Truyen3h.Co

Brave Hearts (Published Under LIB)

Kabanata 15

heartlessnostalgia

Kabanata 15

I never thought my first kiss would be this magical and with the man I loved first, tila bulak na tumama lang iyon sa labi ko pero tila may fireworks na sa ulo kong sumasabog. Nang magtagpo ang mata namin ay nakita ko ang pigil na ngiti niya.

Akmang lilingon pa ako kung may nakakita no'n pero hinuli niya ang baba ko at hinanap ang mata ko.

"D-did you just..."

"Kiss you?" He smirked. "Yes." Muli siyang pumatak ng mabilis na halik sa akin.

I swallowed painfully, my eyes so wide it might as well fell off. Binasa niya ang labi at napangiti na naman.

"You're adorable, bibi," he muttered.

"B-bakit ka humalik? I-I mean," I panicked. He chuckled, pinching my cheek and swaying me a bit with the song.

"You see, bibi, there's this saying," aniya kaya kumunot ang noo ko.

"Saying?" I asked, hindi pa rin makapaniwala na hinalikan niya ako.

It was too fast and sudden that realistically, dapat mabilis mawala pero bakit parang nagmarka?!

"Juniors and seniors are prohibited to cross paths in balls like this," he explained.

"O-oo nga, kaya bakit—"

"If one crossed the prohibited paths and kisses his love at exactly ten PM." Sumulyap siya sa orasan at ngumisi. "Siya ang makakatuluyan mo."

My eyes widened. "B-bakit 'di ko alam 'yon?" I asked him and he winked at me.

"Dunno." He shrugged. "Maybe because it's your first time joining a ball?"

"Hmm." I nodded, hindi makapaniwala sa sinabi niya pero no'ng may naisip ay medyo bumagsak ang balikat ko at hinanap ang kanyang mata. "P-pero...'di ba, huling ball mo na 'to?"

He nodded, a lone expression in his eyes. "Yes."

"Then..."

His forehead creased and I knew my sad eyes were giving me away. Napaayos siya ng tayo at nanlaki ang mata sa akin. "Y-you think I kiss girls at every ball?" he exclaimed.

I pursed my lips. "H-hindi ba?" maliit na boses kong tanong.

"God, baby, no." He chuckled, namungay ang mga mata. I saw how the slow light above illuminated his dark and black eyes as he stared at me.

"I'm playful, yes, but I'd never just kiss them," he explained at parang tumalon ang puso ko roon sa hindi maintindihang saya.

"You mean to say na...ako lang?" I asked. He bit his lower lip. I saw how amusement played in his eyes and my forehead creased. Hinampas ko ang dibdib niya at natatawang hinuli niya ang baywang ko palapit sa katawan niya.

"Of course, bibi," he chuckled, lowering his face.

Nang magsalubong ang mata namin ay tumungo siya para paraanan ako ng mabilis na halik. Mas nanlaki ang mata ko at napalunok.

"Pakshet?"

Natigilan kami at sabay na napasulyap kay Heart na naroon na pala sa gilid. Napabitaw ako kay Atlas sa gulat at nanlaki ang mata sa kanya na nakapamaywang at nakanganga sa amin, at si Josh ay nangingisi lang.

"H-Heart..." I muttered, laughing awkwardly.

"Did I just see you—"

"N-no!" I gulped miserably, nag-iinit ang pisngi. Naramdaman ko ang hawak ni Atlas sa baywang ko kaya sinamaan ko siya ng tingin at siniko.

"Sorry, sorry." He laughed a bit and let me go.

"Hindi, e! I saw it!" sermon ni Heart sa medyo maliit na boses kahit pansin na ng mga tao ang komosyon namin.

"Guni-guni—"

"Girl, naglaplapan kayo—" Nawala ang sasabihin niya nang takpan ni Josh na nanlalaki ang mata.

"Take care of my talkative cousin, Josh." Muli kong naramdaman ang hawak ni Atlas sa baywang ko.

My eyes just widened no'ng kinukuha ni Josh si Heart sa amin na nakuha pa ang palad nitong nakatakip sa bibig niya.

"Naghalikan sila, Josh—"

"Gusto mo rin ba?" Josh asked and that stopped her mula sa pagpupumiglas.

"What..."

"Ten is still not over, baka tumalab pa 'yong—"

"Joshua!" she exclaimed. My mouth parted exaggeratedly when she pulled his hair. Nagsabunutan sila sa gitna kaya doon nabaling ang atensyon ng mga junior.

Pupunta na sana ako para umawat pero mabilis na nahuli ni Atlas ang baywang ko pabalik.

"Just let them, away-bati, 'di na ako magugulat kung magkakatuluyan 'yan," aniya.

"Pero nag-aaway sila—"

"I'm not sorry for kissing you," he cut me off kaya nawala ang sasabihin ko. Unti-unti na namang inatake ng init ang mukha ko habang nakatitig sa kanya.

"A-Atlas..."

"If the saying is true, I'm looking forward to be with you." He caressed my cheek.

"P-pero 'di naman kita pinayagang manligaw, ah?" I asked and his shoulders fell. He sighed and hugged me a bit, naramdaman ko ang paghinga niya sa buhok ko.

"I'll wait for you, I'll be deserving enough to deserve you, Lia," he whispered and slowly kissed my forehead.

Hindi rin nagtagal ang mga lalaki dahil may nakatunog galing sa faculty na may nakapuslit na seniors, muli na lang kaming nagkita noong pauwi na at sumabay kami sa sasakyan ni Atlas.

It was a magical night I'd forever cherish every waking moment. Sobrang daldal ni Heart sa sasakyan kakatanong sa nakita niya kanina. Halos kuyugin niya ako kung 'di lang ako tinatakpan ni Atlas kaya ang magpinsan ang nagbardugan doon.

"Bobo ka, boplaks!" Heart hissed.

"Magpinsan tayo kaya bobo ka rin," Atlas mocked at halos mapangiwi ako nang makita silang halos mag-wrestling na sa sasakyan.

Nang sumapit ang final examinations namin ay mas naging abala ang lahat sa pag-aaral at pagpapasa ng mga requirements sa mga teacher. Hindi na rin kami masyadong napapasyal ni Heart dahil abala, I had to maintain my grades too kaya aral na aral ako.

When I got to senior high, my grades should be deserving for the strand I'd take. Gusto kong maging proud ang nanay, gusto kong maging proud sa sarili kong achievements.

I'd do my best to have a great future ahead of me. Kahit mahirap, kapag ang isang tao ay nagsusumikap, makakamtan niya ang hangarin niya.

Impossible things were possible with hard work and perseverance, that was what I always believed. Success was when you work hard for it.

Nawala ang pansin ko sa libro nang may nagpatong ng rosas sa gitna nito. Inangat ko ang tingin at kaagad na nahuli ang ngiti ni Atlas.

"Hi, bibi." He winked and sat beside me.

"Hello," bati ko. "Napadaan ka? Walang klase?"

"It's my break." Dumungaw siya sa librong binabasa ko.

Our shoulders touched. Nakita ko ang anino niyang natatakpan ang akin. Nagkatinginan kami.

"Si Heart? Hindi papasok?" I asked.

"She will tomorrow. Umuwi lang kasi ang kapatid niya sa kanila ngayon kaya 'di nakapasok," aniya at inayos ang buhok ko. He glanced at my neck and then reached for my necklace.

"You like it?" he asked.

Gustong-gusto, s'yempre!

"Oo, maganda siya." I smiled at him. Napabaling ako sa rosas sa harapan ko. "Pinitas mo na naman?"

"Galing sa mansion 'yan," bida niya kaya natawa na lang ako at pinaglaruan ang stem ng rosas.

"Bakit ang kulit mo, Atlas?" tanong ko at ibinaba niya ang necklace ko. He rested his elbow on the table, tilting his head, at nakapahalumbabang nakatingin sa akin.

"Paanong makulit?" He flashed a manly smirk.

"Makulit na ano..." I trailed off, nahuli kong magulo ang buhok niya kaya inabot ko iyon at marahang sinuklay. "Like, sinabi ko na 'wag ka manligaw pero bigay ka pa rin ng bigay ng bulaklak tapos sunod nang sunod?"

The side of his red lips rose. He tilted his head more and pinched my cheek.

"Parang ligaw nga, bibi," aniya.

"E-e, ayaw ko ngang manligaw ka," I mumbled.

"O e 'di, 'wag natin tawaging ligaw," aniya kaya nangunot ang noo ko.

"Huh? 'Di ko gets."

"Hmm." Napaisip siya. "Parang ligaw pero dahil ayaw mo ng ligawan, iba itatawag natin."

"Ano?" I asked.

"Mag-bibing suyuan." Ngumisi siya.

Napatawa ako at napatakip sa bibig. Hinampas ko ang braso niya. Aliw na aliw na dinala niya iyon sa labi niya at kumindat.

"P-para kang baliw," I snickered, nagpipigil ng ngiti.

"I know." Nawala ang ngiti ko roon at nangunot ang noo.

"Huh?"

"Baliw na baliw sa 'yo." He foolishly grinned. Suminghap lang ako at pinalo siya ng libro kaya humagalpak siya ng tawa.

"Quiet please!" the librarian exclaimed kaya sabay kaming natahimik at nanlaki ang mata sabay tawanang walang tunog.

⋆˙⟡♡⟡⋆˙

ISANG araw ay nag-panic ako dahil naiwan ko ang gamot ko sa bahay, at dahil wala akong phone ay hindi ko matawagan si nanay. 'Di ko rin kabisado ang numero niya kaya kinakabahan na ako.

"Ms. Argueles, may bisita ka yata," tawag ng teacher sa akin kaya napatayo ako at nagtaka.

"Po?" I asked.

"Nanay mo yata," aniya kaya nanlaki ang mata ko.

Sumulyap ako kay Heart na tumango lang kaya lumabas na ako. Sa tapat ng classroom ay naroon pa si nanay dala ang isang maliit na paper bag.

"Nay!"

"Lia." She smiled softly at lumapit ako para magmano at saglit siyang yumakap. Ngumiti rin ang malambing na mata nang makita ako.

"Nay, buti napadaan ka, naiwan ko—"

"Ito." She lifted the small paper bag kaya nanlaki ang mata ko.

"Paano mo nalaman?" Ngumuso ako. Natawa siya at hinawi ang buhok ko.

"I saw it on the table, nagre-refill ka kasi kanina, 'di ba? Kaya siguro naiwan," ani nanay. Nakahinga ako nang maluwag at ngumiti sa kanya.

"Salamat, Nay," I said. "Hindi ko alam paano ko 'to kukunin kanina pa, nagsimula na kasi ang klase tapos..."

"It's okay, anak," aniya. "Basta sa susunod ay 'wag mo nang kalimutan, ah? Importante ang gamot mo, Lia."

"Opo, Nay. Sorry."

"Klase mo ngayon?" Dumungaw siya sa classroom at nakita kong nakasilip si Heart mula sa upuan namin. Nang makita si nanay ay kumaway siya at narinig ko ang tawa ni nanay pero kumaway din pabalik.

"Ang bait na bata talaga ng kaibigan mo," tawa ni Nanay bago bumaling sa akin. "Oh, siya, anak, maiwan na kita."

"Ihatid na kita sa may gate, Nay," I offered at humawak sa braso niya.

Halos magkasingtangkad na kami ni Nanay, kung titingnan nga ay mukhang ate ko lang siya, lalo na't hawig na hawig talaga ang mukha naming dalawa, lalo na kapag magkatabing ganito.

We went out our building, may mga seniors na napapatingin sa pwesto namin at natatahimik. Hindi ko sila pinansin at sumulyap kay Nanay.

"Saan ka ngayon pagkatapos, Nay?" I asked.

"Sa palengke muna, Lia. May mga gulay kasi na pwedeng maibenta ngayon."

"Okay po, ingat kayo pauwi, Nay," sabi ko pagkarating namin sa mismong exit.

"Salamat, 'nak. Ikaw din, ingatan ang puso at umiwas sa stress, hmm?"

"Opo," sagot ko. She lowered her head and kissed my forehead before waving at me and I watched her ride a tricycle to the market.

"Nanay mo, Amalia?" I stopped when I heard a familiar voice say. Sumulyap ako sa gilid at nakita si Yui na hinahawi ang buhok niya at ngumiti pa sa akin.

"Uh, oo," sagot ko.

"Hmm." She nodded and glanced at the paper bag I'm holding. "Anong sadya?"

"Uh, inabot lang ang gamot na naiwan ko sa bahay," I told. She nodded, mukhang amused pa.

"Ngayon ko lang nakita ang nanay mo,"

"Oo, madalang lang kasi siyang nandito. Naiwan ko lang ang gamot kaya nagkataon."

But there is something different in her expression. Her lip twitched.

"Amalia Argueles," she uttered my name. "Perhaps, your mother's Olivia Argueles?" Her brow raised.

"Oo, bakit?" I asked, mas nagtataka na sa kinikilos niya.

"Wala naman." Umayos siya ng tayo at hinawi ang buhok niya. "It's just that you really are interesting, Amalia."

Hindi ako nakasagot doon at kinagat niya ang labi at umiling.

"No, it's not like I'm scaring you or something." She giggled. "I'm just interested anong nakita ni Atlas sa 'yo."

"Anong ibig mong sabihin?" Doon na ako mas nagseryoso. She shrugged.

seryoso kong sabi pero humagikhik lang siya.

"Oh, nothing, Lia," she answered. "I'm just curious about you and you really are interesting. To think na miski ang maarteng si Heart ay nakipagkaibigan sa mahinhin kagaya mo—"

"Anong kinalaman ng kaibigan ko rito?" dumiin na ang boses ko.

Kaya kong tanggapin iyong ako ang sinasabihan ng masama pero 'di ang kaibigan ko.

"Wala naman," tumikhim siya. "Anyway, bye...mukhang masaya ang pamilya mo samantalang ang sa iba nagkakagulo."

Hindi na ako nakapagsalita nang talikuran niya ako at umalis na.

Binagabag ako ng sinabi niya pero hindi ko hinayaang makaapekto 'yon sa pag-aaral ko para sa finals. Pinagbutihan ko iyon at mas naging abala din kami nina Heart.

Medyo nakakalungkot din na hindi ko masyadong nakikita sina Atlas, minsan lang kapag pupuslit siya sa lunch at manggugulo sa amin ni Heart kasama sina Josh at Ted.

Tuwing umaga ay 'di nawawala ang mga pa-rosas niyang pinipitas madalas sa garden nila at si Heart na nakikita akong may hawak no'n ay tatawa lang.

"Nag-aaway 'yan sila ni Kuya Dame," ani Heart kaya napalingon ako sa kanya.

"Huh? Bakit?"

"Kasi nakakalbo na raw ang garden nila. Si Kuya Dame kasi ang nag-aasikaso niyan kaya kapag may napipitas kada araw, eh, may tanim 'yon na mga Marigold kaya halos mag-wrestling na sila ni boplaks," hagalpak niya at umawang lang ang labi ko at napatitig sa bulaklak at napailing.

Atlas talaga...

Maaga akong umuwi noong pirmahan ng clearance namin pagkatapos ng finals. I was happy because my exam results were high and good at paniguradong matutuwa si nanay nito. Ang hindi lang ako masaya ay no'ng nalaman kong hindi nakakapasok si Atlas nitong mga nakaraan dahil may problema raw.

I heard from the seniors na may family problem sila which I had no idea about. Ayaw ko namang usisahin si Heart at problema ng pamilya at personal matters iyon kaya wala akong karapatan.

I'll just wait kung gusto niyang mag-usap pero wala namang sinasabi kaya hinayaan ko na. In fact, kahit papaano'y mukha naman siyang palaging masaya kaya hinayaan ko na.

Kaya kahit papano'y masaya ako na nakapasok siya ngayon at kaagad na nag-ayang ihahatid ako.

"Seriously, Atlas, kahit 'di mo na ako ihatid," I said but he was persistent, sumulyap lang sa akin at hinuli ang daliri ko.

"Too late, bibi. We're near your house," tawa niya kaya ngumuso na lang ako at tumango.

Binusog ko ang mata ko sa tanawin habang dinarama ang palad ni Atlas sa palad ko. He was caressing my palm with his thumb in a slow manner, at kanina ko pa nababakas na medyo balisa siya at medyo tahimik pero hindi ako nanghimasok.

There must be something going on with his family. I was so worried pero ayaw kong manghimasok sa buhay ng ibang tao dahil wala akong karapatan doon.

"Ayos ka lang?" I asked after a while. He glanced at me. His black eyes twinkled a bit when the sunrays touched it briefly.

"Yes." He smiled but it didn't reach his eyes.

"Alright, basta kapag may problema ka pwede mo naman akong kausapin," paalala ko sabay hawak sa pisngi niya, to assure him.

He rested his face on my palm and nodded.

"Okay but I'm fine, bibi, don't worry," he assured me.

I hope you really are okay, Atlas.

Nang malapit na kami sa bahay ay kinalabit ko na siya. Umalis siya sa pagkakasubsob sa may leeg ko at umayos ng upo. Sabay kaming napalingon sa may tapat ng bahay at nagtaka ako nang may makitang may kulay itim na sasakyan.

"Oh, sino 'yan," I muttered and the tricycle stopped.

Nauna akong bumaba kay Atlas dahil nasa may pintuan ako. Lumabas din siya at nakita kong mas madilim na ang mata niya habang nakatitig sa sasakyan.

"Atlas?" I called when I saw his jaw clenching at medyo dumilim ang awra niya. "Hey," tawag ko at pinisil ang braso niya kaya napaharap siya sa akin.

"Hmm?" he hummed, disoriented.

"Are you okay?" I asked, nagtatanya. I saw hesitation in his eyes before he nodded.

"Yeah, I just..." Tumitig siya sa sasakyan, madilim ang ekspresyon.

"Atlas?" I called again.

His jaw ticked but he took my hand.

"I'm sorry, come on, ihahatid na kita." Tumango ako at sumabay sa kanya sa paglalakad.

Pagtawid namin sa kabilang kalsada ay napasulyap ako sa bahay. Kahit sa malayo ay nakita ko ang nanay na may kausap na matangkad na lalaki sa may gate.

My forehead creased. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Atlas sa kamay ko pero kaya hinawakan ko ang braso niya.

"M-masakit," tawag ko sa pansin niya.

Natauhan siya. Mabilis niyang nabitawan ang kamay ko. His eyes softened and he looked regretful.

"Sorry, Lia," he muttered and slowly took my hand again.

Each step I took, my chest felt heavier. Mukhang nagtatalo si nanay at isang lalaki.

"I told you to leave, Louis!" I heard nanay hiss. "Ayaw na kitang makita. 'Di ba napag-usapan na natin—"

"Liv, come on," the man said. "I can't leave you—"

"Umalis ka na!" taboy ni Nanay at doon na ako nag-panic.

"Nay!" I called. Humiwalay kay Atlas para lumapit.

Sabay silang napatalon at lumingon sa amin. Nanay looked so shocked na mabilis niya akong nilapitan.

"A-Amalia! Akala ko ba mamaya ka pa?" she asked, pero hindi ko siya nasagot. Nanatili ang tingin ko sa lalaking nakatingin na sa akin ngayon.

He was tall, malinis ang pagkakagupit ng buhok at gwapo. When our gazes clashed, I realized he really looked familiar.

"Dad." We all froze at that voice. Napasulyap kami kay Atlas na naglalakad na palapit.

"Atlas..." the man called. Mabilis siyang lumabas sa bakuran ng bahay at lumapit sa kanya.

My forehead creased as Atlas smirked at him.

"Nice seeing you, Dad. What are you doing here?" he asked and his voice had nothing but coldness that it sent shivers all over my spine.

Slowly, while staring at their almost identical faces, it dawned on me.

"Nay..." gulat akong napasulyap kay Nanay na mukhang naiiyak na pero ngumiti siya sa akin at alam kong pilit iyon.

"Atlas," she called kaya ang malamig na mata ni Atlas ay napunta sa kanya. "Napadaan lang si Sir dahil sa plantation n'yo. Wala na kasi ang truck, naisangla noong na-ospital si Amalia."

Kumunot ang noo ni Atlas. Mabilis siyang napabaling sa akin at kumalabog ang puso ko.

"You were hospitalized?" ani Atlas. Napalunok ako bago unti-unting tumango.

"O-oo, ano, okay naman na ako," I whispered but he didn't look convinced. Alam kong gusto niya akong tanungin pero 'di nagawa dahil nagsalita ang ama niya.

"It's nice meeting you. Amalia, right?" The handsome older man smiled at me.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakatingin sa akin ang mukhang galit at nag-aalalang si Atlas at nakangiti ang tatay niya.

"O-opo." I chose to flash a small smile.

"I'm Louis Montezides," aniya at inilahad sa akin ang kamay. "Nice meeting you."

"L-Lia po, Amalia Argueles," I said and humbly accepted his hand.

Napapalingon ako kay Atlas na nakatiim-bagang lang at mukhang galit. Ibinaba ko ang kamay ko at itinago sa likod ko.

"U-uh, magkasama pala kayo ni Atlas, Lia," ani nanay na ngumiti nang maliit.

"Oo nga, magkakilala pala kayo nitong bunso ko." Sir Louis tapped Atlas' back but he shrugged it off, obviously angry. Kumunot ang noo ng dad niya at tumikhim na lang.

"We're schoolmates," I answered, hindi matingnan ang mata ni Atlas na alam kong nagagalit dahil hindi ko sinabing na-ospital ako.

"I see." The man smiled again. "Atlas, hindi mo naman sinabi sa 'king magkakilala kayo ni Amalia—"

"Why would I?" I could almost hear the acid dripping in his tone.

"Atlas," the man warned. "Umayos ka sumagot, may mga kasama tayo." He glanced at me. "Pasensya na sa anak ko—"

"Huh, ako pa ang umayos? Wow, Dad, coming from you?" he asked with a scowl. It confused me.

Atlas wasn't rude so why...

Oh, regarding ba sa Dad niya iyong family problem?

"Atlas, sinasabi ko lang na—"

"And I'm courting Amalia, Father. If you're all curious." He glanced at his father and to my nanay kaya mas kumunot ang noo ko, 'di na makapagsalita.

He looked so stunned. Narinig ko ang buntonghininga ni nanay at ang paghuli niya sa pulsuhan ko.

"Atlas, anong sinasabi mo—"

"I like Amalia, Dad," he cut him off. "And I'm courting her."

Gulat pa rin ako kaya 'di na nakatanggi. Nakita ko ang pagtiim ng bagang ng dad niya at walang pasubaling hinila siya.

"Excuse me," he said firmly then glanced at us. "I'll just take my son home."

Nagkatinginan na lang kami ni Atlas habang tinutulak siya ng dad niya papunta sa sasakyan at suminghap ako nang mawala sila.

"Nay," I called my mother's attention. "Anong..."

"M-magbihis ka na at mag-meryenda, Lia," aniya at mabilis akong tinalikuran at pumasok sa bahay.

Umalis si nanay noong gabi, sinabing may ide-deliver na gulay kaya hindi ko siya nakausap. I was so confused and worried, remembering the tension earlier between the four of us.

Dahil weekend kinabukasan ay naisip kong makakausap ko si nanay pero 'di ko siya ma-tyempuhan at mukhang umiiwas sa tanong ko.

Hearing her and the man talk, that wasn't just about the truck. Alam kong iba iyon at napapaisip na ako.

Noong Lunes ay wala ako sa sarili. I wanted to try asking Heart regarding this matter.

Maagang-maaga ay nahuli ko na kaagad ang pamilyar na sasakyan nina Atlas na mabilis na lumabas ng parking lot.

My forehead creased at nakita ko ang medyo kumpulan nila roon.

"I hope his mother is fine," I heard someone from the crowd say.

Mother? Nino?

"I hope so too, may pinagdadaanan yata ang pamilya," dinig kong usapan. "Balita ko'y may kinikitang babae si Governor Louis kaya marahil..."

"Oh, the bitch's daughter is here!" Nawala ang atensyon ko sa usapan nang makarinig ng boses, nagulat ako kay Yui.

Kumunot ang noo ko roon at nagtanong, "Yui, nakita ko ang sasakyan nina Atlas, anong nangyari? Okay lang ba siya?"

"Wow, what a good actress, applause, girls." Ang mga nasa likod niyang mga barkada ay nanunuyang pumalakpak kaya mas lalo akong naguluhan.

Pinagtitinginan na kami kaya na-concious ako at mas nagtaka. "Anong—"

"Sumama ka sa 'kin, I'll tell you what happened." Yui smirked and glanced at the people around us. "The show's over, guys."

Sumunod ako sa kanya at sa kanyang barkada at nagtungo kami sa may soccer field. Tumigil kami sa may ilalim ng puno ay kaagad na humalukipkip si Yui nang bumaling sa akin.

"Girls, leave first. Mag-uusap lang kami ng masinsinan nitong si Amalia," she muttered and when the girls left, hinarap niya ako.

"His mother, Tita Beatrice, is in the hospital," she told me. Nahulog ang puso ko at nag-alala.

"A-ayos lang ba siya?" I asked. "Si Atlas? Doon ba siya nagpunta? Si Heart? Kailangan ko siyang kausapin—"

"Ang galing mo naman pa lang artista, Amalia," matalim na sabi niya. Natahimik ako.

"Ano?"

"How dare you ask how tita is doing when in the first place, it was your mother who caused that," she spat angrily.

My world stopped.

"S-sandali..." Mas naguluhan ako. "Anong kinalaman ng nanay ko roon?"

"Well, you didn't know?" She laughed, the sarcasm itched my brain. Kumuyom ang kamay ko. "Oh, the innocent Lia, inosente kuno pero nasa loob ang kulo kagaya ng nanay niya na kinalantari ang governor—"

Natahimik siya nang mabilis na umangat ang kamay ko at sinampal siya. She gasped. Mabilis ang paghinga ko at tinuro siya.

"Wala kang karapatan pagsalitaan ng ganyan ang nanay ko!" I exclaimed, nanginginig sa galit sa narinig.

"Y-you bitch!" Akmang sasampalin niya ako pero nasalo ko ang kamay niya at tinulak siya palayo sa akin. "How dare you do that to me?!"

"No, Yui. How dare you talk ill about my mother!" I snapped, malalim ang paghinga sa sinabi niya sa nanay.

"No, I am not talking ill about your mother!" she exclaimed. "I am telling the truth, Amalia! Kabit ng dad ni Atlas ang malanding nanay mo!"

Sumabog ang utak ko.

"Anong sinasabi mo—"

"Oh, don't pretend to know nothing, Argueles!" she exclaimed. I stiffened. "Don't pretend you didn't see her with Tito Louis. Kasama mo pa nga si Atlas, 'di ba? Last Friday?"

It came back to me and slowly, it sank in.

"Paano mo..."

"Oh, I saw you, Amalia. With Atlas. What a good scene, right? Mga magulang tapos mga anak? How interesting." She smirked at me. "Tita Beatrice was with me when I saw all of you, she saw it all kaya 'wag kang mag-maang-maangan ngayon."

Umawang ang labi ko, natulos sa kinatatayuan habang nakikinig sa sinasabi niya.

My mother...my mother was a mistress?

"H-hindi totoo 'yan." I gulped to stop the coming tears. "'D-di magagawa ng nanay 'yan."

"Oh, guess what? She did." She chuckled evilly at me, hinawi ang buhok. "What a coincidence, really...mga magulang tapos mga anak? But maybe it's not a coincidence at all."

Kumuyom ang kamay kong lalo, sumisikip na ang dibdib, malalim ang paghinga para kontrolin ang emosyon.

"Anong ibig mong sabihin?" I asked stiffly. She grinned, as if I asked something really interesting.

"Do you really believe Atlas likes you?" That alone made me speechless. Umawang ang labi ko. "No, Amalia, he never liked you."

"You're lying," mariing sinabi ko. "Atlas likes me, sinabi niya sa aking gusto niya ako—"

"Oh, of course, he'd tell you that." She smirked. "Paano niya masisimulan ang plano kung hindi siya mapapalapit sa 'yo, Lia?"

Nakagat ko ang dila.

"He's known for a long time now that his father is seeing your mother."

I stared blankly at her. "H-hindi ako naniniwala."

"Atlas loves his mother so much that he's willing to do anything for her. Kahit sinong aagrabyado kay tita ay kaya niyang paghigantihan, and guess what he did?"

No. She's lying. There's no way...hindi..

Natulos ako at hindi na nakagalaw nang mapang-uyam na hinaplos ni Yui ang buhok ko. "What's the best way to hurt the mother? Of course, it's to hurt the daughter first."

Natulala ako.

"And we'll get married after college, Lia. In case you didn't know," she annouced. Humapdi ang gilid ng mga mata ko. Ramdam ko ang pusong unti-unting nadudurog habang pinapakinggan siya. "So, basically, kabit ka rin, kagaya niya. Laruan at kasiyahan na pansamantala."

"Y-you're lying," I muttered weakly, hindi naniniwala.

No way! Atlas was genuine!

Natawa lang siyang nang-uuyam.

"I feel bad for you, Lia. Nadamay ka lang naman sa nanay mo but that's karma. Kasi...malandi siya?"

"H-huwag mong tawaging ganyan ang nanay ko!" sigaw ko at hinawi nang marahas ang kamay niya sa akin, nababasag na ang boses.

"Oh, ano ba dapat itawag sa mga malalanding kabit?" She smiled wickedly.

"N-no...huwag...h-hindi magagawa ni n-nanay 'yon." Nabasag na ang boses ko at nanginig na ang katawan sa sobrang nararamdaman, paulit-ulit na umiling.

"I commend Atlas' acting! My boyfriend did great, ang galing magpaikot at maghiganti sa pamilya mo. He probably kissed you at the ball." I just stared at her, my eyes bloodshot. Napanguso siya. "Oh, he kissed me too, Lia. Ang sarap-sarap niyang humalik."

Ramdam ko ang sakit habang lumulunok ako, nananakit na ang mata pero ayaw kong lumuha sa harapan niya.

"But above all, mas hanga ako sa pakikipag-plastikan ni Heart." Doon na mas nadurog nang tuluyan ang puso ko.

Not my friend. We're friends! Best friends! Umiling ako.

"W-walang kinalaman si Heart dito," sabi ko pero tinagilid niya ang ulo niya.

"Why do you think the high-maintenance Heart Alondra befriended a mere loser like you?"

I froze, remembering the time when Heart asked to sit with me, the moment she asked if I could be her friend. "A-anong..."

"She befriended you because she wanted to see through you, to know your mother more and observe you. Isa pa, paano niya tutulungan ang pinsan niyang mapalapit sa 'yo kung malayo kayo sa kanila?"

"N-nagsisinungaling ka," I stammered, hindi maisip na magagawa iyon sa akin ng mga kaibigan. "I don't believe you." Tinitigan ko siya.

No, hindi nila sa akin magagawa iyon. They were my true friends. Atlas and Heart could never do that to me!

"Lia? Lia!"

Mula sa malayo ay nakita ko ang kumakaway at nagmamadaling si Heart papunta sa akin.

"Why don't we ask her, Lia?" Yui smiled sweetly at me and waved at Heart.

Kunot na kunot ang noo ni Heart nang dumating. Nakita kong bumaling siya sa mga barkada ni Yui sa may 'di kalayuan bago tumakbo sa akin at tumabi.

"You okay?" she asked me and I couldn't talk dahil sa pagsikip ng dibdib. "Inaway ka ba nila?" Tumalim ang tingin niya kay Yui. "Ano'ng ginawa mong bruha ka?!"

Yui smirked.

"I didn't do anything..." Iritadong umirap si Heart sabay hawak sa 'kin at baling.

"Sorry, I was too late, sinamahan ko muna si boplaks sa ospital 'tsaka ko nagmamadali pabalik." Hindi ako nakasagot at tumitig sa kanya at nakita kong mas kumunot ang noo niya. Concern was written on her eyes. "Lia?"

"Oh, Heart, may tatanong kami ni Lia," Yui said excitedly, even clapping her hands a bit kaya bumaling si Heart sa kanya na nagtataka.

"What?" she asked.

"Oh, we're just talking ni Lia tapos nasabi ko 'yong tungkol sa 'yo," aniya kaya mas nangunot ang noo ni Heart.

I was watching her expression, stopping myself from breaking down because I believed her.

Heart wouldn't do that to me, she wouldn't help Atlas hurt me...and Atlas, he liked me. He'd never fool me for revenge. Alam niya ang kalagayan ko, 'di niya ako sasaktan.

"What is it?" Heart closed her arms on her chest impatiently.

"Why don't you tell Amalia how you befriended her to help Atlas? To get close to her?" Yui smiled softly.

Heart stilled and I saw how her shoulders tense. Nawala ang paghalukipkip niya at nanlaki ang mata. "H-how did you know..."

"Oh, I know your plans, kayo ni Atlas," she answered. Heart shook her head.

"Plano? What?" Heart asked. I bit my lip and spoke.

"I-is it true, H-Heart?" Pumiyok ang boses ko. Nanlaki ang mata niya at suminghap.

"L-Lia," she murmured.

"T-tinulungan mo si A-Atlas kaya ka nakipag-kaibigan s-sa akin?" My voice shook and I saw how her eyes widened as she tried touching my arm.

"L-Lia, hindi 'yon sa gano'n lang, g-gusto kita talagang kaibigan—"

"Nakipagkaibigan ka para doon?!" I exclaimed angrily at her. She was taken aback but reached for me.

"Lia, gusto kitang kaibigan–"

"Did you help him or not?" Ulit ko at nadurog ako nang mahulog ang luha niya.

"I-I'm sorry," she muttered.

Gumuhit ang sakit sa dibdib ko. Doon na tuluyang nahulog ang luha ko at umatras ako at napailing.

They betrayed me...my friends, they fooled me...and my mother's a mistress.

"I hate you," I spat coldly with tears in my eyes. Nang lumapit siya ay doon na ako tumakbo palayo, tuluyan nang napahikbi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co