Truyen3h.Co

Summer Nights

Chapter 27

frezbae

Chapter 27
He's sick

We packed our things.  Hindi naman masyadong marami. Walang masyadong gamit si Manuel kaya iisang bag lang ang dala niya at ang shoulder bag ko.

Bago kami umuwi, Mama Cora invited us for lunch. Nahihirapan akong huminga ng tumapak kami sa kanilang bulwagan. The fresh air blown my hair. Inayos naman ni Manuel ang aking buhok at kinintalan ako ng halik sa noo.

"Mag commute tayo?" tanong ko.

Umiling siya at tiningnan ang cellphone.

"Yeah."

Malungkot ang mga mata ni mama Cora habang si papa naman ay nangungusap.

"Bibisita ka ba ulit anak?" Si mama Cora at hinawakan ang kamay ko.

Tumango ako sa kanila, "Opo, may mga aayusin kami sa Manila at tsaka, maraming trabaho si Manuel na naiwan at nag aalala na si Don Juanito sa kanya."

Tumango si papa. "Tatawag kami a-anak at dadalaw." Tiningnan nito si Manuel. May sinabi si mama at papa kay Manuel habang naagaw naman ang aking pansin ng isang Hi Ace na sasakyan.

Ezekiel stormed out from the car. Naka gray T shirt lang ito at pantalon. Hinubad niya ang kanyang shades at ngumisi sakin.

"Ezekiel!" I said excitedly. How I miss the bestfriend of mine.

I'm about to hug him pero humigpit ang hawak ni Manuel sa aking baywang. Suminghap naman si mama sa nakita at tumikhim. Tila alam ang ibig sabihin ng galaw ni Manuel.

"Brother." Utas ni Ezekiel. Pinasadahan ng tingin si Manuel.

"Good day ma'am and sir." nagkamayan si mama ,papa at Zeke.

"Why are you here?" tanong ni Manuel agad.

Ngumisi si Zeke and he licked his lips, "Bawal na bang sunduin ang kapatid ko?"

Manuel sneered.

"I took good care of Aurora while-"

"Oh shut up." putol ni Manuel sa kanya.

Hindi na yata talaga magkakaintindihan ang dalawang ito. Sumipol lamang si Ezekiel at kinindatan ako. Napailing nalang ako at kumapit sa braso ni Manuel.

Nagpaalam ako kina mama at papa. Hindi ko nakita si Empress dahil nagkulong raw ito sa kwarto. Gusto ko man na kausapin ang kapatid ko...alam kong imposible lalo na sa sitwasyon niya ngayon.

Noong una ko siyang nakita hindi halata sa kanya ang karahasan na natamasa. Hindi halata ang mga depresyon at napagdaanan niya. Kahit na sa tingin ninyo ay isa siyang maganda, at perpekto...hindi natin alam ang mga kahulugan ng kanyang bawat ngiti. Hindi natin alam ang kwento sa likod ng magandang mukha.

Nang makaalis kami Isla ay naghihintay pala ang sasakyan ni Zeke sa Pantalan. Doon kami sumakay .

"Kamusta si papa?" Seryosong tanong ni Manuel habang nagmamaneho si Ezekiel.

"Fine. May dinner tayo mamayang gabi."

Tumango si Manuel habang ako ay nakahilig sa dibdib niya at naaantok.

"And your fiancee?" singit pa ni Manuel.

Hindi ko narinigan si Ezekiel ng sagot. Narinig ko lamang ang mumunting halakhak ni Manuel at naiinis na naman ang kapatid na si Ezekiel.

Hinatid kami ni Ezekiel sa shop namin ni Josefina. Nagmamadali akong lumabas kahit ang kamay ni Manuel ay nasa baywang ko pa. Nang pumasok ay namataan ko si Josefina na kinakalong si Michael Angelo. His eyes widened.

"Oh my god Aurora! Oh Manuel?!" gulantang nito at lumapit. May mga custumers na namimili ng bulaklak habang inaatupag ng mga sales lady. I smiled, kinuha ko si Michael Angelo na sa kamay ni Josefina.

"Baby ang bigat bigat mo na." Bulong ko at hinalikan ito sa leeg. Amoy gatas ito. Narinig ko ang pagsinghap ni Manuel sa aking likod. Naiiyak ako na pinakita si Michael Angelo sa kanya.

"That's papa baby." sabi ko dito. Ang tawa ni Michael Angelo na parang kinikiliti ay natigil. Kinuha siya ni Manuel at kinalong.

Mahinang nagmura si Manuel at nagpigil ng ngiti at namumula ang mata.

"H-Hey little b-boy." Manuel stuttered. Umiwas ako ng tingin at kinagat ang labing nanginginig. Tumama ang tingin namin ni Ezekiel. I saw him looking at his brother and nephew intently.

Napasinghap ako ng umiyak ng malakas si Michael Angelo. Sumilay ang ngisi sa labi ni Manuel nang umiyak ang anak.

"You little boy." he muttered some curses. Hindi makapaniwala sa mukha ngayon ng anak.

Umuwi kami sa dating condo ni Manuel hindi kalayuan sa condo ni Zeke. Halos hindi ko makuha si' Michael Angelo kay Manuel. Nakuha ko lamang ito ng naligo at nagbihis si Manuel.

Nakabihis na ako at ang anak namin ng lumabas si Manuel ng banyo. I wear a black tight dress. Habang nilalagyan ko ng konting pulbo ang likod ni Michael Angelo.

I stiffened when a topless Manuel hugged me from the back. Malamig ang kanyang dibdib nang yumakap sakin.

"I was thinking if our baby like to have a little sister." Manuel stated huskily. Halos lumuwa ang mata ko. Tinampal ko ang mamutok mutok sa masel na braso nito.

"My god Manuel! Ang bata pa ni Angelo!" I chirped unbelievably. Ngumisi si Manuel at hinalikan ako. Nakakulong ako sa kanyang braso habang hinahaplos ang aming anak.

"And so? Kahit bawat taon mabuntis kapa. Kahit na dalawang dosena ang anak natin kaya kong buhayin."

Humagalpak na ako sa tawa habang nanliliit ang mata ni Manuel na tiningnan ako.

"Gagawin mo'kong balyena!" himutok ko.

He smirked arrogantly. God, I miss this moment with him. Really.

"This world were full of flawed people. So I don't care if how you look like after many years with me Aurora." He sniffed my hair. "Kontento ako sa kung anong mayroon ako Aurora." He whispered the last sentence.

Tumikhim ako at inayos ang pagkakahiga ni Michael Angelo sa crib nito. Umupo ako at ang braso ni Manuel ay kinulong ako.

"Sa pagsama niyo ba noon ni Empress ay may nangyari ba sainyo Manuel?" halos hindi ako makatingin sa kanya. Kinakabahan akong hinintay ang kanyang sagot.

"No." fuck. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa mata.

"But you were almost...get married-"

"Sa loob ng buwan na iyon Aurora wala akong maalala kundi ang iyong likod at buhok lamang na tumatakbo sa dagat.I was clueless. Ayokong sisihin ang kapatid mo. Marami siyang sinabi sakin na kasinungalingan but when I saw you unti unting bumalik ang mga alaala ko. Your presence triggered my brain." pumikit siya ng mariin.. "Thanks God you came." he uttered.

Nakagat ko ang labi ng maalala ang aking kapatid. Mahirap ang nas ganitong sitwasyon. Hindi ko masisisi si Manuel sa oras na iyon.

"But you two kiss?" I asked again. Napapikit ako ng marahang tumango si Manuel. Shit.

Tumango rin ako at tumayo.

"Mag ayos kana. Hinihintay na tayo ng ama mo." umiwas ako at kinuha si Michael Angelo sa crib nito.

"Aurora." he warned. Alam niya ang nararamdaman ko. Umiling ako.

"Hindi Manuel gabi na kasi."

Hindi na ito nakasunod ng lumabas ako ng kwarto. Nasapo ko nalang ang puso ko sa biglaang reaksyon ko. God Aurora wala siyang maalala noon!!

Hawak ni yaya Lona si Michael Angelo habang papasok kami sa restaurant na pagdadausan ngayon ng dinner.

Manuel keep on whispering sweet words and kiss my head. Ngumingiti nalang ako sa kanya. Maybe, tommorow wala na itong nararamdaman ko.

"Aurora." sambit ulit nito habang papasok na kami.

"Hmmm?" nilingon ko siya.

"I'm sorry."

Fuck.

"I'm okay Manuel. Naiintindihan ko."

Tila hindi ito kuntento at nakitaan ko ng takot ang mga mata niya.

"I love you Aurora."

Huminga ako ng malalim at mabilisan siyang hinalikan sa labi.

"I love you too Manuel.Sobra."

Unti unti itong ngumiti at binaon ang mukha ko sa dibdib niya.

Nang makapasok kami ay nakita ko ang round table na may nakahanda ng pagkain at wine. May taga silbi sa gilid na nakaabang.

Don Juanito stand up immediately when he saw Manuel. Namumula ang mata nitong niyakap ang anak ng mahigpit.

"S-son." nanginig ang labi nito.

"Pa." Manuel patted the back of his father. Inaalo niya ito. Dumami ang puting buhok ni Don Juanito at ang wrinkles nito pero hindi naman mapagkakaila ang maskulado nitong katawan.

Tumango naman si Manuel sa katabi ni Ezekiel na si Catalena. Ngumiti naman ako sa kanilang dalawa at nahihiyang ngumiti pabalik si Catalena sa akin.

"Hello. Puwede ko ba siyang kargahin?" lumapit si Catalena sa amin. Gustong kunin si Michael Angelo.

Ngumiti ako. "Sure. Makulit yan." sabi ko. Pasimple akong tumingin kay Zeke at napangisi ng makita ang matiim na tingin kay Catalena.

Catalena were combined by soft and bitchy. Matangos ang ilong nito at mataray ang kilay. Mahaba ang pilik-mata na parang manika at matangkad. Dalagang dalaga ang katawan.

Nag uusap si Don Juanito at Manuel nang tingnan ko si Catalena at nakitaan ng pasa ang bandang braso. Kumalabog ang dibdib ko at matalim na tiningnan si Ezekiel na may kausap na sa cellphone nito.

Nang tingnan ko pabalik si Catalena nasukahan na pala ni Michael Angelo ng tirang gatas.

Humalakhak si Catalena. "He burped ate!" tumawa ulit ito at kinurot ang pisngi ni Angelo.

Kinuha ko si Angelo, "Naku! Sabi ko na nga ba. Sobra sobra kasi dumide to."

"Oo nga halata sa katawan. Hmm, banyo lang ako ha. Kargahin ko siya ulit mamaya!"

Tumulak pa banyo si Catalena at tiningnan ko na naman ng masamang tingin si Zeke. Umangat lang ang kilay nito tila hindi alam ang nakita ko.

Nakaramdam ako ng awa kay Catalena. Minsan ko nang nakita kung ano siya ka salbahe dito. Hindi ko na alam kung sasabihin ko ba ito kay Manuel.Ayoko rin naman na mangealam pero sobra na iyong may pasa!

Nang hindi na nakabalik si Catalena agad na umalis rin si Zeke. Hindi iyon halata ni Manuel at Don Juanito dahil may kausap na silang lalaking kararating lang.

Ilang minuto rin bago natapos ang dinner namin.

"Oh where's Ezekiel?" Don Juanito asked.

"Uh lumabas lang po." ako na sumagot.

Napagpasyahan naming lumabas nalang dahil baka naunang umuwi si Catalena at Ezekiel. Pero pareho kaming gulat lahat nang makarating sa parking space ng mga sasakyan.

Si Catalena ay nakahilig sa sasakyan ni Zeke umiiyak. Tinatakpan ang mata nito.

"Sino pa ang magtitiwala sayo huh, Catalena!?" Zeke shouted. "Wala na-"

"Son!!" sigaw ni Don Juanito at hinila si Zeke paalis kay Catalena. Marahas na sinuklay ni Zeke ang buhok niya at tiningnan si Catalena.

"Anong ginagawa mo Zeke!" Gitil ni Manuel dito.

Zeke smirked. "Don't act like a saint here kuya," mapanuya ang boses nito. "Minsan ka narin naging mapanakit kay Aurora di'ba-" kinwelyuhan ni Manuel si Zeke pero maagap ang ama nila.

"Stop! Zeke! Manuel!" halos mamula ang mukha ni Don Juanito.

Si Michael Angelo ay pinasok na ng yaya sa sasakyan. Hinila ko naman si Catalena at pinunasan ang luha.

"A-Ano bang nangyari?" nag aalalang tanong ko.

"N-Nagbanyo lang a-ako at may nakasalubong na classmate." napalunok ulit si Catalena at hindi na nagsalita.

Pumikit ako ng mariin. Ezekiel is worst than Manuel. He's sick.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co