Chapter 21
Chapter 21
Pagkakataon
Kinuha ko ang medyo kalakihang vase na may bulaklak at hinilera ito malapit dingding para makita ng mamimili. I wiped the sweat on my face at napahawak sa malaki kong' tiyan.
"Buang kaman oy! Huwag 'kang magbuhat ng mabibigat baka manganak ka wala sa oras!"
Pinagalitan ako ni Josefina. I like flowers. Ito iyong pinagtuonan ko ng pansin ngayon. Dito ako naninirahan sa apartment nila Josefina. Bumalik ako dito at kinalimutan ang mapapait na alaala na palagi akong ginagambala.
Hanggang ngayon walang balita. Isang buwan nalang manganganak na ako. Ganoon parin. Hindi parin nakikita ang katawan niya.
Walang gabi na hindi ako lumuluha. Walang gabing hindi napupuno ng iyak ang apat na sulok ng aking kwarto. Mahirap ang mga ito sakin. Gusto akong tulungan ni Ezekiel pero hindi na ako pumayag. Sapat na sakin ang tumulong kay Josefina.
"Hindi naman. Magaan lang naman iyan." Binalikan ko ang ibang bulaklak at dinesenyo ang mga ito bago idisplay.
"Alam mo Aurora ng bumalik ka dito dumami ulit ang mga bumibili. Lucky charm nga talaga kita."
Hindi nag kulang si Josefina sakin. Naging maalaga itong kaibigan. Palagi rin dumadalaw sa akin dito si Zeke. Parang tulad lang ng dati. Noong nawala rin sakin si Manuel ay si Zeke ang andito para sakin.
"Hindi naman! Sadyang swerte lang itong anghel na ito sa atin Jose." hinimas ko ang aking tiyan na malaki na.
"Ninang ako diyan ha. As in, NINANG. Pag nagkamali si father na bibinyag naku!! Kukurutin ko ang mga itlog niya!"
Napatawa ako malakas sa sinabi nito. Ang pagtawa ko ang siya ring pagbukas ng sliding door ng shop ni Josefina at pumasok si Ezekiel.
Sa lumipas na buwan ay maraming nagbago sa kanya. Mas naging seryoso at nabawasan ang pagkapilyo. Nakita ko noon kung gaano siya naghirap ipahanap si Manuel. Kargado na ngayon ni Ezekiel lahat lahat. Lalo na't patuloy ang pagkakasakit ni Don Juanito.
Ilang panaginip ang dumadalaw sa akin tuwing gabi at nakikita ko ang sariling umiiyak sa isang tabi. Hindi mawaglit sa akin isipan ang mukha ng lalaking aking minahal. Bakit sa dinami daming tao bakit si Manuel pa? Bakit namin ito nararanasan.Ang hirap sa akin lalo na't buntis ako.
"How's your feeling?" tanong ni Zeke at hinimas ang aking pisngi. Eksayherada namang bumuntong hininga si Josefina.
"Okay naman. Ikaw?"
"I'm fine. Kumain kana?"
"Oo."
"May gusto ka pang kainin?" tinignan nito ang pambisig na relo. Alam kong busy na tao si Zeke ngayon pero pinaglalaanan niya parin ako ng oras.
"Zeke tell me." hinuli ko ang tingin niya at hinawakan sa pisngi. "Hindi mo parin ba nakita si Catalena?"
Umigting ang panga nito.
"Nakita." Maikling sagot nito.
"Tapos? Nagkausap na kayo?"
"Oo, naghahanap pa ako ng magandang tiyempo. She don't want me."
"Zeke "
"Zeke-"
"I have to go. May meeting pa ako. Take good care yourself please." pinatakan ako nito ng halik sa noo at umalis ito agad.
Nagkatinginan nalang kami ni Jose ng makaalis na ito.
"He changed a lot." komento ni Jose.
"He is." sagot ko.
Sumapit ang araw ng linggo. Nakaugalian ko ang magsimba at manalangin sa panginoon na sana, bigyan ako ng isang himala. Na sana ,ibalik ang oras noon. Na sana, buhay lang si Manuel at magpakita sakin pero ilang buwan na nagdaan wala paring katawan na nakita. Tuloy ang paghahanap hanggang ngayon. Hindi tumigil si Ezekiel sa paghahanap sa kuya niya.
Lumuhod ako at pumikit ng mariin. Dumaloy ang panibagong luha. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Lumuha ako ng lumuha. Wala ng pakealam sa mga nakakarinig ng hikbi ko. Sa loob ng ilang buwan tanging ang simbahan ang aking naging iyakan. Naging karamay ko ang diyos sa hirap. Hindi ako nawawalan ng pag-asa.
"Pakiusap Panginoon. Kahit isang senyales lang na buhay si Manuel. Please,wag' niyo siyang hayaang magdusa at sana nasa mabuting kamay siya. A-Alam kong b-buhay ang m-mahal ko."
Ilang oras ang nilaan ko sa loob bago napagpasyahang lumabas. Lutang ako ng lumabas kaya hindi ko namalayan ang isang sasakyang huminto.
"Miss!" narinig ko ang kalabog ng pintuan ng isang sasakyan.
"Miss!"
Naramdaman kong may humawak sa aking siko.
"H-Ha?"
"Dinudugo ka!" Histeryang sinabi ng babae. Mayaman ito base sa pananamit at sa magarang kotse nito.
Hindi na ako nakaramdam ng kahit anong sakit bigla nalang nandilim ang paningin ko at nawalan ng malay.
Puting kisame at amoy ng mga gamot ang aking unang namalayan.
May nakasabit sa aking dextrose at oxygen. Ramdam' ko rin ang pag gaan ng aking tiyan na siyang ikinalaki ng aking mata.
"A-Ang anak k-ko?"
"C-Calm down please." sabi ng babaeng sumagip sakin kanina.
"A-Ang anak ko. S-sino ka?"
"Ako si Empress. Dinugo ka kanina at nawalan ng malay. Ang anak mo nasa infant room. Dadalhin na siya dito ng nurse. Ako na bahala sa bills mo. Walang choice kanina ang doktor kundi i-CS ka lalo na't walang malay ka.Nagmamadali kasi ako ngayon pero di kita maiwan kanina sa daan-"
"S-Salamat. Salamat."
May ibinigay ito sa akin na calling card. "Visit our island once maka recover ka ha? Call me. Ako ang bahala. Bring your handsome baby boy."
"Salamat talaga Empress."
"Okay lang! Masaya rin na may natulungan ako."
Hindi ito nagtagal at umalis din. Bumukas ang pinto at nakita kong karga karga ng nurse ang isang sanggol.
Sumikdo ang puso ko nang ilapit niya ito sakin.
"Ang guwapo guwapo ng anak niyo ma'am. Ang tangos ng ilong."puri nito sa anak ko.
"S-Salamat." bumuhos ang luha ko at umawang ang labi ng makitang kahawig na kahawig ni Manuel. Hinagkan ko ang aking anak. Parang babasaging bagay na hinalikan ko ito sa noo.
"K-Kahawig mo si papa mo a-anak." walang humpay ang aking luha nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang humahangos na si Josefina.
"Oh my god!!!" sigaw nito at umiyak.
Halos mapakagat labi ako dahil nakitang umiiyak si Jose at niyakap ako. Sumunod si Ezekiel na humahangos rin. Agad lumipad ang mata nito sa anak ko.
Umawang ang labi nito nang makalapit at hinalikan ako sa noo.
"I'm sorry Aurora. Wala ako noong nanganak ka. H-hindi namin alam kasi ang tigas ng ulo mo sabi wag' ng umalis baka manganak ka! Yan tuloy! Nanganak ka na!" ngawa ni Josefina habang tinitignan ko si Zeke na nawiwili sa anak ko.
"Puwede ko ba siyang buhatin?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako sa kanya.
Unti unting may nabuong ngiti sa labi niya ng makarga ang anak ko.
"What's his name?"
Natigilan ako.
Pumikit ako at tanging mukha lang ni Manuel ang aking nakikita.
"Michael Angelo."
Umawang ang labi ni Ezekiel.
"Manuel's favorite name." Zeke said.
Tumango ako. "Kung h-hindi 'raw sana nakunan noon si Donya Patricia iyan raw sana pangalan ng kapatid niyo."
"Yeah." binigay sakin ni Zeke ang aking munting anghel. Hinagkan ni Zeke ang aking buhok.
"Hindi ako susuko sa paghahanap kay kuya Aurora. Hinding hindi ko kayo pababayaan. Sana bigyan mo ako ng pagkakataong tumulong at bumawi. Sana bigyan mokong pagkakataon na maging ama ni Michael Angelo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co