Tempting The Heiress (Published Under LIB)
Kabanata 20
Kabanata 20
"SIGE, Thallia, mauuna na ako," paalam sa akin ni Mary Jane habang sumisilip sa cubicle ko at bitbit ang bag niya.
"Bye! Ingat!" I smiled at her pero ngumuso lang siya sa akin at inginuso ang phone ko.
"Hindi ka pa rin kino-contact?" tanong niya. Nawala naman ang ngiti ko at napabaling sa phone na kanina ko pa pala sinisilip.
"Uh, hindi pa, e," sagot ko. I flashed a small, fake smile again before looking at her. "Siguro busy lang," sabi ko bago kumaway sa kanya. She doesn't seem convinced at first pero kalaunan ay tumango na lang at nagpaalam paalis.
Nang umalis si Mary Jane ay ako na lang mag-isa ang naiwan sa pwesto namin.
Nakatulala lang ako sa phone ko at sa computer na nasa harapan ko, hoping to get a call or email from Iñigo but still none. He's been out for two weeks already, dahil sa conference niya sa Europe. He's with some of his clients and colleagues at hindi niya ako isinama dahil sa maiiwang gawain dito sa opisina habang wala siya.
Sa ngayon ay bumibisita rito minsan ang dalawang kapatid niya para kumustahin kami sa firm at minsa'y nag-aasikaso rin pero hindi ganoon masyado. This isn't their line of work, anyway. Zeijan loves bar and noisy places, while Dash is a businessman and a pilot. Tanging si Iñigo lang at ang Dad niya ang abogado sa kanilang magkakapatid.
For the first few days since Iñigo left ay nakakatawag pa siya sa akin. We even manage to at least FaceTime with each other every night kapag may bakanteng oras siya. But lately, I haven't heard anything from him. I can't contact him and he never called me. Wala rin naman siyang iniuutos o in-e-email sa akin, malalaman ko na lang na may mensahe tungkol sa trabaho mula sa kanya sa mga kaopisina ko samantalang ako'y wala namang naririnig mula sa kanya.
What is he up to these days? Is he really that busy to even spare some time to call me?
I stared at my phone and dialed his number again pero out of coverage pa rin katulad kanina. Naiinis na ibinagsak ko ito sa lamesa at naihilamos ang mukha ko. I hate this kind of feeling!
Umuwi ako ng unit ko na tahimik at wala sa sarili. I'm having a cup noodle and juice dahil ito lang ang kaya kong gawin beside sa pagluluto ng itlog at hotdog at kahit subukan kong magluto para sa sarili ko, malaki ang posibilidad na ma-food poison ako!
Pagkatapos magbabad sa tub ay pumunta akong kwarto para kunin ang mga dokumento tungkol sa kaso ng Dad ko na nakalap ko kasama si Attorney Velgas. We went to my father's office to look for some evidence or clues about the real situation at may napansin kaming kahina-hinala. We tried comparing the signatures from his cheques and his signature for the bank's money transfer and it's kinda weird.
I mean, parehas ang pirma ng dalawang dokumento pero pakiramdam ko ay may mali. Some strokes don't seem well-written. Parang ginaya na hindi ko mawari kung paano. Sa police records din na nag-check sa pirma ay confirmed na match, pero pakiramdam talaga namin ay may iba.
May mali. I have seen how he signs documents and if the match was legit or fabricated, I'm not sure. I have to know.
Dad went back to jail when he finally recovered and I visited him from time to time, hindi nga lang ako nagpapakita dahil ayokong ma-stress siya dahil sa akin. He also refused to say anything kapag nagtatanong si Attorney at 'yon ang nagpapahirap sa kaso niya. He was in jail because he refused to say anything at ayaw niyang itanggi ang malakas na ebidensya against sa kanya! I also stopped my plan kaya mas mahihirapan kami.
How can I solve this? And Iñigo isn't answering his phone! Tumayo ako at inilapag ang mga papel sa kama bago dumeretso sa veranda ng kwarto ko. I sipped on my wine while staring at the lights igniting the city.
Should I tell Iñigo my plan and why I worked with him? I don't want to hide any secrets. But what if it destroys us? Maybe it's for the best. Maybe I should just keep it from him kahit sa ngayon lang.
But... I want to be honest.
Maybe I'll tell him after my Dad's trial.
Days passed like a blur, still no sign of Iñigo. He never went to our office to visit. He did not even answer my emails. Maging si Zeijan at Dash na nakikita ko ay hindi alam kung nasaan siya.
"Thallia, how are you?" naglapag ng kape si Mary Jane sa harapan ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Huh?" tanong ko at nang mapagtanto ang gusto niyang sabihin ay ngumiti ako. "I'm fine."
"Talaga?" Hinila niya ang upuan sa may gilid para makaupo malapit sa akin. Iniikot ko naman ang swivel chair ko para maharap siya.
"Yup. Wala namang problema," I answered but she's not convinced. Umiling siya at hinawi ang buhok niya.
"Hindi pa rin tumatawag?" umiling ako at tumawa para hindi niya mahalata ang pakiramdam ko.
"I know that he's been touring Europe these days. That's the last thing I've heard about him," sabi ko. "I know he'll be back anytime soon, nami-miss na rin ako no'n," ngisi ko.
"Malandi ka!" halakhak niya. "But you see, I trust Iñigo, I know he won't hurt you and you will not too. You gave up your plan just so he won't get hurt. I know he loves you." Tumango ako at may kung anong mainit na pakiramdam ang humaplos sa puso ko.
He loves me, right? He loves me. Hold unto that, Thallia.
𓍝𓍝𓍝
"YOUR Dad's trial will be next week," pambungad sa akin ni Attorney Velgas pagkakita ko sa kanya.
"Nakita ko po," tumango ako at ngumiti. "Is there any confirmation who his lawyer will be?"
"Still none, hija. Rumors say it will really be Sandejas, but no clear answer yet. You want to come with us, hija? Vaughn and I will go to your Dad's office tomorrow to check."
"Sige po, I want to help, too," sagot ko naman. Magsasalita pa sana ako pero nanlaki ang mata ko nang may biglang umakbay sa akin.
"Vaughn!" natawa ako at mabilis siyang siniko.
"Hey there, Thallia!" he laughed and kissed my cheek. Humiwalay ako sa kanya at kunwari'y naiinis na pinunasan ang pisngi ko.
"Yuck! Kadiri ka!" I exclaimed at binatukan siya.
"Ang bully mo!" sikmat niya at akmang babatukan din ako kaya mabilis kong sinipa ang paa niya at nagtago sa likod ni Attorney Velgas.
"Tito! Si Vaughn!" I shouted. He laughed and shook his head.
"Kayong mga bata kayo! Ang tatanda n'yo na mga asal bata pa rin!" aniya.
Vaughn and I had dinner that night since may kasalanan ako sa kanya. Hindi ko nasipot ang birthday niya nitong nakaraan kaya nagtatampo siya.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang maisip muli ang boyfriend ko, I wonder how he is? I wanted to see him again. I missed him so much. The last time we were with each other was when we ate outside to date and bond.
The last thing I remembered was that we were drinking and talking, then we kissed and that kiss led to something deeper. The memory made me miss him more. The last time we were together, he kissed me on the head and said, "Sorry" before chuckling and hugging me.
I suddenly felt down when I realized that was our last night together before he went abroad.
Vaughn and I had fun, walang sawa ang pang-aasar sa akin ng lalaki at halos masakal ko lang siya sa inis. That night we had dinner and talked, napagdesisyunan din naming mag-bar hopping muna. I came with Vaughn, Mary Jane, and her fiancé.
The moment I heard the music playing, automatic na napangisi ako at itinaas ang kamay ko.
Damn, I missed this!
Men came and asked me to dance but I declined. I needed to enjoy this by myself, lalo na at wala si Iñigo para magpasaya sa akin. It's so cheesy but I only want to dance with him.
Hindi rin naman ako mapilit ng mga nag-aaya dahil kilala nila akong walang sinasanto. There's this moment when someone harassed me pero mabilis ko siyang nasipa sa maselang bahagi at sinabunutan.
I bitch-slapped the man who tried touching me. I sent someone to jail dahil sa pagsayaw nito sa likuran ko na sobrang dikit para iparamdam sa akin ang ano niya!
I am westernized but not to that point. Maybe a part of me was still conservative. Yes, I kissed and made out with men, a few of them. I flirted but not to the point of giving myself.
I don't know, maybe I was unconsciously saving myself for him.
Iñigo's the only one I'm comfortable and happy seeing all of me. I never regretted loving him. Kahit hindi pa naman siya nagpaparamdam ngayon ay alam kong may dahilan siya. Matapos lang talaga ang kaso ni Dad at mapatunayang inosente siya ay masaya na ako. Everything will finally go back to its right place.
Iñigo will always be the best man for me.
Naupo ako nang makaramdam ng hilo sa dance floor at sinilip ang phone ko. Still no texts from him, no calls, no emails. Napabuntonghininga ako at naipikit ang mata ko.
To: Iñigo
Hi, baby! Nasa labas ako tonight with my friends? How are you? I hope we'll talk soon. I missed you.
I sent it and stared at it for a moment pero wala pa rin. Tanging ang picture lang namin na wallpaper ko ang nakikita ko at ni walang kahit anong mensahe.
My phone's wallpaper was us, happily eating. Nakahalik pa siya sa pisngi ko habang hawak ko ang panga niya. We looked so damn happy here.
I missed him. So much.
Inabot ko ang alak na inilahad ng kakarating lang na waiter at dinala iyon sa aking labi pero bago ko pa man mainom ay umikot ang sikmura ko sa tapang ng amoy. My stomach churned as uneasiness filled my womb and chest. Natakpan ko ang bibig at ibinaba ang baso.
I breathed hard and tried calming myself. Mukhang magkakasakit ata ako! Sumandal akong muli sa sofa pero nang may dumaang may hawak na alak ay umikot na naman ang sikmura ko.
This time, napatayo na ako at napatakbo sa banyo. Mabuti na lang at walang tao kaya nakahanap kaagad ako ng cubicle. Napaluhod ako dahil parang may humalukay sa tiyan ko at isinuka ko lahat ng kinain ko. I almost hugged the bowl while I was vomiting.
Masakit ang ilong at ang lalamunan ko sa pagsusuka. Nahihilo rin ako kaya napaupo ako sa lapag at mariing napapikit. Am I stressing myself too much?
Sa pagkalabas ko ay kumuha ako ng tissue para punasan ang bibig ko. I also gargled and washed my face. I stared at myself in the mirror. Nothing changed, pero maputla ako at ang labi ko.
"Hindi naman ako nagpapagutom," I said before touching my stomach.
Acidic kaya ako?
Kinuha ko ang pouch ko at kaagad na inayos ang itsura ko. I combed my curly hair and put back my powder at naglagay ako ng light makeup. I fished my red lipstick out of my pouch at kaagad na inilagay iyon sa labi. I smiled when I put the lipstick perfectly on my bow-shaped lips.
Now, I look fine.
I fixed my things, pero kaagad akong napalingon sa pintuan ng banyo nang magbukas iyon. Kaagad akong natigilan nang makita si Maica na naglakad papasok. She looks shocked upon seeing me pero kaagad iyong nawala at napalitan ng ngisi.
"Thallia!" she exclaimed, kunwari ay gulat.
I threw her a cold look at hindi nagsalita. Inayos ko ang gamit pabalik sa pouch ko na animo'y hindi siya nakikita.
"Seems serious, eh?" humalakhak siya kaya napatingin ako sa kanya.
"Excuse me?" I asked her with my chin up.
"Why so serious? Did something happen? Nabuko ka na ba ni Iñigo? Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at naibaba ko ang pouch ko.
"What are you saying?" maang na sabi ko.
Tumawa siya nang nanunuya habang naghuhugas ng kamay. "Come on, Thallia. Stop pretending! Secretary? You lost the game from the very beginning!"
"I lost?" Natawa ako sa sinabi niya at binasa ang labi ko. "Do you think I'll lose right away? Right from the beginning?" Napailing ako at pinakatitigan siya.
"You're wrong, Miss Perez. I am just starting," malamig kong sabi. "Do you think malulusutan mo at ng ama mo ang mga ginawa n'yong krimen?" Natawa ako at humalukipkip. "You framed my Dad! And who knows what you did to shut him up?"
"We did not do anything! Your dad embezzled the company's money!" sigaw niya.
"Embezzled the money? How did he do it? It's his business, it's his company. He has the biggest shares of stocks in there and I know he will never do that," seryoso kong sabi at nakita ko ang pag-aalinlangan sa mata niya but she remained still.
"He secretly transferred the money from the company to his own account!" she exclaimed.
"By what? Forging his signature and using his name for your dad's transactions?" Napangisi na ako nang makitang napaawang ang labi niya sa sinabi ko. "By the looks of it, you seem affected. Bakit? Totoo ba?" nanunuyang sabi ko.
"No! It's your dad who stole the money!" sigaw niya.
"Why do I feel that you're being exaggerated? Defensive?" Tumaas ang sulok ng labi ko at pinasadahan siya ng tingin. "You seemed to be all prepared for today. A white dress, huh? Doesn't suit you at all because you have a dark soul."
"You bitch!" sigaw niya at akmang lalapitan ako pero kaagad akong nakaiwas.
"What? You want to fight right now?" Natatawang baling ko sa kanya na nakakuyom na ang kamay sa galit.
"Being a war freak won't prove your father's innocence in this whole damn case! You even tried involving my father, who did nothing but to ensure the project's success?!"
Umabante ako at sinalubong ang galit niyang mga tingin.
"You never know what I can do to you, Miss Perez." Napasinghap ako nang dumapo ang kamay niya sa pisngi ko.
Napaling ang ulo ko sa sakit at lakas ng sampal niya.
"You psycho bitch! Mga magnanakaw! Manloloko! Mapagbintang! Magsama kayo ng magnanakaw mong ama—"
Mabilis na umangat ang kamay ko at malakas na sinalubong ang pisngi niya.
"Magnanakaw?" natawa ako. "Look at yourself in the mirror, Perez! Iyan ang magnanakaw!" sigaw ko. Nang akmang sasampalin niya ako ulit ay mabilis kong nahawakan ang kamay niya at sinampal ulit siya nang malakas.
"You have no right to accuse my father of anything! We may lack power, but I know where to stand!" sumigaw siya at hindi ako nakaiwas nang kalmutin niya ako.
"Wala kang karapatan pagbintangan ang ama ko! Wala kang karapatang ipakulong siya dahil wala siyang sala!"
"He's a manipulator! Magnanakaw! Mga magnanakaw kayo! Who knows, maybe your dad murdered his assistant! Para ano? Pagtakpan ang krimen niya!"
I slapped her again at naiwasan ko ang sampal na ibinalik niya kaya tumama iyon sa balikat ko.
"Bitch!" she exclaimed and pulled my hair. Nagulat ako at mabilis na hinatak ang buhok niya. Sa ginawa kong iyon ay mas bumaon ang kuko ko at napatili ako nang hilahin niya nang malakas ang buhok ko.
"Bitch! Mamatay ka na! Mga salot!" sigaw niya nang sipain ko siya.
"Get off me!" sigaw ko nang tumama ang balakang ko sa sink at humapdi ang sikmura ko.
"Wala kang kwenta! Malandi! Manloloko!"
"Bitiwan mo 'ko! Ouch!" Hinatak ko ang buhok niya at pilit siyang itinulak nang gitgitin niya ako sa pader.
"Hindi mo kami matatalo! We have all the evidence against your criminal father!" Sinampal ko siya at pilit siyang itinulak. Sa paghatak niyang muli ay nahulog kaming dalawa sa lapag. Bumagsak ako at kaagad siya pumaibabaw at halos sakalin na ako.
I screamed and kicked her, napasigaw siya at narinig ko ang kalampag no'ng mga sumisigaw na tao sa labas habang malakas na kinakatok.
"Bitch! Fuck you!" I screamed and did my best to push her kaya napahiga siya. I slapped her and pulled her hair at nang maitulak niya ako ay siya ring pagbukas ng pinto.
"Thallia!" narinig kong sigaw ng isa sa mga pumasok sa banyo. Hindi ko na siya nagawang abutin nang may humawak sa braso ko patayo. Nilingon ko si Vaughn na pinapatayo ako at kay Maica na dinadampot ng mga bouncer.
"Walang hiya ka! Kriminal!" sigaw ni Maica kaya pumalag ako at halos hablutin na siya pero nahatak ako ni Vaughn.
"Thallia! Calm down!" sigaw niya.
"Kung kriminal ako, ano ka pa?!" sigaw ko pabalik at mabilis namang tumulong si Mary Jane sa paghawak sa akin.
"You're nothing but a sly bitch! Makukulong ang ama mo dahil magnanakaw siya!"
"Hindi siya magnanakaw at mapapatunayan kong inosente siya!" sigaw ko. "Ikaw! Kayo ang magnanakaw! You stole everything and blamed it to my innocent father! Mga manloloko! You'll rot in jail with your father! Tandaan mo 'yan!" Hinila ko ang braso ko mula kay Mary Jane at tinuro siya.
"Na sa 'yo si Iñigo kaya pakiramdam mo mananalo ka?!" kumawala siya pero nahatak lang siya pabalik. Natigilan naman ako at tumalim ang mata ko.
"He has nothing to do with this! H'wag mo siyang idamay sa kahibangan mo!" matalim at galit kong sabi sa kanya at halos kilabutan ako nang tumawa siya at inilingan ako.
"Akala mo ba mauuto mo siya?! Akala mo ba naloko mo siya?! No!" sumigaw siya at tumawa. "He played with you! Not the other way around!" sabi niya na halos ikatigil ng pagtibok ng puso ko.
Questions began crowding my mind pero hindi ako nagpadala sa emosyon.
"Akala mo ba mahal ka niya?! Stop living with your fantasies, Thallia! Laruan ka lang niya! You naïve, idiotic bitch!"
My heart thumped painfully. I could feel it beating erratically against my ribcage.
Nagpumilit akong kumawala, lumapit kay Maica at isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Hinatak ako pabalik ni Mary Jane at Vaughn pero winasiwas ko ang hawak nila at nanginginig ang kamay na tinuro si Maica. I stared at her coldly and seriously, kahit na namamanhid na ang katawan ko ay pinilit kong magpakatatag sa harapan niya.
"H'wag na h'wag mong idadamay si Iñigo rito," mariing sabi ko. "Hindi mo pa ako kilala, Perez. Hindi pa. I will get back to you and I will burn you and your father in hell," malamig na sabi ko na ikinatahimik ng paligid.
Sa kabila ng panlalamig ko at ng sakit ng tiyan at puso, tumayo ako nang maayos at hinarap siya. Tumitig ako sa mata niya bago nagsalita.
"Wait until we see each other in court, Miss Perez. Wait until I see you live in jail," I told her coldly before grabbing my things and turning my back on them.
Hinawi ko ang lahat ng taong nakikiusyoso at humaharang sa daan ko. I cursed when someone bumped me at iniwas ko ang sarili ko roon. I found myself a moment later at the parking lot, inside my car. Nanatili akong tulala sa manibela habang mahigpit na nakahawak roon.
What is she saying?
I remained calm and breathe hard. Napahawak ako sa tiyan ko na kumalma na mula sa sakit pero namamanhid pa rin ang balakang ko dahil sa pagkakasalampak ko pahiga sa sahig. Napahawak ako sa pisngi ko na namamanhid at nakita ko ang hiwa mula sa kuko ni Maica rito.
I stared at my phone when it rang. Nakita ko ang pangalan ni Vaughn sa screen pero hindi ko iyon inabot at nanatiling nakatitig lang doon.
I knew I was right from the very start. They framed my father and threatened him to shut him up. The evidence they got was all tampered and well-planned. They fabricated everything! I will prove to them my father's innocence! Hindi ako magpapaapekto sa pananakot ni Maica sa akin.
Habang nakatulala ako sa kawalan ay biglang naalala ko ang sinabi nito tungkol kay Iñigo. There was a big possibility na totoo iyon pero hindi ako madadala sa emosyon ko. I know and trust Iñigo too much.
Hindi niya ako paglalaruan, alam ko iyon. He loves me; I can feel it. He will never betray me. There is no way he knew about my plans.
Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko na naman ang kirot but I need to calm down, I believe in him. He will be back and take me with him.
Natigil ako sa pag-iisip nang mamataan ko si Maica na naglalakad palabas at parang may hinahanap. My eyes automatically followed her every move at ganoon na lang ang pagtigil ng hininga ko nang mamataan ang isang pamilyar na sasakyan na pumarada sa hindi kalayuan.
My breath hitched and my body stilled while I was staring at it. Nakita ko ang paglalakad patungo roon ni Maica at pumasok siya sa loob.
I shook my head and even closed my eyes but when I opened them, it was still there.
My eyes searched for the plate number. I felt numb when I realized my nightmares had come true.
Hindi ako p'wedeng magkamali. I know that car too well! Nang umandar ito paalis ay kaagad na sumikip ang dibdib ko at pakiramdam ko ay mamamasa ang mata ko.
"N-no," I whispered, shaking my head frustratedly.
Mabilis kong hinagilap ang phone ko at tinawagan si Iñigo sa nanginginig na palad pero hindi ko pa rin siya makausap. Sa kabila ng panghihina ng katawan, mabilis kong pinasibad ang sasakyan ko habang may namumuong luha sa mata ko.
I drove as fast as I could while following the car. Hindi ako mapalagay at nanginginig ang katawan ko.
No, no, no. It's not him. Hindi si Iñigo iyon!
The fear resurfaced when we entered his village, mabilis kong itinigil ang sasakyan ko sa hindi kalayuan nang tumapat ang sasakyan nila sa bahay ni Iñigo. I blinked back my tears when I saw him getting out of his car. Nakasuot lamang siya ng isang puting polo at slacks, wala akong mabakas na kung ano sa mukha niya mula sa pwesto ko at napatingin ako nang lumabas sa kabilang parte si Maica.
I bit my lip and held back a sob when I saw her clinging to his arms. Napapikit ako nang mariin nang sabay silang pumasok sa kanyang bahay. Naihilamos ko ang mukha at marahas na pinunasan ang luha ko.
He's here but he never bothered calling me! He's here but he's with someone else...
Nanginginig man at nanghihina ay mabilis akong nakalabas ng sasakyan. The guards were shocked upon seeing me pero pinapasok din ako kaagad nang mapansing wala ako sa sarili para makipag-usap. And they knew me kaya pinapasok ako.
Kaagad akong nakapasok sa loob pero sinalubong din ng takot at pangamba sa maaari kong malaman.
My heart was racing as my breathing labored. Parang ayoko na sumunod. Parang gusto ko na lang magpanggap na walang alam at tawagan si Iñigo para maipaliwanag niya lahat ng ito.
But I couldn't back down. Nandito na ako.
I feel like after this day, I will be in despair; I feel like this is the end of all.
Ayokong masyadong mag-isip pero hindi ko kaya iproseso lahat ng nakita ko ngayong araw. I walked faster but with every step I take, mas bumibigat ang pakiramdam ko.
Mahina akong nananalangin na sana ay hindi katulad ng iniisip ko ngayon si Iñigo, kahit parang imposibleng mapakinggan pa niya ako.
I have committed sins, the unforgivable one, papakinggan pa kaya niya ako?
Nang tumapat ako sa opisina niya ay parang gusto kong umatras at kalimutan ang mga nakita ko pero ayaw umalis ng katawan ko. Sa halip ay nakita ko na lang ang sarili kong pinipihit ang seradura ng pintuan.
"I told you to end it with her! Stop playing with her and stick to the plan!" isang matinis na boses ang narinig ko bago ko pa man tuluyang mabuksan ang pintuan.
"There was no us," isang baritono at malamig na tinig ang sumagot at kaagad na kumirot ang dibdib ko.
"Then what are you doing with her?! You're ruining the plan, Iñigo!"
"This is my plan and not yours! I threatened her of my own will! And she has nothing to do with any of this! She's nothing but a toy to play with!" sabat niya at nanigas ang kamay ko sa seradura at napapikit ako nang mariin.
"Then threaten her more! Scare her! So my dad will be free from her bitchiness! Ginagawa niya ang lahat para mapawalang-sala ang kriminal niyang ama!" sigaw nito.
"Maybe you forgot na hindi pa ako pumapayag sa kaso ng ama mo?" malamig na sagot ni Iñigo. "I threatened her to stop her from her crazy antics. Do you think I'm serious with her?" iIang pagak na tawa ang narinig ko.
"I was just playing with her from the very start! Sa tingin mo ay magpapauto ako nang gano'n-gano'n lang? I've been working for years and I know what people around me tend to do," malamig na sabi nito. "Alam ko kung pinaglalaruan ako at niloloko."
"Then why are you still staying with her? Ano bang gusto mong gawin?! You are declining my dad's case pero bakit lapit ka nang lapit sa kanya?! You know she's the daughter of that criminal pero anong ginawa mo?"
"She attempted to steal the evidence!" sigaw niya.
Umawang ang labi ko.
Napahasinghot ako at ang kamay ko ay unti-unting nawawalan ng lakas.
"What do you think I'll do? Hayaan siyang pakialaman ang trabaho ko?! I have to move! Kailangan ko siyang bantayan para hindi siya makagalaw!"
All this time he knew me? All this...
Namasa ang mga mata ko sa panibagong mga luha.
"Attor—"
"I have to stop her! Fool her! So she won't escape with bread in her mouth! I did play with her, okay?!"
He played me.
He only played with me. I felt like I was about to crash the moment I heard that. Ang takot at sakit ay unti-unti akong kinain.
Unti-unting nanginig ang tuhod ko at mabilis na napahawak sa pader para sa lakas.
"I never loved her! So she's not going to be a bother to your father's case anymore!" sigaw niya.
"Pero hindi ako kuntento! I want her out of here! I want her dead!"
"Miss Perez!" sigaw ni Iñigo sa pangalan niya. "Mas lalo kang mahihirapan sa kaso niya kung gagawin mo ang gusto mo! Thallia will be gone soon! I will play with her until the case is done!"
"Then be our lawyer! You kept declining our offer! You told us you'll investigate pero hindi ka pa rin pumapayag! I shared everything with you!"
"Because it's wrong! Hindi ko maintindihan kung bakit mo kailangang gawin 'to! I need to be sure of anything before doing something! I need strong evidence against Ethan Castuares!" malamig at mariin nitong sagot.
Nabalot ng katahimikan ang paligid at nanatili akong sapo ang bibig ko para pigilan ang hikbi na gustong kumawala sa labi ko.
Isang matinis na tawa ang narinig ko at nang makagalaw ako at makasilip ay halos manginig ako nang makita ang paghawak ni Maica sa balikat ni Iñigo.
"Then, you really just played with her, huh?" mapang-uyam na sabi ni Maica.
"Yes," malamig na sagot nito. Nagulat ako nang biglang lingunin ako ni Maica sa pwesto ko at nabakas ko ang katuwaan sa mata niya.
"Since from the very start?" bumaling siyang muli kay Iñigo.
"Yes," bumuntonghininga si Iñigo at mabilis na umatras palayo kay Maica. "You heard it, I only played with her. I threatened her so she would be scared and stay with me! Para mabantayan ko ang bawat kilos niya!" matigas niyang sabi.
Ang hapdi sa dibdib ko ay unti-unting napalitan ng pait at kirot. May kung anong emosyon ang gustong kumawala sa puso ko.
"Then—"
"She has nothing to do with me! She's just my past time! I took advantage of what she's planning and did it my way! She's not going to meddle with you again! So just," humugot siya ng malalim na hininga at puno ng galit at pagod na pinasadahan ang buhok niya. "Just leave her alone!" mariing dugtong niya.
"Just hearing it from you hurts... but why don't you just say it to her face?" nawala ang lamig sa mga mata ni Iñigo nang bumaling sa akin si Maica.
Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko habang nakatingin kay Iñigo na mukhang nagulat sa presensya ko. Umawang ang labi niya at sumara rin pagkatapos. I saw the shift of emotions on his face pero hindi ako makaramdam ng kung ano.
Nawala sa paningin ko si Maica na binangga pa ako habang natatawang lumabas.
"Poor bitch," halakhak niya nang makalapit sa akin.
When we were left alone, nanatili lang kaming nakatingin sa isa't isa. Nanatiling gulat at gulo ang itsura niya samantalang ako ay walang maipakitang emosyon kung 'di pagkamuhi.
"I-is that true?" I thankfully found my voice. Hindi niya natuloy ang sasabihin niya at nakita ko ang paglambot ng mga mata niya.
"T-Thallia..." he whispered. Umabante siya kaya nakuyom ko ang kamay ko at tinitigan siya.
"Totoo ba?" ulit ko.
Tumungo siya, bumuntonghininga bago nagsalita. "Yes."
I literally felt the punch in my gut when I heard that. Kumuyom ang kamay ko.
He never loved me. He never...
"So, alam mo?" malamig kong sabi sa kabila ng panlalabo ng mga mata ko.
He nodded stiffly and my voice broke. Pinigil ko ang hikbi na gustong kumawala at tinitigan siya. His face suddenly turned stoic. Wala akong nabakas na emosyon sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Yes."
"And you played with me?" Huminga ako nang malalim. He nodded again at pagak akong natawa.
"So it's you who threatened me? It's you who made a shit out of me?"
His jaw clenched. Mas dumilim ang tingin.
"I did that to stop you from your bulls!" he scoffed. "Yes, it was me who made you a fool all this time. It's my way of stopping you and getting information from you."
So... I thought I fooled him but it was the other way around.
He fooled me. He tempted me.
I was just staring at him with my cold yet hurting eyes; he looked the same. Nothing has changed from the last time I saw him pero ngayon, alam kong maraming nag-iba.
"I trusted you but—" naputol ang sasabihin ko.
"And I trusted you too," mariing sabi niya. "You came to my company to spy on me, right? A secretary? You betrayed me first and now, you're letting me take all the blame?"
That's when reality slapped me. He was right—it was me who betrayed him first. Pinaniwala ko siya at ganoon din siya sa akin.
Now that I realize it, we have betrayed each other. We broke each other's trust. It was me who started it first.
This is my karma. Finally, my long-awaited karma.
Gusto kong lumuhod at magmakaawa sa kanya para sa kapatawaran. I want to get him back and go back to the way we used to but I won't do that. We have hurt each other. I fooled myself, thinking that he was truly in love with me but in reality, he was not.
Gumanti lamang siya, he twisted our fates. I thought he was fooled but it's he who's laughing at the end.
Lalayo na ako at hindi na makikialam sa kanya but I still want to hurt my heart for the last time. This is the least I can do.
"Did you ever love me?" nanghihina man ay pinilit kong magtanong. My plan backfired at me, at ngayon ako ang mas nasaktan. I was the one who lost the battle in the end.
Hindi niya ako sinagot, nanatili lang siyang nakatingin sa akin na walang kahit ano mang reaksyon.
Napatango ako dahil wala siyang sinagot.
Now, I get it. He never loved me. It was all lies, as expected. He only showed me love to convince me to believe his lies.
"I-I'm sorry," mahinang sabi ko bago umatras palayo sa kanya. "I'm sorry, Iñigo," bulong ko.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at malungkot na ngumiti.
"I-I may have lied to you but I truly loved you," I whispered weakly.
"And you expect me to believe you?" Nangunot ang noo niya sa akin at tumungo lang ako bago marahang iniling ang ulo ko. Sa pag-angat ko ulit ng tingin sa kanya ay napuno na ng luha ang mga mata ko.
"No," paos kong sabi. "You don't have to believe me." Sumulyap ako saglit sa kanya bago tumalikod at naglakad paalis.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co