Brave Hearts (Published Under LIB)
Kabanata 17
Kabanata 17
LIVING life and fighting for it wasn't as easy as it seemed. Walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay. Hindi lahat nabibigyan ng privilege na maging may kaya at maging masarap ang buhay. Ni wala ngang sino mang sigurado na magigising pa sa susunod na araw.
Life is full of challenges, uncertainties, and failures. It was full of risks, na minsan kahit walang kasiguraduhan ay kailangan mong sumugal sa mga bagay. I almost failed when my mother died but I didn't let that failure overcome my goals for her and myself.
Kasi...how will you know you'll succeed if you don't fail? Kapag ba nadapa ka ay mananatili kang lugmok at hindi tatayo? Will you let the simple scrap on your knees disable your ability to walk?
No, gamutin mo, at kahit mahirap, muling maglakad kahit paunti-unti. Baby steps were still steps, no matter how long those steps would take. If you don't stop climbing, then you'll never reach the top.
No matter what happened, I trusted the process and now, kahit wala ang nanay, alam ko sa sarili kong proud siya sa naabot ko.
"Lia, ikaw muna roon sa customer."
Nawala ang atensyon ko sa ni-re-record na mga gamot nang tawagin ako ng co-pharmacist ko.
"Sure." I smiled, tumayo ako at sinarado ang prescription record book bago tumungo sa counter. "Hi, Ma'am, good morning."
"Hello, good morning. Kukunin ko na sana ang lahat dito," aniya at nag-abot ng prescription.
I took it, binasa bago nagtipa sa computer tungkol sa mga gamot. Ibinawas ko ang quantity at nilagyan ng fulfilled ang prescription. Kumuha ako ng maliit na basket at tumungo sa may counter para kunin ang mga kailangan niya para i-dispense.
"Nice naman si Ms. Summa Cum Laude!" Napatawa nang makita ang senior pharmacist ko na kararating lang.
"Hi, Ma'am. Good morning." I chuckled.
"Congrats sa graduation mo no'ng sabado, Lia!" she cheered. "Ang bait mo naman at pumapasok ka pa rin, I assume the offers for your internships are overflowing?"
Nag-init ang pisngi ko at nahihiyang umiling. "Hindi naman po."
"Asus! Pa-humble!" tawa niya at sumandal sa may counter.
"I'm still looking into it, Ma'am," sagot ko. "I'm eyeing an offer from a large hospital for the internship bago mag-boards, but I will consult my professors muna for now."
"Hmm, I'm so proud of you." She smiled softly at me and I felt happy too. This place was almost like my home, ilang taon din akong naging pharmacist dito sa kasagsagan ng med school ko. They treated me like family.
"Thank you, Ma'am. Thank you rin for treating me like a family here," I said.
"Oh, silly, pamilya tayong lahat dito!" aniya kaya mas lumambot ang puso ko. "I'm just sad that I won't be able to see you much here because of your internship."
"Nandito naman po ako ng isa o dalawang beses sa isang linggo, don't worry, Ma'am." I chuckled. "Kailangan lang kasi talagang mag-intern. Isa pa, the hospitals are good. Sana makakuha kaagad ako ng trabaho kapag nakuha ang lisensya."
"Oo naman, ikaw pa ba!" she exclaimed, looking so proud of me. "You are one of a kind, Lia. You are so brave and resourceful too, plus the skills!"
My heart felt warm while listening to her. Para siyang si nanay kaya ngumiti ako. "Maraming salamat, Ma'am."
Natigil lang kaming dalawa nang may marinig na sigaw.
"Anong bawal?! Sinong nagsabing bawal?!" Napalingon ako kay Kid, kasama kong pharmacist na may kausap na customer.
"Ma'am, bawal po kasi—"
"E, bakit sa kabilang botika nagbibigay?!" she snapped exaggeratedly.
Natahimik kaming lahat, lalo na no'ng pinagtitinginan na naman ang mga customer na iba sa counter.
"Ma'am, gano'n po kasi talaga—"
"Hindi! Bakit noong nakaraan naman sa kabila binigyan ako! Dito sa inyo hindi! Anong klaseng serbisyo iyan!" she hissed.
Kid looked confused, nakita kong lumingon siya at nang magtagpo ang mata namin ay nahalata kong humihingi siya ng tulong.
"Go Lia," ani ni Ma'am kaya tumango na ako at lumapit sa kanila.
Gumilid si Kid nang makita na akong palapit. With a small and soft smile on my lips, I said, "Hello, Ma'am, ano pong sadya nila?"
Tumikwas ang kanyang kilay, binuksan ang abaniko at masungit akong tinignan.
"Ayan, o! 'Yang tonta n'yong kasama, ayaw akong bigyan ng gamot e, no'ng sa kabila nga nagbibigay!" she exclaimed.
The truth was, I was nervous nang kaunti. May mga ganitong customer talaga and they were scary, lalo na kapag nagtataas ng boses, pero kinalma ko ang sarili at hindi na masyadong naaapektuhan. Nasanay na rin kasi sa ilang taon ko sa trabaho at 'di na mabilang ang sigaw sa akin.
A part of my job was to be patient with customers like this. "Ano po bang bibilhin n'yo, Ma'am?" I asked.
"Clindamycin!" she hissed. I nodded, lumapit pang lalo sa counter at nagsalita.
"Pwede po bang makita ang reseta n'yo?" I asked.
She stopped. Nag-alangan siya pero umirap at pinaypay ang abaniko.
"Wala! Anong reseta, kailangan ba iyan?!" she hissed at me. I calmly nodded, tumitipa sa computer bago siya hinarap.
"Yes, Ma'am, antibiotic po kasi ito. Hindi po ibibigay kapag walang reseta—"
"E, bakit sa kabila?!" she snapped at me, tumalsik pa ang laway kaya tumikhim ako at medyo umatras pero muling ngumiti.
"Para saan po ba gagamitin?" I asked her.
"Sa pimples!" aniya. "Eskinol tapos Clindamycin!"
Oh, I knew it...hindi ko alam bakit nasanay ang mga Filipino sa maling paraan ng paggamit ng gamot.
"Sorry, Ma'am, pero hindi po para sa pimples ang gano'n. Oral po ang gamot kaya sa bibig at hindi dapat na binubudbod—"
"Anong mali?! Hindi mo ba alam na gano'n 'yon?!" Halos lumabas na ang ngala-ngala niya.
"Pwede ko po ba malaman saan n'yo nalaman 'yon?" I asked.
"Sa kapitbahay ko!" she shouted. "Pharmacist ka, 'di mo alam?!"
"Sorry, Ma'am pero hindi po kasi—"
"Palibhasa kasi tindera lang kayo!"
That was below the belt but I managed to stay calm. That's what people thought we did. Hindi nila alam ang hirap namin just to get the license kaya siguro ganyan sila.
I wanted to tell her what antibiotic resistance could do to her but I knew she wouldn't listen kaya I tried to explain, "Ma'am, hindi po kasi nagbibigay ng walang reseta dito, 'tsaka po bawal ang paggamit ng antibiotic na capsule tapos ihahalo po sa eskinol—"
"Bakit, doktor ka ba?!" she exclaimed. I flashed a smile again even if it's been testing my patience.
"No po, 'yong kapitbahay n'yo po ba doktor?" marahang sabi ko at nakita ko kung paano siya natulos sa kinatatayuan.
Narinig ko ang tikhim ng senior pharmacist namin. Ang nasa malayong customer ay nagpigil ng tawa at nag-iwas ng tingin at nakita kong kumunot ang noo ng customer sa akin.
"H-hindi!" Tumikhim pa siya bigla at umirap sa akin. "Aba, ewan ko sa inyo! Makalayas na nga! Mga barat! Ayaw magbigay ng gamot! Magsara na kayo!" She rolled her eyes nang makabawi.
We watched her turn her back at us, nagdadabog na papaalis at nang makalayo siya ay bumughalit ng tawa ang mga kasama ko.
"Nice one, Lia." Kid laughed, gano'n din ang mga customer na nag-thumbs-up pa sa 'kin. Kilala ko na ang iba at suki namin.
"Nagwala rin iyan sa isang botika, hija," ani ng isang matanda na nakapila at natatawa. "'Di rin pinagbigyan, mabuti nga."
My day went great at noong bandang mga alas tres ng hapon ay nawala na ang ibang customer kaya naupo ako sa may swivel chair.
I was busy encoding in our written prescription book when I heard a voice. "U-uh, h-hello."
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang babaeng nasa harapan ko. She was wearing large sunglasses, may bandana din ang kanyang mukha na nakapatong sa ulo at nakatakip sa kanyang labi at leeg.
"Hello, Ma'am." I smiled and stood to attend to her. "What can I do for you?"
"U-uh..." Tumikhim siya. "I-ikaw 'yong Lia, 'di ba?" Medyo pumiyok ang boses niya kaya kumunot ang noo ko, nagtataka pero tumango.
"Yes, Ma'am, paano n'yo po nalaman?" I asked her.
"Uh...ano..." Tumikhim siya at inilibot ang tingin. "Usap-usapan ka kasi," maliit na boses niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko.
"Po?" I asked. "Sino naman—"
"'Tsaka there!" She pointed at my name plate, biglang nag-iba ang boses. "You have your name there, oh!" She chuckled nervously.
"Oh, I see." I nodded a bit, staring at her face. Her voice sounded so familiar.
Nagkatinginan kaming dalawa, I couldn't see her eyes because of her sunglasses. Tumikhim siya at mabilis na nag-iwas, mas itinago ang mukha sa balabal niya.
"Uh, anyway, balita ko summa cum laude ka raw?" she asked in a small voice kaya nanlaki ang mata ko.
"Paano n'yo po nalaman?"
It wasn't that I was bragging it around here! Tanging ang mga pharmacists na kasama ko lang yata ang nakakalam nito!
"Huh?" She gasped. "Ah, narinig ko lang din!"
Napakurap-kurap lang ako at nagtataka na talaga sa kanya. I was so curious, gusto ko sanang silipin ang mukha niya sa balabal but that would be rude.
"Ang dami n'yo naman pong narinig." I smiled at her. She visibly panicked.
"Y-yes! Um..." She chuckled nervously kaya natawa na ako.
"It's okay, Ma'am," I said, ipinatong ang kamay sa may counter para maayos siyang makausap at maging komportable.
"T-tsismosa kasi ako!" she explained. I nodded, gumaan na ang pakiramdam sa kanya. "Uh, ano, Lia, congrats..."
My heart pounded, listening to a stranger congratulating me. "Thank you, Ma'am."
"Um...ano..." Her hand touched my hand on the counter. I saw her red nails as she squeezed my hand. "I just want to say na I'm so proud of you, we're so proud of you."
I was so confused but my heart felt lighter at that. "Um...okay?" Nagtataka man ay ngumiti ako at pinisil din ang kamay niya. "Ma'am?"
"He—I mean, Love. My name's Love." She chuckled and let go of my hand kaya ngumuso ako at tumango.
"Thank you again, Ma'am Love," I said and glanced at my computer. "Ano po palang bibilhin n'yo?"
"Oh!" She almost jumped. "Um, do you have some supplement na pang-bobo?"
"Po?" My eyes widened. She gasped again and cleared her throat.
"Oh, I mean, um...Memo Plus or something? Basta, the one na medyo mawawala ang pagiging...you know?" She chuckled a bit.
"Hmm, mayroon po." I smiled, tinipa ang computer. "Para sa inyo, Ma'am?"
"Um, no...para sa pinsan kong boplaks," she said and that stopped me.
Mabilis akong nag-angat ng tingin at may naalala. Pero impossible.
Nagbaba siya ng tingin.
"I mean, sa akin pala, 'di ko lang matanggap na ano...gano'n. 'Tsaka mineral water na rin," aniya. Sa huli ay hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at inayos ang computer kahit na medyo umalon ang sikmura.
"Wait here, Ma'am," I said and turned my back. Kinuha ko ang mga orders niya. "Here, Ma'am." Binigay ko sa kanya ng maliit na paper bag na mabilis niyang tinanggap.
I took her money and gave her the exact change, at habang ginagawa ko naman iyon ay alam kong nagmamasid siya kahit may sunglasses.
"Uh, Amalia, saan ka magi-intern?" she asked kaya bumaling ako sa kanya.
She knew that too, huh?
Sino ba 'to? May nagtsitsismis ba tungkol sa 'kin dito?
"Still not sure, Ma'am. I'm still taking advice from my professors in med school."
"Oh, I see." She fixed her big sunglasses. "Well, good luck with that."
"Thank you, Ma'am." I smiled and she nodded, lifting her fingers to wave at me. "Bye po, ingat,"
"Bye, Amalia!" she cheered and turned her back to me.
Amalia?
Kumunot ang noo ko at bumaling sa name plate at mas nagtaka nang mabasa ang nakasulat doon.
Hi, I'm Lia!
I watched the woman almost sprinting to walk away. May isang lalaki sa may bench katapat ng pharmacy, nagbabasa ng newspaper na nilapitan niya.
My eyes widened noong binatukan niya ang lalaki na nang mababa ang newspaper ay naka-cap at sunglasses din. They were too quick. Nang maibaba ang newspaper ay iniwan ito ng lalaki sa bench at tumayo nang sobrang bilis.
Nagkapit sila ng braso at halos nagkukumahog na umalis kaya nailing na lang ako, natatawang bumalik sa upuan.
Parang sina Heart at Atlas...
Natulos na naman ako at humugot ng hininga.
Bakit ko ba sila naisip?
That week was peaceful for me. Nang nagpaunlak ng meeting ang isa sa mga tinitingala kong professor ay humingi ako ng advice sa kanya tungkol sa ospital na papasukan ko ng internship ko bago ang boards.
My plan was to study while having my internship in a hospital, at minsan kapag may oras ay sa pharmacy naman ako para hindi titigil ang kita ko at hindi mahirapan pagkatapos.
I had to earn for myself and for my grandparents in Cagayan. Kailangan nila ako dahil matanda na rin sila kaya I was doing my best to help.
"Hello, Amalia." She smiled and offered the seat.
"Hi, Doktora, thank you so much for giving me time." I sat in front of her.
"Oh, no worries. I made sure to give you time since I expected you'd come to me. Let me think, naguguluhan ka sa papasukan mong ospital, ano?" aniya at nakangiting tumango ako at inilapag ang listahan sa kanya.
She took it and chuckled. "Well, I expected these offers for you!"
"I didn't expect it, Doktora." Nahihiyang tumawa ako. "I'm so thankful, hindi ko ine-expect."
"I'm so proud of you, Lia. When fate gave you every reason to give up, you never did," she said gently, the affection and awe in it.
"I almost did, Doktora," marahang sabi ko. "If not for your help, baka nagmukmok na po talaga ako."
"No, hija. It was because of you. Kahit anong sabi namin sa iyong lumaban ka, kung ayaw mo, may magagawa ba kami?" She smiled softly. "You did it yourself too, naging kasangkapan lang kami."
"Thank you po." I smiled sincerely at her. She squeezed my palm.
"The college of medicine is proud of you, I am too, and your nanay is probably clapping her hands for you now."
I nodded, imagining the smiling face of my mother. "Thank you po,"
Inayos namin ni Doktora ang mga offer sa akin, miski malalaki o maliliit na ospital ay nagbigay ng offer na sa kanila ako mag-internship. Now, we checked ano ang may magagandang opportunities.
"Here are our choices," aniya. "So far, ano ang sa tingin mong gusto mo?"
"I'm interested in PGH, Doktora," I said. "Or UST would be nice."
"Yeah, those are my choices too," ani Doktora sa akin. "But you see, Lia. I have the newest offer for you."
My eyes widened at her. "Really? Kailan lang po?"
"Two days ago, the director of the hospital even came here to give this to me." Hindi ako makapaniwala at nanlalaki lang ang mata sa sinabi niya sa akin.
"Para po sa akin?" I asked. "Baka naman po sa iba?"
"No, silly." She chuckled. "The letter has your name, may kinukuha rin sila dito sa atin pero medyo madalang silang kumuha ng intern o mag-open ng slots kaya I was really thrilled when I talked to the hospital's director and he specifically mentioned you."
"Wow..." I muttered. "What hospital, Doktora?"
"St. Luke's."
Bumilog ang bibig ko at napatakip sa bibig. Natawa siya sa reaksyon ko at nailing.
"You really are adorable, Lia." She chuckled. "Here's the letter, and so far, based sa nakikita ko, their offer is better than the rest."
Inabot niya ang letter at namamangha ko iyong binasa at mas natuwa nang makita ang pangalan ko sa sulat.
"Wow, oh my God." Napailing ako, namamangha pa rin. "T-talaga pong ibinigay mismo ng director?"
"Yes, Lia," she said. "He said he had feedback for you and your grades are good, may mga doktor din sa kanilang pasilidad ang nagrekomenda sa 'yo. I recommended you too kaya may tiwala talaga siya at gusto kang kunin."
Naiiyak na ako sa saya kaya pinaypayan ko ang sarili ko. Tatawa-tawa naman si doktora na nagtawag pa ng secretary niya para sa tubig.
"Beth, hello, pahingi naman ako ng tubig? Our Summa is hyperventilating." She chuckled.
The secretary entered the office, nagkatinginan kami at kinuha ko ang tubig at uminom doon at natawa rin ito sa akin.
"Kalma, Ms. Lia, ang puso mo." She smiled.
"Oh my God." Ibinaba ko ang baso. "I-I just, I'm overwhelmed."
"Deserve n'yo naman, Miss." She beamed. I smiled back.
"Thank you, Ms. Beth."
She left after that, ang nakangiting mukha ni doktora ang nakasalubong ko at inilahad niya sa akin ang folder.
"If you choose them, they have a lot to offer you. Your internship with them will be paid, like you're a new doctor, though hindi kasingtaas ng lisensyado ay malaki para makatulong sa 'yo. Your grandparents are in the province, right?"
"Yes po," I said, staring at the photos of the hospital.
"You also have your offs, sakto para sa pagre-review mo o kaya ay sa pagpasok mo sa pharmacy. Bukod sa bayad sa intership mo, they will give you a new apartment near the hospital. No, I think it'll be a condominium unit."
My eyes widened. "R-really po?"
"Yes, they have condo units for their professionals. Sagot nila iyon, the only thing you'll think of is the water, electricity, and food."
That sounded tempting and great! Makakabawas ako ng renta sa maliit kong apartment!
"Malapit lang sa ospital ang condo, pwedeng lakarin kung hindi ka nagmamadali—meaning, exercise at tipid ka rin. Isa pa, they said that once you have your license then pasok ka kaagad sa kanila."
"Wow..." I blurted, so amazed and flattered.
I never expected this kind of opportunity!
"The hospital is high-class too, magagaling ang mga doktor. If you ask me, I'll definitely choose this one. This will benefit you, hindi ka na magpapakapagod magtrabaho dahil nabawasan ang gastos mo."
After thorough thinking, ngumisi si doktora at nagtanong.
"So...?"
"I'll take this one, Doktora," I said and she clapped her hands in glee.
Pagkatapos naming mag-usap ay nag-decide akong nagtungo sa chapel sa loob ng campus. I opened the glass door and the familiar scent of flowers and candles filled my nose.
It made me smile. Lumapit ako sa pinakamalapit na upuan sa altar at lumuhod, marahang ipinipikit ang mata.
Hi, God. Thank you so much for giving me such blessings. Thank you so much for showering me with gifts and opportunities. Please guide me in this journey. May my heart remain brave despite every challenge. Thank you for waking me up this morning and for the years to come.
Please guide the people I love and cherish and lead them away from harm. Please give me the will to forgive and start anew. I hope I'll finally find my happiness.
Lumabas ako ng chapel na may ngiti sa aking labi. I fixed my small bag, hinawi ang itim at mahabang buhok na sumasabog sa hangin at niyakap ang dalang envelope.
Naglakad ako sa may tahimik na parking lot sa sakayan pauwi sa apartment.
Ang mga tuyong dahon ay nagkalat sa daan, the cold air caressed my skin at hindi man kasing sariwa ng hangin dito ang hangin sa probinsya ay masarap pa rin sa pakiramdam dahil sa mga puno.
I heard footsteps behind me habang kinukuha ko ang phone ko para sulyapan ang message ng mga kasama ko sa pharmacy na nag-aayang lumabas.
From: Kid
Lia, labas tayo? Sasama sina Ma'am. Manlibre ka raw hahaha!
That made me smile, mabilis akong tumipa.
To: Kid
I'm busy now, Kid, e. Next time? Kapag off ko labas tayo, promise, libre ko.
"Hala, may ka-text, sabi ko sa 'yo may jowa na, e. Bobo ka kasi."
Ibinaba ko ang phone at ibinulsa habang naglalakad.
"Tss, shut up," a baritone voice said and my forehead creased.
"Wala na, huli ka na. Ayaw mo kasing lapitan, ang tagal na—"
I immediately looked behind me at the two stopped, hindi ko nakita ang mukha nila dahil may payong silang nakabukas na kaagad naitago ang mukha nila.
Inangat ko ang kamay pero wala namang ambon.
May araw ba?
I shook my head, muling naglakad at sumulyap sa phone nang tumunog.
From: Kid
Okay, asahan ko 'yan, ah?
To: Kid
Sure :)
"Tara na ba? Baka maiyak ka na?" Maliliit na boses ulit ang nagtanong.
"A-ayoko nga, bobo ka ba?" I heard the manly voice say pero tila maliliit na bulungan ng mga daga.
"Anong bobo? Baka ikaw ang bobo, idamay mo pa ako—"
Muli akong lumingon at kasabay ay ang pagtalikod noong dalawa sa akin, ang payong ay nakabukas pa rin. Tumigil ako sa paglalakad at pinagmamasdan silang palayo, marahan ang lakad, nakapayong pa kaya likod lang ang nakikita ko.
Nagbubulungan pa sila roon at medyo lumingon 'yong babae pero sa sobrang bilis ay 'di ko nahuli.
"Shit, a-akbayan mo ako!" I heard her say.
"Huh? Bakit—"
"Isa!" Nakita kong inakbayan siya no'ng lalaki at nang makalayo na sila dahil medyo tumatakbo na ay natawa na lang ako at napailing.
There were really weird people here, I guess?
When I got to my first day of internship, I was nervous yet very excited. Inayos ko ang aking mahabang buhok sa salamin at hinayaang ilugay sa likod. Wala na akong bangs.
I brushed it very neatly, hinagod ko rin ang simpleng pormal na dress ko at nagsuot ng flats.
Orientation pa lang naman ako at uuwi rin muna kaagad pero dapat ay presentable since ang sabi nila'y first impression lasts.
Kinuha ko ang maliit na handbag at sumulyap sa salamin. Matangkad na ako dati pero sa tingin ko'y mas tumangkad ako ngayon.
The light make-up I chose to wear highlighted my high cheekbones. Medyo tumapang ang mata ko sa eyeliner ko at naglagay ako ng manipis na pink lipstick sa labi ko para tapusin ang look.
Nang napatingin sa aking leeg ay parang may kulang dahil sa medyo mababa ang neckline ng dress ko kaya pumunta ako sa drawer at naghalukay ng necklace.
A gold round necklace caught my eye. I paused. Kumalabog ang puso ko at napalunok, napapailing na at sumubok maghanap ng ibang kwintas, pero wala nang makitang babagay sa damit. Kahit medyo mabigat ang loob ay sinuot ko iyon.
Tatanggalin ko rin kaagad...para lang ito sa damit ko.
Dahil first time ko lang sa ospital ay sumakay ako ng taxi para hindi ma-haggard sa biyahe. Nang maibaba ako sa Taguig ay namangha kaagad ako sa itsura ng ospital. I saw the photos yet the actual look amazed me.
Kulay puti at asul na magkahalo ang nakita ko kaagad na kulay ng mataas at malaking pasilidad, sa gitna ay kitang-kita ang malaking logo at pangalan ng ospital.
I smiled, entered the lobby and at first look, I thought I was in a hotel! Malaki ang pasilyo at may mga escalator. Sa reception area, sa likod ng mga taong nakauniporme ay ang logo muli ng ospital.
I walked towards the reception gracefully. Inayos ko ang bag ko bago lumapit at sinalubong ng ngiti ang medyo batang attendant na nanlaki ang mata sa akin.
"U-uh...magandang umaga, Ma'am." He smiled.
"Good morning, I have an appointment," panimula ko at natulala siya saglit sa akin. Siniko lang siya ng katabi kaya napatalon at natawa pang alanganin.
"S-sorry, Ma'am. Uh, anong pangalan po nila?"
"Amalia Lorraine Argueles," I answered at nagmamadaling nagtipa sa computer ang lalaki.
"Hello, Doktora, bago po kayo?" baling sa akin no'ng isa.
Nagulat ako sa tawag niya pero natuwa rin. "No po, intern pa lang. I will still take boards pa po,"
Tumango siya, namamangha.
"Ay, sorry, Ma'am, akala ko doktor na kayo. Ang professional n'yo kasi tingnan!" aniya kaya ngumiti ako,
"Salamat po, Sir. Pero intern pa lang naman, future doctor, kung papalarin."
"Kaya 'yan, Ma'am! Kayo pa ba!" he cheered.
"Uh, Ma'am, kay Doc Sean po, right?" tanong niya. Tumango ako. "Third floor po."
"Thank you, nasaan ang elevator n'yo?" I asked at inilahad nila sa akin ang daan.
"Ihatid na kita, Ma'am," ani no'ng mas bata kaya pumayag ako at sumama. "Dito na tayo, Ma'am. Nasabi ko na po kay Doc Sean, he'll guide you."
"Salamat, Sir. Good day," pasalamat ko.
The hallway was bright and big at sa malayo ay nakita ko ang iilang mga staff na may suot na kulay asul na scrubs. It made me feel giddy and excited to work here.
"Ms. Argueles?" Nabaling ang pansin ko at nakitang ang isang doktor na naka-scrubs, medyo may edad, siguro ka-age ni Nanay ang nasa gilid ko. "I'm Dr. Sean."
"H-hello po! Good morning!" magalang kong bati sa kanya at inilahad ang kamay. "Amalia Argueles po."
"Oh, yes, I know you." He chuckled and accepted my hand. "It's nice meeting you."
"Salamat po, nice meeting you too." I smiled.
Nanatili siyang nakatitig, malambit ang tingin bago mukhang natauhan.
"I'm the head of the medicine internship department," aniya bago naglakad kaya sumunod ako. "I wanted to tour you around but I'm in a tight schedule today."
"Oh, no worries po. I understand."
"Oh, these are the nurses." Inilahad niya at nakitang nagsitayuan ang mga nurse para bumati.
"Hello po, magandang umaga!" I beamed.
"Hello, Doc," they greeted. My eyes widened.
"Naku, hindi pa—"
"No, it's okay, kahit intern, we call them doctor kasi saan pa ba sila patungo?" ani Dr. Sean kaya namangha ako at bumaling sa nurses at inilahad ang kamay sa kanila.
"Nice meeting you all." Isa-isa silang nagpakilala sa akin.
"Oh, nasaan 'yong isang Pusong makulit?" ani Dr. Sean na natatawa.
"Ah, nasa cafeteria, Doc. Nag-break, babalik iyon mamaya," one of the nurses said.
"Oh, I see." Bumaling siya sa akin. "I'll tour you around when I have the time pero for now, para ma-brief ka sa gagawin mo at maikot ka kahit papaano, I'll assign you to one of our resident doctors."
I nodded and smiled.
"Can you please call the attention of Dr. Louis?" ani ni Dr. Sean.
"Ah, 'di na kailangan, Doc. Ayan na si Doc Pogi!" Itinuro nila ang isang pasilyo at halos matulos ako sa kinatatayuan nang makita ang lalaking paparating.
The man in a baby blue dress shirt came from a room, nakatungo at binabasa ang nasa chart. The dress shirt was tucked in his black slacks, and his powerful legs walked like he owned the place. He was sporting a clean cut, seryoso at kunot ang noo habang papalapit.
He looked oblivious to everything. His broad shoulders were emphasized in the white doctor's coat he was wearing. He was taller now, kitang-kita ko ang mas pagdepina ng panga nito at para akong nawala sa sarili, tulala.
Tuloy-tuloy ang lakad nito, nakatungo sa binabasang chart at mukhang papasok sa isang salamin at tinted na opisina nang biglang tinawag ni Dr. Sean.
"Louis, hijo," Dr. Sean called and he walked past us nang bigla siyang lumingon at nagsalubong ang mata naming dalawa. Bumaling siya sa harapan muli pero napa-second look at nanlaki ang mata.
I saw how stunned he was, dire-diretso ang lakad sa pintuan ng opisina at saktong pagbaling niya paharap sa daanan niya ay sumalpok ang mukha niya sa salaming pintuan na nagbigay ng malakas na kalabog. Nang maupo siya sa lapag sa impact ay kasama ako sa napasigaw.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co