Chapter 10
Torn
Hindi ako pumayag. Nabigla ako sa sinasabi niyang proposal. Ano ‘yun? Kahit kailan wala pang nag alok sa akin nun! Tsaka, nandiyan naman si Genevive! Bakit ako pa?
Hinatid niya ako sa hospital kung nasaan si nanay.Hindi na ako nagsalita pagkatapos namin kumain. Sinabi pa niyang pag isipan ko raw ang alok niya.
Sa totoo lang ay nakakatukso ang offer niya. Pero sa kabila nun ay ang kaba ko. Baka karmahin ako sa mga pinaggagawa ko lalo na't ikakasal siya. What if mabuntis ako kung pumayag man ako sa alok niya? Hay!
Pinilig ko ang ulo at pumasok na sa hospital. May nabili ako kaninang kakain sa daanan papasok dito sa hospital.
Pagkapasok ko palang sa kwarto ni nanay ay nakita kong mag isa lang siya at wala si tatay. Mabilis akong lumapit at umupo.
"Nay, kamusta ka ho?" alalang tanong ko. Hindi pa siya nakakasagot ng biglang pumasok ang isang nurse.
"Ikaw po ba ang pamilya ng pasyente?" tanong nito.
Tumango ako.
"Ito pala ang mga hindi niya nabiling gamot. Meron po tayong pharmacy sa baba doon niyo yan pwedeng bilhin." ngumiti ito at umalis.
"Nay, hindi ho nabili ang ibang gamot?Di'ba may pera akong iniwan?" ngunot noong tanong ko dahil 'yung kinita ko noon kay Faustino ay iniwan ko iyon lahat dito!
Umirap si nanay, "Tinangay ng tatay mo! Kahit pagkain ko hindi man lang nag iwan! Mabuti nalang may libreng pagkain ang hospital na ito!"
Nasapo ko ang noo. Halos maiiyak ako sa inis.
"Pasalamat yang itay mo at tulog ako nang umalis siya! Walang awa!" pagpatuloy niya. Napaubo ito ulit.
"Nay, tama na. M-Meron ako ditong pera." nilabas ko iyon mula saking bulsa at kinuha ang iilang resitang binigay ng nurse.
"Ava, baka hindi kana nagpapahinga niyan. Aba, hindi ka robot! Baka ikaw na magkasakit niyan!"
Umiling ako at ngumiti bago binigay sa kanya ang mga kakanin. "Ako pa ba nay? Sanay na ako!"
Bumaba ako sa unang palapag at binili ang iilang gamot ni inay. Ang mahal. Ang natira sa five thousand pesos ay eight hundred nalang!
Bumalik ako sa loob at inayusan na si inay. May mga sinabi sa akin ang doctor ng mag roaming ito. Hindi parin nababawasan ang plema sa baga ni nanay at medyo hindi na nakakahinga. Mahal pa naman renta ng nebulizer nila dito.
"Pwede mo naman akong hayaang mamatay nalang sa gilid Ava. Ang mahal dito. Grabe na ang gastos natin."
Sa totoo lang ay sumasakit na ang ulo ko. Pero anong magagawa ko? Hindi pwedeng pabayaan ko si nanay.
Bukas may pasok na. Kailangan ko nang kumuha ng uniform sa bahay. Kahit dito nalang ako magbibihis. Kailangan korin munanh maglaba ng mga duming damit dito ni nanay.
Kaya ayon, nang matapos kong pakainin si nanay at nakatulog na siya. Umalis ako dala dala ang malaking bag na naglalaman ng madumi niyang damit.
Pagkadating sa bahay ay si tatay nakita kong lasing na naman at nakahandusay na kahoy na upuan namin. Umiling ako at napaasik. Kinapa ko pa 'yung bulsa niya kung andoon pa ang pera pero wala na. Kahit anong hanap ko wala na ang pera! Saan niya ginastos ang fifty thousand?!
Naiiyak akong nagluto ng pagkain. Nagluto ako nang itlog at karne norte. Ang iba dadalhin ko kay nanay ang iba iiwan ko kay tatay. Nagsaing narin ako bago naglaba.
Halos hindi ko na maigalaw ang katawan ko sa sobrang pagod nang matapos akong maglaba. Kailangan kong patuyuin mga ito at dalhin ulit sa hospital. Paulit ulit lang naman ang mga damit namin ni nanay e.
Nakatulog ako dahil sa pagod at pagising ko wala na si tatay at nakakain na. Inayos ko ang mga damit na dadalhin ko at pate narin kay nanay bale, dalawang bag na ang dala ko. Dala ko rin ang aking bag pang ekswela.
Kinabukasan, Iniwan ko kay inay ang five hundred pesos at iniwan ko para sa sarili ang three hundred pesos. Nagbilin ako sa nurse na painumin nalang si nanay ng gamot kasi may klase ako. Ang hirap talaga pag hindi ko maasahan ang tatay sa ganitong bagay.
Nakauniform na ako ng pumuntang eskwelahan. Ni wala akong pangpusod sa aking buhok. Ang aking bag ay tela lamang at laman nun ang iilang notebooks ko at ang dalawang libro ay aking dala dala.
Mabuti nalang dahil busy ang lahat sa nalalapit na exam ay hindi na ako nabully o natukso.
"Pwede naman thru email nalang ang group work natin di'ba? Pwede rin tayong gumawa ng gc, " sabi ng ka klase ko nang kailangan na naming mapasa ang group work bago mag exam. Plus points raw iyon.
"Pwede. Add niyo ako sa facebook at gagawa ako ng gc. Send ko sa gc natin email ko para ipasa niyo nalang doon sakin. Pahinge rin akong email add niyo." sabi ng bakla naming leader.
Nagsitanguan sila habang ako ay kinakabahan dahil wala akong cellphone o laptop.
"How about you Ava? May cellphone ka o tablet man lang?" tanong ni Kris sakin.
Umiling ako. Napamura sila dahil doon.
"Gosh! May raket ka naman kung gabi di'ba? Try to buy atleast low key na cellphone. Pahamak ka talaga." segundahan iyon ni Chelsea.
Siniko siya ng leader namin na bakla.
"Ang harsh niyo mga cyst," napakamot siya sa kilay. "Hayst. Do something Ava huh? Stress na stress na tayo e."
Tumango ako sa kanila. Sana nga makabili na ako. Noon ko pa talaga gustong bumili kaso palaging wrong timing. Kung hindi babayad sa ilaw, babayad naman sa utang ni nanay at tatay. Kaya hindi ko nalang iyon hinangad pa. Nakakahirap naman ako sa cellphone ni itay na cherry mobile e. Kung hindi naman cellphone ng kapit bahay namin.
Alas tres nakauwi na ako sa hospital. Nilinisan ko na naman si nanay at nakatanggap na naman ako ng reseta niya. Hindi ko iyon nabili. Yung ibang gamot covered nila pero yung iba binibili sa pharmacy nila. Wala pa namang philhealth si inay. As in wala!
Nagpahinga lang ako doon sandali at nang mag alas sais ay pumasok na ako sa club. Desperada na akong magkapera ng malaki ngayon. Kailangan ko talaga ng malaking pera. Una kasi kailangan ko ng perang para sa reseta ni nanay, pagkain niya, kasi kahit mansanas hindi na ako nakabili. lalo na yung cellphone o tablet man lang kailangan ko rin sa school.
"Oh Ava, ba't pumayat ka lalo!" exagge naman itong si Madam A. Ngumiti ako at umiling.
"Si nanay kasi nasa hospital kaya ito doble kayod," nagsuot na ako ng maskara. Tapos na akong magsuot ng dress na kulay pula at backless ito. Nakaheels rin ako. Hindi na ako sa stage nagsasayaw. Matumal kasi pag gaon. Diretso table na ako para makadekwat agad.
"Ayan kasi sabing wag' ng mag aral! Dito ka nalang malaki naman kikinita mo dito ang pag aaral dagdag gastos lang yan! Di'ba malapit na exam niyo?"
Hay,yun rin pala. Kailangan ko pate pambayad sa exam! Shit!
"Oh sumakit ang utak mo?" Siniko ako nito. "Nandito ang anak ni Mayor ha. Sa table five gusto ka nun."
Huminga ako ng malalim. "Sige po."
"Ayan! May idadown nayun sayo! Fifteen thousand! Wait kausapin ko lang sandali."
Kinausap ni Madam A , bago ako sumunod doon.
Mabigat sa pakiramdam. Lalo na't ang dami kong iniisip. Tinitiis ko nalang lahat. Pag nakapagtapos ako, hahanap ako ng matinong trabaho.
Tatlo sila ang nandoon. Ang dalawang kasama ng anak ni mayor ay may kausap na. Ngumiti ito sakin nang makita ako at pinasada ang mata sa aking katawan. Umubo ako ng peke.
"Sir Victor, ito pala si Ava. Mabait po ito." pakilala sakin ni Madam A.
"Glad to hear that." englishero siya huh. Sinenyas nito na lumapit ako kaya iyon ang aking ginawa.
Ang kwento niya sakin trenta na raw ang edad niya. Meron raw siyang resort at iilang establishments.
"So nag aaral ka. Mabuti binabalance mo ang oras mo? Mahirap yan." sabi nito. Mapula na ang mukha at medyo may tama na.
Tumango ako habang nililibot ang tingin sa dancefloor at second floor. Hindi ko alam pero parang may hinahanap ako. Parang may kulang.
Napabalik lang ako sa huwisyo nang dumantay ang palad niya sa hita ko.
Tumalim ang tingin ko doon. Tumawa ito at nilapit ang mukha sakin.
"Gusto mong maglaro?"
Napataas ang kilay ko. "Anong laro?" pabulong na tanong ko.
"Actually, parang hindi naman laro kasi ako ang matatalo. Ganito lang yan," hinimas niya ang aking hita. "Pepresyuhan ko ang katawan mo sa bawat halik."
Natuod ako mas lalo ako naiiyak.
"Ang leeg, two thousand." bulong nito. "Sa dibdib, five thousand." tumindig ang balahibo ko. Parang hindi na ako sanay. Parang gusto ko nalang umalis.
"Sa labi, six thousand," tumawa ito. "Kung gusto mo nang kumuha tayo ng room dito, fifteen thousand."
"Sa leeg lang," pinal na sagot ko na ikinailing nito. "Bawat halik sa leeg, may bayad." dugtong ko pa na ikinibit balikat lamang niya.
Hahalik na sana siya sa aking leeg nang tinawag ako ni Madam A. Nagmamadali ito at kinakabahan. Halos hilahin pa ako nito paalis sa tabi ni Victor.
"Ah! Sir Victor. Papalitan ko nalang po ng pang kama agad si Ava. Off limits napo kasi siya! Sige po!" hinarangan agad ng mga bouncers si Victor na gustong mag amok at magbasag ng bote.
"Madam A! B-Bakit ho ba?" nalilituhang tanong ko. Pinalitan niya ang suot ko at tanging roba nalang. Namamawis siya at nenenerbiyos.
Nandito na kami ngayon sa backstage. Hinila niya ako palabas.
"Ayan ang kita mo ngayon! Umalis kana, may kotseng naghihintay sayo sa labas! Jusko, aatakihin ako sa puso nang nagalit iyon. Bilyonaryo pala iyon."
Kinabahan ako.
"S-Sino?"
"Fonsyo? Fita? Postiso? Ewan basta! Hindi ko natandaan ang pangalan e!"
Nasapo ko ang noo at nalito rin kung si Frosto ba iyon o Faustino? Ang kaninang bigat ng pakiramdam ko ay gumaan. Parang gusto ko nalang umiyak.
Pagkalabas ko nakita ko ang pamilyar na sasakyan. Sasakyan ni Frosto? So, si Frosto pala? May katabi rin ito pero hindi ko na iyon tiningnan. Pumasok ako doon.
Sa hindi malamang dahilan umiyak ako at niyakap siya. Parang pinagtanggol ako sa masamang mangyari sakin. Parang nakahanap ako ng sagot sa lahat ng problema ko ngayong gabi.
"A-Va." tila gulat pa ito.
Tumango ako at niyakap pa siya. "Salamat s-sir Frosto. Salamat!"
Sa hiya umalis agad ako sa pagkakayakap sa kanya.Hinagod nito ang buhok na bagong gupit at napakagat labi.
"Ava, Damn," umiling iling ito. "Ikaw sana ang ipinunta ko dito pero naunahan ako e.Nagulat ako saiyo." humalakhak pa ito habang gulat ako.
Pinunasan ko ang aking luha.
"A-Ano?"
"Look," tinuro nito ang sa gilid na sasakyan. Umiilaw na iyon at mas nagulat ako ng makitang galit na nakapamaywang doon si Faustino.
"Si Faustino ang bumayad saiyo. Naunahan ako tangina niya!" mura pa nito. Halos manlamig ako dahil sa kahihiyan. Mali ako nang pinasukang saksakyan?!
"Hala! Sorry!"
"Wait!" hinila ako pabalik ni Sir Frosto at hinalikan sa gilid ng labi. "Aagahan ko bukas," kumindat pa siya sa akin.
Halos ayoko namang lumabas ng tila nabagot na si Faustino kakaintay at nag abang na sa pintuan ng sasakyan ni Frosto.
"Sorry ulit." sabi ko kay Sir Frosto. Pareho pala silang naka white polo ni Faustino. Kung hindi lang dahil sa buhok nila, hindi ko na talaga makikilala kung sino si Frosto at Faustino sa kanila.
"Damn you Frost. Damn you." bungad agad ni Faustino nang buksan ko ang pintuan.
"Chill bro." maangas na sagot ni Frosto at hindi na tinapunan ng tingin ang kambal. Hinila naman ako agad doon ni Faustino at basta basta nalang akong hinagis sa loob ng kotse niya.
I don't like this. I am torn.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co