Truyen3h.Co

Summer Nights

Chapter 28

frezbae

Chapter 28
Umalis

"Manuel b-baka anong gawin ni Ezekiel kay Catalena." sabi ko habang nagdadrive si Manuel. Nangunot lang ang noo nito at bumuntong hininga. Nakatulog na si Angelo sa mga bisig ko habang ang yaya nito ay nasa likuran.

"Kakausapin siya ni papa bukas." sagot nito sakin. Huminga ako ng malalim. Sa nag daang taon mas naging importante sa akin si Zeke. He helped me when I was so down nang magkalayo kami ni Manuel. Simula noong, nakunan si Chloe, simula noong pagpatira niya sakin sa kaibigan na si Josefina, simula nang magka amnesia at nawala si Manuel noon, ang laki na nang naitulong niya sakin.

Gusto ko siyang tulungan ngayon kung anuman ang kanyang problema. Alam kong ilang buwan na hindi kami masyadong nagkita dahil may kanya kanya kaming pinagkakaabalahan. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito.

He's mad but nakikita ko ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata na minsan ko nang naramdaman.

"Makitid ang utak ni Zeke. I know my brother. Puwede niyang masaktan si Catalena." gigil na aniya ni Manuel.

I closed my eyes ng maalala ang pasa ni Catalena sa braso.

"Paano kung hindi lang pala natin alam na sinasaktan niya pala si Catalena?"

Binalingan niya ako at tila nag iisip. Nataranta ako bigla.  "Uh baka lang naman." pahabol ko dito.

"Ayokong manghimasok ng buhay niya Aurora." tumalim ang titig nito sa daan tila may naisip. "Pero oras na pakealaman niya ang akin. Magdurusa siya.."

Kinabahan ako sa sinabing iyon ni Manuel. Alam ko noon na minsan na silang nag away ng dahil sakin. Minsan na silang nasira ng dahil sakin. Minsan ko nang nasaktan ang isa sa kanila ni Ezekiel.

Pagdating sa unit ni Manuel ay nilapag ko na si Angelo sa higaan. Si Manuel naman ay isa isang kinalas ang butones ng kanyang polo at kinalas ang krabat.

Hinaplos ko ang noo ni Angelo at hinalikan. Napangiti ako ng makitanv antok na antok ito. Hinubad ko ng dahan dahan ang damit niya at kumuha ng sando at pajama na kulay puti. Kumuha ako sa banyo ng bimpo at malamlam na tubig para ipahid sa katawan ni Angelo. Pagkatapos nun ay sinuot ko na sa kanya ang damit at hinalikan ulit.

"Good night baby." malambing na sabi ko dito.

Nang bumaling ako sa likod ko nakita ko si Manuel na seryosong nakatitig sakin. Bigla akong namula at umayos. Tumayo ako at kumuha ng sando sa damitan ni Manuel at nilapitan siya.

Niyuko niya ako ng nasa harapan na niya ako. Kinagat niya ang labi at hinaplos ang aking pisngi.

"I love you so much." bulong nito. Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya. Parang dinaanan ng malamig na hangin ang tiyan ko. Parang nakaramdam ako ng kiliti. Nakaramdam ako ng init na yakap sa puso ko.

Ngumiti ako. Ka level ng mukha ko ang dibdib at leeg niya. Kailangan ko pang tumingala para lang makaharap siya.

Ginapang ko ang kamay sa leeg niya patungong panga. Nanunusok ang mga balbas niya doon sa kamay ko. Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa kanyang labi.

"I love you." bulong nito ulit at kinabig ang aking baywang. Nanatili akong tahimik. Hindi ako nagsalita.

"Fuck." bulong na mura nito ulit at hinalikan ang aking balikat.

Hinubad ko ang polo niya. Nilagay ko iyon sa gilid at sinimulang isuot sa kanya ang sando niya. Ngumiti ako at kumapit sa maskulado niyang braso.

"I said  I love you." suplado nitong sabi sakin.

Tumango ako. "Alam ko." Nangunot ang noo nito.  "Alam kong nararamdaman mo kung gaano kita kamahal Manuel. Ayokong sabihin kung gaano kita kamahal dahil gusto ko yung iparamdam nalang sayo."

He touched my cheeks softly. Nakita kong umangat ang gilid ng labi nito.

"You were so young the first time I saw you."

Uminit ang pisngi ko.

"You peed in your dress-"

I groaned at hinampas siya sa balikat.
"Tumahimik ka nga!" sinuksok ko ang sarili sa balikat niya at pumikit. Nanatili siyang nakahilig sa dingding at yakap ako.

"Noong sumama ka kay Zeke, akala ko hindi kana babalik sakin." patuloy nito. "I thought." huminga ito ng malalim.

"Alam ko ang limitasyon ko Manuel. I am inlove with you kahit na nasaktan ako ng pinagtabuyan mo'ko. Nasaktan rin ako dahil muntikan na kayong magpakasal ni Chloe."

"That's all in the past." he said cooly. "I am now starting to fullfill the new pages of my life."

Tinitigan ko siya at unti unting tumingkayad para mahalikan siya sa labi. Hindi ito naging sapat sa kanya dahil kinarga niya talaga ako at nilapag sa kama. I gasped when he slowly unbuckled his pants and look at me arrogantly.

My old Manuel is really back.

Bumalik ang dating pang araw araw na buhay ko. Mas naging abala si Manuel sa kanilang kompanya habang si Ezekiel naman ay sa Hacienda at isang pang kompanya nila.

Iniiwan ko si Angelo sa yaya niya. Minsan maaga nalang akong umuuwi para sa kanya. Nakakamiss kasing bantayan iyon. Hindi naman raw iyakin. Palagi raw tahimik at seryosong naglalaro.

Nasa shop ako at nag aarange ng mga bulaklak. Nilinisan ko rin ang labas ng shop para magandang tingnan. Ito lang ang trabahong pinayagan sakin ni Manuel. Pilitan pa nga ang pagpayag niya. Gusto niya kasing sa unit lang ako at bantayan si Angelo. Hindi naman ako sanay na ganoon at nag eenjoy naman ako.

"Aurora na maganda. Kukuha lang akong meryenda natin ah." si Josefina.

"Sige Jose ." tumango lang ako at maya maya pa ay dumating na ang sasakyan ng mga bulaklak na mula pa sa Hacienda Montenegro na pinagtaniman ko ng iba't ibang uri ng bulaklak.

Napangiti ako dahil ang gaganda ng kulay at tataba. Isa isang kinarga iyon ng kargador at sila mismo ang nagpasok at dinala sa likuran ng shop para maayos ko.

"Mang Karlitos kamusta po ang farm?" tanong ko sa taga pamahala doon.

"Oks na oks ma'am. Marami ng bulaklak at ang gaganda tignan. Meron doong nagpupunta at nagpapapicture sa mga sun flowers niyo po! Ang titingkad kasi at tataba na ma'am."

"Wow! Salamat po! Dadalaw ako doon pag may oras po manong!"

"Sige ma'am! Paghahandaan po namin!"

Nagpameryenda kami para sa mag kargador at nag entertain ako ng mga bumili ng pots at jars namin.

Kinahapunan nag aayos na ako para umuwi ng mag ring ang cellphone ko. Napangiti ako dahil akala ko si Manuel na naman pero unregistered number ang tumawag.

"Hello?" nangunot ang noo ko ng nakarinig ng paghikbi.

"A-Ate A-Aurora?"

Shit.

"Catalena?" I gasped.

"P-Pasensya na kung t-tumawag ako. N-Natatakot kasi ako kay Ezekiel. Lasing po-"

"Pupuntahan kita diyan." hindi ko na pinatapos at pinatay ko ang tawag. Dahil sa awa ko sa boses nito bigla nalang akong kinabahan. Baka sinasaktan ni Ezekiel si Catalena kung lasing!

Nagpahatid ako sa driver patungong unit ni Ezekiel. Hindi kalayuan iyon sa tower namin ni Manuel. Tinawagan ko muna ang yaya ni Angelo na pupunta muna ako sa kay Ezekiel kaya medyo gagabihin ako.

Nang nasa tamang palapag ako ay tinungo ko na ang unit ni Zeke. Pumindot ako sa door bell nito. Ilang sandali lang ay bumungad na sakin ang amoy ng alak. Bumungad sakin ang mukha ni Zeke at gulo gulo ang buhok.

"Anong ginawa mo kay Catalena?" striktang galit ko sa kanya. Hinawi ko siya at pumasok sa loob par makita si Catalena pero nabigla ako ng makakita ng iilang basag na bote at vase.

"Ezekiel! Tinatakot mo si Catalena!" sumunod siya sakin at supladong inikot ang mga mata.

"That kid! Nagsumbong-"

"Dahil natatakot sayo!"

"Aurora please. Umuwi ka nalang." mahinang sabi nito sakin at tinalikuran ako. Nakita ko ang isang pintuan sa sala at nakita kong nakasilip doon si Catalena na umiiyak. Kumirot ang puso ko.

Sinundan ko siya na patungo sa kusina. Hinablot ko ang braso niya.

"She's your fiance Ezekiel. Hindi ka ba naawa? Wala kang mapapala!"

"Ano bang alam mo?!" biglang sigaw nito sakin at sinipa ang upuan. Kinabahan ako.

"Wala man akong alam pero hindi tama ang pananakit mo kay Catalena. Wala siyang laban!"

"Umalis ka nalang pakiusap!"

"Oo! Aalis ako at isasama ko si Catalena!"

Bumagsik ang tingin nito sakin at ngumisi siya. Umiling iling at umiwas.

"Umalis ka na Aurora at hindi siya sasama. This is our problem. I can handle this." tumungga siya sa alak. Namumula ang katawan at mata niya. He's helpless!

"Hindi mo alam ang sakit na nararamdaman ko." tinuro nito ang puso niya. Unti unti niya akong nilapitan. "Ganito pala yun no? Sana ikaw nalang Aurora. Sana ikaw nalang para hindi na ako nasaktan ng ganito. K-Kung alam ko lang na ganito ito ka sakit...nakipagpatayan na ako kay Manuel noon , makuha kalang.."

Fuck!

Nasasaktan ako bawat salita niya umiling iling ako. Bumagsak ang aking luha.

"Anong p-pinagsasabi m-mo-"

Hindi na ako nakapagsalita ng isandal niya ako sa dingding ng kusina at hinalikan. Isang lapat. at galaw ng labi niya sa labi ko...tinulak ko agad siya at sinampal.

"Ezekiel!!! Ano kaba!!"

Tumingala siya at marahas na sinuklay ang buhok gamit ang labi. Pumikit siya ng mariin at kinagat ang labi.

Bigla akong nakarinig ng hikbi sa likuran ko at nakita ko si Catalena na umiiyak. Mas lalong kumirot ang puso ko nang tumakbo ito pataas sa kwarto nila. Nakita rin iyon ni Ezekiel.

"Hindi malulunasan ang problema ng isa pang problema Ezekiel. Catalena loves you so much. Pag siya nawala."

Hindi ko na tuluyang natapos ang sasabihin ko dahil tumalikod na ito sakin at sinundan si Catalena.

Umiyak ako pauwi sa unit ni Manuel. Kadalasang uwi ni Manuel ay eight o'clock ng gabi. Siguro ganitong oras wala pa iyon.

Pero nagkamali ako,dahil pagkabukas ko palang ng pintuan ng unit ay si Manuel na ang bumungad sakin. Huminto ang pag iyak ko. Kinagat ko ang nanginginig kong labi.

"Anong ginawa ni Ezekiel sayo?" nahimigan ko ang galit sa boses niya. Umiling ako at yumuko.

"Wala."

"Doon ka galing di'ba?" madiin na sabi nito. Nanggigigil ang kamao nito. Hinawakan ko iyon at dinala sa labi ko.

"Sorry." nautas ko at napapikit dahil nahalikan na naman ako ni Ezekiel.

Pumikit siya ng mariin at sinuntok ang dingding. Matalino si Manuel kaya alam kong alam niya ang ibig sabihin ng "sorry" at luha ko.

Hindi ko siya nasundan ng umalis siya at ilang oras na nawala. Hindi rin ako mapakali at hindi rin makatulog.

Nang kinabukasan nalaman ko ang balita na...umalis si Catalena at nangibang bansa. Mas lalo akong nakonsensiya at umiyak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co