Brave Hearts (Published Under LIB)
Kabanata 21
Kabanata 21
MY weekend was peaceful, medyo gabi na no'ng nagpaalam ang tatlo sa akin na aalis kaya buong araw ay naging preoccupied ako sa paglilinis.
For my first day, balak ko munang mag-taxi, hindi ko pa rin kasi gamay ang lugar dahil bago pa lang ako. Maybe, magtatanong-tanong ako kung anong public transpo na pwede kong masakyan mula rito patungong ospital.
Sabi nila noon ay malapit lang naman daw ang ospital but I had to make sure, nakakatakot at baka maligaw pa ako.
The cold wind blew my hair, inayos ko ang buhok sa aking balikat at nangiti nang humaplos iyon sa balat.
New day. Thank you, God.
Sighing, I touched my chest and felt the calm beating of my heart. I couldn't be happier.
"Ano ba 'yan! Ang aga-aga ang baho!" Nawala ang atensyon ko sa araw nang may nagsalita sa aking tabi.
I shifted my gaze, only to see a woman in her...I think late thirties, with a cute kid in a uniform.
The lady was smoking. Kumunot ang noo ko roon at pasimpleng nagbaba ng tingin. I really hated the smell of smoke.
Naalala ko dati kung gaano ako natakot no'ng sinabi sa amin ang mas malaking epekto ng secondhand smoke sa mga kasama mo sa paligid kaysa sa mismong naninigarilyo.
"Hey, ikaw. Walisin mo 'to," muling nagsalita ang babae kaya bumaling akong muli at mas lumalim ang gatla sa noo ko nang makitang itinapon niya sa lapag ang upos ng sigarilyo at tinapakan.
"Sandali po," the street sweeper said on the side.
"Ngayon na! Darating na ang taxi!" she demanded, at halos sipain pa ang upos sa matandang babae roon. The little girl is looking at her mom talk to the old lady.
I was bothered. Hindi naman yata tamang makita ng bata na gano'n ang trato ng magulang sa nakakatanda?
The old lady silently swept the cigarette butt from the ground, tahimik ding umalis at nakita ko ang babaeng nakatakip pa sa ilong at nangingiwi pang nailing.
"Yuck." She even shivered.
"Why po, Mommy?" the little girl asked her mother.
"Kita mo 'yon?" turo no'ng babae sa nagwawalis na nasa may kabila na.
"Yes po," the kid answered innocently.
"Mag-aral kang mabuti! Kung hindi magagaya ka sa ganyan! Magwawalis ka na lang sa gilid!" the lady told her kid and it made me more uncomfortable.
Hindi naman yata tama 'yon?
Tahimik na tumango ang batang babae, nahuli no'ng babae ang tingin ko kaya tinaasan niya ako ng kilay.
"What are you looking at?" she hissed, umirap at napabaling ang tingin sa gilid nang may tumawag sa kanya.
"Ay, kumare!" She suddenly giggled and glanced at her kid. "D'yan ka lang, Avi, kakausapin ko lang ang ninang mo!" aniya at bumaling sa kakarating lang.
The kid silently glanced at her little fingers. I just stared at her. Nang mapabaling siya sa akin ay kaagad akong ngumiti at dumukwang para magpantay kami.
"Hello, baby. Good morning." I smiled softly at her.
"Hi po." She smiled cutely.
"Anong grade ka na? Ang pretty mo naman," I told her. She smiled again and showed me her fingers.
"Grade one po! Ikaw po?" she asked me.
"Um, I'm working na...Avi, right?" I asked. She nodded cutely at me.
"Yes po, doctor po ikaw?" she asked, pointing at my uniform kaya napasulyap ako sa scrubs kong suot at ngumiti sa kanya.
"Hindi pa, baby, e. Pero soon baka maging doctor si Ate. You can call me Ate Lia," I told the little girl who immediately looked amazed. She lifted her hand and touched my doctor's coat, giggling.
"Wow, Ate Lia. When I grow up, I want to be a doctor din po!" she said sweetly. I chuckled and nodded.
"Of course, Avi, why not? I know you'll be a great doctor someday, kaya mag-aral kang mabuti, okay?"
"Okay po, para po maging doctor at hindi katulad niya?" She pointed at the street sweeper. I sighed.
Sabi na nga, e.
"No, baby, no," I said and sought for her gaze. "What they do is honorable, there's nothing wrong with what they're doing, baby. Alam mo ba, they are helping to keep our roads clean? Malaki ang help nila because look around, walang trash, right?"
"Opo." She nodded.
"As long as you are doing your job without hurting other people then, there's nothing wrong with it, okay?" I explained gently.
"Pero po, sabi po ni Mommy ko..." she said at napasulyap ako sa mommy niya na nakikipagtawanan sa kumare.
"No, baby. Study well, be a doctor or whatever you want to be in the future so...sa future, you can help people like them." I smiled at her. "Do well in the future so you can make a better world for other people, whatever their profession may be, okay?"
The kid stared at me then slowly nodded.
"Okay po, Doctor Lia! I will study well po and help them po," she cheered.
I showed her my finger. "Promise?"
"Promise po!" She intertwined her pinky finger with mine. We both smiled.
"Fighting, okay?" I said.
"Fighting po!" She raised her hand for a fighting sign.
"Good girl—"
"Why are you talking to my daughter?!" Nawala ang ngiti ko nang hinila ang bata ng mommy niya.
The kid looked hurt kaya sumulyap ako sa bata at bumaling ako sa babae.
"Excuse me, Ma'am. Mukhang nasasaktan po 'yong bata—"
"At anong pakialam mo, kilala ba kita?!" Sa taas ng boses niya ay napatingin sa amin ang ibang nag-aantay ng taxi.
"Hindi po," I said softly. "Pero kasi po 'yong anak n'yo—"
"At sino ang nagsabi sa 'yong pwede mo siyang kausapin?!" she exclaimed. "Sino ka ba, huh?!"
"Mommy!" Avi pulled her dress. "Don't shout po."
"Manahimik ka, usapang matanda ito!" she hissed and glanced at me angrily. "At anong karapatan mong kausapin ang anak ko?!"
"Sorry po sa pakikialam," I said apologetically. "Sinabi ko lang po kay Avi na she needs to study well to help—"
"At anong karapatan mong pakialam kung paano ko kausapin ang anak ko?!" she snapped. "Sino ka, huh? I'm a chairwoman in a company! Ikaw, ano ka para makialam sa amin?!"
"I'm a pharmacist, Ma'am," I answered calmly. "Narinig ko po kasi ang sinabi n'yo sa bata at sa tingin ko po'y hindi iyon tama—"
"Huh? Pharmacist? Tindera ka lang naman!" she hissed, nagulat ako nang maglakad siya palapit sa akin. Hindi ako kaagad nakagalaw nang itulak niya ang braso ko, napaatras ako roon at akala'y mawawalan ng balanse nang biglang may tumama sa likod ko.
"You okay?"
Nagitla ako at sa paglingon ay nakita si Atlas.
Nandito siya?
"Y-yeah." I nodded.
He touched my waist, inalalayan akong umayos ng tayo at bumaling sa babae.
"What's the matter, Ma'am?" He stared at the woman who only rolled her eyes.
"Sabihan mo 'yang babae at pakialamera! Pakialam ba niya kung paano ko turuan ang anak ko!" she exclaimed.
The kid looked like she's about to cry kaya ngumiti ako sa bata.
"It's okay, baby," I assured her gently.
"Aba't!" she hissed, itinago ang anak sa likuran. "Don't talk to my daughter! You wench! Pakialamera!"
"I don't know what happened pero hindi naman po tamang ganyan ang tinatawag n'yo kay Amalia—"
"Atlas," I murmured and gripped his arm, kunot ang kanyang noo at mukhang iritado na. "It's okay."
"Ma'am, pasensya na po sa pakikialam pero nasasaktan na po ang bata," I said and the woman stopped, sumulyap siya sa anak at suminghap.
"I'm so sorry, Avi. Pero 'di ba, sinabi ko na sa 'yong 'wag kang makikipag-usap sa mga 'di kilala!" she snapped.
"Pasensya na, Ma'am, it was me who spoke to the kid—"
"Pakialamera ka kasi, sinabing 'wag mo akong pangunahan sa disiplina sa anak ko!" she hissed. I sighed and nodded, lowering my head.
"Sorry po," I said.
"Lia," Atlas said, marahang hinahawakan ang braso ko.
"Umalis ka na!"
I slowly nodded, sumulyap ako sa bata na malambot na nakatingin sa akin at ngumiti.
"I'm okay," I mouthed and she nodded softly, lifting her hand.
"Thank you po, I will study po to help other people po. Promise!"
Lumambot ang puso ko.
"Bye, Avi," I said and waved a bit.
"Bye po, Dra. Lia!" she chirped.
"Doktora?" The lady stopped, nanlalaking matang nilingon ako pero marahang hinawakan na ni Atlas ang baywang ko at inakay ako kung saan.
"Saan tayo?" I asked Atlas noong medyo makalayo na kami. He was quietly walking with me, hawak pa rin ang baywang.
"Kotse," he answered and glanced at me. "Are you okay? I saw her push you." Nang hawakan niya ang balikat ko ay kumalabog ang puso ko at nagkatinginan kaming dalawa.
"Masakit?" he asked, marahang hinaplos ang braso ko. I bit my inner cheek and shook my head.
"No," I said, sumulyap sa noo niya at inabot ang pwesto kung nasaan ang bukol niya. "Ikaw, okay na?"
"Hmm, magaling na. Pati 'yong ulo ko, nilalagyan ko palagi ng compress para kumipis. Hindi na ako unicorn, Lia," ungot niya.
Natawa ako sabay abot sa bumbunan niya kaya ibinaba niya ang sarili para mahawakan ko ng maayos.
"Bilis, ah?"
"Gano'n talaga kapag alagang bibi," he mumbled.
I glared at him, ngumisi siya at kumindat.
"Ang ganda ng umaga, 'no? Pero mas maganda ang bibi Lia ko..." Nang akbayan niya ako ay napasinghap ako, siniko ko ang sikmura niya. Humalakhak siya at sinabayan ako paglakad.
"Ang kulit mo, Montezides." I pushed his arm off my shoulder. "'Wag mo 'ko akbayan, late na ako, mag-aabang akong taxi."
"Sabay ka na sa 'kin," aniya at hinabol ako.
"Ayaw ko nga. Mag-co-commute ako para alam ko kung paanong papunta sa—"
"Alam ko!" he countered. Biglang itinaas pa ang kamay na parang nanunumpa. "Tuturuan kitang mag-commute."
Tinitigan ko lang siya at inosente siyang ngumiti. "Good boy lang ako, bibi, promise."
The urge to commute alone was so strong but that smile...I sighed.
"Okay, ngayon lang," I conceded.
He punched his hand in the air. "Yes!"
Kinuha pa niya ang bag ko at hindi ko na nakuha pabalik nang ilagay niya iyon sa balikat niya.
"Atlas!" I called pero kumindat lang siya at hinawakan ang pulsuhan ko at hinila ako kung saan.
Naiiling ako pero sumama rin. Pumara siya ng jeep at inalalayan ako papasok bago tumabi, nangingiti pa.
"Punuan doon sa pwesto mo kanina, kung sasakay ka sa jeep papuntang ospital mas magandang dito ka mag-aantay," aniya at sinabi sa akin ang titingnan ko na landmarks at anong jeep ang sasakyan.
Umikot ang jeep, nakita ko ang mag-ina kanina na naroon pa rin.
I felt so bad for the kid, ayokong lumaki siyang may ganoong mindset kaya hindi ko napigilang kausapin siya at masaya akong nakuha niya kaagad ang gusto kong sabihin. What a smart little girl.
Ang paghubog ng character talaga ng isang indibidwal ay nagsisimula sa bahay kaya for me, it was better if the parents taught the kids good conduct sa bahay at bata pa lang. Dapat ay turuan ng tamang asal at knowledge para hindi madala sa ibang lugar at pagkalaki.
Pero nasa tao pa rin naman iyan, nasa mindset mo 'yan. Habang lumalaki, ikaw ang nagse-set ng standard sa pag-iisip mo. It's up to you to follow the bad part or the good one. Ang mga magulang o guardian ay nariyan para maging guide, katulong lang para hulmahin ang pagkatao mo pero nasa iyo ang desisyon.
You make your own character.
Above all, respect to others and character is what matters the most. Kahit anong taas ng pinag-aralan at edukasyon mo, walang silbi kung mangmamaliit ka lang ng mga taong sa tingin mo'y mas mababa sa iyo.
Nakita kong kausap na naman ng mommy ang kumare niya na parang walang nangyari at si Avi ay nakatayo. Nang magtagpo ang mata namin no'ng nasa jeep ako ay ngumiti ako sa kanya.
She smiled back, waving and I waved too.
"You'll be a good mother." Nawala ang atensyon ko sa bintana at napasulyap kay Atlas na nakatitig. Tumalon ang puso ko.
"Really?" I smiled.
"Hmm, a good mother to our children." He smirked and my jaw dropped.
"W-what..."
"Siyempre dapat ako ang daddy kasi bibi mo 'ko—" ngumisi pa siya.
"Montezides!" I hissed, wala nang pakialam kung pinagtitinginan na kami dahil sa pagpalo ko sa braso niya.
Kung hindi lang ako nahiya ay baka nagrambulan na kami sa jeep. Masama ang tingin ko sa kanya pero tatawa-tawa pa no'ng nasa may tapat na kami ng ospital.
"Lia—"
"Manahimik ka, 'di na ako papauto sa 'yo, Atlas," I hissed and he laughed harder. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya nauna ako.
"What? Naakit ka nga sa alindog ko dati tapos—"
"Shh, 'di na tayo bata," I hissed pero tawang-tawa pa rin ang loko.
He was enjoying this, huh?
I shook my head, hinawi ko ang buhok ko at narinig ang kantang tumutugtog sa lobby.
I stiffened when I realized Muling Ibalik was playing.
Mula nang tayo'y di na magkita
Kung ikaw ay nagtatampo
Kailangan bang ganito
Bakit hindi natin...
I cleared my throat, natigilan din si Atlas sa tabi ko.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig..."
Our eyes met, sabay kaming napaubo at nag-iwas ng tingin. We walked past the reception area when I saw Heart wearing her scrubs, malaki ang ngisi.
"Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal..." she sang, hugging her body a bit.
Ngumisi siyang lalo at lumapit sa aming dalawang tahimik at kumanta pa.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig! Sayang naman ang ating nakaraan!" she sang dramatically and swayed her body emotionally.
"Heart!"
Sabay naming singhal ni Atlas na mas nagpangisi lang sa huli. Pumasok kami sa elevator pero tumutugtog pa rin kaya halos takpan ko na ang mukha sa pag-iinit ng pisngi.
"Ganda ng kanta, ah! Saktong-sakto! Baka naman may comeback—"
"Gusto ko 'yan pero bakit 'di rin kayo mag-comeback ni Jos—" Atlas said but Heart suddenly screamed and covered her ears.
"Blah! Blah! Wala akong narinig!" she mimicked. Atlas burst out laughing.
"Bakit ayaw mo—"
"Bobo! Walang personalan!" she hissed kaya bumaling ako kay Heart at kuryosong nagsalita.
"Heart?"
She glanced at me and smiled. "Yes, Lia?"
"Anong...nangyari kay Josh?" I asked and her shoulders fell. Napahagalpak ng tawa si Atlas sa tabi ko at ngumuso si Heart.
"Pati ba naman ikaw?" Ngumawa siya at nagulat ako nang sumeryoso siya. "Wala naman, wala kasing forever!" she answered with determination and suddenly smiled.
Napakurap lang ako pero tumawa siya na parang ewan at nang bumukas ang elevator ay kumaway.
"Bye, fellas! Kita-kits na lang!" Nilagay niya ang kamay sa bulsa ng scrubs at masayang lumayas.
Napasulyap ako kay Atlas. Nagkibit-balikat siya, pinindot ang elevator para sa floor namin bago lumapit at ginulo ang buhok ko.
"What happened? If...ayaw mo sabihin, I understand," I asked because I was dying of curiosity. He pinched my cheek. Pinalo ko ang kamay.
"It's better if you ask her," he said and placed a few strands of my hair behind my ear.
Nang makarating kami sa station ng interns ay ipinatong ni Atlas ang bag ko sa counter.
"G-good morning, Doc!" bati ng mga co-interns ko.
"Good morning," he greeted back before looking at me.
"Later, Dra. Lia." He smirked. I blinked.
"Huh?" I asked. He just chuckled, pinched my cheek again, and turned his back on us.
"Hala, Doktora, close kayo ni Doc?" tanong nila.
"Uh...hindi naman," I answered and smiled genuinely. "Hello, bago lang ako, I'm Amalia Argueles, you can call me Lia. I hope we'll get along."
"Hello, Lia!" anang isang babaeng medyo singkit at inilahat ang kamay sa akin. "I'm Trish!" she said and accepted my hand.
I had fun with my co-interns. Mababait sila pero 'di kagaya ko ay medyo matagal na sila rito nag-i-intern, totoo ngang madalang silang kumuha ng intern.
Laurence told me what to do, kadalasan ay sa documentation lang kami at assist lang sa mga resident doctors. Mostly regulation lang kami ng files, minsa'y sasama kami sa mga case para ma-train.
My first day wasn't that heavy, abala rin ang ospital dahil sa mga pasyente, at no'ng lunch ay may lumapit sa akin na babae at may hawak na maliit na paper bag.
"Um, Dra. Lia po?"
I smiled and stood. "Yes po?"
He lifted the paper bag and gave it to me. "Uh, lunch po, pinapadala," aniya kaya nanlaki ang mata ko.
"Po? Hindi po ako nagpadala."
"Opo, Doktora, padala lang po para sa 'yo."
"Oh?" Nanlaki ang mata ko. "O-okay po, maraming salamat."
"Sige po at mauuna na ako," aniya at nang umalis siya ay napabaling ako sa paper bag.
"Ano 'yan?" tanng nina Trish. Naupo ako para silipin ang loob.
"'Di ko alam, e."
"Wow, bago pa lang may admirer na!" they teased kaya natawa ako at napailing. Sa maliit na container ay may sticky note kaya kinuha ko iyon.
Eat well, baby. Masarap 'yan pero mas masarap pa rin ang Pancit Canton Chilimansi (Atlas flavor)
- Bibi mo *wink wink*
What? Napabuga ako ng hangin at malakas na natawa.
"Ano 'yan?" ani Laurence. Umiling ako sabay tago ng note.
"Wala, tara, kain?" anyaya ko.
Kumain kami sa cafeteria at thankfully, magaan sa pakiramdam sila kasama.
My first day was great, siguro ay dahil bago pa lang ako kaya magaan pa pero na-enjoy ko siya so far.
Alas singko pa lang ay out ko na. Si Heart ay dumalaw sa akin at gusto sanang sumabay kaso ay may gagawin pa siya sa nursing station kaya pinauna na ako.
Tinuro niya sa 'kin ang daan kung saan maglalakad papunta ro'n sa unit kapag gusto kong lakarin.
"Ingat, Lia, okay? Samahan sana kita para 'di ka maligaw kaso..." Ngumuso siya.
"Okay lang. Thank you so much, Heart."
"Welcome, no worries!" she said and offered her hand. "Oh, pahiram phone, let me put my number para if you're lost, baka gusto mong tawagan ako."
"Ah, 'di na kailangan, I can manage."
"Nah." She offered her hand again kaya kinuha ko na ang phone ko at inabot sa kanya. She put in her number and gave it back to me. "There, ingat, Lia!"
"Okay, thank you so much."
She nodded, hinatid pa ako sa elevator. When the elevator doors closed, I felt sad while staring at her waving with her wide smile.
I really missed her kaso...
Bumaba ang tingin ko sa phone at napangiti nang makita ang pangalan na sinave niya sa number niya.
Heart ♥ (forever bff)
I missed her too...
Inalala ko ang direksyon na sinabi ni Heart bago lumabas sa ospital. Binati ako ng guard.
"Hello, Doktora, uwi na kayo?"
"Yes po," I answered and waved. "Una na po ako, Sir. Have a good day po!"
"Good day din po, ingat!" Sumaludo siya.
No'ng narating ko ang may park na sinasabi nila ay namangha ako at malawak. Kahit hapon na ay may nag-su-zumba pa sa gilid, may mga pet owners ding nilalakad ang kanilang mga alagang aso. Sa swing ay may mga batang tuwang-tuwa. Nakakaaliw.
"Lia! Bibi ko!" My smile fell when I felt arms on my shoulder.
Mabilis akong lumingon at kumunot ang noo nang makita si Atlas, magulo pa ang buhok at hinahapong ngumisi sa akin.
"Anong..." Kumunot ang noo ko.
"I followed you," he chuckled. "Busy pa si Puso kaya 'di nakasabay, 'di mo ako inantay," nguso niya.
"Huh?" Tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko at pinagmasdan siya.
"Sabi ko, 'di ba, later?" aniya.
Oh. That's it...
Tumango ako at kinuha ang panyo sa bulsa.
"Oo, pero wala kang sinabing sabay tayo? 'Tsaka...bakit tayo magsasabay?" I asked in confusion. Nang may bisikletang paparating ay tila reflex na hinila ko siya palapit kaya nagtama ang katawan namin.
His eyes widened. Tumikhim ako at lumayo, kumakalabog na naman ang puso. Inangat ko ang panyo at hinatak siya pababa para magpantay kami.
Our faces leveled. My heart quickened.
"Hi, Miss, ganda mo naman," he hummed with a sexy smile.
"B-baliw," I scoffed and cleared my throat, ngumiwi siya nang pitikin ko ang ilong niya. "I-I'll just wipe your sweat, tumakbo ka?"
"Opo, bibi." He smiled adorably.
Akala mo cute...
"Ang kulit mo." Pilit akong umiwas sa mata niya at pinagtuunan ng pansin ang pagpupunas sa kanyang noo at pisngi ng pawis.
"Hey, Lia..."
Sumulyap ako sa kanya at nakangiti na naman ang loko. "O-oh?" I asked.
"You liked the lunch?"
Marahan ko siyang tinulak at tumikhim.
"Oo, salamat..." I muttered and walked ahead. Mabilis siyang nakasunod. Kahit anong hakbang ko'y doble ata ang kanya sa haba ng legs. "Pero sa susunod 'wag mo na akong bilhan, ah? Kaya ko namang bumili."
"Hmm," he hummed. "Alright, pero pwede minsan?"
"Huh?" Nilingon ko siya. "Bakit minsan? 'Wag na, nakakaabala lang ako—"
"Nah, my Lia would never be a bother to me."
My gut twisted as the butterflies in my stomach danced. I felt like I was becoming the old and young Amalia again.
Hindi na pwede...
Humugot ako ng hininga at hinarap na siya ng tuluyan.
"Bakit mo ba ginagawa 'to?" He didn't answer right away. Bumaling siya sa daanan bago ako marahang iniusog palayo para 'di mahagip ng mga nagbibisikleta.
"Why not?" he asked. "I want to please you, what's wrong with it?"
I sighed and looked at the skies. The sun's already starting to set. I looked back at him.
"Hindi na tayo bata, Atlas,"
"I know," he agreed. "We are not kids anymore."
"Then why are you still acting like this?" kalmado kong tanong, gusto nang tapusin 'to.
Matanda na kami para maglaro...
"Acting like what, Lia?" he asked, seriously looking at me.
I could see the visible five o'clock shadow in his jaw that I had to close my eyes not to get distructed.
"A-acting like..." I sighed frustratedly and opened my eyes. "Acting like you still like me."
"I do," he said straightforwardly, his eyes on me. "I still like you...no, I'm still in love you, Amalia Argueles."
Bumilis ang paghinga ko at umiling.
"H-huwag ka ngang magbiro."
"I am not joking," he insisted. Naramdaman ko ang daliri niyang inaabot ang akin. Nahulog ang mata ko ro'n. "Hey, baby, look at me."
Hindi ako gumalaw. He reached for my chin, tilting my face up so he could see my face. I swallowed painfully when I saw how intense and serious his eyes were.
"I am not joking, Lia," he murmured. "I'm...telling you the truth. Gusto pa rin kita, mahal pa rin kita. It never faded."
I watched how the sun set behind him, giving me the chance to see how perfect even his silhouette was.
"I'm not forcing you to believe me but let me have my chance," he pleaded and touched my wrist with his thumb. "Let me explain, let us explain."
Sumagi sa aking utak ang nangyari noon kaya 'di ako nakasagot kaagad.
"I will listen," I said when I found my voice. "But let me think first. H-hindi rin kasi naging madali sa akin..."
"I understand, Lia." He sighed and touched my wrist more, namungay ang mata ko nang i-angat niya ang pulsuhan ko at halikan. "Take your time, isang dekada na nga akong nag-aantay sa 'yo, ngayon pa ba ako mapapagod?"
Nangilid ang luha ko.
"Atlas..."
"It's okay, bibi." He lifted my chin. Napapikit ako nang hagkan niya ang noo ko. "Kagaya pa rin ng dati, kung ikaw ang hihintayin, why not? You are always worth it."
I failed to do anything when he embraced me. Dinig na dinig ko ang malalim niyang paghinga. Because I was in his chest, I could hear his heart beating, synchronized with mine.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal do'n kung 'di niya lang kinuha ang bag ko.
"Kaya ko naman," I said when he placed my bag on his shoulder.
Nakasuot pa ng kulay itim na dress shirt at slacks ang loko pero may bag na pink sa balikat.
"Nah, bagay sa akin, 'di ba?" biro niya.
Nang maglakad siya ay inilagay niya ang kamay ko sa braso niya kaya sabay kaming naglakad.
"Kaya ko naman, honestly," I repeated. He shrugged, chuckling.
"Nah, kailangan ko magpakitang-gilas, lalo na't in-avail mo ang Atlas version 3.0," aniya kaya nanlaki ang mata ko.
"Ano?!" I scoffed. Ngumisi siya.
"Sabi ko in-avail mo na ang Atlas Montezides version 3.0," ulit niya.
"Really? Aba't kailan ko in-avail 'yan?" Lumayo ako sa kanya pero nangingising hinuli ang kamay ko at ibinalik sa braso niya.
"Naalala mo 'yong bukol ko?" he asked.
"'Yong sa noo? Anong mayro'n do'n?" takang tanong ko pero mas tumawa siya.
"No'ng pinindot mo 'yong bukol ko sa noo, na-activate mo 'yong free trial."
I glared at him.
Ridiculous!
Tawang-tawa naman siya. I tsk-ed.
"Ano 'yon, ang version 3.0 mo, kapag free trial may auto-bangag?" I retorted. Napawi tuloy ang tawa niya at mukhang na-offend. Doon na ako napahalakhak.
"Bugs kasi, Lia," paliwanag niya. "Hindi talaga maiiwasang nag-la-lag minsan ang version 3.0. Pasensya na, next time, mas maganda ang update."
Nailing ako, nakangiting humawak naman siya sa baywang ko at nagtaka nang inakay niya ako papunta sa swing paupo.
"Anong gagawin natin dito?" I asked. Dumukwang siya sa harapan ko at inayos ang buhok kong 'di naman magulo.
He patted my head. "Wala ka nang bangs."
I shrugged. "I'm not a kid anymore."
"Hmm..." He hummed. "Na-miss ko iyong bangs mo. Nakaka-intimidate ka na ngayon lalo parang kapag nakatingin papagalitan mo 'ko."
"Paanong 'di ka papagalitan eh, madalas kang palpak?" Ngumuso ako. Napasapo siya sa dibdib.
"Amalia? How dare you?"
Nailing ako at hinawi ang mukha niya. "Ano'ng ginagawa natin dito? Gabi na."
"May ice cream doon, anong flavor gusto mo?" aniya. Natakam naman ako.
"I want mix, Atlas. Kapag mayro'n gusto ko mas maraming strawberry." I beamed.
"Alright," he chuckled. "Wait here, papakitang gilas muna ang version 3.1."
"Ay, bago na?" Natawa ako.
"Oo, kaka-update lang. Na-fix kaagad ang bugs." hirit pa niya sabay kaway.
I watched him ran towards the vendor.
"Ay, shit!" he gasped, natigilan pa sa isang aso na akmang sasakmalin siya pero nakaiwas kaya lumingon siya sa akin.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin para hindi niya alam na nakita ko. Nang binalik ko ang tingin sa kanya ay humawak siya sa dibdib, as if na-relieve. Umiling ako.
Atlas is hopeless.
"Bati tayo, okay?" aniya sa aso na masama ang tingin sa kanya. Marahang naglakad siya sa vendor kaya bumaling ako sa phone ko at nakita ang message ni Heart.
From: Heart ♥ (forever bff)
Hi, Lia! Got your number from Kuya Alex (Doon sa Lipat Bahay Gang) hehe! Sinundan ka yata ni bobo, nagkita kayo? Nakauwi ka na?
To: Heart ♥ (forever bff)
Yeah, okay na. Nagkita kami, thanks, Heart. Ingat sa pag-uwi :)
I scrolled and replied to my unread messages while waiting for him when I heard something.
"Fuck! Lia! Help me!"
Halos mapatalon ako sa swing nang may sumigaw at nang i-angat ko ang tingin ay nanlaki ang mata ko nang makitang tumatakbo si Atlas, hawak ang dalawang cone ng ice cream, at sa likod niya ay ang aso na hinahabol at tinatahulan siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co