Truyen3h.Co

Miguel Santillan (COMPLETED)

19

Maribelatenta



Walang nagawa si Cristina ng mag pumilit si Miguel na isama sila ng kanyang ina sa mansyon nito. Inabot na ang Senyorito ng tanghali kakapilit sa kanya. Hindi din niya alam kase kung paano pa ito pakikiharapan matapos ng mga nangyari. Mula Bayan ay nagrenta ito ng isang karawahe para may masakyan sila ng kanyang ina, hindi pa niya kase kakayaning sumakay sa kabayo dahil nga masakit pa ang kanyang pagkababae.

Santillan mansion..

"Mayroon pa akong isang bahay dito sa loob ng hacienda kung ayaw niyong manarito sa aking mansyon." Sabi ni Miguel sa ina ni Cristina habang kasalo niya ito sa meryenda. Tulog ang dalaga sa kanyang cuarto at maya-maya ay aakyat na siya sa kanyang silid.

"Maaari, at puwede din akong mag-trabaho sa Hacienda. Ayokong isipin ng mga tao na pinaperahan ka lang namin o kung ano pa." Tipid na sagot ni Rowena, nag-memeryenda sila ng nilupak ni Miguel. Bilib din talaga siya sa binatang ito, masyadong mapursige at hindi tinigilan ang anak niya hanggang hindi sila sumasama pauwi ng mansyon kanina.

"Hindi niyo kailangang magtrabaho pa dito sa Hacienda, alam kong may dinaramdam kayong sakit gaya ng kuwento sa akin ni Cristina."

"Pero kaya ko naman magtrabaho pa." Ulit pa ni Rowena. "Maiba tayo, ano ang plano mo ngayon? Ayokong pangunahan ang mga desisyon ng anak ko ngunit kalat na pala sa buong bayan ang nangyari kay Cristina. Hindi kaya may gawin ang Gobernadorcillo laban sa kanya? O hindi kaya sa amin?" Nag-aalala na sabi niya.

"Walang ng maaaring manakit kay Cristina lalo pa at nasa poder ko siya, hindi ako makakapayag na makalapit ang demonyong Gerardo na 'yon sa kanya."
Seryosong turan ni Miguel.

"Pero ang Gobernadorcillo S-senyorito? Paano siya? Tiyak na galit ito sa ginawa mo sa kanyang anak." Naikuwento ng isang kasambahay kanina kay Rowena ang ginawang pagsugod ni Miguel sa tahanan ng Gobernadorcillo nang nakaraang gabi, pati na ang pagbaril nito kay Gerardo at hindi din siya makapaniwala na kayang gawin 'yon ni Miguel.

"Huwag na kayong mag-alala ako ang bahala, hangga't nasa poder ko kayo ni Cristina ay walang mangyayari sa inyo. Ang mabuti pa magpahinga kayo pagkatapos ng inyong meryenda. Sasamahan kayo ni Mariana sa inyong silid."
Tanging mainit na kape lamang ang naubos ni Miguel, mamaya na lang siya sa hapunan kakain.

"O sige, basta kapag nagising ang anak ko ay tawagin mo ako."

Marahang hinaplos ni Miguel ang mukha ni Cristina, mahimbing itong natutulog sa kanyang higaan. Hindi pa silang dalawa nakakapag-usap ng maayos at buti na nga lang hindi niya ito tinigilan kanina na sumama na lang sa kanya pauwi ng mansyon. Maingat siyang tumabi dito, ngayon niya lang naramdaman ang antok at pagod at tiyak makakapag-pahinga na siya ng maayos ngayon.

Kinagabihan sa cuarto na lamang nagpadala si Miguel ng hapunan nila ng dalaga. Sa wakas ay wala na din itong lagnat at mababa na din ang temperatura ng katawan. Sinigang na isda sa kamias ang pinaluto niya, maganda sa may sakit ang mainit-init na sabaw. "Nabusog ka ba? O gusto mong magpa-akyat pa ako ng pagkain?" Tanong niya pa dito.

"Busog na ako Miguel, ang dami kong nakain. Maraming salamat pero sandali nasaan na pala ang aking ina?" Kaninang bago magdilim ay umakyat dito ang ina ko para kamustahin ako, pero bumaba ulit ito para tumulong sa kusina.

"Nasa ibaba, tiyak kumakain na siya doon."

"Kung ganoon maaari bang matulog na lang kami mamaya sa kabilang silid? malaki ang higaan doon at kasya kami ni ina." Suwesyon ko sa kanya.

"Hindi maaari!" Mabilis na pagtanggi ni Miguel. "Siya lang ang matutulog doon, nag-usap na kami kanina. Dito ka matutulog sa aking silid at pumayag siya."

"At bakit naman? May sakit pa ako Miguel tigilan mo kung ano ang naiisip mong kalokohan."

Napangiti si Miguel, mukhang magaling na nga ang kanyang Cristina, nagsusungit na naman ito katulad ng dati. "Huwag kang mag-alala Binibini matutulog lang tayo mamaya."

"Siguraduhin mo lang Miguel at kayang-kaya kita ihulog sa 'yong higaan." Banta ko sa kanya.

"Sandali, may ipapakita pala ako sa 'yo." Tumayo si Miguel at pumunta sa isang aparador na naroon, kinuha niya ang isang may kalakihang kahon. "May nabili pala ako sa Maynila noong nagtungo kami ni Ernesto doon. "

Nagtataka ko lamang siyang tiningan nang ilapag niya ang kahon sa lamesita.

"Ventilador ang tawag dito Cristina, at isa itong dekuryenteng kagamitan kung saan nagbubuga ito ng hangin." Paliwanag ni Miguel, lumapit siya sa nag-iisang saksakan na naroon sa kanyang silid at isinaksak ang ventilador.

Agad akong namangha ng dahang-dahang umikot ang sinasabing ventilador ni Miguel. Ang galing! Bumubuga nga ito ng hangin, may dalawang elisi ang nakakabit dito. "Ang ganda Miguel ng binili mo, makakatulog ka ng maayos lalo na kung tag-araw. Malaking tulong 'yan sa 'yo, teka magkano ang ganyan sa Maynila?"

"Limang daang piso."
Masayang sabi ni Miguel, sa Divisoria niya ito nabili.

"Ano? Limang daang piso? Ang laking halaga noon Miguel! Mas mainam kung abaniko na lamang ang iyong binili at pinag-paypay na lang kita." Gulat na sabi ko.

"Galing itong Amerika Cristina kaya mahal at hindi biro ang presyo. Mayroon pa nga akong hinihintay na kagamitan galing din sa ibang bansa. Susulat ang kausap kong negosyante kapag dumating na iyon sa Balintawak."

"Mayroon pa? Ano naman 'yon?"

"Refrigerator sa ingles ang tawag, pero manggagaling  'yon sa Europa kaya matatagalan ang pagdating."

"At de kuryente din 'yon?"

"Oo, at tiyak maiibigan mo yun sapagkat maaari ka ng mag-imbak ng pagkain doon lalo na ang mga karne at isda ng hindi nababahalang masira ang mga ito. Ang mga pagkain na ilalagay mo doon ay lalamig."

Napatango-tango ako sa paliwanag ni Miguel, wala akong ideya sa sinasabi niya ngunit base sa kanyang eksplenasyon ay parang maganda ito. "Magkano naman ang ganoon?"

"Isang libo at walong daan."

"Ano? Napakamahal naman ng sinasabi mo Miguel! Kaya ko ng mabuhay ng dalawang taon sa halagang iyon!" Aba mukhang magastos ang lalaking ito ah. Una limang daan tapos ngayon ay isang libo at walong daan? Napakalaking halaga!

"Walang problema sa salapi Cristina, ano pa at naging negosyante at haciendero ako kung hindi ko kayang bumili ng mga bagay na nais ko."

"Kahit na Miguel, hindi ka pa din dapat nagpapadalos-dalos sa pagbili ng kung anu-ano. Pinag-iisipan dapat ng maigi ang ganoong bagay."
Sabi ko naman sa kanya, alam kong mayaman ang mga Santillan at may salapi itong si Miguel pero nakakagulat lang at ang mamahal pala ng binibili nitong mga gamit.

"Ayos lang 'yon Binibini, at isa pa hindi ko naman madadala sa hukay ang aking salapi kaya mabuti pang gamitin ko din paminsan."

"Ewan ko sa 'yo Miguel, kung pagkain pa yan baka natuwa pa ako sa 'yo." Sabi ko naman.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co