Truyen3h.Co

Summer Nights

Chapter 22

frezbae


Chapter 22
Manuel

Lumipas ang ilang buwan. Naging matibay akong ina para kay Angelo. Gamit ang aking naipon ay nagpatanim ako ng mga bulaklak sa lupain ng mga Montenegro. Lupang nakapangalan kay Manuel. Pinaganda at minahal ko ito katulad ng pagmamahal ko kay Manuel.

Ang mga bulaklak na iyon ay siyang kinukunan namin para sa shop namin ni Josefina. Naging partnership kaming dalawa. Mga bigatin na ang aming mga custumers at hindi lamang bulaklak ang aming negosyo. Lahat ng mga natural na pwedeng pagkakakitaan ay aming sinubukan. Tulad ng perlas na bracelet at necklace. Nililok na bracelet yari sa matibay na kahoy at puwede rin itong costumize.

"Saan na yung suplado ko na inaanak?" tanong ni Josefina pagkatapos niyang asikasuhin ang isang van ng bulaklak na inorder samin.

Hindi pa ako nakasagot ng may pumarada ng Mercedez Benz sa harapan ng aming malawak na shop.

Napataas nalang ang kilay ni Jose ng bumaba doon si Zeke at bitbit si Angelo na anim na buwan pa lamang. Dinig na dinig namin ang hagikhik ng bata.

Napapangisi naman si Zeke na bitbit ang kung ano ano na namang laruan para kay Angelo.

"Mukha rin silang mag ama ano?" siniko ako ni Jose.

"Magkamukha si Manuel at Zeke kasi" bulong ko rito.

"He's so heavy." reklamo ni Zeke at nilapag si Angelo sa crib nito. Nandito na kami sa sofa ng bahay na tinitirhan na namin ni Josefina. Bale, yung gilid nito ay ang apartment na tinitirhan ko noon.

Nakakaafford na ako ng murang condo pero di na ako hinayaan ni Jose na umalis. Napamahal narin kasi ng sobra si Michael Angelo sa kanila lalo na ka'y Zeke.

"Uhmm. Kamusta na 'yung balita Zeke?" araw araw akong nagtatanong pero mukhang ilang ito sa aking tanong.

"I'm still working on it Aurora." Seryosong sabi nito habang pinipisil ang pisngi ni Michael Angelo na nasa crib na nito.

"Wala paring nakakakita?" Nanghihinang tanong ko.

"Wala pa."

Huminga ako ng malalim, naluluha ang mga mata. Napansin iyon ni Zeke kaya mabilis itong hinapit ang aking pisngi at pinunasan ang aking luha.

"Ginagawa ko ang lahat. Babalik si kuya. Babalik siya Aurora." bulong nito at hinalikan ang aking noo.

"Sana nga Z-Zeke. Hirap na hirap na ako."

Binaon nito ang aking ulo sa kanyang dibdib. Tulad ng dati sa dibdib ako nito umiyak.

Nang maghapon ay pumunta ako sa mall para bumili ng mga personal na gamit ni Angelo. May sariling kita na ako kaya nakakabili na ako ng gatas at diapers nito. Iniwan ko ito kay Josefina dahil marami akong bibilhin.

Hinila ko ang cart ng biglang may makabanggaan akong babae.

"Sorry!" hinging tawad ko dito.

"Aurora?!"

"Empress?"

Dinamba ako nito ng yakap. "Gawd! Ka'y tagal kitang hinanap! Bumalik balik talaga ako dito sa Manila para makita ka. Hindi ko kasi nahingi yung address mo last time!"

"A-Ah nakkahiya sayo. Maraming salamat pala sa mga tulong mo. Sabihin molang kung paano ako makakabawi."

Ngumuso ito tila nag iisip. "Malapit na kasi 'yung kasal namin ng fiance ko. Ikaw lang kasi yung nakagaanan ko ng loob. Mapili ako sa mga friends ko. Basta!, magaan ang loob ko sayo at...ang ganda mo. Parang barbie ka!"

Awkward akong ngumiti. Talkative siya at mukhang happy go lucky.

"Uh kasi may flower shop kami ng kaibigan ko. Kung gusto mo ng bulaklak bilang pasasalamat ko-"

"Oh Hod! Tyming! Nandito ako kasi kasal ko bukas! Hinanap talaga kita. Iimbitahan sana kita pero gusto korin ng mga flowers. Puwede ba akong magpa schedule sayo bukas? Flowers for my wedding? Please. Sana dumating ka."

May binigay ito sa aking calling card.

"May address na ako diyan at number. Magbabayad ako ng doble para sa shop mo basta dumating ka."

Ngumiti ako sa kanya. "Ofcourse! Malaking opportunity rin ito samin ng kaibigan ko."

"Uuwi ka na ba? Sabay na tayo? Hindi kasi akong puwedeng gabihin kasi magbabangka pa papuntang isla."

"Oh hindi na. Magtatagal kasi ako. Tsaka asahan mo ako bukas."

Niyakap ako nito ng mahigpit at nagpaalam na.

Natulala ako bigla sa bilis ng pangyayari. Nakita ko lang naman ang babaeng tumulong sakin ng muntik na akong manganak sa simbahan.

Binalita ko kay Josefina pagdating ko sa bahay at kahit siya ay natuwa.

"Mukhang sisikat na talaga itong shop natin. Kailangan nating magdala ng bongga at magandang bulaklak bukas."

Binihisan ko si Michael Angelo at nilagay na sa higaan katabi ko.

"Oo nga."

Huminga ng malalim si Jose ng mapansin ang pagiging matamlay ko.

"Sad ka na naman ulit barbie girl."

Mapait akong ngumiti at napatingin kay Angelo na humahagikhik habang nilalaro ang daliri ko.

"N-Nahihirapan na kasi ako Jose."

Pumalatak ito, tinabihan nito ako at hinagod ang aking likod.

"Aurora ginagawa ko rin ang lahat para huwag kalang maging malungkot. Alam kong mahirap yan. Lalo na't may anak kayo. Wa'g kang mawalan ng pag-asa. Babalik si Manuel."

"Pero paano kung-"

"Stop! Good vibes lang tayo. Wag' nega may rampa pa tayo bukas di'ba?"

Tumango ako at pinunasan ang luha. Nararamdaman kong babalik si Manuel. Hindi ako susuko dahil babalik siya. Babalik si Manuel.

Nakatulugan ko na ang pagtatak sa isipan ko na babalik siya. Hindi ko hinayaang maapektuhan ang aking pag aalaga kay Angelo.

Maaga palang handa na kami ni Josefina. I wore a white fitted dress at silver na sandals.

"Jose napadeliver ba ng maaga ang mga bulaklak sa Puting Isla?" Inaayos ko ang aking hikaw.

"Oo napadeliver na.Andoon narin ang mga magdedesign doon at pinadagdagan ko ng ibang kulay na flowers para maganda. Hindi boring! Check mo nalang mamaya pag dating natin kung okay sa panlasa mo yung gawa nila doon."

Tumango ako at hinabilin ang mga dapat gawin ng magbabantay kay Angelo na si Yaya Jena.

"Do I look fine Jose?"

"More than fine Aurora." Kumindat ito sakin bago kami pumasok sa van na maghahatid sa amin papuntang sakayan ng bangka.

"Ilang minutes ang bangka papunta doon?" tanong ni Jose sa akin.

"I think fifteen minutes. Hindi masyadong kalayuan. Sasakay pa tayo sa Van ulit na nakahintay na doon papuntang Resort nila Empress."

"Hay! Sana maayos ang bulaklak natin at hindi nagkandahulog sa dagat."

Napapailing ako sa mga palatak ni Jose. Malaki naman ang bangka at tatlong bangka ang ginamit para matawid ang mga bulaklak na kakailnganin.

Dalawang oras ang biyahe namin papuntang sakayan ng bangka. Fifteen minutes naman sa bangka bago kami dumaong sa Isla.

Naglalakihang kakahuyan ang aming unang nakita at ang pa liko likong daan nito. Sa gilid ng daan ay ang kumikinang na karagatan.

"Ang ganda nga dito Aurora!" Singhap ni Jose ng makalabas ng kami ng van.

Nagkausap kami kagabi ni Empress sa cellphone bago ako natulog. Handa na raw ang aming kuwarto doon.

Sa bulwagan palang ng resort ay may sumalubong na sakin.

"Good morning! You must be miss Aurora?"

Tumango ako. "Yes."

"Ang mga tauhan napo ang bahala sa mga gamit niyo na ilagay sa rooms niyo po. Igaguide ko na po kayo papunta sa dagat. Nagsisimula na po ang kasal."

"God! Sorry we're late." pahinging tawad ko dito.

Sumama kami ni Josefina at ginaya kami ng receptionist sa dagat. So it's a beach wedding.

Kinakabahan ako habang tinitignan ang mga bulaklak na hinanda ng aming mga designers.

"They are good." komento ko.

Maraming tao sa kasal at halos hindi kami kita ni Jose. Natatabunan kami ng nagtatangkarang mga lalaki sa likod. May pulang carpet na nakalatag sa gitna kung saan dinaanan rin ng aking mata. Hila hila ni Jose ang aking kamah habang nagsisiksikan kami para makapanood ng kasal na kanina pa pala nag umpisa.

Rinig na rinig ko ang vows ng lalaki. Dumagundong ang kaba sa aking dibdib. Kahit si Jose ay natigilan at nakaawang ang mata na hinawi ang mga bisita at pilit kaming sumiksik para makapunta sa unahan.

Bawat bigkas nito ng pagmamahal at pangako ay napupunit ang aking puso.

"I will always love you baby..Till death do us part."

Nasapo ko ang bibig at bumuhos ang aking luha. Nanginginig ang aking buong katawan. Gusto ko ng masasandalan dahil nawawalan ako ng lakas.

"Empress Silverio my one and only-" halos hindi ko na marinig ang sunod na sinabi nito dahil nakatuon na ang aking mata sa kamay nitong unti unting pinapasok ang singsing sa daliri ni Empress.

Gusto kong pigilan sila at yakapin ng mahigpit si Manuel.

Bakit? Bakit ganito? Kasal kami. Bakit?

Halos himatayin na ako at handa nang sumigaw nang-

"ITIGIL ANG KASAL!!!!" sigaw ni Josefina at pumagitna sa pulang carpet.

Nagsilingunan ang mga bisita sa kanya at nagbulong bulongan. Nanlaki ang aking mata at bumuhos ang luha ng makita si Manuel na nakakunot ang noo habang tinitignan si Jose.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co