Truyen3h.Co

Mistakes

Chapter 35

frezbae


Chapter 35
Mistakes

Ito yung araw na ayaw kong dumilat. Ayokong magising.Kung pwede lang pahabain pa ang oras ng kahapon ay ginawa ko na.

Kagabi palihim kong inayos ang isang maleta ko. Sabi ni mama aalis siya ngayon para makahanap ng trabaho. In fact,kahapon pa siya nag aaply pero lahat sila ay tinanggihan si mama.

Alam ko ang puno't dulo nang lahat na ito. Hindi na ako magpapakaselfish pa. Kung pagpapatuloy ko ito,Damon will suffer.Ang mahirap pa pate si mama ay nadadamay.

Galit ako ,oo. Unang una humingi ako ng dalawang araw pero bakit kailangan niya pang gawin sa amin ito? Alam ko ang mama ni Damon ang dahilan kung bakit kahit pinsan mismo ni mama ay tinanggalan siya ng trabaho. At ngayon ito na naman.

Stress na stress si mama kakatapos lang kausapin ang may ari ng lupa na kinatitirikan ng aming bahay.

"Pinapaalis na tayo dito anak. Saatin nga ang bahay na ito pero hindi atin ang lupa. " Napahilamos ito ng mukha. Masid ko siya sa aking harapan na nakaupo.

"Paano na ito?" Walang pag-asang sabi niya.

Simula nong hindi na nagbibigay si papa ng pinansyal sa amin ay hindi na kami nakabayad ng lupa. Matagal tagal na kami hindi sinisingil dito pero ngayon galit na galit ang may ari kay mama na tila may hinugutan ito kanina.

May pumapasok sa utak ko na ediya kung sino ang may pakana nito pero hindi ko nalang inisip.

Wala akong ganang kumain. Ang hirap iwan ni mama. Ang hirap hirap iwan ni Damon.Alam kong kapag aalis ako ay tatantanan ni Ma'am Sonya si mama. Ako lang naman ang rason ng lahat na ito.

Gusto niyang umalis ako. Gagawin ko ito hindi para sa kanya. Hindi dahil takot ako sa kanya. Kundi dahil para kay Damon. If she want the best for Damon, ako 'ganon din. Dahil na rin naawa na ako kay mama.

Gusto kong murahin ang mama niya. Gusto kong pagsalitaan siya ng masama. Pero hindi ko gagawin, siguro nga mahirap ako at walang maipagmamalaki pero pinalaki akong may prinsipyo. Tinuruan akong gumalang sa mga tao. Pinalaki akong walang inaapakan na ibang tao.

'Yon lang ang maipagmamalaki ko.
Na kahit 'ganon siya kasama. Nirerespeto ko siya dahil ina siya ng lalaking mahal ko. Wala si Damon kung wala siya kaya gagalangin ko siya sa pagbigay buhay sa lalaking mahal ko.

Hindi ko din magawang magalit kay Ma'am Sonya. Naaawa ako dahil masyado siyang mapagmataas na kahit hindi maabot,dinadaan sa dahas para makuha. Naaawa ako dahil masyado siyang gahaman. Kaya ayokong sabihin kay Damon ang tungkol dito dahil ayokong kamuhian niya ang sariling ina. Sisisihin ko lamang ang sarili ko kapag 'ganon ang nangyari.

Marahan akong bumuga ng hangin habang iniisip ang bayarin sa lupa. Binigyan si mama ng limang buwan para makabayad. Siguro makahahanap ulit ako ng trabaho niyan.

Hahanap ako ng trabaho sa lugar na pupuntahan ko. 'Yon nalang ang gagawin kong rason kay mama kapag umalis na ako.

Today ,magkikita kami ni Damon sa school. And today is my last day..with him.Papasok ako sa kahabaan ng alley papuntang room na lutang. Nakatulala lamang ako at walang ibang marinig at maisip kundi ang pag aalis ko bukas.

"Y-Yan yong ticket to Mindoro. Pagdating m-mo ng Mindoro sasakay ka nang bangka papuntang Semirara. Dalawang oras ang biyahe ng bangka.Pagdating sa pier may nag aabang sayo doon na caretaker namin sa Lucena Village. Siya ang bahala sayo doon."

Mangiyak ngiyak na sabi ni Ruru. Hindi ito makatingin sa akin at pulang pula ang ilong nito dahil sa kakapigil ng iyak.

"Salamat talaga sa lahat..Ru.."

"Parang kapatid na kita.Bakit kapa kasi aalis eh! Isumbong mo nalang kaya!"

Malungkot ko siyang tiningnan. Nilagay ko sa aking libro ang ticket ko bound to Mindoro inipit ko ito doon.

"Mas lalong lala ang lahat Ru. Ayokong magalit si Damon kay mama niya. Gusto lang ng mama niya ang mabuting buhay para sa kanya.At hindi ko iyon maibibigay kay Damon.." sabi ko.

"But she's evil"

"Drop the topic. Ayoko munang pag usapan iyan ngayon. " Tumayo ako upang makipagkita na kay Damon. Sumakto ang araw na ito dahil wala ang aming last subject teacher. Alas dos palang ay magkikita na kami ni Damon.

Hindi niya rin ako nasundo kaninang umaga dahil may emergency daw sa opisina nila.Tiningala ako ni Ruru habang nakaupo pa sa kanyang silya. Nagpaalam na ang iba kong kaibigan na mauuna nang umalis.

Namumula na ang mata nito. Mapait akong ngumiti.

"Si D-Damon Zands,kaya mo siyang iwan?"

Huminga ako ng malalim. Tumingin sa kaklase naming palabas na at binalik ang tingin kay Ruru.

"Hindi ko kaya." Tanging nasabi ko.

Mas lalo na siyang umiyak at tumayo. Niligpit niya ang gamit niya at tumalikod agad ito nag amba na umalis.

"M-Mauna na ako.Ayoko kasing ikaw yung makita kong unang umalis.Pupuntahan kita doon sa pag nagbakasyon.." Anito at umalis na.

Ayaw kasi ni Ruru nang taong umaalis. Tulad noon ,sa tuwing lalabas ng bansa ang magulang niya at ilang buwan pa bago makakauwi.Hindi siya sumasama sa paghatid sa airport dahil daw mas nasasaktan daw at mas lalo siyang nagiging emosyonal.

Pero kahit na ayaw niya akong umalis tinulungan niya parin ako sa lahat lahat.
Naglalakad sa corridor parungong locker ay kinokontact ko ang numero ni Damon.

Iiwan ko lahat nang libro at charts dito sa locker ko. Tahimik ang buong paligid. Ingay lamang ng aking sapatos ang naririnig.

Ang mga studyante kasi dito ay mas gustong tambayan ang starbucks sa labas. Ang iba ay nasa park malapit lamang dito sa school kaya konti nalang ang studyante dito lalo na't may meeting ngayon.

Ilang ring at sinagot ni Damon ang tawag.
"Hello".

"Kaka park ko lang.Nasaan ka?" Rinig ko ang pagod sa tono niya. Simula pa noong naging kami ay palagi na siyang busy sa kanyang kompanya. Noon kasi palagi siya dito sa school pero ngayon madalang na. Busy siya palagi pero masaya ako para sa kanya dahil responsable na siya sa kanyang mga responsibilidad bilang anak ni Don Raymundo.

"Nasa locker ako hihintayin kita dito at pumasyal ulit tayo."

"Is there something wrong Zandria?" Tanong nito at kumabog ang dibdib ko.
"Bakit parang--".

"Wala.Masama bang makasama ka palagi?"

"Of course not. Wait me there. " Pinatay agad nito ang tawag kaya napahilig ako sa locker ko dahil sa kaba.

Bawat galaw ko ramdam ko ang sakit,ramdam ko ang pighati. Hindi ko magawang ngumiti.Binuksan ko ang locker ko at ilalagay na sana nang....

"So?" Napatingin ako kay Venice sa gilid ko. Humigpit ang hawak ko sa aking libro. Ramdam ko ang kaba at galit ko.

"So siguro naman kinausap ka na ni tita Sonya? she like you?" Sunod sunod na sabi nito.

"Or, ayaw niya sayo para kay Damon dahil low class bitch ka? A low class gold digger." maarteng sabi nito.

Walang emosyon ko siyang minasdan. Maganda sana siya mukhang anghel pero may sungay at buntot ngalang ni Satanas. Sayang.....

Wala akong oras sa ganito. Ang dami dami ko nang problema!

"Wala akong oras dito Venice.."

Ilalagay ko na sana ang mga libro sa locker ng haklitin niya ang braso ko sanhi ng pagkalaglag ng mga libro ko sa sahig.

Parang apoy na sumiklab ang galit ko.
"Ano ba!"

Ngumisi siya.

"Alam mo na ngayon kung saan ka dapat lumugar!" Humigpit ang hawak niya.

"Sa putikan ka! Ambisyosa ka kasi!"

Nalaglag na ang aking luha sa dami daming emosyon. I am tired of my life.

"What are you doing Ven!?" Napapikit ako nang marinig ang boses ni Damon sa aking likod. Naagaw nito ang atensyon ng studyante hindi lamang kalayuan.

Otomatiko ang pag kalas ng kamay ni Ven sa braso ko. Namutla ito....

"I-Ikaw pala D-Damon.."

Hinaklit ni Damon ang braso ni Ven kaya agad akong kinabahan ng sobra. Galit na galit ito.

"Ilang beses kitang binantaan na wag kang lumapit sa kanya!" Impit na galit ni Damon kay Ven.Kita kong namimilipit si Ven sa sakit.

Agad kong hinawakan ang braso ni Damon. "Damon, tama na."

Ang galit na mukha nito ay napalitan ng kaseryosohan ng makita ang aking mga luha. Agad niyang binitawan si Ven at niyakap ako.

"I hate you! Magsama kayo! " Sigaw ni Ven at agad umalis.Pinunasan ko ang aking luha at hinarap siya.

"Damon tayo na.." Dahil ayokong aksayahin ang oras ngayon.

"Are you okay?" Anito puno ng pag aalala.

Tumango ako at binalingan nito ang libro na nalaglag kanina sa paghawak ni Ven sa aking kamay.

Yumukod siya at pinulot iyon.Lumaki ang aking mata nang mahawakan niya ang ticket na nalaglag rin pala kanina.

Agad itong tumayo at seryosong binasa ang ticket ko.

"D-Damon..." Kukunin ko na sana iyon pero napatigil ako sa sobrang galit na nakita ko.

Gumuho ang mundo ,nanlulumo sa nangyari at bumuhos ang aking kaba.

"Anong ibig sabihin nito?" Nanginginig sa galit ang kamay nito hawak ang ticket.

Umiling ako at napayuko. What the hell!

Tumaas baba ang dibdib nito dahil sa galit.
"Sabihin mo! Bakit ka aalis!" Sigaw nito sa akin.

Hindi to pwede! Hindi!

"D-Damon sorry-"

"Putang ina bakit Zandria?" nasasaktan akong makita na namumula ang mata nito at konti nalang papatak na ang kanyang luha.

Shit. This is a mistake.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co