung may kulang sa iuuwi ko pero umiling siya.

"No!" she exclaimed. "You have to go there now! Isasara na ni Manong Rudy kasi barado, baka 'di mo makuha!"

Nagdadalawang-isip pa ako kung may naiwan ba talaga ako. "Baka 'di sa akin iyon—"

"It has your name on it," she said. "One with the pink label, right?"

Doon na ako napaayos ng tayo, may ganoon nga ang mga libro ko!

"N-nasaan?" I asked, mabilis na pumasok ulit at sumunod siya sa akin, sasamahan na yata ako.

"I'll show you." She smiled and I doubted it a bit pero naisip ko ang libro ko. "Math iyon, Lia. Magagalit si Ma'am kapag nawala."

I nodded, agreeing to that. Strict talaga iyon pagdating sa textbooks.

Sumama ako sa banyo sa kanya at napansing walang estudyante sa loob kaya kinabahan na ako.

"S-saan?" I asked and she pointed at the last cubicle.

"There, oh."

I nodded, slowly walking there, and saw my book sa may malapit sa flush.

Pumasok ako at inabot iyon. Sa akin nga!

I sighed and hugged my book a bit and looked behind me. "Salamat, Anya—" But my voice vanished when she pushed the door closed.

"A-Anya?" I called, nag-panic na at tinulak ang pinto pero 'di ko na mabuksan. "Anya!" Kinalabog ko ang pinto. "Anong—"

"It's a prank!" I heard laughter. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakadungaw doon ang mga barkada ni Anya.

"A-anong mayro'n—" I gasped in shock nang may inangat sila at naramdaman ko ang pagbuhos sa katawan ko ng malamig na tubig mula sa hawak nilang timba.

I was in shock. Ni hindi na ako nakagalaw nang mabasa ang buong katawan ko. Ang isa sa barkada niya ay may hawak pang phone at vini-video-han ako.

"Aww, poor Lia! Iyak na 'yan!" hagalpak nila.

My tears fell. I shivered with the cold, terrified. Hindi ko na alam ang gagawin at sa muling marahas na pagtulak ko ng pinto ng cubicle ay nabuksan ko.

Hilam sa luha ang mga mata ay kita ko pa rin ang aliw sa mga mukha nina Anya.

"Sorry, Lia. It's a prank, funny, right?" She grinned.

Nanginginig ako sa lamig at sakit na nararamdaman. I felt like I was having an attack again that I started losing my breath. Niyakap ko ang basang libro, hindi na siya nilingon at mabilis na binuksan ang nakasarang pinto palabas ng banyo.

Tumatakbo ako palabas nang mapatid ako at napaupo sa lapag. Narinig ko ang halakhak at nakitang sina Catherine ay nasa labas, may hawak na manipis na tali, dahilan kung bakit ako napatid.

"Joke lang, Lia." Catherine smirked.

I clutched my chest, basang-basa ako at takot na takot. I looked around for help until I heard a voice.

"What the hell..." A familiar, angry voice echoed. "Amalia!"

Kahit nanlalabo sa luha ay nakita ko si Atlas, Heart at ang dalawang lalaki, tumatakbo na palapit sa akin.

"H-help me," I pleaded. My eyelids were heavy. I feel sleepy and I know I was in the verge of fainting. Hinahabol ko pa rin ang paghinga.

Atlas knelt in front of me, cupping my cheek.

"L-Lia." I heard the fear and worry in his voice. "A-are you..."

"'D-di ako m-makahinga..." I managed to say and pulled his clothes.

He cursed loudly. He took off his jacket at mabilis niyang itinakip sa hita ko at walang pasubaling binuhat ako sa braso niya.

"Heart! Josh, don't fucking let them escape!" His voice roared.

Narinig ko ang galit na boses ni Heart. Mas nanghina ako, I met Atlas' eyes and he looked so scared.

"A-Atlas..." I muttered.

"S-shh." His voice shook. "Kumapit ka."

I sobbed and he moved me closer to his chest. Kumapit ako sa kanyang batok at tumakbo na siya habang buhat ako.

"D-don't close your eyes, bibi," he said worriedly. "I-I'm here now, I'm not gonna let them hurt you again."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co