Chapter 11
Chapter 11
Sasama
Inagahan ko ang aking pag gising para makaiwas sa dapat iwasan. Kagabi halos hindi ako makatulog sa kuwarto. Hinatid ako doon ni Manuel. Ngayon ang problema ko kung paano silang dalawa iwasan.
This is so hard. Eto na iyong ayoko.. Walang kompirmasyon ang sa amin ni Manuel. He's engaged. Dapat ko siyang iwasan. Ezekiel is playboy. Noon pa man iniiwasan ko na siya dahil ako mismo kita ko kung paano siya maglaro sa feelings ng mga babae niya.
Natapos na nga ang bakasyon nila sa Manila at eto na sila ulit.
Mamasa masa pa ang buhok ko ng umalis ako ng mansyon. Gusto akong ihatid ng driver pero hindi ko na iyon pinaunlakan.
"Kung may maitutulong lang sana ako saiyo Aurora. Baka rin sa second semester hihinto muna ako dahil pupunta kaming Manila."
"Ha? Bakit naman?" sabi ko dito at nilapag ang librong hawak.
"Magtatrabaho muna kami doon ni Ate. Mahirap dito.Alam mo naman na walang lalaki sa amin. Wala kaming alam tungkol sa hacienda kaya wala talaga kaming peperahin dito."
"Mamimiss ka namin Maribel." Si Princess naman na halata ang lungkot. Ilang taon na din silang magkaibigan.
Nagpasalamat ako na hindi ako naabutan ng magkapatid kanina. Hindi ko maimagine na baka sabay sila magising.
Binabad ko ang sarili sa eskwelahan at mga activities. May binigay rin na thesis sa amin na grupo naming gagawin. Siyempre ka miyembro ko sila ni Maribel at Princes.
Alas kwatro na ako lumabas ng skwelahan. Inabala ko ang sarili ko doon na magwalis at makipag kwentuhan sa ibang guro. Inabala ko ang sarili ko dahil alam ko na sa oras na bumalik ako sa mansyon ay maaalala ko na naman kung gaano ako ka ulilang lubos.
Huminga ako ng malalim at palabas na ng gate ng matamaan ang isang kotseng pamilyar.
Napahinto rin sila ni Maribel at Princes sa gilid ko. Tila nahipnotismo ako ng kanyang mata. Napalunok ng dahan dahan at umiwas.
"Sinusundo ka?" Hindi makapaniwalang sabi ni Maribel.
Kumurap ako.
"O-Oo. Kasi may kailangan. O sige na! Mauna na ako.Bye!" Bago pa sila may masabi lumapit na ako kay Manuel na prenteng nakaupo sa nguso ng kanyang sasakyan.
Habang papalapit ang siyang paghagod nitong tingin sa aking uniporme. May slit iyon sa gilid na kulay dark blue na palda. Hanggang tuhod iyon.
Tahimik lang siya at mukhang galit pa sakin. Binuksan ang pinto at agad akong pumasok doon na walang imik.
Nagpapaligsahan ang paru paro ko sa tiyan at ang kalabog ng aking puso.
He locked my seat belt. "Ang aga mong umalis?" tanong nito.
"Hindi mo naman ako kasi dapat ihatid."
Tinignan ako nito at binalik ang tingin sa harap. Mahina ang pag andar ng kotse kayan kitang kita ko ang papalubog na araw. Ang mga kahoy at palayan.
"Ihahatid kita walang masama doon."
"Paano hindi masama e may fiancee ka? Sige nga sagutin mo." Walang galit sa boses ko pero totoo yung sinabi ko.
Natahimik siya at nakita ko kung paano dumilim ang kanyang mukha. "Pinagkasundo kami pero hindi kami ikakasal."
"Alam ba niya?" tanong ko.
"Are you jealous Aurora?" Umangat ang sulok ng labi nito kaya napaiwas ako.
"I'm not jealous. Alam mo kasi hindi ako palaman para maipit sa ganyang bagay. You kiss me if you want. Kung maka asta ka parang tayo Manuel. Tayo ba?" mapait akong ngumisi.
"Nawala na sakin ang pamilya ko. Nag-iisa nalang ako. Kung lulugmok ako at masasaktan walang ibang tutulong sakin kundi ang sarili k-ko."
Nanubig ang aking mata at gumaralgal ang boses. I blinked my eyes just to push back my tears.
Hinihinto nito sa gilid ang kotse bigla. Napasinghap ako sa ginawa nito.
"Baby, tumingin ka sakin." Malumanay ang boses nito at paos.
Taas baba ang aking dibdib sa pigil hikbi.
"I am making things alright. Ginagawa ko ang lahat. Dahan dahan ang aking galaw para wala akong madehado. I know you're smart enough.Kaya ayaw mo sakin dahil nag iisip ka."
Tumango ako at pinunasan ang takas na luha. "Wait for me. Malapit na maayos. "
I swallowed the lump inside my throat just to ease my emotions. "Maghihintay ako Manuel."
Pagkababa palang sa kanyang sasakyan nasa amin na ang mata ng trabahanteng alam ko na maghinhintay ng kanilang sasahurin sa bagong pinuno ng Hacienda.
Napayuko ako at humigpit ang hawak sa bag. Bago pa makalapit si Manuel mabilis na akong umalis at pumasok ng mansyon.
Papasok sa bulwagan tila nagkakasiyahan sila. Napamulagat ako ng makita si Chloe na nakangiti at katabi nito ang kanyang ina. Walang ama si Chloe iyon ang alam ko.
"Oh Aurora! Tamang tama. Nagmemeryenda kami. Halika!" magiliw na aniya sa akin ni Senyora Patricia.
Nakita ko na pababa si Ezekiel sa hagdan.
"Huwag na po.Busog pa naman ako tsaka di pa nakabihis."
"Sige na Aurora. May dala akong cake." Si Chloe.
"Oh, Ezekiel! Pupunta ka ng Hacienda?" tanong ni Senyora Patricia.
"Oo mama. Para ayos na lahat pag na deliver natin sa Manila."
"Sige Mag ingat ka."
Natahimik kaming lahat ng dumating si Manuel. Kasabay ang paglabas ni Ezekiel sa pinto. Nagbanggaan lamang ang kanilang balikat pero ni sulyap wala.
Napakurap kurap si Senyora at napatingin sa akin bago nag bawi ng tingin. "Ah! Sige na kain na tayo!"
Bago ako umalis hindi ko maligtaan ang pagpawi ng ngiti ni Chloe at napatingin kay Manuel. May sinabi siya dito na ikinailing ni Manuel bago umalis.
Bago tuluyang mag alas otso nangunot ang noo ko sa mabilis na galaw ng mga katulong.
"Nanay Vilma anong meron?"
"Ay mabuti lumabas ka. Eto pinabigay ni Senyora. Suotin mo raw. May hapunan kayo mamaya sa pool area."
"May selebrasyon po ba?"
"Ewan. Wala kaming ediya. May pakain raw si Ma'am Chloe."
Tumango ako at binuksan ang paper bag. Isang kulay baby pink na dress ang nakita ko sa loob.
Tinulungan ko muna sila sa paghanda. Bago ako nag ayos.
Kanya kanyang kislapan ang palamuti sa pool area. Maganda ang ambiance ng hangin nakaka relaks. Kitang kita ang bituin sa langit na nagkikislapan.
Kung andito lang sila lolo at lola masaya ang mga iyon. Sigurado.
Hiyang hiya ako habang pinupuri ng mga katulong. "Puwede ka mag artista Aurora. Tsaka makinis ka. Maganda ang kurba ng katawan. Parang hindi ka first year college. Papasa ka bilang model!" si Nanay Vilma na inaayusan ako.
Pinuyod niya ang buhok ko habang hawak ko ang maliit na salamin. Pinagpipiyestahan nila ako dito sa kusina!
"Ayan! Dapat litaw ang leeg at balikat. Baka mainlove sayo niyan ang dalawang magkapatid!"
Lumawak ang aking mata at napatawa ako. "N-Naku! Hindi."
Sa gilid ng pool naka latag ang mesang mahaba. Punong puno iyon ng pagkain. Nagtatawanan sina Senyora ,mama ni Chloe at Manuel. Nag uusap naman sa kabila sila Ezekiel at Senyorito Juanito.
Napatigil sila ng dumating ako. Dahil sa hiya ko nagdala ako ng isang tupper ware na pagkain galing kusina.
"A-Ah menudo po ito. Luto ko."
Pumalakpak si Chloe. "Wow! Sige tikman ko iyan mamaya. I'm starving na kasi!"
Hinawakan nito sa braso si Manuel na wala ang atensyon sa kanya kundi nasa akin. Iniwas ko ang tingin at dumapo iyon kay Senyora. Nakatingin pala siya ng pa balik balik sa amin ni Manuel at sa akin. Ngumiti siya sa akin ng makita niyang nakatingin ako.
Hinila ni Ezekiel ang silya katabi ko at umupo. Hindi siya nagsalita.
"Magkano na ang truck ng tubo Ezekiel?" Si Senyorito Juanito ang nagsimula ng usapan.
"Tatlo na. Puwede na natin iyong idispatch . Malaking halaga narin iyon."
"Sige. Mabuti natuto kana. Bigay mo sakin bukas listahan ng driver ng truck nang masweldohan ko bago ako lumuwas pa Manila."
"Yes pa."
"Ikaw Manuel? How's the company?"
"Success ang limang investors ko bago ako bumalik dito. They will invest and put their stock to our savings. I think this year tataas ang ratings natin. Ngayon may gusto akong tirahin na kompanya alam ko na mas lalago tayo rito."
Ngumisi si Senyor kay Manuel at tinapik ito sa balikat kahit nasa kabila ito. Nasa harapan namin.
Parang may napansin ako. Kaya tinignan ko si Ezekiel. Kumakain siya at walang ganang pinakinggan ang pinag usapan.
"Kaya ikaw Ezekiel. Magtino ka. Gayahin mo ang kuya mo."
"I am Dad." Diin na sabi ni Ezekiel at umigting ang panga.
Tila natimbre ni Senyora ang iringan kaya iniba nito ang usapan.
"So Chloe para saan itong pa dinner mo sa amin?"
Ngumisi nang malapad si Chloe at hinilig ang mukha kay Manuel.
"Ang saya saya ko kasi Mama." Mama na agad ang tawag kay Senyora.
"Ang saya saya ko dahil isang buwan na po akong buntis."
Tila huminto ang orasan at hindi maalis ang aking tingin kay Chloe. Tila nakakita ako ng multo sa aking narinig.
Parang naging baso ang aking puso na isa isang binasag ito. Dinig ko ang bawat hampas nito. Ramdam' ko ang sakit sa bawat pagkabasag. Basag ang puso ko.
"T-Talaga! My God! Hija? Really?!" hindi makapaniwalang sabi ni Senyora.
Hindi ko matignan si Manuel. Alam ko kapag tinignan ko siya papatak na ang luha ko.
"Yes Mama!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Chloe. Sa pag iyak niyang iyon nagagalit ang puso ko. Nasasaktan ako sa iyak ng kasiyahan niyang iyon.
Dinig ko ang tawanan nila at purian. Hindi ko masundan ang sinabi ni Senyor kay Manuel. Naging manhid ako.
"Wait tita. Kunin ko sa mesa ang niluto kong adobo. Paborito iyon ni Manuel. Gusto ko ako ang kukuha at bibigay sa kanya." Anito at umalis bago tinungo ang mesa nasa gilid ng pool.
Suminghap ako para hindi umalpas ang luha. Nasa harapan ko si Manuel. Alam ko na kanina pa nakatingin.
Naramdaman ko ang hawak ni Ezekiel sa aking kamay sa ilalim ng mesa. Gumapang iyon at unti unting humigpit.
Tila naging karamay ko ang kamay na iyon sa sakit na nararamdaman. Umangat ng tingin kay Manuel ang siyang pagpatak ng luha ko.
Maraming emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Umiling ako ng umigting ang kanyang panga ng makita ang aking luha.
Bago pa makita ng lahat. Tinabig ko ang kamay ni Ezekiel at umalis sa mesa.
Walang kahit anong salita. Walang paalam.
Dahil oras na bumigkas ako. Baka doon ako malugmok.
Umasa ako sa taong hindi para sa akin. Umasa ako sa sinabi niya. Ngayon aasa parin ba ako?
"Aurora!" Tawag ni Senyora.
Pinunasan ko ang luha na dumami. Tila nagulat si Chloe na malapit sa akin habang kinukuha ang adobo.
Hinawakan ako sa braso. "Aurora? Napaano ka?" Alalang tanong nito.
Pumikit ako ng mariin at umiling. Hinawakan ko siya para itabi pero nagmatigas.
"Dadaan ako Chloe."
"Bakit ka umiiyak?"
"Basta alis." buong pigil ko.
"Hindi e! Bakit ka kasi umiiyak?" Tila nagalit ito sa akin at mas hinaran ako.
"Sabi kong umalis ka!" tumaas ang boses ko at sabay tulak sa kanya. Tila nawalan siya ng balanse lalo na may hawak na pinggan na may adobo.
Bumagsak sa sahig ang pinggan kasabay ng pag bagsak niya sa sahig.
"Auro-ahh!" Namilipit ito sa tiyan.
Nanlamig ako. Nanlamig ang aking buong katawan.
Tila nagslowmotion ang lahat ng sumigaw sila at inalalayan si Chloe na naging pula na ang kulay puting bestida.
"Bakit mo tinulak ang anak ko?!" Isang sampal ang ginawad sa akin ng mama nito. Agad siyang hinawakan ni Senyora na hindi alam ang gagawin.
Napalunok ako ng taas baba ang dibdib ni Manuel at tila sobrang galit. Binalingan ako nito walang kahit ano kundi galit sa mata.
"What have you done!?" diin na sigaw nito sa akin bago kinarga si Chloe na namimilipit sa sakit.
"Hindi niya sinasadya iyon Kuya." sumingit si Ezekiel at hinawakan ako.
Todo iyak na ang aking nagawa. Tila hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari.
Sumama sila sa hospital. Wala ng tao sa pool area. Gusto akong kausapin ni Ezekiel at Nanay Vilma pero natatakot ako. Sobrang takot ako.
Sinubsob ko ang mukha sa unan at umiyak ng umiyak. Halos lugmok ang aking mukha at kalat kalat ang aking buhok.
"Hindi ko sinadya.Hindi ko sinadya.Hindi-" Paulit ulit na binigkas hanggang sa bumukas ang pinto.
Bumungad sa akin si Manuel na nakabukas ang ilang butones ng polo. Tila nawawalan ng pag asa ang mukha nito.
Ginulo niya ang buhok at tinignan ako ng masama.
"Manuel-" bumangon ako at lalapitan sana siya nang bigla niyang kunin ang vase at ihampas sa dingding.
Nagkabasag basag iyon. Umecho ang aking tili.
"Masaya kana!? Aurora!" Napasabunot ito sa buhok at marami na siyang pawis. "Sabi ko ako na ang bahala di ba? Bakit mo tinulak? Para makunan siya? Para tayong dalawa na? Ha ano?! Hindi mo ba inisip iyong kilos mo? Ganyan ka kadesperada?!''
Pinupunit ang puso ko sa bawat salita,bawat letrang kanyang ibinulwak sa akin.
Hindi ako makapagsalita at nanginginig na yumuko pero hinila niya ang kwelyo ko at sapilitang pinatayo halos kaladkarin niya ako.
"Nakunan si Chloe! Masaya kana?!"
"Manuel." I cried." Nasasaktan ako." In pain,physically and emotionally.
Biglang may sumuntok kay Manuel kaya nakalas ang pagkaka hawak niya sa kwelyo ng pantulog ko.
"Ganyan kana ba ka gago Manuel?! Babae siya! Nag iisip ka?!"
Susugurin na sana ni Manuel si Ezekiel pero niyakap ko na si Manuel.
"Patawad. P-patawad. Hindi ko sinasadya."
Halos lumuhod na ako.
Dinig ko ang iyak ni Nanay Vilma sa pinto ng kwarto ko na nakabukas.
"Bumitaw kana Aurora." Mahinang sambit ni Ezekiel.
Umiling ako at mas niyakap pa si Manuel.
"Bitaw Aurora."
"Umalis ka dito pakiusap Aurora." Natigalgal ako sa boses ni Manuel bago ako tinulak.
"Umalis ka dito. Hindi kita mapapatawad."
Napako ako sa kinatatayuan.
"Kasalanan ko.Kasalanan ko."
Niyakap ako bigla ni Nanay Vilma. "Pasensyahan mo na si S-Senyorito Aurora. Mahal na mahal nun' kasi si Chloe."
Tila natusok ako sa narinig.
Umasa ako sa sinabi nito. Sinaktan ko ang kababata niya at mahal niya. Magkaka anak na sana sila pero ako ang dahilan kung bakit nawala.
"Pack her things Nay Vilma. Yung gamit niya lang. We're leaving this house."
"P-Po?"
"Aalis kami. Pack her things." Tila pinal na sabi ni Ezekiel.
"Hija s-sasama ka kay Senyorito?"
Wala na akong pamilya dito. I can pursue my studying anywhere basta huwag dito. I did my best pero si Manuel na umayaw. Hindi ko alam na magiging ganito ang kahihinatnan.
Hindi ko masikmura ang tumira pa dito habang galit sila sa akin lalo na si Senyora at Senyorito.
"S-Sasama ako sa kanya."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co