Chapter 25
Frosto
Parang nakalutang ako sa mga oras na nagdaan. Ang mga gamit ko ay nasa condo na. Ito 'yung condo na kinakainan namin noon ni Faustino.
Balewala na sakin ang lamig ng aircon. Ang swimming pool sa labas nang unang palapag ay hindi na nagbigay excitement sakin.
Parang isang bitag na nag aabang nalang kung kaylan sasabog ang isang bomba. Ganon’ ang nararamdaman ko ngayon.
Malawak para sa akin ang condo na ito. Mamayang gabi pa uuwi si Faustino sa akin. Uuwi nga ba siya sakin?
Umabsent ako ng isang subject para sa pag aayos ko dito. Wala naman pala akong dapat ayusin bukod sa aking konting damit.
Ang pagkakaalam ko ginawang pribado ni Faustino ang mga records niya dito. Hindi pwedeng sabihin ng mga empleyado ang tungkol sa kanya. Nakapangalan ito sa kanya kaya kung may magtatanong ay magtataka.
Pagkatapos kong maglinis ay pinagdesisyonan kong bumaba para makapagload. Hindi ko rin alam kung saan ako magpapaload dito. Maghahanap nalang ako ng tindahan sa malapit. Si Faustino minsan lang rin tumawag. Kailangan ko rin kasing tawagan si inay.
Nakasuot lang ako ng sleeveless na kulay brown na hapit sa aking katawan at short lang.
Binabati ako ng iilang empleyado nila dito at sinusuklian ko iyon ng ngiti. Nakangiti ako ng lumiko ako palabas mula elevator nang halos mapaatras ako ng may nakasalubong.
Hinawi nito sa mata ang makapal na shades at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. May kasama siyang dalawang body guards.
"Anong ginagawa ng isang katulad mo dito?" halos may pandidiri niya akong tinitigan. Tumigil iyon ng husto sa aking katawan. Nanlamig ako.
"Senyora Agnes.M-may kinita lang ako." Hindi nila maaring malaman. Hindi ko pwedeng isaalang alang ang sitwasyon ngayon ni Faustino.
"You reminds me of someone. Someone I envied the most." nanlilisik ang mga mata niyang tinitigan ako. Hindi na ako nagsalita pa.
"Oh well. Malabo. At hindi na kataka taka kung bakit ka andito. Gold digger bitch."
Mataray itong lumisan sa aking harapan. Halos magpasalamat ako ng wala siyang sinabi pang iba. Nagtataka parin kung sino ang kanyang tinutukoy na nakikita niya sa akin? Someone? Sino?
Isinantabi ko na ang mga bagay na iyon. Nang makabalik ako ay nagluto na ako para sa hapunan. Hindi ako sigurado kung dito siya kakain pero magluluto ako para sa amin.
Naghahanda na ako nang biglang nagring ang aking cellphone. Hindi ako nagpalit ng number kaya sinagot ko ang call ni Frosto.
Ilang araw na rin. "F-Frosto?"
"Ava." problemado ang boses niya. May narinig akong kalansing ng iilang bote kaya doon palang nalaman ko nang naglalasing siya.
"F-Frosto...bakit?"
"Can we talk?"
Natigil ako. Hindi pa'ko nakakapagluto. Alas kuwatro pasado na siguro kasya naman sa oras ko?
"Importante."
Siguro panahon narin na sabihin ko ang mga gusto kong sabihin sa kanya.
"Sige."
Mabilis akong nag ayos. Hindi alam ni Frosto ang tungkol sa pagbili sa akin ni Faustino ng condo at hindi niya alam ang set up naming dalawa. Hindi ko ito ginagawa para kay Frosto kundi para sa sarili ko. Isipin man nang lahat na masama ako pero wala na akong pakealam sa sasabihin ng lahat.
Nagdasal ako ng sana makabalik ako agad. Nasa isang magarang bar si Frosto. Ang aga niyang naglasing.
Ang suot ko ay simpleng t-shirt lamang at pantalon. Ang aking buhok naman ay nakapusod.
Mabuti nalang may pera akong pang taxi. Mahirap hanapin ang sakayan ng jeep. Ang hirap kapag bago lang ako sa lugar. Iba ang daan kasi papuntang school na saulado ko ang rota ng jeep dito naman hindi.
Konting tao palang ang nandito kaya nakita ko na agad si Frosto. Tulala siya at seryoso lang akong tiningnan ng makarating ako. Iilang bote narin ang kanyang nainom. Hindi siya naka office attire kundi simpleng t-shirt lang at pantalon. Nakita ko rin ang iilang babaeng napapatingin sa kanya.
Umupo ako sa tapat niya. "Alam ko kung bakit ka naglalasing Frosto."
Ngumisi siya. "Dapat na ba akong kabahan?"
"Hindi." diretsahang sagot ko.
"Alam mo Ava," suminghap siya at pinikit ang matang namumula. "Gusto sana kita e." huminga siyang malalim. "Gusto kita. Kung ako ang tatanungin gusto ko ikaw nalang."
Umiwas ako. "Hindi nga talaga natuturuan ang puso."
"Yeah." lumagok ito sa bote. "Want some?" nag imbita pa siya. Umiling naman ako agad.
"Pumupunta ako sa club pero palagi kong naabutan na sumasakay kana sa sasakyan ni Faustino o di kaya'y naghahalikan na kayo. Really Ava? A mistress?"
Umiwas ako at umirap. Minuwestra niyang tumabi ako sa kanya.
"Come on, I need some shoulder to lean on." tumawa pa siya ulit. Halatang may tama na siya. Sumakit tuloy ang ulo ko kung paano ko siya iuuwi?
Tumabi ako sa kanya. Agad namang kinain ng pag usod niya ang aming distansya. Naamoy ko ang inumin sa kanyang hininga. Walang mintis talaga ang pagkakahawig nila ni Faustino.
Nilaro laro ng kanyang daliri ang aking buhok. Binalewala ko naman iyon dahil ang nasa isip ko ay ang aking gustong pagawa sa kanya.
"Frosto desperada na talaga ko." tinitigan ko siya. Namumungay rin ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
"What is it, hmm?"
"A-Ayokong matuloy ang kasal nila F-Faustino. M-Mahal ko siya-"
Sarap na sarap ang kanyang tawa. Gusto ko siyang pigilan dahil napapatingin na ang iilan sa amin.
"So you're inlove with him now huh? You're really dead Ava." sumunod ulit ang tawa niya. Umiwas ako at pinalis ang aking luha.
"Seryoso ako Frosto."
Natigil kami sa usapan nang marinig ko ang pag ring ng aking cellphone. Umangat rin ang tingin ko sa mga babaeng titig na titig sa amin. Umiwas ako para sagutin ang tawag ni Genevive.
"Hello Genevive.Bakit?"
Nagkatitigan kami ni Frosto.
"A-Ava saan ka?"
"N-Nasa kakilala ko lang. Bakit?"
"Ava sinong kasama mo?" nag aalinlangan ang kanyang tanong.
"Frosto." tanging sagot ko.
"G-Ganon' ba? Si F-Faustino kasama niya b-ba?"
"H-Hindi Genevive kami lang ni Frosto."
"Okay."Paos ang kanyang boses nang tinapos niya ang tawag. Nagkatitigan kaming dalawa ni Frosto.
Patawarin ako ng panginoon. Kung sa mata nang iba ay isa akong marumi at bayarang babae.Sasagarin ko na.
Noong gabing iyon nanatili doon si Frosto. Hindi na siya nagdagdag pa ng iinumin. Nang makauwi ako ay halos mangatog ako nang makitang nandoon na si Faustino sa condo. May hawak na naman siyang alak sa kamay at malalim ang iniisip. Nasa sofa siya naka de kwatro habang ako ay natigil ng makita siya.
"Where have you been?" seryoso niyang tanong.
"Nagpaload lang sa labas." palusot ko.
Tumingin ito sa kanyang relo na nakunguso. "Alas sais na hindi kapa nakaluto? I thought you will take care of me?"
"S-Sorry." nagkukumahog akong binalikan ang mga naiwan ko sa kusina na tiyak kong nakita niya kanina.
Nakita ko siyang pumasok sa kwarto siguro magpapalit. Nakaramdam ako ng konting saya kahit ganito lang kami. Hindi na ako magtatanong tungkol sa mga gusto ko pang malaman basta ganito lang kami ayos na sakin.
Nilagay ko na iyong namarenate kong adobong manok sa apoy nang makita kong nagkalat ang mga relo, sinturon, wallet at suit ni Faustino sa sala kaya tinungo ko iyon at inayos.
Sa aking pag aayos sa kanyang wallet ay nahulog mula doon ang isang maliit na parehabang litrato. Kung tantiyain ko ay mga nakaraang taon lamang ito. Wala doon ang kanyang namayapang ina. Ang nakakapagpagulat sakin ay lalaking nag take out sa akin noon sa bar ay kasama nilang dalawa ni Frosto sa litratong ito.
Silang tatlo lamang at natanto kong mag hawig si Frosto at Faustino sa lalaking ito!
Ama nila ang misteryosong lalaking iyon?!
Kaya ba galit na galit si Faustino at matalim ang titig sa matanda ng oras na iyon?
Ang mga rebelasyong iyon ay nagbigay sakin ng gabing hindi payapa. Bukod sa mainit naming tagpo ni Faustino sa iisang kama sa ilalim ng kumot ay may isa pang nagbabagabag sa akin.
Sana maging maayos ang gagawin Frosto.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co