Truyen3h.Co

Talk Dirty

Chapter 27

frezbae

Akin siya

"Hindi ako perpektong tao Ava." Umiwas si nanay at uminom ng tubig. Kakagaling lang namin sa hospital at pinagamot itong siko ko.Halos wala na akong mailuha sa lahat nang nalaman.

Paano ko ba sisimulan ang buhay ko? Ang gulo ng ganitong buhay. Ayoko nang paguluhin pa. Alam ko na 'yung mga ginagawa namin ni Faustino ay kasalanan na , ayoko nang dagdagan pa.

"P-Patay na ang ama ko?" nagdadalawang isip ako kung magtatanong ba ako dahil alam kong masasaktan ako lalo.

"Bingi ka ba? Oo patay na nga si Armando!"

Parang sinaksak ng punyal ang aking puso. "B-Bakit siya namatay nay?"

Umiwas si inay at tumalim ang titig sa kawalan. "Namatay siya d-dahil n-naghabol parin ako kay Paulino Grey."

Pumikit ako ng mariin. Ang ama ba iyon nila Faustino at Frosto?

Umalis ako sa bahay. Parang gusto ko munang mapag isa. Wala sa sariling tinungo ko ang condo na binili sakin ni Faustino.

Parang wala nang akong lakas. Hindi ko alam kung saan magsisimula at kung paano sisimulan ang panibagong bukas.

Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad sa akin ang mga kalat nang bote, meron ring basag na vase, lalo na 'yung flat screen tv ay basag na nakahandusay sa sahig.

Bumilis ang tibok ng aking puso nang makita si Faustino na nasa sahig. Nakatulala at nakahilig ang batok sa gilid ng sofa. May hawak itong bote ng alak.

"F-Faustino." lumalam ang aking titig sa kanya. Bakit nasasaktan akong makita siyang nasasaktan dahil sa iba? Nasasaktan siya dahil mahal niya.

Saan ka ngayon Ava? May puwang kapa ba? Aasa kapa ba?

Suminghap ako at nilinis ang lahat na kalat. Wala rin siyang imik. Ang kanyang polo ay nasa sahig at nagkalat ang kanyang relo.

"Uhm,.F-Faustino g-gusto mong kumain?"

Hindi siya nagsalita kundi pumikit ng mariin. Napalunok ako lalo. Kailan pa kaya yung pagkakataon na ako naman yung susuyuin kapag ganito kasakit ang aking nararamdaman? 'Yung hindi ko na ililihim ang sakit na ganito.

Lutang akong nagluto. Hindi ko alam kung ilang minuto iyon. Nang matapos ay binalikan ko siya sa sala at nakitang nakaligo siya at nagbibihis.

"Let's talk Genevive." aniya sa hawak na cellphone. Kausap nito sa cellphone sa Genevive?

"Faustino." tutol ang damdamin kong aalis siya.

"I'll go there," aniya ulit. Aalis na talaga ito nang pigilan ko ang braso niya.

Huli ko na namalayan na dumadaloy nang walang humpay ang aking luha.Sa sobrang manhid ko ay pate ang aking luha ay hindi ko madama.

Nangunot ang kanyang noo at mariin akong tinitigan. Umiwas ako at pinanatili ang aking kamay sa kanyang braso. Sobrang higpit ng hawak ko dito. Malinaw sa aking mata kung gaano nanginginig ang aking kamay.

Tumakas ang isang hikbi mula sakin. "Wag mo'kong i-iwan."

Hinawakan ko ang kanyang panga at dinama iyon. Tinitigan ko siya.

"A-Ako nalang." gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin na ako nalang dahil mamahalin ko siya nang lubos at wala nang iba.

Ang pagsilay ng kanyang ngisi ay nagbigay insulto sa akin.

Kinalas niya ang pagkakahawak ko sa kanyang panga at hinayaang bumagsak ang aking kamay sa kawalan.

"Siya lang Ava. At siya parin." mariin ang kanyang pagkakasabi nun.

Napalunok ako at yumuko. Hindi na siya pinagmasdang umalis.

Nang araw na iyon ay nagmukmok ako doon mag isa. Nakatulala nalang sa sinag nang buwan sa nakahawing kurtina.

Kinabukasan ay umalis ako. Hindi ako pumasok sa eskwela dahil maaga palang ay wala na akong gana at nanghihina. Ilang beses kong kinontak si Frosto pero hindi ako nito nireplayan o sinagot.

"Oh!  Bakit hindi ka pumasok?" nagtatakang tanong ni nanay. Naglalabandera na naman ito.

"M-May pupuntahan kasi ako nay."

"Saan?"

"Basta importante po." nag hanap ako ng mga damit ko sa kwarto. Wala akonh masyadong damit doon kaya dito na ako magbibihis.

Kagabi pinag isipan ko ng mabuti ang mga gagawin ko. Ngayon, wala na yata akong kabang nararamdaman.

Nang makatapos ako ay sinigurado kong maayos ako. Tinungo ko agad ang restaurant na sinabi ni Genevive.

Tama ako dahil mamahalin nga ito. Hindi na ako makapasok sa mansyon nila kaya tila alam niya iyon.

Namataan ko kaagad siya. Nag iisa siyang nakaupo at may pagkain na sa harapan niya.

"P-Pasensya na. L-Late ako." pag paumanhin ko. Iniwas ko ang aking mga matang namumugto.

Bumuntong hininga siya at ngumiti sa akin. ''Upo ka."

Umupo ako at tiningnan ang pagkain sa harapan. Parang natatakam ako.

"K-Kamusta kana Ava?"

"Mabuti naman. K-Kayo ni F-Faustino?"

Ngumiti siya. Ang mata niya ay may awa akong nakikita.

"T-Tuloy ang kasal."

Hin
di iyon ang tanong ko. Ewan ko kung bakit iyon ang kanyang sinagot.

"A-Ava mahal na mahal ko si Faustino," pumiyok ang kanyang boses. Tumalim ang tingin ko sa kanya. Uminit ang gilid ng aking mata.

"Mahal ko rin siya." buong tapang ang aking boses. Alam kong makikita ang galit sa aking mga mata. Kabaligtaran sa kanyang naluluhang mata at malamlam.

"Alam ko," bulong niya. "Pero hindi ko kayang magalit dahil a-alam kong pinsan kita simula palang-"

Sinampal ko siya agad ng malakas. Wala akong pakealam kung buntis siya! Pinagmukha nila akong tanga!

Sapo niya ang kanyang pisngi. Sa huli, nagsisi ako agad sa nagawa.

"K-Kaya...kaya ginawa ko lahat para tulungan ka. A-Ava naging mabuting ama ang papa mo sa amin ni mommy kahit hindi niya ako totoong anak. A-Ava. I regret! Naawa ako nang makita ang sitwasyon mo at ng inay mo-"

"Sana noon sinabi mo na Genevive! Kasi  sana napigilan ko ang sarili ko na namahalin ang lalaking mahal ka! Naiinggit ako sa mga bagay na nasa iyo yun pala."

"I'm sorry Ava.Akin si Faustino," sagot niya sa akin. Lapastangan.

"Hindi ka niya deserved Genevive."

"A-Alam ko." umiyak siya. "Pero wala akong magawa dahil siya ang ama. Biktima rin ako-"

"Ginusto mo iyon Genevive di'ba? Hindi ka biktima dahil ginusto mo iyon!"

"Hindi!"

"Nakita ko kayo!!"

Napamulagat siya. Ngumisi ako. "Sa bar di'ba? Nang nabuhusan kita ay tinulak ako ni Frosto? Sa daan! Nakita ko kayong naghahalikan! Paano mo ito nagawa kay Faustino? Tapos sasabihin mong biktima ka?"

"Ava! Hindi! Si Faustino ang mahal ko!"

"Sa oras na malaman kong hindi si Faustino ang ama at pinipikot mo siya.aagawin ko siya."

Tumaas ang kilay ni Genevive.
"Alam ko Ava. Alam kong ikaw ang kabit niya. P-Pero nanahimik ako."

Parang sinasaksak ang puso ko. Bakit ba ako nasasaktan kung maging siya ay salawahan?!

"Ava nagmamakaawa ako. W-Wag mong sabihin na si F-Frosto. Mahal ko si Faustino at alam niya iyon."

Hindi na siya nagsalita pa. Kinuna niya ang kanyang bag at gusto nang umalis.

Tumayo siya sa gilid ko. Nginitian niya ako.

"Sana wag ka ng hahabol habol pa kay Faustino Ava. Wag' kang tumulad sa iyong ina."

Kumulo ang aking dugo. Tila hindi yata akin ang araw na ito dahil umiinit nalang basta basta ang aking ulo.

"Wag mong idamay ang ina ko dito Genevive."

"Totoo ang sinasabi ko Ava." Mahinahon parin ang boses niya. "Wag ka nang hahabol pa kahit sa yaman namin."

Umalis ito. Kumulo yung aking dugo at nahila ko ang kanyang shoulder bag dahilan nang pagkaka out balance niya. Gusto ko lang siyang hawakan sana pero ang shoulder bag ang nahawakan ko!

Huli na ang lahat nang madulas ang kanyang sandal at lumagapak siya sa sahig. Napasinghap ang mga tao na nakakita.

"Oh my! Dinugo siya!" sigaw ng isang babae.

Nanlamig ako at halos manlambot nang makitang walang malay si Genevive.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co