Tempting The Heiress (Published Under LIB)
Kabanata 21
Kabanata 21
"NO one will love her! I am telling you!" narinig ko ang tawanan sa may bandang likuran ko.
"Nabalitaan mo ba 'yong ginawa niya sa kapatid niyang si Natalie Paige?" sagot naman ng kausap.
"Ano ka ba, balita ko hindi naman siya ang tunay na kapatid? Nagpanggap lang atang kapatid para makahuthot ng pera sa asawa ng nanay niya!" Kahit na nasasaktan ako ay nanatili lang ako tahimik at nakatitig sa baso ko dahil totoo naman.
"Really? Akala ko rumor lang since wala namang pahayag ang dad ni Natalie." Halatang pinaparinggan nila ako dahil sa lakas ng pag-uusap nila.
Gusto kong matawa. That issue was a long time ago! God, hindi pa rin makausad? Lahat ng mga dating kakilala ko ay lumayo sa akin dahil sa pangyayaring 'yan, which I admitted was true.
Some of my acquaintances stayed, but most of them left me nang malamang hindi ako ang tunay na anak ni Eduardo Paige, na ako ay nagpanggap lamang. Hindi naman naglabas ng pahayag ang pamilya nila Natalie pero may tainga ang lupa at may pakpak ang balita kaya wala itong kawala.
"Nabalitaan mo ba 'yong nangyari sa tunay niyang tatay?" sabi nito. Lumagok naman ako mula sa baso ng alak sa harapan ko habang nakikinig.
"He's in jail, right? Nagnakaw ata ang tatay niya, ayon sa balita."
"Guess what, girl? I saw her last time at Sandejas' Law firm! Probably working dahil sa suot niya!"
"Naghihirap na kasi! Look at her now, alone and drinking! Paniguradong wala na 'yang pera!" Their laughter echoed. Lumagok ulit ako at napasandal sa sofa nang mahilo ako.
"Baka naman nilalandi si Iñigo Sandejas! Siya ang nagpapatakbo ng firm na 'yon right?" Mas lalong pumintig ang ulo ko nang marinig ang pangalang iyon.
"Probably!" she snapped her fingers. "Nasabi rin pala sa akin ni Erika last time na she's with him sa bar and siguro nga nilalandi niya!"
"This bitch!" nagngingitngit siya sa galit.
If this were a normal day, I'd probably go and bitch-slap her for bad-mouthing me, pero sa ngayon ay wala akong lakas para makipag-away sa kanya. I am emotionally, physically hurt and tired. Parang gustong sumuko ng katawan ko sa mga nangyari ngayong araw na ito.
Iñigo Sandejas. That man.
Hindi ko na napansing nagtubig ang mga mata ko at naramdaman ko na lang ang pagkakabasa ng pisngi ko. I bit my lip to stop myself from sobbing. Ayokong maging mahina at umiyak habang pinapakinggan ang mga sinasabi nila habang nakikita ako. Ayokong ipakita kung gaano ako kahina ngayon, na wala akong panlaban sa mga katotohanang sinasabi nila sa akin.
I am a bitch, maybe. Probably. Minsan nga naisip ko kung bakit ba kailangan kong mamuhay nang ganito? Bakit ako pinanganak sa isang marangyang pamilya para magkagulo lang ng ganito? Bakit ako naging sakim? Bakit ako nagmahal? Bakit ko kailangang magsakripisyo at masaktan?
Is this my purpose in life? To live and suffer the consequences of my actions?
I deserved it, ilang beses ko nang sinasabi. Natanggap ko na pero ang sakit pa rin pala? Na dahil sa mga maling paniniwala at desisyon ay naghihirap ako ngayon.
My heart hurts pero habang nagtatagal ay parang namamanhid ako sa sakit na nararamdaman ko. Parang mas gusto ko na lang na lumayo at mamuhay nang panibago.
'Yong walang nakakakilala sa akin, 'yong walang manghuhusga. Sa totoo lang ay ayos lang sa aking pag-usapan ako pero hindi totoo ang mga sinasabing masama sa akin but what they're gossiping about me now is true.
Na manggagamit ako, manloloko, mukhang pera. Walang nagmamahal.
Kumawala ang panibagong luha sa mga mata ko na kaagad kong pinalis at lumagok muli mula sa baso ng alak. Mas nahilo ako at umikot ang tiyan ko kaya ibinaba ko iyon kaagad at sinapo ang ulo ko.
Is this my fate?
Deserve ko rin ba ang h'wag mahalin?
I can't blame Iñigo for doing this; he's just protecting his job. Nagbalak akong lokohin siya pero ako pala ang naloko niya. How funny was that?
He's the one who threatened me, who tried to hurt me pero siya rin ang nagbigay sa akin ng seguridad at pakiramdam na mahalin kahit saglit at purong pagpapanggap.
Can I blame him? No. Definitely not. Ako ang nagsimula at siya ang tumapos sa kalokohan ko. Parehas lang kami ng gustong gawin ang pumrotekta pero magkaiba lang kami sa isang bagay, tumigil ako para sa pagmamahal ko sa kanya pero siya ay hindi.
He never loved me and that's what hurts me the most.
"Miss, care to dance?" Ipinikit ko ang mata nang masalubong ang nakakasilaw na ilaw sa dance floor bago bumaling sa lalaking naupo sa tabi ko. Hindi ako nagsalita habang nakangisi siya sa akin at nakalahad ang mga kamay.
"Come on, Miss. Let's enjoy the night!" maloko niyang sabi at binasa ang mga labi.
"Fuck off," malamig kong sabi at nag-iwas ng tingin.
"What? You're rejecting me?" hindi makapaniwalang sabi niya at nagulat ako nang bigla niyang ipinatong ang palad sa hita ko.
"Get off me!" I hissed and moved away from him.
"What? Ang arte mo naman! Magkano ba ang isang gabi sa 'yo?" umabante siya at mabilis na hinawakang muli ang hita ko.
"Fuck you!" galit na sigaw ko at napatayo. Nangunot ang noo ko at tinulak ko siya nang umabante siya.
"Ang arte! Kailangan mo ng pera 'di ba? Ayan na nga at babayaran kita!" sigaw niya sa akin. Nang itulak ko siyang muli ay mabilis niya akong nahatak ang baywang ko papunta sa kanya, kinabahan ako at tinulak ang dibdib niya.
"Get your filthy hands off me!" sigaw ko pero nilamon ng malakas na tugtog ang boses ko.
"Huh!" tawa niya at inilapit ang ilong sa leeg ko.
Napatili ako at tinulak siya.
"Stop resisting, bitch!" sigaw niya at hinapit pa ang baywang ko. Sinipa ko ang paa niya pero hindi siya naapektuhan at halos mapaiyak ako nang dumapo ang kamay niya sa ilalim ng dibdib ko.
"Fuck you! Get off!" sigaw ko at ginawa ang aking makakaya para itulak siya at mabilis na lumagapak ang kamay ko sa pisngi niya.
"You!" galit niyang sigaw at umabante palapit sa akin. May narinig akong kalampag sa hindi kalayuan pero hindi ko ito binigyang pansin.
"Pahirap kang bayaran ka!" Umabante pa siya kaya mabilis ko siyang tinulak at mabilis na sinipa ang maselang bahagi ng katawan niya.
"Fuck you!" naiiyak na sigaw ko sa kanya at sinipang muli ang tiyan niya habang namimilipit siya sa sakit.
"P-pagbabayaran mo 'to!" sigaw niya at mabilis kong inabot ang gamit ko at tumakbo papalabas ng bar habang humihikbi. Tinakbo ko ang distansya mula sa entrance papuntang sasakyan ko, kahit ilang beses akong natapilok at muntikang mabuwal.
The moment I entered my car ay roon na ako napahagulgol at napahawak sa dibdib ko para kumuha ng hangin. Nanginginig ang katawan ko at mahigpit na nakahawak sa manibela bago sumubsob doon.
I was harassed and no one knows about it. No one ever cares, no one...
"A-ayoko na," bulong ko habang umiiyak at humihinga nang malalim. I clutched my chest to get some air. Nahihirapan ako sa paghinga habang hawak ang manibela at nakapikit. I just want to sleep peacefully, na wala akong maiisip na kahit anong problema. Gusto kong matulog at pangaraping panaginip lang ang lahat.
Can I just sleep and never wake up?
Mabilis kong pinasibad paalis ang sasakyan para makauwi na ako. Walang traffic sa daan dahil madaling-araw na and yet hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok kahit pagod na pagod ako. Gusto ko lang magpahinga at bukas na lang isipin ang lahat ng magiging galaw ko.
Everything is ruined and I'm back to square one.
I have so many things to do. I have to save my dad from his misery. Saglit kong ipinikit ang mata ko nang mahilo ako at bahagyang umikot ang paningin ko pero iminulat kong muli at umayos ng upo para makapagbigay pansin sa pagmamaneho ko.
Tumitig ako sa daan pero bumigat ang mata ko't pumipintig ang ulo ko at hindi ko na napigilang pumikit. I stayed like that for a few seconds but my eyes widened when a bright light almost blinded me.
"Shit!" mabilis akong nagpreno para makaiwas sa papalapit na sasakyan at gano'n na lang ang kaba ko nang hindi gumana ang preno.
"Fuck!" nag-panic ako at sinubukang muli pero walang nangyari. Kumabog ang dibdib ko habang papalapit ang sasakyan at napatili ako bago malakas na pinihit ang sasakyan ko pakaliwa. Dere-deretso ang sasakyan ko at naramdaman ko ang malakas na pagkakabangga nito sa malaking puno at humampas ang ulo ko sa manibela.
Nakarinig ako ng maingay na sigaw pero nanghihina ako at nanlalabo ang mata ko. Halos maiyak ako at napahawak sa tiyan ko nang makaramdam ako ng nakakamatay na sakit.
"N-no," napahawak ako ng maigi sa tiyan ko. I did my best to reach for my legs nang makaramdam ako ng basa at napaluha ako nang makita ang kulay pulang likido roon.
"Miss!" Nakarinig ako ng sigaw at kalampag sa pintuan ng kotse ko at narinig ko ang pagbubukas nito.
"H-help," nanginginig kong sabi habang umiiyak ako at sinubukang lumingon.
I was shocked but hope filled my hollow chest when I saw Allison, who seemed shocked upon seeing me.
"Ate!" gulat niyang sabi at mas napaluha ako.
"T-tulong," pabulong kong sabi at sinubukan siyang abutin pero bago ko pa man maabot ang mga kamay niya ay nagdilim ang paningin ko kasabay ng pagbagsak ng mga kamay ko.
𓍝𓍝𓍝
"SHE'S suffering from stress and probably something from her past trauma that might've triggered her kaya ganyan ang naging epekto sa kanya," naalimpungatan ako nang makarinig ng mga boses kaya iminulat ko ang aking mga mata. I was a bit disoriented, so I closed my eyes again to adjust my vision, only to be welcomed by a four-walled white room.
"Is she going to be alright?" isang mahinang boses ang narinig ko kaya lumingon ako at nakita ang kapatid kong si Allison habang kausap ang isang lalaking nakatalikod.
"I hope she will," malamig ang boses na sagot ng doktor.
"Ally," bulong ko at kaagad siyang napalingon na nanlalaki ang mga mata.
"Ate!" she exclaimed at mabilis na tumakbo sa harapan ko. "Ayos ka lang? May masakit sa 'yo? Saan?"
"I-I'm fine," nakangiting sabi ko at kaagad niya akong inalalayan ng upo.
"Sigurado ka? Hindi ka ba nahihilo o ano?" nag-aalalang sabi niya.
"No," I shook my head at ipinalibot ang mata ko. "Why am I here?" mahinang sabi ko at ipinalibot ang tingin sa hospital room.
"Can I talk to you?" napalingon ako nang biglang may magsalita at nakaramdam ako ng gulat at hiya nang makita si Terrence, ang asawa ni Natalie, na nakatayo roon.
"T-Terrence," I called his name. Ngumiti naman siya nang tipid at tumango.
"Uh, lalabas muna ako," mahinang paalam ng kapatid ko pero mabilis ko siyang hinawakan sa kamay at umiling ako.
"Stay please," bulong ko at nagulat man ay ngumiti siya at tumango.
I am scared. Scared of what Terrence might tell me, natatakot akong malaman ang sasabihin niya. He's a doctor, so it must be something serious about my situation.
"You suffered from a lot of stress," panimula niya habang nakapamulsa sa lab gown niya. Parang talon namang umagos pabalik ang mga alaala kagabi.
"That's why you fainted and loss consciousness, mabuti na lang din at hindi malakas ang tama ng ulo mo sa manibela kaya maliit na sugat lang ang mayroon sa noo mo," paliwanag pa niya. Napahawak ako sa noo ko at doon ko lang napansin ang nakatapal na dressing.
"And about the bleeding," dagdag pa ni Terrence at doon ako natigil at napaayos ako ng upo. May kung anong kaba ang kumakain sa sistema ko ngayon at napahigpit ang hawak ko sa kamay ng kapatid ko.
"Did you ever bump into something hard or a wall these past few days?" seryosong sabi niya. Natigil naman ako at pilit na inalala ang mga nangyari. That's when I remembered how Maica pushed me to the sink at kung paano ako natumba sa sahig habang kaaway siya. I remembered my hip hurts at kung paano sumakit ang sikmura ko.
"Yes," sagot ko. "Just yesterday."
Napatango si Terrence sa sinabi ko at bumuntonghininga.
"You should be extra careful from now on, avoid getting bumped, o kaya ay ang matumba, madapa, o kahit matapilok. One wrong move then the baby might be at risk again," bilin ni Terrence. Nalaglag ang panga ko, nanlamig, at nabitiwan ko si Ally.
"What—baby?" nanlaki ang mata ko at kumirot ang dibdib ko.
"You're six weeks pregnant, Thallia," pagkumpirma niya tanong ko. Napasinghap ako at naramdaman ang pamamasa ng mata, ang palad ay napunta sa impis na tiyan.
"I-I'm pregnant?" hindi makapaniwalang sabi ko at kaagad na namasa ang mata ko.
"I see na ngayon mo lang nalaman," tumango si Terrence at ngumiti. "Congratulations."
Mas napaiyak ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kapatid ko na maluha-luha na rin.
"Baby," bulong ko habang nakahawak sa tiyan ko.
"Yes, you're lucky that your baby's a fighter," ngiti niya. "Malakas ang kapit niya sa 'yo so you don't have to worry for now, but be careful sa mga susunod. Avoid getting bumped and a lot of stress."
"S-salamat," utal kong sabi bago siya binalingan. "S-salamat, Terrence..."
"No problem. Rest, Thallia," mahinang sabi niya bago tumango sa akin at sa kapatid ko bago siya lumabas. The moment I heard the door closed ay napahagulgol na ako at mabilis na niyakap ang kapatid ko na umiiyak na rin.
"Ally," I sobbed and hugged her. I can't believe this. I'm pregnant.
"Ate, he's a blessing," niyakap niya ako at hinaplos ang likod ko habang patuloy ako sa pagluha.
"Y-Yes, he or she is," utal kong sabi. My heart is suddenly filled with love and warmth.
I can't believe a baby is now living in my body. I've been so careless! Hindi ako nag-iingat! Paano kapag may nangyaring masama sa akin at madamay ang anak ko? No... I can never afford to lose my angel!
"S-sorry anak," mahinang sabi ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Nakangiti ako habang nakasandal at hinawakan ang tiyan ko.
"Ganyan din ako dati, Ate," napabaling ako nang magsalita si Ally sa harapan ko. "It was like your situation when I was pregnant with Eirene," tukoy niya sa pangalawang anak. "The moment I thought everyone left me, another angel came into my life. She saved me from being miserable, niligtas ako ng mga anak ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko noon," mahinang sabi niya.
Umayos naman ako ng upo at inilahad ko ang kamay ko sa kanya. She stared at me for a while bago ngumiti at lumapit sa akin. Mabilis ko naman siyang niyakap at yumakap siya pabalik.
"My life was never that easy like you, Ate. I don't know what really happened just now pero ramdam kong hindi maganda," mahinang sabi niya.
"We were the ones who found you last night, ikaw pala ang 'yong sasakyang nasa harapan namin noong pauwi sana kami kagabi," sabi niya.
"Ano ba talagang nangyari? I can't remember clearly, my head's a mess."
"Maayos naman ang pagmamaneho mo sa harapan ng sasakyan namin kagabi, but suddenly we saw a car coming into our lane. Nag-panic ako at kaagad na pinatigil at pinatabi sa asawa ko ang sasakyan namin para makaiwas pero mukhang sa 'yo ang takbo nito."
"Nawalan ako ng preno kaya hindi ako nakatigil," mahinang sabi ko.
"And the next thing we know, bigla na lang lumihis ang sasakyan mo at tumama sa malaking puno. We panicked. Hinabol pa nga ni Greg ang sasakyang iyon pero nawala kaagad ito kaya hindi niya nahuli and when we approached your car to check on the driver, I was shocked to see you! Ngayon na nga lang kita makikita ulit, duguan pa! I was scared!"
"Salamat, Ally. If it wasn't for you and your husband, I might have lost my angel last night." Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil.
"That was nothing, Ate. I'm glad na ligtas ka at ang pamangkin ko." Ngiti niya.
"My baby is the only beautiful thing that has happened to me these days." Matamlay kong sabi habang hinahaplos ang tiyan.
"I know it was hard and hurtful at first but trust me, Ate. Everything will be worth it once you find your true happiness. Trust in God, Ate," humiwalay siya sa akin at pinunasan ang luha ko.
"Do you think He can forgive me even after all the sins I've committed?" Ngumiti siya at tumango sa akin.
"Of course, He will. Nothing's impossible if you have faith in Him. Just trust the man above, He will guide you to your right path." Sabay kaming kumain ng kapatid ko sa loob ng kwarto ko habang nagkekwentuhan kami.
It's been a while since a genuine smile crossed my face. It was so heartwarming talking to my sister.
"I am sorry for not showing up, Ally," paumanhin ko sa kanya.
"Hmm, that's fine. Though you should have talked to me sometimes para hindi kita nami-miss," ngiti niya sa akin.
"It's just that nahihiya akong magpakita sa 'yo, after everything I've done to Natalie's family and to you. I-I don't think I can ever face you."
"That was a long time ago, Ate. Nat already forgave you, matagal na and we should all move on, things happen for a reason," marahang sabi niya sa akin.
"Salamat, Ally. I missed you so much," sinserong sabi ko.
"And I freaking missed you too!" ngiwi niya sa akin kaya tumawa ako at nailing siya bago natawa rin.
In the middle of our talk, nagbukas ang pinto at nakita naming pumasok mula roon si Greg, ang asawa ni Ally, na naka-lab gown pa at nakasalamin.
"Greg!" nakita ko ang paglaki ng ngiti ng kapatid ko nang makita ang asawa niyang pumasok.
"Hey, baby," lumiwanag din ang mukha ng asawa niya nang makita siya bago lumapit at humalik sa noo nito.
"Kumain ka na ba?" marahang tanong ni Greg at hinaplos ang pisngi ng kapatid ko. I was just staring at Ally and Greg, at napapangiti ako sa kasiyahang nakikita ko sa kapatid ko.
"Hmm," tango ni Ally. "Sabay kami ni Ate." Napalingon sa akin si Greg at ngumiti siya sa akin dahilan ng paglubog ng dimples niya.
"Hello, Thallia," ngiti sa akin ni Greg at inilahad ang kamay niya. "I'm Greg Salcedo, your sister's husband."
"Hi!" ngiti ko at tinanggap ang kamay niya.
"It's Gregorio Salcedo, Ate. Nahihiya lang 'yan sa buong pangalan niya," napatawa ako nang makita ang pagsimangot ni Greg at ang hagikhik ni Allison.
"Lagot ka sa 'kin mamaya," simangot ni Greg at mas napatawa naman ang kapatid ko. Bigla na lang niyang niyakap sa baywang ang asawa at humalik sa panga nito.
"I'm looking forward, Greg," tawa nito sa naiiling na asawa habang nakangiti. Nakamasid lang ako kay Greg habang inaayos niya ang IV ko at sa kapatid ko na halos magpuso na ang mata habang nakatingin sa asawa niya. I smiled and poked her.
"Are you happy?" tanong ko sa kanya.
"Really happy," bulong niya sa akin. Mas napangiti naman ako at bumulong muli sa kanya.
"Is he worth the pain and chances, then?"
Sumulyap siya sa asawa bago nangingiting tumango. "Worth it," ngiti niya. "I couldn't be any happier."
Sumapit ang gabi at kinailangang umuwi ni Ally at ang asawa niya. Nalaman ko ring pag-aari ito ng asawa niya at ng mga kaibigan nito. She told me that her husband and his friends decided to build a hospital on their own kaya rito sila ngayon.
"Bye, Ate! Pagaling ka, huh? I'll visit you again tomorrow," paalam niya sa akin.
Now that they left, ako naman at ang baby ko ang mag-isa sa kwarto na ito. It's all white and kinda creepy, kaya ayoko sa mga ospital kasi nasusura ako. It's like I am trapped here!
"Baby, nabusog ka ba?" kausap ko sa tiyan ko pagkatapos kong mainom ng juice.
"Mommy will be out here soon, then, I'll treat you to the food you like, okay? Ano ba gusto ni baby?" ngiti ko at saglit na napaisip.
"Oh, donut? You like donuts?" sabi ko.
Just thinking about donuts is salivating! I want some!
"Sorry, baby, pero wala pa ngayon, e. Mommy can't go outside since injured pa ako and I can't risk you, angel."
"Here," halos mapatalon ako nang may magsalita kaya napalingon ako at nanlaki ang mata ko ng makita si Natalie na kakapasok lang ng pintuan.
Nahulog ang panga ko.
"N-Natalie!" gulat kong tawag.
"Hmm? Ito o, donuts. I came here to visit you and I am also craving for donuts so I got this. Coincidence ata na parehas tayo ng gusto kapag buntis so bigay ko na lang sa 'yo," ngumiti siya habang ako naman ay nanlalaki lang ang mata.
"Hey," she snapped her fingers. "You alright?"
Napakurap ako at napatango.
"Y-yeah," hindi makapaniwalang sabi ko bago tinanggap ang nilalahad niya. "T-thanks."
Ngumiti siya at naupo sa may paanan ko.
"How are you feeling?" sinilip niya ako at nakagat ko ang labi ko. As I looked at Nat in front of me, muli akong nakaramdam ng kahihiyan, guilt at pagkamuhi sa sarili ko. This is the person I hurt last time. I almost got her killed but she's here, still has the guts to talk to a criminal like me.
"I-I'm fine, ikaw? How are you?"
"Well, still pretty as ever," doon na ako napangiti sa sinabi niya. "Kidding!" tumawa siya. "Well, as you see, I'm happy."
"I can see that," tango ko.
"Well, I am happily married, with two kids, one on the way and a jealous, cold husband," natawa ako nang mahina kung paano niya i-describe ang asawa.
"He still hasn't changed?" tanong ko.
"He changed," sagot niya. "I mean, big time. Para na siyang keso na tinubuan ng tao sa sobrang cheesy pero his eyes stay the same," ngiti niya. "Ikaw? Ayos ka lang ba?"
"Well, sort of in misery," I answered. "Karma, I guess."
"Uh," hindi agad siya nakasagot.
Ngumiti ako nang makitang nanahimik siya.
"I want to grab this opportunity to apologize to you," lakas loob kong sabi a at nakita ko ang lambot sa mga mata niya. "I know I've done unforgivable things to you and your family," I started. "I-I almost got you killed. I almost ruined your relationship with your father and husband." Nanatili siyang tahimik at nakatingin sa akin.
"I-I know how worthless my apology is right now because of the pain I inflicted on you. But still, I am sorry, Nat," napatungo ako nang maalala lahat ng mga ginawa ko sa kanya.
I remembered the things I'd done and how I lived with it like a nightmare. I want to go back and take back everything that has happened before. I want to apologize for all my bitchiness and for hurting them.
"Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko, I lived with it in my heart, hindi ko naisip ang epekto nito sa inyo at sa akin. I thought kapag nagawa ko ang gusto ko ay magiging ayos na ako but I am not," inabot ko ang kamay niya at tinitigan siya.
"Maybe I deserved all of this, all the pain and suffering."
"Thallia," tawag niya sa akin at pinisil niya ang kamay ko. "You may have done terrible things to me but that was a long time ago," she started. "I already forgave you."
Napaluha ako sa sinabi niya at kaagad akong yumakap sa kanya. I heard her sob at mayamaya pa ay yumakap din nang mahigpit pabalik sa akin.
"I forgive you because everyone needs to be forgiven. I forgive you because you deserved it," bulong niya sa akin.
"S-sorry, Nat. Salamat," humigpit ang yakap ko sa kanya.
"Sorry rin, Thallia," bulong niya, lumayo naman ako sa kanya at pinahid ko ang luha niya at natatawang pinunasan niya rin ang mukha ko.
"Para saan?"
"For not trying hard to be a good sister to you when we thought we were blood related. Sorry rin kasi p'wedeng magbago ang pakikitungo natin dati kung naging open tayo sa isa't-isa. Everything might have changed kung sakaling naging malapit tayo sa isa't isa."
"We might not become good sisters to each other dati noong panahong akala natin ay magkapatid tayo, pero hindi pa naman huli ang lahat, 'di ba?" sagot ko at ngumiti siya habang pinupunasan ang luha niya at tumatango.
"Y-yes, hindi pa huli," naluluhang sabi niya at kinagat ko ang labi ko para hindi maiyak muli.
"You and Allison could be my sisters, right?" tanong kong umaasa at nang tumango siya ay napatakip ako sa bibig ko habang humihikbi.
"Yes, we can be sisters! The more the happier! Tatlo na tayong magkakapatid!" she cheered at tumango ako habang umiiyak at hinigit siya para sa isang yakap.
It was like I found my long-lost sister again, this time dalawa na sila. It felt like a beginning to mend my empty heart. I feel like it's possible to have a family again.
I can finally have a family and my baby is with me.
Just wait for me, Dad, and I will save you from the misery they've got you in.
I realized that life isn't just about hearts and flowers; it is filled with love, yes, but it doesn't revolve only around a lover. Love is acceptance, forgiveness, and family. Love is what fills the empty and broken pieces of my soul.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co