Truyen3h.Co

Brave Hearts (Published Under LIB)

Kabanata 20

heartlessnostalgia

Kabanata 20

"I...don't actually know what to say," I muttered while staring at the side of the vehicle.

Lipat Bahay Gang

Wasn't this some kind of syndicate? Anong tawag doon? Akyat Bahay Gang?

"Nah, you don't actually have to say anything, Doktora." Napabaling ako kay Atlas na tumayo sa gilid ko. "We're just here to offer you a moving service."

Napanguso ako at nagtaka. "Bakit kayo?" I asked, biting my lower lip. "I mean, I called Sir Alex last night—"

"Ah, nagkasakit kasi si Sir Alex," ani Atlas kaya mas kumunot ang noo ko.

"Then, ang mga kasama niya? Bakit—"

"Parehas lang naman, Lia. Bale A, Alex at Atlas. At least parehong A." Ngumisi siya.

My forehead creased, napatawa na si Heart sa gilid at naglakad sa tabi ko.

"Bobo naman ng dahilan, boplaks." Heart hissed and smiled brightly when she saw me looking at her. "Pasensya na, Lia, ah? Ano kasi...may sakit nga si Kuya Alex kaya kami ang nautusan."

"Bakit kayo?" I asked, nakita kong lumabas na si Ted sa sasakyan at naglakad na rin papalapit. "Wala ba siyang empleyado or assistant?"

"Uh, kami 'yong assistant." Atlas smiled, at dahil sa shades ay hindi ko alam kung nagloloko ba ito o ano.

Sumandal ako sa gilid ng sasakyan, pinagmamasdan ang nasa harapan ko.

Atlas was wearing a black shirt and maong pants, nakataas ang sulok ng labi pero 'di ko makita ang kanyang mata dahil sa shades. Si Heart ay malaki din ang ngiti at may hawak pang papel at si Ted ay nakatitig sa akin at ngumiti nang mahuli ko siya.

"Hi, Lia." He smiled. "You look so...pretty."

Nagulat ako pero 'di ko naman makakailang na-miss ko rin siya.

"Hindi naman. Ngayon lang kita nakita ulit, Ted, ah," bati ko at ngumiti sa kanya.

Si Ted siguro, kahit papaano'y itinuring akong kaibigan. Before I even got close to Heart and Atlas, nakakausap ko naman at nagkakasabay na kami noon pa sa biyahe.

Siguro nama'y itinuring niya talaga akong kaibigan? I hope so...

"Yeah, I'm working in Cagayan. Bumisita lang ako kasi bakasyon ko ngayon tapos—"

"Lagpas na tayo sa time limit," ani Atlas kaya natigilan. Napasulyap ako sa kanya. "Magbuhat na ng box, Ted!"

"Chill." Ted laughed, lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Ted!" Atlas growled. Kunot na ang kanyang noo at pirmi ang labi. He removed his sunglasses, halos mapairap na.

"Oo na, oo na, chill," tawa ni Ted kaya napatawa na rin ako. Nang bitawan niya ang buhok ko at pinisil pa niya ang pisngi ko.

"Putang..." I heard Atlas hiss kaya napaatras ako kay Ted.

Ted burst out laughing, naiiling na ngumisi siya sa akin at bumaling kay Atlas.

"Sorry na, Cap," ngisi nito at bumaling sa akin. "We'll take care of your boxes first, okay?"

"Sure."

Nang lumayo na si Ted sa akin at lumapit kay Atlas ay nahuli ko ang nagtagal na tingin nito sa akin. I just stared at him, confused why he looked like a kid throwing tantrums. Napakurap ako nang umirap siya bigla.

Excuse me? What...did I do wrong?

Inakbayan siya ni Ted at nagulat ako nang suntukin ni Atlas ang braso no'ng isa, para silang nag-aaway.

"Gago, 'wag mo 'ko kausapin, 'di tayo close!" Atlas snapped. Humahalakhak lang ang huli.

"Uh, good morning, Lia!" Napabaling ako kay Heart at nakitang nasa harapan ko na siya.

"Uh, good morning din," tipid kong sabi at ngumiti siya, inilalahad sa akin ang papel.

"Uh, ito 'yong sa ano...company. Pirma ka muna." I nodded, kinuha ko ang papel. When I saw my name, pumirma ako at ibinalik iyon sa kanya. Nakangiti niya iyong tinanggap.

Nagkatinginan kaming dalawa at bigla akong nailang, hindi alam kung anong sasabihin o kung paano siya papakitunguhan kaya tumikhim ako.

"Ah, thank you for coming here to help me move," I told her formally. "Sana hindi ako nakaabala."

"Oh, no! Not at all!" Umiling siya. "It's our off kasi, saktong dumalaw si Ted kagabi kaya sasama na raw sa amin."

I nodded and cleared my throat, watching the boys carry the boxes with my things inside the vehicle, nagtatalo pa ang dalawa at mukhang si Atlas ang asar-talo dahil nahuli ko pang balak niyang ihagis ang box kay Ted na tumatawa.

"Um..." Heart was fidgeting with her hands, as if nervous, kaya ngumiti ako.

"Thank you, Heart."

"Lia, about sa ano," she started kaya sumulyap ako sa kanya. "Sa nangyari noon, if it's okay with you? Can I...I mean, can we talk?"

I swallowed thickly when the sting came back. I hesitated at first pero naalalang sinabi ko sa sariling kung sakaling ganito ang mangyayari ay papakinggan ko sila.

I looked at her eyes and saw nothing but genuine hope. While looking at her, I remembered my friend way back...ang tanging kaibigan ko. One of those people who treated me like I was worth to be friends with someone.

One who protected me from bullies. One who stood up for me...until I realized it was part of their plan.

I felt so sad but every time na naaalala ko ang nangyari kung bakit sila nakipaglapit sa akin ay nasasaktan lang ako.

"P-please?" She gave me her puppy eyes. "Please, Lia?"

I bit my lip and sighed, nodding. "Okay."

"Shit, yes!" she cheered at sa sobrang saya niya ay napatalon siya at niyakap ako. My eyes widened, mahigpit iyon at mukhang excited na excited.

"Thank you, Lia!" she gushed.

Napatingin sa amin ang dalawang lalaki. Napangiti si Ted at napanguso si Atlas, nangingiti rin.

"W-welcome," tikhim ko at nag-aalangan man ay inangat ko ang kamay at tinapik ang kanyang likod, medyo gumaan din ang pakiramdam.

Nailagay na ng mga lalaki ang kaunting gamit ko sa likod ng sasakyan, at nang mapahiwalay kami ni Heart ay nakita kong nangingilid ang kanyang luha pero malaki ang ngiti.

She avoided my gaze, palihim na may pinunasan sa gilid ng mata.

"Heart—"

"Okay na, Lia," Ted suddenly said kaya napabaling ako sa kanya at ngumiti.

"Salamat." I smiled. He nodded. Nang bumaling ako kay Atlas ay nakatitig lang siya sa akin.

The sunrays shone upon his face. Even his silhouette looks good.

My heart pounded at his stare. He moistened his lower lip and suddenly smirked.

"Bakit si Heart mayro'n, pahingi din ako." He spread his arms, stepped closer and closed his eyes kaya nagtaka ako.

"Tara, Lia, tabi tayo sa loob!" Heart took my wrist and pulled me kaya napasama ako sa kanya nang makarinig kami ng kalabog.

My eyes widened, napalingon sa likod at halos mapanganga nang maabutan si Atlas na sumapok sa gilid ng sasakyan kung nasaan ako nakatayo lang kanina.

"Fuck!" Atlas cursed when his face slammed on the window. Napangiwi siya't napahawak sa noo.

"Oh my God," I gasped.

"Ay, bobo," humagalpak si Heart at ganoon din si Ted.

Mabilis akong napahiwalay kay Heart. Lumapit ako kay Atlas na nakapikit at hawak ang kanyang noo, puno ng pag-aalala ang puso.

"Are you..." I caught his hand. Nang nakita ang mapula sa may bukol niya kahapon ay umawang ang labi. "Atlas..."

"A-aray ko," he growled and slowly opened his other eye, at nang makita akong nakatitig sa kanya ay bigla siyang pumikit at ngumiwi.

"M-masakit? Sorry!" I exclaimed. "Ano, tinawag kasi ako ni Heart..."

Hindi naman magkamayaw sa hagalpakan ang dalawa sa may gilid namin na iba na ang tunog.

"Hoy, Montezides, alam kong boplaks ka kapag nand'yan si ano...pero 'wag mo namang gawing hobby!" hagalpak ni Heart sabay apir nilang dalawa ni Ted.

"Atlas," I called. Nang idampi ko ang kamay sa bukol niya ay napangiwi siya lalo. "Masakit?"

"Y-yeah." He cleared his throat and sighed. "P-parang nahihilo nga ako."

"Huh?!" My eyes widened.

Awang-awa na kasi kahapon lang ay sumalpok siya tapos ngayon na naman.

Poor Atlas...

"Tara, maupo ka muna sa loob," I offered and took his arm. Sumama siya sa akin, mukhang nanghihina at hawak pa rin ang noo.

Rinig ko pa rin ang mahinang tawanan ni Heart at Ted sa likuran ko, at nang lingunin ko ang dalawa ay biglang umayos sila ng tayo. Si Ted ay naubo pa at sumipol sa hangin.

Natatawa ako na hindi ko alam. Nang maipaupo ko na si Atlas sa sasakyan ay nakadungaw ang dalawa sa may pintuan sa akin.

"Um, wala kasi akong compress," I said when I noticed Atlas' swollen forehead. Bumaling ako sa dalawa. "Pwede bang pabili ako ng yelo o kaya malamig na tubig? Para lang kumipis."

Si Ted ay tumango at may sinabi kay Heart kaya mabilis na pumasok si Heart sa loob ng sasakyan at naupo sa may tapat namin.

"Ayan, Atlas, yakap pa more," she muttered lowly and Atlas opened his eyes. I caught him glaring at Heart pero nang makita akong nakatingin ay lumambot ang mata at sumandal sa may gilid, nakatingin sa akin.

"Lia, masakit," he groaned like a wounded puppy.

I sighed, naiiling na inabot ang pisngi niya para titigan ang kanyang noo.

"Ikaw kasi, hindi pa nga magaling 'yang bukol mo makulit ka na naman," I said.

"Umalis ka kasi, e," nguso pa niya at tumitig sa akin.

"Kasalanan ko pa?" I asked, quite shocked. Tumaas ang kilay ko. Dagli siyang umiling.

"Hindi po," he said in a small voice.

"Ay, under..." Sabay kaming napalingon kay Heart na nakangisi lang sa amin at umiling. "Ay, 'wag n'yo akong isipin. Wala ako rito, invisible."

"Lia, here." Nawala ang atensyon ko sa magpinsan na nagtatagisan ng tingin nang umakyat si Ted sa sasakyan. He handed me the cold mineral bottle.

"Thank you,"

"No worries." He chuckled and smiled back pero bigla siyang sinipa ni Atlas. Binalingan ko si Atlas na biglang napaayos ng upo.

"Bakit mo sinipa si Ted?" I asked seriously and his eyes widened, panicking.

"Huh? Wala naman, hindi ko sinipa—"

"I saw it," I said at nakita kong nagpipigil ng tawa ang dalawa habang si Atlas ay parang napagkaisahan. "Apologize, bumili na nga siya ng tubig para sa bukol mo."

He hesitated at first but when he saw I was serious ay napabuntonghininga siya at bumaling kay Ted.

"Sorry," bagsak balikat niyang sabi.

"Mukha namang 'di sincere," Heart muttered softly at pinanlakihan siya ng mata ni Atlas. Nang bumaling sa akin ay tinitigan ko lang siya kaya suminghap at bumaling kay Ted.

"Sorry, Ted," aniyang malayo. Ted's brow shot up, amused.

"Okay lang." Ted smiled. "Kaya mo bang mag-drive, Cap?"

"Ikaw na, ano...nanghihina pa ako." Ma-dramang sinapo niya ang noo kaya napabuntonghininga ako at nailing, hindi alam kung maniniwala pa sa sinasabi ni Atlas o ano.

"Alright." Ted chuckled and nodded. "Sige, Lia, magda-drive na ako. I have your address, don't worry, alam ko na saan ang punta."

"Thank you, Ted."

"No worries," he said and closed the door.

Kumaway ako sa mga kapitbahay na naging malapit na rin sa akin, at pagkatapos magpaalam ay bumiyahe.

"Lia." Napabaling ako kay Atlas nang magsalita siya, nakasandal pa rin at nakadikit sa noo ang cold mineral bottle na hawak.

"Hmm?"

"Can I..." Lumunok siya at marahang umusog sa pwesto ko. "Can I rest on your shoulder?"

My heart swayed. Napasulyap ako kay Heart na nanunuod, nangingiti pero mabilis na nagbaba ng tingin at nagtipa sa phone nang mapansin ako. Bumaling naman ako kay Atlas na mapungay ang tingin.

"Kung...ayaw mo okay lang, I understand." He suddenly sounded so down and something tugged inside my chest.

"No, it's okay," I said. "You can...rest here first."

His face brightened, humawak siya sa braso ko at ipinalibot ang braso niya roon bago tumungo at sumandal sa aking balikat.

I lifted my hand a bit, fixing his head on my shoulder. I felt him freeze but then relaxed.

"Thank you, Lia," he hummed.

Nakatulog si Heart sa biyahe, miski ako na abala sa pakikipag-usap kay Ted na nagda-drive ay bigla ring inantok dahil tulog ang dalawang kasama ko sa likod.

Si Heart ay nakasandal sa gilid, may unan sa leeg. Si Atlas naman ay malalim din ang tulog sa balikat ko, nakapaikot ang braso sa braso ko. Nang mahulog ang ulo niya ay mabilis kong sinalo at marahang ibinalik.

"Bale sa ngayon, inaasikaso ko 'yong poultry namin sa Peñablanca, nandito lang ako kasi may supplier na kikitain, bakasyon na rin."

"Hmm, that's good. Ikaw ang nagmana?"

"I'm just managing, sina dad pa rin." I nodded, tinignan ko silang tatlo at nagtaka dahil parang may kulang.

"Anyway, Ted?" I asked. "Kulang kayo, ah? Si Josh?"

Natahimik siya, nangunot ang noo ko at natawa siya bigla, naiiling na tumingin sa salamin para makita ako.

"Well, he's in Cagayan. You can ask Heart or the two about it, mas maganda kung siya ang magke-kwento," he answered and confused, I nodded. Nagtataka rin.

Ano'ng mayro'n?

I yawned. Nahuli yata 'yon ni Ted.

"You should rest first, Lia," he gently told me.

"Pero wala kang kausap," I muttered. He just shrugged and chuckled.

"It's alright, Lia. You should really rest first," he encouraged.

Noong una'y nakikipagkwentuhan pa ako kay Ted pero hindi na kinaya at umayos ng sandal. I fixed Atlas' head first and rested my head slowly on his head too to relax.

I felt so calm right now...ipinikit ko ang mata ko at hindi na napansin at basta na lang nakatulog.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog, naalimpungatan lang nang medyo may madaanan kaming bako sa daan kaya umuga ang sasakyan.

I opened my eyes a bit, at mula sa may pisngi ko ay ramdam na ramdam ko ang init sa aking gilid at ang haplos sa aking panga. The familiar perfume reached my nose and I moved a bit. Nang tuluyang imulat ang mata ay naabutan si Heart na nakaangat ang phone at napatalon.

"Lia!" she exclaimed, halos ihagis ang phone niya sa gulat.

Kumunot ang noo ko, ginilid ang mukha at halos mahulog sa inuupuan nang matanto ang pwesto ko. That was when it slowly sank in that I'd been resting on Atlas' chest!

Bumaba ang mata ko sa kamay niyang nakapatong sa hita at nag-palpitate ako nang makitang magkahawak ang kamay naming dalawa. His fingers touching my thumb affectionately!

Shivers ran down my spine.

Napabalikwas ako ng bangon at nakuha ang kamay ko. Bumaling ako kay Atlas na napaayos ng upo.

"Hi, Lia." He even flashed an innocent smile.

"Why am I..." I pointed at his chest and gulped. "'Di ba, ikaw ang nagpapahinga?"

"Nagising ako kaagad and you were sleeping too so I assumed na ikaw naman dapat ang pagpahingahin. You looked uncomfortable too kaya..." Napahawak siya sa batok.

"Oh, it's okay," I said. "Pasensya na at nakatulog din."

He nodded. He licked his lip and moved closer to me. Sa gulat ay 'di ako nakagalaw kaagad, hanggang sa iniangat niya ang kamay at marahang inilagay ang iilang hibla ng buhok sa likod ng tainga. "Let me fix your hair."

I stared at him looking so passionate doing that. Marahang sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang daliri.

I heard a sound, mabilis kaming napalingon kay Heart na napaayos ng upo at tumikhim.

"W-wala akong ginagawa, ah?" Hilaw siyang ngumisi.

"We're here!" Napabaling ang atensyon namin kay Ted no'ng tumapat kami sa malaking building.

"Is it..." Napakurap pa ako habang dinudungaw ang entrance, salamin iyon at hindi pa man ako nakakapasok ay alam ko ng mamahalin at sosyal. "The unit?"

"Yes."

Gulat lang ako. "H-hindi ba 'to hotel?"

Heart giggled and sat beside me.

"Yes, mukha talaga siyang hotel, Lia. Lalo na kapag pumasok na tayo! OMG, I can't wait to tour you around!" she exclaimed happily.

Nakipag-usap si Ted sa guard na sumalubong, at si Atlas ay may tinitipa sa kanyang phone bago bumaling.

"Wait here, girls. Kakausapin ko ang manager."

"Sige, maraming salamat."

Hinawakan niya ang tuktok ng ulo ko bago tumango at mabilis na lumabas sa sasakyan.

Ted went to park the car at si Atlas naman ay pumasok sa loob ng building.

"They have gyms too here, Lia!" kwento sa akin ni Heart pagkababa namin sa sasakyan habang ang mga bellboy ay nilalagay sa cart ang mga gamit ko.

"Grabe, mukhang mamahalin talaga dito, Heart," I whispered, medyo nag-aalangan. "Sure bang dito talaga ang mga employee? Masyado namang sosyal?"

"Oo," tawa niya at kinuha sa kamay ko ang isang bag na hawak. "They have pools here too! Tapos around the area may park where you can exercise and stroll. May malls din nearby!"

Nakakapit siya sa braso ko habang naglalakad kami patungong elevator. Si Ted ay abala sa pakikipag-usap sa mga bellboy na dumalo sa amin.

"Parang nakakahiya," I mumbled. "I mean, pangmamahalin ang unit? 'Di ko pa nakikita but feeling ko, oo."

"Oh, silly." She chuckled. "'Wag kang mahihiya. Isipin mo na lang, kaya binibigyan ng opportunity na ganito kasi deserve mo, 'tsaka ang kapalit nito'y pagbutihin mo na lang sa trabaho. Study more for your boards, paniguradong isa sa ospital natin ang mag-o-offer sa 'yo ng trabaho!"

I slowly nodded. Tama nga naman...siguro kaya mayro'ng ganitong opportunity ay dahil deserve ko.

Opportunity won't come if you don't deserve it, right?

Pagkarating namin sa tamang floor ay naunang lumabas ang mga bellboy. Nilingon kami ni Ted and I noticed how he matured too. Like Atlas, mas tumangkad din siya at mas gumwapo.

"Dito na tayo," he said, at pinapauna kaming dalawa.

I followed Heart na nauuna. Atlas was talking to a woman, mukhang manager at nakita ko ang pagkaway ni Heart sa babae.

"Oh, Heart, kasama ka rin pala sa sumundo?" The woman smiled.

"Ay, yes po!" She chuckled. "Sinundo namin itong best friend ko." She glanced at me and my heart thumped.

Really? Best friend mo ako? Pero sabi mo noon...

"Here, bibi." Nagitla ako nang may humawak sa baywang ko. Nagkatitigan kami ni Atlas na napatikhim nang may matanto. "I mean, Lia." T

Bumaling siya sa babaeng nakangiti sa akin, pinipirmi ng marahan ang baywang ko.

"Tita Marichu, this is Dra. Amalia Argueles," ani Atlas sa babae at miski ako ay nagulat sa tinawag niya sa akin.

"U-uh, 'di pa naman po, intern pa lang." I smiled at the beautiful middle-aged lady.

I noticed her staring at me intently, tila kinakabisado ako. When she smiled, her eyes did too.

"Hi, Dra. Amalia," she greeted softly and offered her hand. Nakangiting tinanggap ko iyon.

"Lia na lang po, Ma'am. 'Tsaka mage-exam pa lang po ako kaya 'di pa doktor," tawa ko.

"Oh, it's alright. Saan pa ang patungo at magiging doktor ka rin, hija?" She smiled and shook my hand. "And call me Tita Marichu, I feel so old kapag Ma'am."

"Oh, sige po, Tita," I agreed.

"This is Tita Marichu, Lia," ani Atlas na dinungaw pa ako. "She's the wife of the owner."

"O-oh?!" Mas nanlaki ang mata ko at napabaling kay tita na naiiling lang na natatawa. "S-sorry po, I didn't know—"

"It's alright," malambing niyang sagot "I really don't brag about that one, so let me tour you around. Tara at pumasok na."

Nang tumalikod siya at nagtungo sa pintuan ay nilingon ko si Atlas na nakangiti sa akin. Nanliit ang mata ko, siniko ang sikmura niya at nang napadaing siya ay tumawa si Heart sa gilid.

"Why?" he whined.

"You didn't tell me na asawa siya ng may-ari!" I whispered. He just chuckled, touched my hair with his other hand, and pinched my cheek.

"She didn't like bragging that, anyway." He shrugged. Napailing ako, kinuha ko ang palad niya sa baywang ko at ngumuso.

"And...bakit mo ako hinawakan?" I snapped.

"Ah, nahawakan ba?" Tumingin siya sa kamay. "Oh! Sorry! 'Di ko napansin, Lia, e. Ano ba 'tong kamay ko gumagalaw mag-isa!"

I made a face and chuckled. Sumunod ako sa babae.

"'Ba 'yan, ang bobo naman ng palusot," Heart said and cackled with Ted.

Ma'am...Tita Marichu toured me around the unit at kung mangha na ako sa labas ay lalo na rito sa loob. May sala set, may kusinang kumpleto sa gamit at kwarto! Hindi man kalakihan ay sobrang laki na para sa akin! It was fully furnished too that I thought it was too much to be free.

It was too modern. May terrace pa sa may kwarto at kitang-kita ang ibaba at kapag gabi'y paniguradong maganda rito lalo.

"You like it, hija?" she asked with hope in her eyes.

"Yes, Tita!" I gushed. "Thank you so much, sobrang nagustuhan ko ito. Feeling ko nga po ay sobra na dahil free pa."

"Oh, no. Kulang pa nga ito," she said and slowly took my hand. "Basta, enjoy, okay? 'Wag kang mahihiya. You deserve this, isa pa, if you need anything, you can contact me, okay?"

Nagtataka ako sa kanya pero naisip na sobrang bait niya lang talaga. Ngumiti ako at tumango.

"Okay po, Tita."

"Here." May kinuha siya sa pouch at nag-abot sa akin ng calling card.

Marichu Alegre

"Thank you po,"

Kumislap ang mata niya at malambing. Naalala ko si nanay sa kanyang ngiti at lumambot ang puso ko.

Miss na miss ko na ang nanay...

I hesitated for a while and bit my lip. "Um, Tita?"

"Yes, hija?" She even held her hand to wait for my words expectantly.

"Pwede...po bang payakap?" I asked softly and her eyes widened, bigla naman akong nahiya kaya tumikhim. "'Wag na po pala, p-pasensya—"

"Come here." Miski ako ay nagulat nang siya na ang lumapit at mabilis na yumakap sa akin.

I felt the warmth embracing my heart. Napapikit ako at dinama ang kanyang yakap. I could feel the motherly presence from her and felt her tap my back slowly.

"It's okay, hija," she said softly. "If you need anything, don't hesitate to call me, hmm? Kahit ano. Kahit yakap."

My eyes stung.

"Opo," I said and hugged her more. "Maraming salamat po."

Pagkalabas namin ay abala ang tatlo sa pag-aayos ng mga gamit ko.

"It's okay, kaya ko naman 'yan," I assured them pero sabay-sabay lang silang umiling.

"It's okay, we can do this." Atlas smiled, nakadukwang siya at mukhang may inaayos sa may saksakan.

"No worries, Lia. Yakang-yaka 'to!" Heart cheered at si Ted ay nag-thumbs-up sa akin.

"Sige...uh, pagkain na lang? Lutuan ko kayo."

"Oh, that's good!" Heart cheered kaya natatawang tumango ako at bumaling kay Tita Marichu.

"Kain po muna tayo," aya ko pero umiling siya.

"Ayos lang ako, hija. Enjoy the food with your friends, busog pa ako. I have work to do, mauuna na ako, ah?" she said.

"Sige po, maraming salamat po talaga."

She touched my cheek and chuckled. "Walang anuman, Lia." She stared at me and her eyes softened. "You really look like..."

"Po?"

"Oh, nothing," agap niya. "Sige na, luto ka muna para mapakain ang mga kaibigan mo."

Nang umalis siya ay naiwan ako para magluto sa kusina. Narinig ko pa ang pag-uusap nila ng tatlo sa sala at napangiti ako nang marinig pa ang bilin niya.

"Kids, I'm going, okay? You three take care of Lia for now," paalam niya and the three said okay in unison which was kinda cute and touching kaya sinarapan ko talaga ang luto ko.

Well, not really. Hindi pa ako nakapag-grocery kaya instant noodles ang mga nasa box ko. Sabi nila'y ayos lang daw kaya nagluto na lang ako ng pancit canton at nagtimpla ng ice tea.

Nasaan kaya si Josh? Nasa Cagayan? Kagaya no'ng narinig ko kay Heart dati? I wondered bakit hindi nila kasama...or baka may trabaho lang talaga.

Habang inaayos ko ang baso ay pumasok si Atlas, medyo magulo pa ang buhok. His face brightened when he saw me.

"Makikiinom lang sana ng tubig," he said. I nodded, kinuha ko ang malamig na mineral water sa loob ng ref at iniabot sa kanya.

"Here, okay na kayo ro'n?" I asked while watching him open the lid.

Sumandal siya sa counter. Nakita ko kung paano nahubog ang kanyang katawan dahil sa shirt na suot. He lifted his hand and I caught how his biceps flexed. I unconsciously licked my lower lip when I saw his Adam's apple bobbing when he started drinking.

"Sarap," I muttered.

Natigilan ako nang bigla siyang napasulyap sa akin at naibaba ang tubig.

"A-ang pancit canton!" Nag-init ang pisngi ko at mabilis na kinagat ang labi, tinakbo ang plato at pinapatuloy ang paghahalo. "Chilimansi 'to, ano, m-masarap..."

"Lia..."

Mabilis akong napaangat ng tingin kay Atlas na nakadukwang sa counter at nakatitig sa akin.

Magulo ang buhok niya, mapungay ang mapaglarong itim na mga mata at may kaunting ngisi sa labi. His chiseled jaw made him look hotter.

Hot...

"Pinagpapawisan ka, ah?" he noticed, his lips turning up into a smirk.

"H-huh?" tanong ko. "M-mainit kasi," tikhim ko at bumaling sa mga baso.

"Masarap?" aniya kaya bumaling ako sa kanya at tumango.

"Oo masarap..." ka! "I-I mean, itong pagkain..."

Manyak ka na, Amalia?!

"Ikaw rin." He smiled, his eyes naughty. Nagwala ang puso ko.

"H-huh?"

"I mean...ang pagkain." He chuckled lowly and glanced at the food I was making.

Hinawi ko ang buhok, malalim ang paghinga.

"Naiinitan ka?" he asked. I nodded, tumikhim ako at tinuro ang bag ko.

"Oo, pwede bang pakikuha ng pantali ko sa bag? Ang init k-kasi, magtatali lang akong buhok," I said.

He followed. Nakita kong nilusot niya sa wrist niya ang pantali ko.

He walked towards me, inilahad ko ang kamay ko pero nagulat ako nang hawakan niya lang ang balikat ko, marahan akong pinatalikod mula sa kanya at inabot ang buhok ko.

"A-Atlas? Ako na—"

"Let me tie you, bibi..."

I paused.

Naramdaman ko ang daliri niyang marahang sinusuklay ang buhok ko. He lifted my hair, tying it for a ponytail, at halos mangilabot pa ako nang maramdaman ang hininga niya sa may bandang batok ko.

"There," he said and let me go. Nagitla ako nang bahagya niya akong iniharap sa kanya. Our eyes met, at naramdaman ko ang pagkalabog ng puso ko nang bahagya niya akong isinandal sa counter.

He placed his hand on the both sides of my waist, towering over me.

"A-Atlas..." I murmured and he leaned over me more, his eyes didn't stray.

"Hmm?" he hummed, still staring at me.

"What are you doing?" I asked nervously. He shook his head, lumalim ang kanyang paghinga at ibinaba ang ulo para magpantay ang paningin namin.

"Nothing...I just..." He sighed and closed his eyes, nang idinikit niya ang noo sa akin ay suminghap ako. "I just missed you so much."

My heart tugged, ayaw mang sabihin pero alam ko sa sarili ko na gano'n din ako sa kanya.

"Didn't you miss me too?" He sighed, opening his eyes to stare at me.

Of course, I do. Miss na miss din kita, Montezides.

"I-I don't know," I whispered back. "Sorry..."

He slowly nodded, nang lumayo siya ay naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko at muli kaming nagkatinginan, bakas ang lungkot sa kanyang mga mata.

"It's okay." He sighed and slowly lifted my chin up. Nangilid ang luha ko nang tumama ang kanyang halik sa aking noo, tumagal iyon doon at maya-maya'y yumakap ang isang braso niya sa baywang ko at hindi na ako nakagalaw nang inilagay niya ang mukha sa aking leeg.

"Basta ako...miss na miss na kita," he whispered. "I want my bibi back."

I sighed, marahang itinulak ko siya palayo sa akin at mas nabigo ang ekspresyon niya.

"Lia..."

"A-ayoko na, Atlas." I shook my head. "S-sorry."

Namungay lalo ang malungkot niyang tingin pero pinalitan iyon ng ngiti. Like what he used to do, he took strands of my hair to tuck it behind my ear.

"I understand, Lia," he said. "But you see...the old Atlas is still the same."

"Huh?"

"I'm still a persistent man, Lia. I just won't stop," he reminded me, athalos mapatalon ako nang nakawan niya ako ng halik sa aking pisngi kaya hinampas ko ang balikat niya.

"Atlas!" I hissed quietly. He chuckled.

Mabilis siyang lumayo, masaya pang naglakad pabalik sa pwesto niya kanina nang makita ko ang pawis sa kanyang likod na kitang-kita sa shirt niyang suot.

"U-uy..." tawag ko pa, tumikhim para kunwari'y composed.

Nilingon niya ako at ngumiti. "Hmm? Bakit, bibi?"

"Anong bibi?" I hissed at him and glanced at my bag on the stool. "Pakibuksan nga 'yong bag ko at pakikuha ang bimpo tapos lumapit ka rito."

He nodded, kinuha niya ang bimpo at lumapit. Inayos ko naman ang mga baso para lagyan ng juice nang mahulog ni Atlas ang bimpo sa gilid ng counter.

"Anong nangyari?"

"Ah, nahulog lang," aniya at dumukwang kaya binaling ko ang tingin sa mga baso at nilagyan ang panghuli nang makarinig ng kalabog. Halos matapon ko ang pitsel at napaayos ng tayo.

"F-fuck," narinig kong mura.

Napasinghap na ako, ibinaba ang hawak at tinakbo ang pwesto ni Atlas. Namilog ang mata ko nang nakitang hawak niya ang bunbunan, nakasalampak sa lapag at nakangiwi.

"Atlas!" I panicked. Lumuhod ako sa harapan niya at humawak sa braso niya. "Okay ka lang? Anong nangyari? Bakit ka..."

"Tumama ang ulo ko no'ng pagkatayo." He opened his eyes and met mine, inangat ang isang kamay at may tinuro kaya sinundan ko ng tingin.

"Tumama ka rito?" I asked, inabot pa ang kanto ng counter at matigas nga!

"Yeah," he grunted, touching his head. "Patayo na sana ako tapos..."

Naupo ako sa kanyang tabi at nagkatitigan kaming dalawa.

"Ikaw talaga." I sighed, marahang hinawakan ang kanyang ulo at napangiwi siyang lalo.

"Masakit?" I asked.

"M-medyo," he muttered lowly.

"Stay there." Tumayo ako para kunin sa ref ang malamig na bote ng mineral pabalik sa kanya.

Para siyang batang nag-aantay ng aruga, nakanguso pa sa akin. Naupo ako sa tabi niya sa lapag at ipinatong ang malamig sa bunbunan niya.

"Tumingin ka kasi," I scolded. "Observe mo ang paligid mo, kaya ka nasasaktan."

"I didn't see it," he whined. "Kasalanan 'to ng counter—"

"At nanisi nga!" Nang pitikin ko ang noo niya ay napadaing siya at napatalon din ako. "Oh my God! Sorry!" I exclaimed, naalala ang bukol niya.

"Inaaway mo na ako, Lia. Ganyan ka na ngayon?" reklamo niya at ngumuso, nag-iinarte.

May sumugat na ngiti sa labi ko.

"Sorry na," I said softly. "Ikaw kasi, 'di ka rin nag-iingat."

"Nahihiya na nga ako, e." He sighed. He was now blushing harder. "Minsan kapag bumabalentong ako gilid tapos nakikita mo gusto ko na lang magpalamon sa lupa."

Nagkatawanan kami. Marahang inabot ang bukol niyang medyo kumipis na rin naman, pero mukha pa rin siyang may sungay sa gitna kapag ganito kalapit at napagmamasdan siya.

"You really are the same Atlas from years ago," I concluded. His twitched for an arrogant smirk.

"Bakit, bibi?" ngisi niya. "Gwapo pa rin?"

"Hindi," iling ko at pinagmasdan siya.

"Huh? Ano?" he asked curiously. "Anong hindi nagbago sa akin?"

"You're still the old Atlas, lutang at palpak pa rin," I blurted. He covered his mouth parting dramatically, ako naman ang napangisi.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co