Truyen3h.Co

Summer Nights

Chapter 25

frezbae

Chapter 25
Empress

Tulala ako sa kama. Iniisip ang mga nangyari kagabi. Ang pakiramdam ko na parang si Manuel na nakakaalala ang nakatalik ko kagabi. The way he murmured his I love you for me, the way he claimed me ay punong puno iyon ng kasabikan lalo na 'yung malalalim na mga titig niya sa tuwing nasa ibabaw ko siya. Damn it!

Biglang bumukas ang pintuan at niluwa doon si Manuel. Wearing only a freaking towel! Hubad baro siya at pagod na kumakapit sa baywang niya ang tuwalya! Bigla akong napaiwas at pinulupot ng mabuti ang kumot sa dibdib. Ngumiwi ako ng maramdaman ang hapdi sa aking gitna.

"You're sore." he commented when he saw my reaction. I nodded.

"I'm okay . Maliligo lang ako."

Tumango siya. Hindi ako nilulubayan ng tingin. Hinintay ko pa na umiwas siya pero hindi na iyon dumating! Wala akong choice kundi ang tumayo na! Pate ang pagpasok ko sa banyo ay pahirapan narin.

Bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit ganon ang mga titig niya saakin? Nakakalunod at nakakalusaw.

Basa pa ang aking buhok ng nasa mesa kami. We stayed in his villa. Patuloy parin ang lakas ng ulan sa labas.

Suot ko ang white t-shirt niya at boxershort na malaki. Basa pa ang buhok ko nang yayain niya akong kumain. Nasa harapan ko ang kape at nilalaro laruan ang usok 'nun. Nanlalamig ako lalo na sa hampas ng hangin sa labas.

Nang iangat ko ang tingin ay naabutan ko siyang nakatitig sa aking labi.

"Bakit?" marahan na tanong ko.

"Your lips looks cold." diretsong sagot nito sakin. Really, like the old Manuel y'ung dire diretso ang sagot. Siyang siya ito e.

Pinilig ko ang ulo at umiwas. "Yeah."

Umiwas ito at nagsimulang kumain.
"Aalis na tayo kapag wala ng bagyo bukas."

Napaangat ang tingin ko. "Depende saiyo. Okay lang ba kina tita Cora? Kay E-Empress?"

Tumango tango siya. "Kakausapin ko sila mamaya. Namiss ko na ang anak ko."

Malabato akong napalunok sa mga naririnig ko ngayon mula sa kanya. Konti nalang iisipin ko na nakakaalala na siya.

Kasaluluyan kong nililigpit ang mga pinagkainan namin habang siya ay pinupunasan ang mesa. Naramdaman ko ang paglapit nito sa likod ko. Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan.

"Ako na diyan." sabi niya at kinuha ang pinggan na hawak ko. Nakita ko ang pagdaplis ng sabon sa kanyang palad.

"Hindi ako na." sabi ko at hinila ang pinggan ulit. Mas lalo lang niyang idiniin ang katawan sa likod ko na ikinapikit ko.

"M-Manuel-"

"Aurora come on. I know you're tired. Especially your legs." he whispered na ikinatindig ng balahibo ko. Unconciously, I dropped the plate ,just like that!

Humalakhak siya ng sumuko ako. Nang wala akong magawa sa gilid niya ay umupo nalang ako sa upuan sa gilid ng mesa. Tinitigan ko ang mga ginagawa niya. He really know the chores! Mga kadalasan na alam ko sa mga lalaki ay walang alam sa trabahong bahay.

Pagkatapos niyang punasan ang mga baso at pinggan at nilagay sa lalagyan ay bumaling na siya sakin. Halos umurong ang ulo ko nang yumukod siya para patakan ako ng madiin at mainit na halik sa labi. Namumungay ang mata ko matapos niya akong halikan, and our nose touched. He licked his lips and kissed me once more.

Bawat pag anggulo niya sa kanyang ulo ay parang hihimatayin ako. Bawat pag walay ng aming labi ay kanyang dinidilaan ang sariling labi bago ako ulit halikan.

Kapwa na kami naghihingalo ng biglang nabasag ang kristal na bintana. Napasinghap ako at naitulak si Manuel. He muttered a curse when I pushed him.

"A-Ano iyon?"

"Wilson! Lumabas ka Wilson! Mag usap tayo!"

Mula dito sa loob ay rinig na rinig ko ang sigaw ni Empress sa labas. Nagmamadali akong tumayo para silipin siya.

"Empress!" nasapo ko ang bibig.

Sa gitna ng ulan, sa labas ng villa, si Empress ay basang basa sa ulan at gutay gutay ang puting damit. She looks like a ghost in some horror movie!!

"Fuck." mura ni Manuel. Nanlaki ang mata ni Empress ng makita ako sa villa ni Manuel na lumabas.

"Empress bakit ka nagpaulan?" Tanong ni Manuel.

Tinuro turo ako ni Empress, namula ang ilong at mata nito.

"Malandi ka! Nakuha mo pang pumasok diyan! Sulutera ka!" Naalarma ako ng lumapit ito sa akin mula sa labas. She's dripping wet!

Agad pumagitna si Manuel sa amin. "Empress stop this." pilit akong inabot ni Empress! Gusto niya akong sabunutan! Nanlamig ang buong katawan ko sa gilid at hindi makapagsalita.

"Walang hiya ka! Ikaw ang sumira sa lahat! Hindi mapupunta sayo si Wilson! Napakawalang hiya mo! Kung hindi kita inimbitahan hindi kayo magkikita ni Wilson! Mang aagaw ka!" namamaos na sigaw nito sakin.

"Empress stop it!" halos buhatin na siya ni Manuel para maialis at hindi ako maiabot.

"Malandi ka! Sulotera-'' namaos ang boses nito at biglang nawalan ng malay.

"Oh my god!" tuluyan ng bumuhos ang luha ko. Nakita ko kung paano ang sitwasyon ni Empress. Mukhang napabayaan at maraming sugat sa katawan.

Sinugod namin siya sa hospital. Hindi natagalan ay dumating na ang papa niya at si tita Cora. Umiiyak ito at malamlam akong tinignan. Lumapit ako agad sa kanya.

"Patawarin niyo ako tita.Hindi ko alam na pupunta siya. Hindi ko alam-"

Hinalikan ni Manuel ang buhok ko. Nakita kong tinitigan kami ni tita Cora ng matagal.

"Mula pa noon ganyan na si Empress , Aurora." Nanginginig ang boses nito. "She's a mental ill. She wants our attention. She wanted anything she wants. Kaya lahat binibigay namin." Tumitig ito kay Manuel at sa akin.

"But I know these one....is imposible."

Bumuntong hininga ako at dinama ang halik ni Manuel sa aking buhok at ang kamay nito sa aking baywang.

"Ma'am gising na po ang pasyente. Kumalma napo siya." singit ng nurse na nagmula sa loob ng kuwarto.

"Thanks God." pasalamat ko. Inanyayahan kami ni tita Cora sa loob. Dahil narin gusto kong makita ang ayks ni Empress ay sumama kami ni Manuel.

Ang pagpasok namin na siyang pinagsisihan ko. Nakita ko kung gaano kahirap ang katawan nito. Maraming benda at pasa. Nangilid ang luha nito ng makita kami ni Manuel.

I bit my lips.

"Ayos ka na ba anak?" tanong ng ina nito sa kanya. Pero nanatili ang titig ni Empress sakin. Hindi rin ako umiwas dahil may kung ano sa mata nitong hilam sa luha.

"Alam k-kong may kakaiba na sayo m-mula noong una tayong magkita. " pa hinto hinto ang pagsabi nito. Mas tumalim ang titig niya sa akin. Kasalungat sa katawan nitong parang walang lakas na nasa kama.

"Sana h-hindi nalang kita nakita. Sana hindi kana d-dito pumunta. " matalim na sinabi nito sakin. Narinig kong sinaway ito ng magulang.

"Simula ng dumating ka nawala na sakin ang lahat." Hindi parin ito nagpaawat.

"Anak tama n-na.'' awat ng mama niya.

"Totoo naman di'ba?!" sigaw ni Empress. Lumuluha na ang mga mata.
"Sana namatay ka nalang noon sa gubat! Sana tuluyan ka nang nawala! Sana hindi ka nalang nabuhay! Bakit hindi kapa doon namatay?! Lahat nang akin kinuha mo! Ngayon, nandito ka para agawin sakin ang mga magulang ko?!"

Sunod sunod na ang pagmumura ni Manuel sa gilid ko. Unti unti ring lumaki ang mata ko dahil kung bakit niya alam ang mga ito.

"Anong ibig mong sabihin?" Ginulantang ako ng kaba.

"Anak! Empress!" Saway ng magulang niya.

"Wa'g ka nang mag maang maangan!" Sigaw nito. "Nandito ka para agawin sina mama at papa sakin! Narinig ko lahat! The DNA and it matched! At alam kong alam mo iyon! Ang pamilya ko inagaw mo at si Wilson! Masaya ka na ha?! Sana namatay ka nalang noon! Bakit kapa bumalik?!Hinding hindi kita matatanggap bilang kapatid! Hindi kita ate!"

Nanginginig ang kamay kong umatras at sinapo ang bibig. Naramdaman ko ang pag hila ni Manuel sa aking ulo at binaon sa kanyang dibdib.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co