Truyen3h.Co

Lipstick Lullaby

Chapter Two

RainbowColoredMind

SASKIA

Malamig na hangin ang humaplos sa katawan ko at gumising sa akin. Hinatak ko ang kumot at ipinulupot iyon sa katawan ko. Kahit nakakumot na ako parang tumatagos pa rin ang lamig sa kumot na iyon. Ber month na kasi ngayon kaya siguro nagsisimula na lumamig.

"Yuka, hinaan mo naman yung electric fan." Inaantok pa rin na sabi ko. Nang wala akong marinig na sagot mula sa kanya ay pilit kong idinilat ang mabigat na talukap ng mga mata ko.

Wala ako sa kwarto namin ng kapatid ko. Hindi naman ganito kalambot ang kama namin. Wala kaming flat screen tv sa kwarto, wala kaming aircon, saka hindi naman ganito kalaki at kaganda ang kwarto namin. Napabalikwas ako sa pagkakahiga na para bang may pumitik sa utak ko at mabilis na naintindihan nito ang nangyayari. Nawala agad ang antok ko, ang sakit ng ulo ko at ng katawan ko. Napasinghap ako ng bumaba ang kumot na nakapulupot sa akin sa baywang ko at humantad ang hubad na katawan ko. Itinaas ko ulit ang kumot at itinakip sa katawan ko.

Naramdaman ko ang pag-alon ng kama mula sa tabi ko. Hindi ako nag-iisa sa kamang ito. Parang bumilis ang tibok ng puso ko, parang gusto nitong malaglag sa talampakan ko. Dahan-dahan kong pinihit ang ulo ko sa tabi ko at doon ko nalaman na tama nga ang iniisip ko.

Nakaharap ang matipunong likod niya sa akin at ang mga mala-gintong hibla ng buhok niya. Siya! Siya yung lalaki sa party kung saan ako sumayaw kagabi. Tumaas-baba ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napuno ng luha ang mga mata ko hanggang sa mahilam na ako. Niyakap ko ang mga hita ko at napaiyak na ako, hindi ko na napigilan mapahagulgol.

"The hell?" Muli kong narinig ang pamilyar na boses na iyon. Nag-angat ako ng tingin at nakita siyang nakaupo sa tabi ko at nakatitig sa akin. Nanlaki ang mga mata niya na para bang gulat na gulat ito.

"What are you doing here? Did we... Shit!" Sinuklay niya ang mga daliri niya sa buhok niya at sinabunutan ang sarili bago sunod sunod na umiling. "No, no... this can't possibly be!"

Lalong napalakas ang hagulgol ko at isinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko.

"Hey, shh... stop crying." Pag-aalo niya sa akin. Humaplos ang kamay niya sa balikat ko at umigtad ako palayo sa hawak niya.

"Don't touch me not!" Galit na sigaw ko habang umiiyak.

"Miss, please, stop crying... Someone might hear you." Natatarantang sabi niya. Muli niya akong hinawakan ng hindi ako tumigil sa pag-iyak. Sinuntok ko siya sa mukha at gulat na napatingin siya sa akin habang sapo ang panga.

"I'm tell you no, you do, now look at!" Humihikbing sabi ko.

"You're crazy." He shook his head.

"Fuck you! What you do to me ha?"

"What did I do? You mean, what did we do? Don't make it seem like I forced myself on you." May bahid na inis na sabi niya. "Pareho natin ginusto 'to!"

"Nagtatagalog ka pala! Pinahirapan mo pa ko, pakshet ka." Suminghot ako at marahas na pinahid ang mga luha ko. "Hayop ka, pag nalaman 'to ng Nanay ko ipapapatay ka niya sa mga adik na kapitbahay namin."

"Baka mauna pa akong ipapatay ng fiancee ko kapag nalaman niya 'to. God, what have I gotten myself into?" Bumagsak ang mukha niya. "This was a mistake, Miss. We were both drunk last night. I'm sorry..."

"Ganun na lang yon? Pagkatapos ng nangyari? Sorry? Mababalik ba ng sorry mo ang virginity ko?"

"You were a virgin?" Kumot ang noo niya.

"Oo! I'm virgin from head, shoulder, knee and toes. Tapos mawawala lang ng ganon-ganon?"

"But you're a stripper..." Mahinang sabi niya.

"Bakit porque ba nagsasayaw ako hindi na ko virgin? Hindi ako katulad ng iniisip mo." Sabi ko.

"Sabihin mo sa akin kung ano'ng gusto mong gawin ko. Cause I sure as hell can't give your virginity back to you." Sabi niya.


Nahinto ako sa pag-iyak at sandaling natigilan. "Bayaran mo ako and I will forget it about it."

"Of course. I'll pay you. Walang problema sa akin yun." Sabi niya.

Pagkatapos ng pag-uusap namin iyon ay dumiretso ako papunta sa banyo para maligo. Binuksan ko ang dutsa ng shower at bumaba ang maligamgam na tubig mula doon. Kahit paano, naginhawaan ang nananakit na katawan ko at hapdi sa pagkababae ko. Bakas sa katawan ko ang nangyari kagabi. Ang mga pulang marka sa dibdib ko, sa tiyan at pati na sa pagitan ng mga hita ko.

Malabo na sa akin ang nangyari kagabi pagkatapos ko siyang sayawan at uminom pa ako ng alak para lalong palakasan ang loob ko. May mga parte ako na naaalala pero pakiramdam ko hindi ako iyon, parang humiwalay na ang isip ko sa katawan ko.

Migs. Iyon ang naaalala kong tawag sa kanya ng mga kaibigan niya. Pagkatapos ng huling sayaw ko kagabi, dinampot niya ang roba ko at ipinatong iyon sa katawan ko. Mahilo-hilo na ako noon kaya inalalayan niya ako palabas ng VIP room. Tinanong niya ako kung okay lang ako nang makalabas kami at wala akong maisagot kung hindi tawa. Tapos hinalikan ko siya, naghalikan kami...

Tumalon ang eksena sa kwarto kung nasaan kami ngayon. Hindi ko na matandaan kung paano kami napunta dito. Ang natatandaan ko lang ay ang parteng hinahalikan niya ako, ang paghubad niya sa mga damit ko, ang pagyakap ko sa kanya habang gumagalaw siya sa ibabaw ko.

Sinabon ko mabuti ang sarili ko, pilit tinatanggal ang amoy at halik niya sa akin. Gusto kong magalit sa sarili ko. Twenty-three years kong iningatan ang sarili ko. Hindi ako nagboyfriend. Hindi ako lumandi. Ni hindi nga ako nagpaligaw. Tapos sa isang iglap mawawala lang iyon.

Nagbihis na ako pagkatapos kong magshower. Humugot ako ng malalim na hininga bago lumabas sa banyo para muling harapin ang lalaking pinagbigyan ko ng sarili ko. Nakahiga pa rin siya sa kama, nakasandal ang likod sa ulunan ng kama at wala pa rin saplot. Tanging ang puting kumot ang tumatakip sa pang-ibabang bahagi ng katawan niya.

"You really were a virgin." Mahinang sabi niya habang nakatitig sa isang bahagi ng kobre kama. Sinundan ko ng tingin ang mga mata niya at nakita ang pulang mantsa sa ibabaw nito.

"Bakit? Akala mo ba nagsisinungaling ako?" May bahid na galit na tanong ko.

"Yes..." Pag-amin niya at nag-angat ng tingin sa akin. "I'm sorry. This shouldn't have happened."

Nagbaba ako ng tingin. "Tapos na yon. Nangyari na. Wala na akong magagawa."

"How much do you need?"

Nagsimula akong laruin ang mga daliri ko sa harap ko at nag-isip. "Fifty thousand."

"Okay..." Tumango-tango siya bago inilabas ang isang mahabang papel mula sa cabinet sa tabi ng kama niya. May isinulat siya doon at pagkatapos niyang magsulat ay ibinigay sa akin iyon.

Tinignan ko ang cheke at nanlaki ang mga mata ko sa halaga na nakasulat doon. One hundred thousand pesos. Hindi pa ako nakakahawak ng ganito kalaking halaga sa buong buhay ko. Swerte na ngang maka-isang daan ako sa pagtulong sa carinderia sa amin sa isang araw.

"S-salamat." Mahinang sabi ko, hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil nahihiya ako. Nahihiya ako sa sarili ko dahil alam kong ngayon wala na akong pinagkaiba kay Nanay. Nang tanggapin ko ang perang iyon, isa na akong puta. Bayaran.

+++

MIGS

I still couldn't believe what I did last night. I had sex with another woman that was not fiancee. I didn't know how I would be able to face her after what I fuckin' did. Ngayon ko pa nagawa ito kung kailan ikakasal na kami. This was stupid of me. I was an idiot.

Hazel was the perfect girl for me. We had the same goals, same dreams, same interests. She was beautiful both inside and out, sophisticated and intelligent. She was just the right everything. She was the type of woman other women strive to become. And I fuckin' ruined everything because I couldn't control my goddamn libido.

"Hey, Love." Hazel whispered in my ear as she hugged me from the back. I turned my head and saw her smiling at me. "How was the party last night? Did you have fun?"

I swallowed, my throat suddenly dry as sawdust. "Not really. I... I went home early. I didn't finish the party."

Her smile grew wider. She affectionately stroked my head like a dog. "Have you been a good boy?"

"Y-yeah..." My eyes fell to the ground, afraid she'd be able to tell if she looked me in the eyes.

"Alam ko naman na magiging good boy ka kahit wala ako." She giggled and kissed me on the lips. She wrapped her arms around my waist and rested her head on my chest. "Ilang buwan na lang ikakasal na tayo. I can't wait to be Mrs. Hazel Belarmino-Cordova."

I sighed, trying to lift some of the heavy guilt in my chest to no avail. She had no fucking idea that I'd been in bed with another woman last night.

I could blame it on the alcohol but doing that wouldn't make what I did right. It doesn't change the fact that I was a cheating asshole. Besides, I'd been drunk before but it never made me cheat on my girlfriend.

"Migs..." She lifted her head up to look at me.

"Mm?"

"Hindi ka ba excited sa kasal natin?"

"I am." I said.

"Eh bakit wala kang kibo d'yan?"

"I just... don't know what to say."

"Then just kiss me." She puckered her lips. I gave her a small peck on the lips.

"Yun lang?" She chuckled and cupped my face in her palms. She tilted her head and gave me a kiss on the lips. I pulled away after just three seconds. My conscience couldn't stand it. I couldn't kiss my fiancee after kissing another woman.

"Hey..." Her brows furrowed. "May problema ba?"

"Nothing..." I shook my head and forced a smile. "Hang over lang siguro."

"Hindi ka na sana pumasok sa office. Sana nagpahinga ka na lang." She said.

"It's alright. Dad's on a vacation with Ma. Kailangan ako dito sa opisina."

"Do you want a massage?" Her hands reached over to my forehead and she began to massaged me. "Does this feel good?"

"Yeah." I sighed, closing my eyes. The moment I closed them, I saw the face of the woman I slept with. It was as if my conscience, my thoughts and my feelings had to remind me of what I did wrong. "Hazel?"

"Yes, Love?"

"I love you." I said like saying that would take some of the weight off me. But it didn't.

"I love you, too, Migs. I'll love you no matter what." She said.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co