Chapter 26
Akin
Sabado ngayon at hindi na ako mapakali. Hindi maaaring hindi ako dito magtrabaho dahil magtataka si Genevive. Kung tutuusin hindi ko na kailangan pang magtrabaho rito dahil sobra sobra na ang binibigay niya sa akin.
Hindi ko pa nakikita si Genevive dito. Nagwawalis ako sa bakuran nang marinig ang mga pinag uusapan ng hindi ko masyadong kilala na kapwa ko katulong dito.
"Grabe! Ang mahal pa sana ng kasal nila at ayos na ang lahat. Grabe 'yung away nila. Makikita mo talagang sobrang nasaktan si sir Faustino." sabi ng isang katulong na ikinatigil ko sa pagwawalis.
Tinampal ng isa ang balikat niya at bumulong.
"May lalaki raw si Ma'am Genevive pero hindi pa alam kung sino. Nakita raw mismo ni sir Faustino ang mga pictures pero hindi kita ang lalaki. Sobrang nasaktan si sir Faustino."
Shit. Halos mabitawan ko ang walis na nasa aking kamay. Kinakabahan ako sa nangyari. Kaya ba? Kaya ba hindi umuuwi si Faustino sa condo?
Dapat bang maging masaya ako? Bakit hindi ako masayang gayong hindi tuloy ang kanilang kasal?
"Hindi raw alam 'yun ni Ma'am Genevive. Alam mo, rinig na rinig ko yung pagmamakaawa niya kay Faustino. Hindi niya raw alam kung bakit nandoon na siya."
Pinagpatuloy ko ang aking paglilinis kahit na medyo lutang parin dahil sa aking nalaman.
Pagkatapos kong magwalis pumasok ako sa kusina at nakita ang iilang plato doon. Hinugasan ko ang mga iyon. Saan kaya ang ibang katulong dito? Masyado silang naging busy sa chismisan. Umiling nalang ako at pinagpatuloy.
"Nandito kapa rin pala. Akala ko hindi ka na babalik dito." nagulat ako dahil nasa likuran ko si Senyora Agnes. Nakaroba ito at may alak sa kamay kahit na maaga pa.
"Opo. Usapan kasi namin ito ni Genevive senyora."
Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Humalukipkip ito.
"Simula palang nang una ang bigat na nang pakiramdam ko saiyo. Ano ang pangalan ng iyong ina?"
Umawang ang labi ko. Bakit ito nagtatanong?
"Rosal po. Rosal Pojas."
Pumasa ere ang kanyang kilay at umiling siya bago pinakawalan ang kanyang malutong na pag tawa.
"Sinasabi ko na. Mga manggagamit!" Halos matusok ako sa kanyang tingin. "Ginagamit mo ba ang anak ko para magkapera ka??!"
"H-Hindi Senyora hindi sa ganoon."
"Huling araw mo ba dito. Ayokong makita dito ang pagmumukha mo sa mansyon ko! Dapat simula palang hindi na kita dito pinatapak pa!"
"S-Senyora-"
"Shut up! Naalala ko talaga yung mga ginawa ng iyong putang ina noon! Buhay pa pala siya?"
Ano?! Kilala niya ba ang ina ko?!
"Senyora anong ibig mong sabihin?"
"Ang ibig kong sabihin layuan niyo kami ng anak ko! Mga malas kayo at lahi ng mga kabit!"
Umatras ito ng umatras,nagbabadya na aalis pero nakita kong maatrasan ng kamay niya ang basong nasa mesa kaya hinila ko siya. Ang paglistas ko sa kanya ay nagkamali dahil sa aking paghawak sa kanya ay tinulak niya naman ako agad kaya nahawakan ko ng stove na umaandar pa.
Napasigaw ako sa sobrang init na nasa aking siko.
"Ahhh!" mabilis kong tiningnan ang aking siko at nakitang namumula ang konting parte doon.
"How dare you?!"
"S-Senyora kasi matatabig ko iyong baso-"
"Hindi ako tanga! Boba!" imbes ay sabi nito sakin.
Halos maiyak ako sa sakit ng aking siko. Sa kabila ng sakit ay tinapos ko parin ang hinuhugasan at ininda ang sakit ng aking siko. Pinagtabuyan ako ni Senyora Agnes doon sa kanyang mansyon. Parang ayaw niyang magtagal pa ako doon.
Nalilito ako kung bakit ganon' nalang bigla? Halos maiyak ako sa hapdi. Sobrang pulang pula ang aking siko at nangingilid ang aking luha. Hindi ako umuwi sa condo kundi dumiretso ako sa bahay.
Tinatapalan ko ng panyo ang aking siko ng pumasok ako. Nakita kong buhat buhat ni nanay ang mga natapos niyang labhan na mga damit.
"N-Nay ako na." mabilis kong inagaw sa kanya ang balde dahilan kung bakit nahulog ang panyo. Wala na iyon sa akin. Mabilis ko ring nilapag ang aking bag na naglalaman ng aking damit mula kina Genevive. Nakita ko rin ang pagtataka sa mga mata ni inay.
Nasa sampayan na ako nang hilahin niya ang aking siko.
"Napano to?" nagtatakang tanong niya at binitawan iyon. Iniwas ko iyon. "At bakit nag alsa balutan ka? Sabado ngayon at dapat nandoon ka kay Genevive ba iyon? Bakit ka andito?"
Sunod sunod na ang kanyang naging tanong. Umiling lang ako. Parang lalagnatin ako dahil sa hapdi ng aking siko.
"Sagutin mo'kong bata ka! Kung sa kay Erning nga nagpapatayan ako kung saktan ka niya tapos eto pa?" Sabay hila nito sa siko ko. "Sinadya to no? Ava, alam na alam ko kung nagsisinungaling ka!"
"N-Nay kasi-"
"Ano?!"
"Nagalit nalang sa akin bigla si Senyora Agnes. Muntikan na siyang natumba kaya hinila ko siya. Hindi niya naman sinasadya-"
"Senyora ano?" putol niya sa akin.
"Senyora Agnes po."
"Agnes ano?" tila may kakaibang dumaang emosyon sa kanyang mga mata.
"Agnes Martinez po nay," sagot ko. Nagtataka rin sa reaksyon ni nanay.
Pagak siyang tumawa at namaywang. "Ang pagkakataon nga naman. Pinagmamalupitan ka 'nun?"
"Nay hindi-"
"Halika!" sabay hila niya sa akin. Hindi na siya nagbihis.
"Nay! Saan tayo?!"
"Sa demonyitang Agnessa na iyon!"
Bakit niya alam ang kumpletong pangalan ni Senyora Agnes?
Ano ba to? Bakit ang daming hindi ko alam? Ang daming hindi sinasabi ni nanay sakin?!
Nakasakay kami sa traysikel ay halos hindi ako makatanong kay inay. Nanggigigil siya sa inis lalo na kapag makikita niya 'yung nalalapnos kong siko.
"Nay kilala niyo po si Senyora Agnes?"
"Huwag mo siyang tawaging senyora! Pelinggera iyon!"
Nangunot ang aking noo sa mga sinasabi ni nanay. Mukhang sobra ang inis niya ngayon.
"Ba't ba hindi mo sinabi na doon ka nagtatrabaho? Edi' sana hindi na kita pinayagan!"
Hindi na ako sumagot. Si nanay ay nakadaster lang at nakatsinelas. Ang buhok niya ay nakalugay lang at kalat kalat pa.
Mas lalong dumagundong ang dibdib ko nang makarating kami sa mansyon nila Genevive. Parang bata akong nagsumbong sa isang ina! Ano ba'to? Nakakahiya!
"Nay! Wag' na kaya?"hinila ko siya sa braso pero tinampal niya ang kamay ko.
"Tumigil ka Ava. Oras narin na malaman mo ang lahat lahat!"
Dumiretso siya sa malaking gate at nakita ko kung paano magulat ang matandang guard doon..
"Papasukin niyo!"
Mataray na umiwas si nanay at hinila ako papasok. What the hell. Ano iyon?
Halos mahimatay na ako ng nasa sala na kami. Nakakahiya! Walang nagawa ang paghila ko kay inay!
"Nasaan ang aking kapatid mayordoma Tonyang?" mataray na tanong ni nanay. Halos hindi ko narinig iyon. Ano?!
Laking gulat ng mayordoma ng mansyon. "R-Rosa?!" tinitigan rin ako nito at mapait siyang ngumiti sa akin.
"Tawagin mo nga 'yung kapatid kong pelinggera, dali!" winagayway pa ni nanay ang kamay niya at humalukipkip.
"Walang pinagbago. Ang daming pera pero walang pinagbago." dagdag niya at tinitigan isa ida ang mga gamit.
"Sinong naghahanap-" Hindi maituloy ni Senyora Agnes ang itatanong. Sinapo nito ang dibdib at tila nakakita ng multo.
"B-Buhay kapa-"
"Buhay na buhay nga Agnes! Hindi ka makapaniwala ano?"
"Guard! Ilabas ang mga payasong ito-"
"Nay!"
Hindi natapos ni Senyora Agnes ang isisigaw ng sinampal niya ni nanay.
"How dare you ruin my-"
"Gaga! Anong ruin? E' lahat ng mga andiyan sa katawan mo at itong tinatayuan mo ay akin!! Kapal ng mukha mong saktan ang anak ko sa sarili niyang pag mamay ari!"
Halos mamutla si Senyora Agnes. Bakit ganito ang mga naririnig ko? Ako? Ako ang may ari nang mga ito?
"H-Hindi sainyo ito!" nauutal na laban ni Senyora Agnes. Umiling naman ang mayo
rdoma.
"Tsk! Agnes. Sige sainyo na. Hindi ako naghabol kahit simula't sapol sa amin ito ng anak namin ni David! Si Ava! Yung pinapahiya mo dito sa sarili niyang pag mamay ari!" halos sugurin ni nanay ni Senyora.
"Alam mo wala na akong pakealam sa mga ari arian namin! Inagaw mo na ang asawa ko! Namatay siya at nasayo ang lahat na para sa amin!"
"Namatay siya dahil hindi ka matutong magmahal ng isa!" sagot ni Senyora.
Litong lito ako. Hindi ako makapaniwala.
"Tiniis ko na hindi ako nakapag tapos dahil sayo! Tapos kayo ng anak mo ang nagpapakasasa sa dapat ay amin! Tiniis kong igapang ang anak ko at piniling magputa dahil hindi ako nakatapos! At eto kayo nagpapasarap ng para sa amin. Subukan mo pang saktan si Ava ha?" dinuro niya si Senyora Agnes.
"Subukan mo pa at hindi ako magdadalawang isip na kunin ang akin!"
Namumula na si Senyora Agnes at umiwas. Natatakot sa banta ni inay.
"Bigyan mo akong perang pampagamot sa sugat ni Ava! Dale!"
"M-Mayordoma a-ang cheque ko paki- b-bigay." utos ni Senyora Agnes.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co