Chapter Three
SASKIA
"Saan ka galing?" Pagpasok ko sa bahay namin ay agad akong sinalubong ni Nanay at Ninang Jodie.
"Kagabi pa ako alalang-alala sa'yo, inaanak." Lumapit sa akin si Ninang. "Nawala ka daw pagkatapos mong magsayaw. Binigay na nga lang sa akin yung sweldo mo. Saan ka ba nagpunta? Ano na ang nangyari sa'yo?"
"Mammy..." Nanginginig ang boses na sabi ko.
"Bakit?" Agad rumehistro ang pag-aalala sa mukha niya. Ikinulong ni Nanay ang mukha ko sa mga palad niya. "Hoy, ano ba ang nangyari?"
"Mammy, binigay ko na..." Mahinang sabi ko.
"Ang alin?" Tumaas ang boses niya.
"Yung... yung ano ko..." Ngumuso ako sa ibabang bahagi ng katawan ko. "Hindi na ko virgin."
"Ano?! Paanong— pinilit ka ba? Sino may gawa sa'yo nito? Ilan sila?"
"My, grabe kayo ah! Isa lang, syempre! First time ko pa lang 'to. Hindi pa naman ako expert katulad niyo." Agad na sabi ko.
"Umayos ka nga, Saskia! Seryoso ako! Hindi ito ang tamang panahon para sa mga biro mo!" Galit na sabi niya.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. "Hindi ako pinilit. Ginusto ko. Sumama ako ng kusa."
Kalmanteng tumalikod si Nanay at nagkatinginan kami ni Ninang Jodie. Pagbalik ni Nanay ang may hawak na itong hanger at napasigaw ako ng ipalo niya sa akin iyon. Tumakbo ako palayo sa kanya at naglulundag sa lumang sofa namin para makaiwas. Sinubukan siyang pigilan ni Ninang pero patuloy pa rin siya.
"Naaaaaay! Aray, Nay! Ano ba? Masakit na yan!" Tumatakbo na ako palayo sa kanya pero patuloy pa rin siya sa paghabol sa akin ng hanger at pagpalo. Kanina pa kami nag-iikot dito sa maliit na bahay namin. Halos bali-bali na ang hanger pero ayaw pa rin niyang magpaawat. "Nay, naman eh! Masakit na nga yung sa baba ko, sinasaktan mo pa ako."
"Paanong hindi sasakit yan, eh malandi ka!" Sigaw ni Nanay.
"Friend, tama na! OA ka na." Pumagitna sa amin si Ninang.
"Ano'ng tama na! Isa ka pang bakla ka! Akala ko ba hanggang sayaw lang, eh binugaw mo na yang anak ko." Galit na hinampas niya si Ninang sa braso.
"Nay, huwag mo na idamay si ninang. Wala siyang alam dun. It's my chosen."
Muling sumugod si Nanay sa akin at sinubukan akong hampasin ng hanger pero mabilis na hinarang ni Ninang ang katawan niya sa akin. "Sasha, tigilan mo na yung bata."
"Ano ba ang ginawa mo sa sarili mo ha? Iningatan kitang gaga ka para hindi ka matulad sa akin." Parang nanghihinang sabi ni Nanay. Isinuklay niya ang mga daliri niya sa gulo-gulo niyang buhok.
"Eh hindi naman po ako katulad niyo. Mayaman yung sa akin, Nay. Low class lang mga kostumer. Tignan mo nga, oh! Binayaran naman niya ako ng one hundred kyaw." Pinakita ko sa kanya ang cheke na ibinigay sa akin.
Nanlaki ang mga mata ni Nanay at dahan-dahan na lumapit sa akin. Kinuha niya ang papel at nagulat ako ng isinampal niya ito sa akin. Napahawak ako sa pisngi ko. "Aray naman, nay! Nabasag yata hearing drums ko!"
"Tanga ka talaga! Paano ka nakakasigurong totoong cheke nga itong ibinigay sa'yo. Minsan, Saskia, hindi ka talaga nag-iisip. Dapat pera ang tinanggap mo, hindi papel! Pera!" Napuno ang buong bahay ng sigaw ni Nanay.
"Akin na nga. Patingin!" Kinuha ni Ninang ang cheke mula kay Nanay. "Eh mukha naman totoo ito. Di bale, sasamahan kitang pumunta sa bangko mamaya. Papalit natin 'to."
"Ikaw, bakla ka, ikaw may kasalanan nito eh! Sabi ko sa'yo ingatan mo ang anak ko." Naiiyak na sabi ni Nanay. "Tignan mo ang nangyari!"
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at lumapit sa kanya. Kahit anong hirap ang napagdaanan namin noon hindi siya nagpakita sa amin na umiiyak siya o nanghihina. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Niyakap ko siya. "Huwag ka na magdrama. Na-ano lang ako, hindi naman ako namatay."
"Sinira mo ang pangarap ko sa'yo. Gusto kong makapang-asawa ka ng mayaman tapos ngayon... ngayon magiging katulad ko lang ikaw." Basag ang boses na sabi niya.
"Nay, hindi ko naman kailangan makapang-asawa ng mayaman. Gusto ko lang makatulong sa inyo. Gusto kong mapag-college si Cosme at Yuka. Gusto ko silang mabigyan ng magandang kinabukasan. Kahit sila na lang, huwag na ako."
Pagkagaling namin sa bangko ay dumiretso agad kami ni Ninang sa grocery para bumili ng mga pagkain sa bahay at ng mga baon ng bata. Tuwang-tuwa ako ng mapapalitan ang cheke ng totoong pera. Naisip ko agad kung ano na ang gagawin sa perang iyon. Mapapagawa na namin ang sirang kisame namin. Mabibili ko na si Yuka at Cosme ng bagong uniporme sa eskwelahan. Mabibili ko na din yung gustong iPhone ni Yuka. Pwede pa kami magtayo ng sari-sari store sa tapat ng bahay namin.
"Ninang ngayon lang ako nakabili ng ganito karaming grocery. Magugulat sina Cosme at Yuka nito pag-uwi nila." Sabi ko habang nakasakay kami sa trike pauwi.
"Ano bang nangyari kagabi, Saskia?" Seryosong tinitigan ako ni Ninang Jodie.
"Yun nga... Sumama ako tapos nangyari na."
"Inofferan ka?"
Umiling ako. "Wala kaming napag-usapan bago yun basta nangyari na lang. Nakainom din kasi ako."
"Bakit ka sumama? Gwapo ba?"
Dahan-dahan akong tumango.
"Hay nako, anak ka talaga ni Sasha." Natatawang sabi niya. "Kumusta naman ang first time mo? Na-enjoy mo naman?"
"Konti... masakit eh."
"Malaki ba?" Humagikgik si Ninang.
Bigla ko na naman naalala si Migs. Ang mala-ginto nitong buhok. Ang katawan nitong parang inukit ng pinakamagaling iskultor... Naalala ko ang mga hawak niya, ang mga halik na iniwan niya sa katawan ko, ang mga bagong sensasyon na sa kanya ko lang naranasan.
Hinawakan niya ang baywang ko at napaigti ako ng maramdaman ko ang kirot sa pagkababae ko. Mahigpit akong napakapit sa braso niya at mariin na napapikit. Kumawala ang impit na daing mula sa labi ko. Halos maiyak na ako dahil pakiramdam ko hinahati ang katawan ko.
Narinig ko ang malalim na pag-ungol niya sa tainga ko habang ipinapasok niya ang sarili niya sa akin. "You're so tight... so small..."
"Masakit..." Naramdaman kong tumulo ang luha sa gilid ng mga mata ko.
"Shh... I'll be gentle." Bulong niya sa akin.
"Hindi ka na nakasagot diyan." Mahinang siniko ako ni Ninang at nagising ako sa malalim na pag-iisip.
"Si Ninang talaga... yung mga tanong mo kasi..." Natatawang sabi ko.
Pagkaraan ng ilang sandali ay huminto ang trike sa harap ng bahay namin at nagkataon na nakaupo sa labas ang mga inggitera at chismosa namin na kapitbahay. Nagbubulungan na naman sila habang ipinapasok namin ni Ninang ang mga napamili namin. Nang-aasar na nginitian ko na lang sila.
"Ate!" Tumatakbong lumapit si Yuka at Cosme sa amin. Nakauniporme pa ang dalawa dahil kagagaling lang ng mga ito sa eskwelahan.
"Ano yan mga yan, Ate? Sa atin ba yan?" Tanong ni Cosme.
"Oo, binili ko yung paborito niyong mga pagkain at bumili na rin ako ng mga baon niya. Saka mamaya hindi na galunggong ang ulam natin, bumili ako ng spam. DI ba gusto niyo yun?"
"Hay salamat! Akala ko tutubuan na ako ng kaliskis kakaisda natin." Sabi ni Yuka.
"Saka yung sinasabi mong iPhone, bilhin mo na." Nakangiting sabi ko.
"Talaga, Ate?" Gulat na sabi niya.
"Oo, ipinangako ko sa'yo yun eh."
"Thank you, ate!" Niyakap ako ng mahigpit ni Yuka. "The best ka talaga!"
"Aba! Umaasenso na si Saskia." Narinig kong sabi ng kapitbahay namin habang nakatitig sa amin.
"Eh paanong hindi aasenso yan, eh ang dali-dali lang ng trabaho niya. Bubukaka lang siya, may pera na." Natatawang sabi ng inggiterang kapitbahay namin na nakaaway ko noong nakaraan.
"Kung ano talaga ang puno, iyon din ang bunga. Di bale nang maghirap kami pero hindi ko ibebenta ang sarili ko." Sabi ng isa pa.
Kumawala ako sa pagkakayakap kay Yuka at humarap sa kanila. "Wala naman kasing bibili kahit mag 50% sale ka pa! Tse! Mamatay kayo sa inggit!"
"Halika na, Yuka, Cosme! Pumasok na tayo at lutuin na natin yung spam natin. Nang makalanghap man lang ang mga chismosang yan ng imported na pagkain." Sabi ko at nagmartsa papasok sa bahay.
MIGS
"Hey Dad, can I ask you something?" Dad and I were having a nice, quiet drink on the porch of the house. We do this every once in awhile. We'd been doing this since I was a teenager. Dad was more than a father to me, he was also my bestfriend. He gave me the security to talk to him about anything.
I remembered when I was fifteen and I started being sexually active. I told him about it and he never told me or made me feel that what I was doing was wrong. Sabi niya normal lang daw iyon sa lalaki. He just reminded me to never forget to use protection and if I needed to know anything I could come to him.
"Yeah, sure. Shoot." He said before taking a gulp of beer from the bottle he had in his hand.
"How did you know that Mama was the one for you?"
"It was a gut feeling. I just knew."
"Kailan mo naisip na siya na yung babaeng pakakasalan mo?"
A nostalgic smile appeared on his face. "The first time I saw her. Your mother was beautiful— she still is. She was so young, sixteen at that time. I knew in that instant that she was mine and I was hers and I didn't have a choice with her. When it's love you don't even have a say about it, it's just there oozing out of your pores. "
I thought of Hazel. My beautiful Hazel. It wasn't an instant attraction between us. I fell in love with her little by little. I fell in love with the way she smiles, the way she looks at me, the way she says my name, the way she does everything with grace. The more I got to know her, the more I fell for her. It wasn't an instantaneouse pulse that vibrates in the deepest part of my heart. It's like weaving together all the things I loved about her, every story exchanged, every secret whispered. All those things built on itself until it was big enough to ignore. That's when I made the choice that she was the one for me. The one I wanted to spend the rest of my life with.
"Then why did you and Ma seperated? Bakit nakilala lang kita noong nine years old na ako?"
Dad took in a deep breath. He avoided my gaze. "Minsan kahit mahal mo ang isang tao, masasaktan at masasaktan mo pa rin siya. May mga bagay na susubok sa pagmamahalan niyo. I love your Mom and I never meant to hurt her but I did."
"What did you do to Ma?" I asked, out of curiosity.
"If I tell you what I did to your mother, you would hate me." He said with a bitter smile.
"Did you... did you cheat on her?"
He shook his head. "No, I did something worse than that."
They never really explained why Ma had to hide me from him when I was a child. The first time I saw my father was when he picked me up from the school's clinic. I never knew he was my father even after I met him. Akala ko wala na akong ama dahil iyon ang sabi sa akin ni Mama. I thought at that time that he was just my mother's husband and the father of the twins.
"But she still forgave you?" I asked.
He nodded his head. "Hindi ko pa nagagawang patawarin ang sarili ko sa nagawa ko sa kanya, pinatawad niya na ako. Cassie has such a forgiving heart. Sometimes I think I don't deserve her."
I loved and respected how highly Dad always speaks of Mama.
I gulped down the beer I was holding to moisten my drying throat. "Do you think Hazel would forgive me too?"
"Forgive you for what?"
"I cheated on her, Dad. I slept with another woman." Those words came out of my throat like vomit.
Dad looked at me, quite shocked. There was only silence for a few minutes before he spoke again. "Ikakasal na kayo... bakit mo ginawa iyon? Bakit ngayon pa kung kailan ikakasal na kayo?"
"Hindi ko sinasadyang mangyari iyon. It just kind of happened." I slumped against my seat and massaged my aching temples. I thought of the woman I slept with again. She was so alluring, so tempting. I was instantly drawn to her like a magnet. I felt like Adam in the garden of Eden being tempted to eat the forbidden fruit. And eat, I did...
"What are you planning to do? Are you going to tell her?" Dad asked.
"I still don't know what to do, Dad. I guess, I just want to get this off my chest."
"Ayaw kong pangunahan ka sa desisyon mo, Miggy. Malaki ka na. Kung anuman ang maging desiyon mo at kung ano ang mangyari, you know your mother and I are always here for you." He patted me on the back. "I trust that you'd do the right thing, son."
"Promise me, Dad, wala kang pagsasabihan nito. Kahit kay Mama, lalong-lalo na kay Mama." I begged.
"Of course."
"I didn't know why I did that, Dad." I raked my fingers through my hair frustratedly.
"Maybe you just had a moment of cold feet. Hindi ko sinasabing tama ang ginawa mo pero hindi naman uncommon iyon sa mga taong ikakasal na."
"Miggy, Nick..." Mama came out of the house and walked towards us.
"Yes, Babe?"
"Pumasok na kayo sa loob. Kayo talaga, tama na muna yang inuman niyo." She stopped in front of us and took away the bottles we had in our hands. "Luto na ang dinner."
"Come on, champ! Let's go in." Dad gave me a pat and stood up, wrapping his arms around the small of Mama's waist.
I nodded my head. "Susunod na lang ako, Dad, Ma."
"Miggy, hindi pinaghihintay ang pagkain." Mama said.
"Cass, hayaan mo muna ang anak natin. Maya-maya papasok din yan." Dad said and turned his attention back to me. He gave me a meaningful nod.
"Basta pumasok ka agad." Sabi ni Mama.
"Yeah, I'll just stay here for a bit."
I let out a long, deep exhale. I started contemplating again as soon as I was left alone. I had always been careful with what I do. Always. That night I just lost myself to her. The moment she swayed her hips in front of me, I just lost control. The alcohol didn't help either. I closed my eyes and I began picturing her in my head again, dancing in front of me. It was as if I was being mocked by my own self.
Miguel Cordova, what have you gotten yourself into?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co