Truyen3h.Co

Summer Nights

Chapter 29

frezbae


Magkapatid 29

Hindi bumalik si Manuel ng gabing iyon. Mag isa akong umiyak sa kama at kayakap ang sarili. Akala ko, simula nang magkaanak kami ni Manuel, si Ezekiel ay nagbago na. Espesyal siya sakin at hindi ko maitanggi na pinaramdam niya sakin kung gaano ako kahalaga sa kanya.

Nagising rin ako kinaumagahan na nasa tabi ko na si Manuel. He's shirtless and wearing his pants. Tila pagod na pagod ito. Bumangon ako at tumagilid. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman...I'm afraid to lose him again. Kung may ibibigay pa ako para maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal gagawin ko. Kung may ipapadama pa ako sa kanya para maramdaman niya ang pagmamahal ko gagawin ko.

Noong namatay si Senyora Patricia nangako akong aalagaan at hindi papabayaan ang dalawang magkapatid. Pareho silang mahalaga sakin, isang salita pero dalawa ang ibig sabihin: mahal ko si Zeke bilang kapatid at tapat na kaibigan, mahal ko si Manuel bilang babae ,mahal ko siya sa puso't kaluluwa.

Hinaplos ko ang panga niya gamit ang aking daliri,tinalunton nito pababa hanggang sa dumapo ang aking daliri sa umbok ng pantalon nito. It's big and hard, ang aga!

Gusto ko na sanang ngumisi pero nabigla ako nang may dumakip sa aking kamay! I gasped in horror!

"M-Manuel,"

Tiningnan lang ako nito at umiwas. Mas nabigla ako ng makita ko ang pasa sa gilid ng kanyang labi.

"Napano' ka?" alalang tanong ko.

Hindi ito sumagot, basta basta nalang itong tumayo at tumungo sa banyo. Kumirot ang puso at napalunok.

Nang matagalan si Manuel sa banyo ay bumaba nalang ako para makapagluto sa kusina. Nakita ko si Michael na nakaupo at pinakain ng yaya niya.

"Good morning ma'am, ano pong gusto niyong breakfast?"

"H'wag na, ako na magluluto yaya."
Nilapitan ko si Angelo, "Good morning baby! Nauna kapang magising sakon huh,?" hinalik-halikan ko ito sa pisngi.

Nagsimula akong magtoast ng bread at nilagay ang pan sa stove para makapag simula nang magsangag. Nilabas ko rin ang cheesedog sa fridge para mabalatan ito at mahiwa.

Nakita kong bumaba si Manuel mula sa itaas at nagtaka ako kung bakit hindi siya nakapang opisina.

"Manuel, uh, hindi ka papasok?"

"Hindi," kinarga nito si Angelo at hinalikan. Napanguso ako at halos maiyak dahil sa kalamigan ng boses niya at pakikitungo sakin.

Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy nalang ang pagluluto.Kahit sa pagkain wala siyang kibo sa akin.

Aminado ako na may kasalanan rin ako pero hindi ko iyon ginusto!

After we eat, nagimbal ako sa sinabi nito. "Pack your things, uuwi tayo ng Hacienda."

"Ngayon?"

"Yes.." sagot nito sa akin. Kaya pala hindi siya pumasok ngayon. Nagsimula akong mag ayos at ayusan si Michael Angelo para makaalis na kami.

Tahimik ang naging biyahe namin patungong Hacienda Montenegro. Magandang ideya narin ito dahil madadalaw ko ang farm na pinaaalagaan ko sa mga trabahador.

Hindi ko narin kinibo si Manuel. Hindi rin mawala sa aking isipan si Ezekiel kung kamusta naba siya ngayon?

Pinilig ko ang ulo para maalis ang bumabagabag sa akin. Si Michael Angelo ay pinagkakaguluhan ng katulong dito sa mansyon. Marami siyang bantay dito at naaaliw ang mga trabahante sa kanya. Si Manuel naman ay may inasikaso sa farm kaya naisipan kong dumalaw narin sa flower farm ko.

"Yaya, pakibantay po muna si Michael Angelo po, pupuntahan ko lang si Manuel."

"Sige lang ma'am! Aliw na aliw kami sa kanya e." Kinuha niya ang picture frame ni Manuel noong bata pa at pinakita sakin," Tingnan mo ma'am oh, carbon copy, xerox copy, at sobrang duplicate ni sir Manuel si Angelo!"

Tumawa ako at tumango,"Oo nga e, wala ako kahit ilong o mata man lang."

"I'm sure ma'am pag babae next baby niyo,kamukhang kamukha mo 'yun!"

Ngumuso ako, "Talaga? Paano mo nasabi?"

"Wala nasabe ko lang ma'am," tumawa ito ng malakas.

"Ikaw talaga yaya."

I decided to wear a vintage dress na abot hanggang tuhod ko. Nagdala rin ko ng malaking sombrero panlaban sa init. Ang aking buhok ay bahagyang nililipad ng hangin. Ang lumang boots ko ay nadidikitan ng alikabok sa 'twing nakakaapak sa lupa.

May bitbit akong isang basket para lagyan ng bulaklak at plano kong idesenyo sa bawat vase ng mansyon.

Sa malayo palang, nakita ko na si Manuel na naglalagak ng ilang mangga sa malaking truck. Ibig sabihin hindi na si Zeke ang namamahala dito ngayon? Kaya ba kami bumalik dito?

Hubad-baro si Manuel at kumikinang ang katawan dahil sa pawis. Nangunot ang noo nito ng makita ako pero pinagpatuloy ang ginagawa. Pinagpasa pasahan ng ilang trabahante ang tig dalawang malaking basket na mangga at si Manuel ang naglalagak at nagbibilang ng mga iyon.

Umupo muna ako sa lilim ng puno na may mahabang mesa at upuan na mahaba na yari sa narra.

Naamoy ko ang panlalaking bango nito ng makalapit sa gilid ko. Wala akong nagawa kundi masdan lamang siya at tingalain na parang kuting.

Lumagok ito sa tubig na naroroon. Nang makita ko ang pawis niya kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ang pawis niya sa dibdib pero umiwas siya tila, nairita.

"Manuel...galit kapa rin ba?"

Umigting lang ang panga niya at kinuha ang panyo sa aking kamay. Siya na mismo nagpunas sa kanyang katawan.

"Manuel-"

Naudlot ang sasabihin ko nang may lumapit na mga dalagang anak ng isa sa mga trabahante sa amin. Naglagay sila ng mga pagkain na tingin ko'y para sa ama nila o pamilya.

"Magandang hapon senyor Manuel,senyora.." bati ng mga dalaga pero naka'y Manuel ang tingin. Tipid namang tumango si Manuel.

"Senyor baka gusto niyo pong tikman ang luto kong suman latik po?" nahihiyang sabi ng isa.

"Sure.." seryosong sagot ni Manuel at kumuha agad doon. Ewan ko kung bakit nalungkot ako, bakit ang dali niyang sumagot at kumuha pero sakin naiirita siya. Anong ibig niyang sabihin?

Huminga ako ng malalim at kinuha ang dalang basket sa mesa at walang lingong umalis doon.

Kung ayaw niya akong pansinin e'di huwag!!

Paradag ang paglakad ko papuntang farm ng mga bulaklak. Nadaanan ko ang niyugan at ang mga sun flowers. Ang lupa ay mataba at alagang alaga kaya magaganda ng mga sun flowers. Kumuha lang ako ng konti at mas dinamihan ko ang red roses dahil maganda itong ilagay sa sala ng mansyon.

Hindi maiwasang hindi dumaloy ang aking luha dahil sa pinaghalong emosyon. Bakit hindi niya nalang ako diretsuhin? Hindi ko naman iyon ginusto bakit ganito ang pakikitungo niya sakin?

Padarag kong nilapag sa lupa ang basket at umiyak.

"Kung ayaw niya sakin sana naman sabihin niya! Ayoko rin sa kanya!" umiiyak kong palatak at pumitas sa mga rosas.

"Feeling niya naman guwapo siya! Oo nga naman guwapo siya kaya ang feeling niya!" patuloy ko at pumitas ulit at nilagay sa basket.

"Kung gusto niya akong hiwalayan sabihin niya! Doon siya sa marunong magluto ng suman na lintik! Aray!"

Natusok ako ng tinik ng rosas! Dumaloy ang dugo mula sa aking daliri. Mas naiyak ako nang makita iyon. Matamlay kong kinuha ang basket at hayaan lang sana ang sugat ko nang may mainit na palad ang kumuha nito.

Inagaw ko agad ang kamay nang makita si Manuel sa gilid ko. Nakasuot na nang puting t shirt.

"Akin na ang kamay mo.."

Umiling ako at tumalikod para makapunta pa sa ibang bulaklak pero hinawakan niya ang aking baywang at niyakap ako mula likod.

"Let's talk," hinalikan niya ang buhok ko. Napapikit ako.

"Akala ko galit ka? Di'ba hindi mo'ko pinapansin?"

"Nagpapalamig lang ako pero hindi mahal parin kita.."sagot naman nito sakin.

"Talaga ba?" I mocked. "Akala ko hihiwalayan mo na ako e. Kung ganon' ang gusto mo e'di sige-"

He tightened his hug, "Walang 'ganon," Ngayon kalmado na ang boses niya? Hindi na siya malamig?

Umirap ako ng kunin niya ang daliri kong may dugo at walang sabing dinala iyon sa kanyang bibig. I gasped, when he sucked my finger!

"Teka, M-Manuel.." halos mapaatras ako pero pumigil ang kanyang kamay sa aking baywang para mapanatili.

Hindi niya iyon tinigilan ng ilang minuto hanggang sa pumungay ang mga mata ko.

He stop, "I'm sorry, I'm just mad.." he whispered.

"Ang pasa mo, si Ezekiel may gawa niyan di'ba?"

Umigting lang panga niya at umiwas. "Stop mentioning him please, I'm jealous.." Presko niyang sinabi na may halong iritasyon.

"Pero okay lang ba siya?"

Habang nagsasalita ako kumuha siya ng bulaklak at nilagay sa aking tenga.

"He's still kicking Aurora.."

Naudlot ang aming usapan ng biglang tumunog ang cellphone ni Manuel. Kinuha niya ito at sinagot. Dahil sa tahimik ng kapaligiran ay rinig ko parin ang sinasabi ng kabilang linya.

"S-son.." si Don Juanito?

"Yes pa," nangunot ang noo ni Manuel.

"Y-Your brother...he got hit by a car. He's drunk.Manuel...s-son-"

Napamura si Manuel. "Pa, kumalma ka." Napahilamos siya ng mukha at nakita kong namula ang mata ni Manuel.

Blood is thicker than water. Kaya kahit anuman ang pinagdadaanan nila alam kong mananaig ang dugo na nananalantay sa kanilang katawan.

"Pupunta ako diyan,'' dagdag ni Manuel.

Halos namanhid rin ang aking buong katawan. Lalo na nang bumalik kami sa mansyon at ikinabigla ang babaeng kalong si Michael Angelo. She smiled when she saw me.

"Empress?"

___________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co