Chapter 23
Chapter 23
Nunal
Hindi ko alintana ang mga taong nagbubulong bulongan. Tanging naka'y Manuel ang aking tingin. Hinding hindi ako magkakamali dahil sa tibok ng aking puso at bugso nito. Alam na alam na si Manuel itong lalaking nasa aking harapan at handang magpakasal sa iba.
Halos manlumo ako. Tinuro ako ni Josefina. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Isang bagay lang ang nagpipigil sa akin kundi ang estranghero nitong mga tingin.
"Oh!Hahaha," Jose awkwardly laugh. Tila napuna ang bulong bulongan. "I'm not the legal wife. Uhh," Tinuro niya ako . "Siya. Siya si Aurora. At ang lalaking ikakasal ngayon ay asawa niya.Manuel! Anong kagaguhan ito? Hindi kayo annulled puwede kitang kasuhan ng kalandian dot com!"
Gumuhit ang noo ni Manuel at napatingin sa akin. Lumundag ang puso ko nang magtama ang aming tingin.
Napalunok ako ng lapitan ako ni Empress. Namumula ang mata nito.
"Aurora ano to? B-bakit-"
"M-Magpapaliwanag ako."
"You ruined our wedding!"
"Excuse me? Anong ruined? Sino kaya ang naka ruined sa inyo?" Mataray na sagot nito Jose. Tinapunan naman siya ng masamang tingin ni Empress.
"Sino ka ba?!"
"Ako?" halos mapapikit nalang ako. Wa'g si Jose please. "Ako lang naman ang may ari ng mga bulaklak dito sa makasalanang kasal niyo. At wag' na wag' mo'kong tatarayan hindi mo pa bayad itong mga bulaklak ko!"
Oh God!
Empress face turned pale. Gusto na nitong manakit.
"I will pay it!"
"Wa'g na. Kung galing lang naman sa-"
"Jose tama na." Saway ko sa kanila. Ang tingin ko ay naka'y Manuel na patungo na samin. Kasama nito ang isang lalaking may edad na at babae. Sa tingin ko ay mga magulang ito ni Empress.
"Mommy." umangkla ang kamay ni Empress sa babae. Sa ina nito. Tila humihingi ng tulong.
Hindi ko mawari ang mga tingin sa akin ng mga magulang niya. Malalalim at maraming kahulugan.
"Hindi ko alam ang buong istorya at kung bakit kayo tumutol sa kasal. Let us talk about this inside our house ." seryosong sabi ng papa ni Empress na mataman na nakatingin sa akin.
Hindi ko na tinignan ng lumapit si Manuel kay Empress. Naghihintay ako sa kanyang mga yakap at haplos pero iba ang kanyang nilapitan. Napupunit ang puso ko kung bakit siya nagkaganito.
May nagawa ba akong mali? What's wrong with him?
"Pigilan mo'ko Aurora. Nabubuwesit na'ko kay Manuel! Hindi niya ako madadala sa kaguwapuhan at kakisigan niya! Naiinis parin ako!" himutok ni Jose habang sumusunod kami sa kanila ni Empress. May sinabi ang emcee sa mic para sa mga bisita na naiwan doon.
Nasa hapag kainan kami. Namamawis ang aking magkadaup na palad. Hindi ko kaya ang madilim at mabigat na mga tingin ni Manuel.
Mahinang kumakain si Empress habang ang magulang nito ay hindi maalis ang tingin sa akin. Mas lalo tuloy akong kinakababan.
"I'm sorry po sa n-nagawa ko uhh." pilit kong inisip ang mga dapat kong sabihin. Umiinit ang aking mata at anumang oras bubuhos na naman ang aking mga luha.
Pinakita ko ang aking daliri. "I . . .I am married with Manuel bago siya ma aksidente."
Kumuyom ang panga ni Manuel ng tapunan ko siya ng tingin.
"N-No." iyak ni Empress at kumapit sa braso ni Manuel. Umiwas ako ng tingin.
"H-Hindi ko alam k-kung bakit ganito Manuel? O-Our baby is six months old-"
"Oh God!" Nasapo ni Empress ang bibig. Tila nagsisisi at nalukungkot.
Paano kung hindi ako inimbitahan ni Empress? Ibig sabihin matutuloy ang kasal nila na hindi ko alam.
"Hija dito na naninirahan sa amin si Wilson. Ang tinatawag mong Manuel. Nakita siya namin sa karagatan dito lamang hindi kalayuan sa amin." pahayag ng papa ni Empress.
Tumango tango ako.
"Y-Yes po. Nag crash po ang eroplanong sinasakyan niya noon."
Uminom ng tubig ang papa ni Empress. "Meron siyang amnesia hija. Dalawang buwan siyang nacoma at si Empress ang nag alaga sa kanya."
Umawang ang labi ko sa mga nalaman. Napatingin ako kay Manuel na mabibigat na ang tingin sa akin. Hindi na alintana si Empress na umiiyak sa gilid niya.
"P-Patawad po sa i-inyo pero iuuwi ko po si Manuel-"
"No! Hindi!"
"Empress stop it! I told you before!" Pigil ng papa nito.
"No! Papakasalan ako ni Wilson papa!"
"Pinipikot mo lang siya Empress. Stop being stubborn."
"Let's talk." Natahimik kami sa biglang pagsalita ni Manuel. Tila walang pakealam sa mga narinig, nasa akin lang ang titig.
Tumango ako ng magsimula itong tumayo at umalis. Inexcuse ko ang sarili sa mga naiwan sa hapag kainan. Naririnig ko ang iyak ni Empress pero ipaglalaban ko kung ano ang akin.
Tinungo nito ang isang kuwarto at binuksan. He left if open. He's waiting for me to get inside. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.
Nagsimula ng bumalik lahat ng emosyon. Gusto ko siyang yakapin. Dahil wala ako sa mga panahong nacoma siya. Hindi ko siya naalagaan sa kanyang amnesia.
Niluwagan nito ang kurbata at hinagis ang polo.
"What's your name?" Malamig na tanong nito. Humilig siya sa mesa at humalukipkip.
"K-Kim Aurora."
"And you're my wife?"
Tumango ako, desperada. "O-Oo."
Pumikit ito at tumingala. Halatang sumakit ang ulo nito.
"O-Okay kalang?" Nag aalalang tanong ko.
Tumango ito. "My head is aching a lot of times."
"A-Alam mong may amnesia ka ngayon?"
"Yes." Sagot nito.
"I am your wife and our son, Michael Angelo is waiting for us. I-Iintindihin ko 'yung mga nangyari kanina. H-Hindi kita susumbatan basta umuwi kalang."
Umiling ito, nanatiling seryoso at humakbang ng ilang beses papunta sakin.
"How can you make me believe that you're my wife? That ring?" turo nito sa aking singsing. Nakakulong na ako sa kanyang mga bisig. Nakalapat na ang aking likod sa dingding. Ilang dangkal nalang ang layo naming dalawa.
Napalunok ako ng ilang beses ng maamoy ulit ang nakakaadik na amoy ng labi niya.
"Magkamukha kayo ng kapatid mo Manuel.His name is Ezekiel Montenegro. You're a Montenegro."
"I don't believe it."
"T-Totoo!"
Tumango ito. "What's more?"
"Uh we have a son."
"I still can't remember anything." Anas nito.
Dumapo na ang aking kamay sa dibdib niya. Kung hindi niya maalala kahit anong sabihin ko. Puwes' ipapadama ko.
Hinila ko ang manggas ng polo niya para maabot ang kanyang labi. Hindi ito nag atubiling ilapat ang aming mga labing nakaawang. In fact, umurong ang ulo ko sa pag atake ng kanyang aggresibong halik.
Halos makagat niya ang aking labi. Nag halo halo na ang aking emosyon. Bumalik ang aking pakiramdam noon nang una ko siyang makausap sa mansyon. Ganito siya ka lamig at ganito siya sa mga babae.
Ang halik nitong marahas ay unti unti naging malamyos. Hinayaan ko siya kung gaano katagal ang gusto niyang halik. Gusto kong ipadama sa kanya na ako ito, ang babaeng kanyang minahal at pinakasalan.
Wala akong isusumbat dahil wala siyang kasalanan. Hindi ko alam ang kwento nila kung bakit humantong sa kasalanan silang dalawa.
Hinalugad ng labi nito ang bawat sulok ng aking labi. Kinakagat at sinisipsip niya ang aking labi. Halik na aking nakasanayan.
Hindi ko na namalayan na nakaupo na ako sa mesa at nasa gitna ng aking hita nakatayo si Manuel. We're kissing and moaning when we heard the door open.
"Aurora ba't ang tagal-" lumaki ang mata ni Josefina at pumalatak. "Akala ko nag aaway na kayo ng husto ni Manuel dahil ang tagal niyo . Ibang pag aaway nga naman. Labi sa labi."
Naitulak ko si Manuel bigla na ayaw pang pakawalan ang aking labi.
"Damn." Narinig kong bulong nito.
Namumula ako ng lumabas kami sa kuwartong iyon at magkaharap kami ngayon sa salas.
"My daughter can't take this. Ayaw na niyang lumabas ng kuwarto Wilson." Sabi ng mama ni Empress.
"Maybe I should go back in my villa tita."
Villa? So hindi siya dito natutulog?
"Ikaw ang bahala Wilson. Please talk to my daughter."
"I will tita."
"Ano na ang plano niyo? Wilson?" Tanong ng papa ni Empress.
"Aurora and I ,have to talk a lot of things." Malalim at paos na sabi nito.
Napalunok nalang ako ng tumingin ako sa kanyang labi.
Damn Manuel. You don't know how much I miss that lips.
"So Aurora will stay here?"
Tumango ako sa tanong ni Jose. "Y-Yes. Babalik rin ako sa Manila."
"Okay. Ako na ang bahala kay Angelo."
Hinatid ko muna si Jose sa labas ng resort kung nasaan ang mga van na naghihintay.
"Pasuyo nalang ako kay Angelo , Jose ha. Kailangan ko lang ayusin 'to."
"Naiintindihan ko Aurora. Tawagan mo'ko at itext ha?"
"Oo. Salamat Jose."
Hindi puwedeng magtagal dito si Jose dahil walang mag aasikaso ng shop. Kung walang ganitong kaganapan ako sana ay paauwi narin ngayon.
Tinignan ko ang van na papalayo nang-
"Aurora puwede ba kitang matanong hija?" biglang may nag salita sa aking likuran at nakita ko ang mama ni Empress.
"Y-Yes po?" She's so beautiful lalo na sa malapitan.
"Saan mo nakuha ang nunal mo sa likod?" tanong nito na ikinakunot ng noo ko.
"Since birth po tita-"
"Call me Mommy Cora."
"P-Po?"
"Call me mommy Cora." ulit nito.
"S-Sige po mommy Cora."
"Alam mo bang pamilyar sakin ang nunal mo sa likod hija."
"P-po?" dumagundong ang aking puso ng makita ko ang pamumula ng mga mata nito.
Mga matang napupuno ng mga salitang naikubli at gustong pakawalan.
"G-Ganitong ganito ang nunal ng anak kong n-nawala sa gubat noon h-hija."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co