Tempting The Heiress (Published Under LIB)
Kabanata 22
Kabanata 22
"WE'VE been really worried, Thallia! What were you thinking?!" nakakabinging bulyaw sa akin ni Mary Jane habang naglalakad pabalik-balik sa harapan ko.
"Nothing, I just have to clear my mind."
"You're nowhere to be found for three freaking days! After that night with Maica ay nawala ka na lang bigla na walang pasabi!" naiiritang sigaw niya.
"I'm sorry," paumanhin ko. "Nawala lang ako sa sarili ko at kailangan kong mag-isip kaya umalis ako saglit." I smiled at her.
Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari sa akin dahil ayokong mag-alala siya at isipin pa ang kalagayan ko. It's better for now na ako lang ang nakakaalam, baka mai-stress pa 'to lalo at baka makaapekto pa sa nalalapit niyang kasal.
"Vaughn almost went crazy looking for you! Pina-blotter ka pa namin sa pulis! We're crazy about looking for you! Miski nga si Iñigo—"
"How about the donuts I asked you to buy?" pagputol ko. His forehead creased.
"Huh? Uh, in the kitchen," sagot niya. Ngumiti ako at tumango sa kanya.
"Thanks, Mary Jane! You're the best!" I cheered at bago pa siya makapagsalita ay kaagad na akong nagpunta sa kusina at nilantakan ang donuts na binili niya.What I like the most is the bavarian flavor, inuubos ko nga muna ang gilid bago ko ihuhuli ang gitna kung nasaan ang palaman.
"Are you sure you're okay?" sinilip ako ni Mary Jane na nagtataka sa asta ko.
"Hmm," tumango ako habang kagat-kagat ang donut at itinulak palapit sa kanya ang box. "Here, have some just don't get the bavarian or I'll strangle you," ngiwi ko sa kanya at mas napasimangot naman siya sa akin.
"Seriously, Thallia?"
Tumawa ako at tinuro ang box.
"Go, get some, let's eat! Then parang gusto ko ng mangga na may bagoong," natakam ako habang nai-imagine ang itsura ng gusto kong kainin.
"You're weird! Ayan ba ang resulta ng pag-iisip ng halos tatlong araw?" tanong pa niya. Napailing ako at pasimpleng ibinaba ang buhok ko sa may noo ko para hindi niya mapansin ang sugat ko roon.
"Maybe," sagot ko. "Mamaya, pupunta ako sa opisina ni Attorney Velgas, balita ko kasi ay may natuklasan siyang makakatulong sa kaso ng Dad ko. His trial is days from now so I'd better check what I can do," sabi ko.
"Hindi ka ba papasok? Hindi ka man lang nagpaalam sa boyfriend mo, hinahanap ka rin niya sa akin," natigil ako sa sinabi niya pero binaling ko lang ang tingin ko sa pagkain ko.
"Nope, I won't go to the office today," prenteng sabi ko. Trying my best not to sound off.
"Huh? Bakit? Wala ka man lang notice na mawawala ka and—"
"I'm resigning," sagot ko. Nakita ko ang pagkakatigil niya at ang unti-unting pag-awang ng labi niya sa gulat sa sinabi ko.
"What?! Why?! I mean, si Iñigo! 'Di ba—"
"We broke up," I answered casually again at halos malaglag siya sa upuan sa gulat.
"No fucking way!" eksaherada niyang sabi at kahit na kumikirot ang dibdib ko ay ngumiti ako na parang hindi naaapektuhan.
"Yes way," I chuckled when her eyes widened at halos mahampas niya ako.
"Fuck you, Thallia! Hindi nga?!"
"Oo nga!" ngiti ko ulit.
"Fuck! H'wag mo akong ngitian!" hinampas niya ang braso ko. "Gaga ka, pangit mo gumanap!"
Kinagat ko naman ang labi ko at tumigil sa pagngiti. "There, ayos na? I am not smiling anymore."
"Teka... Ano, wait! Paanong naghiwalay? E 'di ba, mahal mo siya and then he loves—"
"Maybe we really are not meant to be," I answered.
Her mouth parted in shock at hindi nakapagsalita.
"But I am fine, I have to be fine," doon na humina ang boses ko at nang maramdaman ang sakit na gusto kong itago ay kaagad akong dumampot ng donut.
"Hey, it's fine! Life goes on! Makakahanap pa ako ng iba diyan!" I cheered at nang makita ni Mary Jane kung gaano ko pinipilit sumaya sa harapan niya ay nginitian niya rin ako at kumuha ng donut at itinaas din.
"Of course, you will find someone better! That asshole lawyer is an ass! Makakahanap ka pa ng mas gwapo ro'n!" We laughed at pinagdikit ang donut namin.
As we ate the donuts, pilit kong winawaglit ang sakit na pilit sumisiksik sa puso ko at nagpapaalala sa akin ng mga nakaraang araw.
If I knew that the night before he went abroad was our last happy night together, I should have done everything I could. I should have kissed him and told him I love him dearly, so much. I should have done anything and felt his warmth even more pero huli na ang lahat.
I should've cherished it more. Kung alam ko lang.
I guess I should forget about him and start a new life with my angel. Hindi ko man siya mabigyan ng buong pamilya ay ipapangako kong hindi ko ipaparamdam sa kanya na mag-isa siya.
Hindi ko ipararamdam sa kanya ang pagkukulang na naranasan ko sa paglaki ko sa mga magulang. I will love our angel dearly, like how I loved his father.
I need to move on and to forget. To finish what I have started, to mend my broken heart, and to save my father. Iyon naman talaga ang dapat kong gawin simula umpisa kaya itutuloy ko hanggang saan ko makakaya.
𓍝𓍝𓍝
"WE found a witness," nanlaki ang mata ko sa masayang balita sa akin ni Attorney Velgas.
"What? How?" gulat kong sabi.
"He's one of your dad's employees na umaming nagkaroon siya ng trabaho sa mga Perez."
"But why is he confessing? Is it normal na lumitaw siya pagkatapos ng ginawa niyang pagtatatrabaho sa mga taong 'yon?"
"Yeah, that's the weird part here. He said he only did that for money, para mabuhay ang pamilya niya. His only task was to get the documents from your father's office and have your father sign them. He may be the one responsible kung bakit nagaya ang pirma ng Dad mo pero umamin siya sa kasalanan niya, biglaan."
"Do you think it was the Perez's plan to deceive us?" umiling siya at pinagsaklop ang kamay.
"No, kapag ginawa ng mga Perez 'yon ay ilalantad lang nila ang sarili nilang kasalanan and that's the last thing that will happen in this case."
"Do you think someone asked him to confess?" tumango siya at 'yon din ang naisip ko.
"Someone might have asked him to confess and this man probably pulled some strings," dagdag ko pa.
"Hindi na importante 'yan sa ngayon, ang mahalaga ay malaki ang maitutulong ng taong ito para mapatunayan ang kainosentihan ng Dad mo," paliwanag ni Attorney Velgas. Kumalma ako at doon na nag-umpisa ang lakas at determinasyon kong ipaglaban ang ama ko para makalaya.
"Makikita mo na si Lolo, baby, soon," I whispered and touched my belly.
𓍝𓍝𓍝
MABILIS na kinuha ko ang phone ko nang may natanggap akong mensahe. Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa mensahe na iyon na hindi naman nakaregister sa phone ko ang number.
The message only contains a "Trust me" message and nothing else.
Nangunot ang noo ko habang binabasa 'yon. Is this spam?
"Are you okay?" tanong ni Vaughn na nakaupo sa tabi ko, he tried looking at my phone kaya inilihis ko na lang ito mula sa kanya at inilagay kaagad sa pouch ko.
"Yes," ngiti ko sa kanya at hindi na lang pinaglaanan ng pansin ang mensahe na natanggap ko.
"Here," iniumang niya sa bibig ko ang kutsara na may cake kaya natawa ako at isinubo ang ibinibigay niya.
"Thanks!" I smiled and stared at the fresh orange juice on my table. Narinig kong nag-usap si Attorney Velgas at Vaughn kaya hinayaan ko muna sila at ipinalibot ang tingin ko.
A man in a black jacket is looking at my way kaya tiningnan ko rin siya. Hindi ko makita masyado ang mukha nito dahil sa nakatakip ito ng hoodie. Tinagilid ko ang ulo ko para silipin ito pero kaagad din naman itong tumungo at pinagtuunan ng pansin ang nasa lamesa niya.
"Let's go? Punta tayong office ng Dad mo," bumalik ang pansin ko nang magsalita si Vaughn at tumango.
"Alright," inabot ko ang bag ko pero bago pa man ako makatayo ay biglang dumampi ang kamay ni Vaughn sa gilid ng labi ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at may kung anong pinahid doon.
"May dumi," ngisi niya.
Nagulat naman ako sa ginawa niya pero kumindat lang siya sa akin.
"What? P'wede na kitang ligawan?" napalitan ng simangot ang mukha ko at kaagad siyang sinamaan ng tingin.
"Shut up, Vaughn!" giit ko pero tinawanan niya lang ako at inalalayan ako patayo. Habang naglalakad kami ay panay asar lang siya at napabaling ang pansin ko sa lalaking naka-hoodie kanina na dadaanan namin.
"What? Liligawan kita, okay? You can't say no," bigla akong inakbayan ni Vaughn kaya siniko ko siya pero nahuli niya lang ang kamay ko at humalakhak. "Huh? Thallia, huh? Pagkalabas ni Tito, mamamanhikan na ako!" asar pa niya.
"Gusto mong hambalusin kita?" sikmat ko.
"No, kiss lang," inis pa niya.
We passed through the man at nagbalik pa ako ng tingin sa kamay nito pagkalagpas namin dahil nakita kong mariin iyong kumuyom.
"Shut up, asshole," tinapik ko ang kamay niya at pinalibot ang tingin bago kami lumabas. "Baka isipin ng mga babae mo rito, girlfriend mo ako. No thanks."
"Bakit? Girlfriend naman kita, huh?" pinatunog niya ang sasakyan bago ako pagbuksan.
"Girlfriend? Sa 'yo? No thanks," umirap ako.
"Babaeng kaibigan! Ayaw mo?" Sumimangot lang ako at hinayaan siyang magdaldal sa tabi ko habang papunta kami ng opisina ni Dad.
𓍝𓍝𓍝
THE witness's name is Hubert Sanchez.
"So, tauhan ka nila dati?" ako na ang nagsalita nang matapos magsalita ni Attorney Velgas para ipakilala ako.
"Yes, Ma'am," sagot niya. Napatango naman ako at binasa ang labi ko bago nagsalitang muli.
"You said na binayaran ka nila para kunin ang mga papeles sa Dad ko at para na rin magpapirma sa kanya ng mga dokumento?" tumango siya. "Bakit ikaw?"
"Noong mga panahon pong iyon, on leave si Lucy, 'yong secretary niya kasi kakapanganak lang. Ako po 'yong kapatid ni Lucy, dating secretary po ako kaya ginawa akong substitute habang on leave siya,"
"How did they tried to bribe you para pumayag sa gawaing iyon?" tanong ni Attorney. Nakita ko ang paglamlam ng mata ni Hubert at ang pagbuntonghininga niya.
"Pinansyal na problema po. Naospital po kasi ang asawa at anak ko kaya wala akong nagawa kung hindi ang kumapit sa patalim," humina ang boses niya.
"Madalas ko pong makita si Fernan Perez sa opisina habang nagtatrabaho ako dahil stockholder nga po siya ng kompanya. Kaswal naman po kami sa isa't isa pero po isang gabi ay nakita ko po siya sa ospital at doon na nga po niya sinabi sa akin ang balak niya at wala na po akong nagawa kung hindi ang pumayag."
"Anong nagyari sa asawa't anak mo?" tanong ko.
"Na-dengue po ang anak ko at inatake sa puso ang asawa ko," malungkot niyang sabi at natigilan ako. Bigla akong nahabag at nakaramdam ng awa sa kanya.
Ganyan din ako dati, kumapit sa patalim para sa kagustuhang hindi iwan. Kumapit sa patalim para sa mahal sa buhay.
"Then why are you confessing now?" tanong ko.
"Hindi po ibinayad sa akin ang napag-usapang pera," nangunot ang noo ko at napaayos ng upo.
"What?"
"Binigyan po ako ng paunang bayad pero po parang bulang naglaho po sila noong makulong si Sir Ethan," sagot niya. "Naghabol po ako roon dahil kapag hindi ako nakapagbayad ay hindi maooperahan ang asawa ko."
"What did they do?"
"Tinakot lamang po ako kaya hindi ako nakahabol. Sinabing mapapahamak ang pamilya ko lalo kapag pinilit ko pa sila," dugtong niya. Napaawang ang labi ko nang makitang nag-umpisa nang mamula ang mga mata niya.
"Pasensya na po talaga, Ma'am, Sir. Hindi ko po ginusto ito! Kailangan lang po talaga ng pamilya ko!" umiyak siya sa harapan ko at hindi naman ako makasagot kaagad.
"Patawarin n'yo po ako!" humagulgol siya at halos lumuhod na sa harapan namin kaya napatayo ako.
"Y-you don't have to do that!" gulat kong sabi at nakita ko namang napatayo rin si Attorney Velgas at kaagad na dumalo kay Hubert na tuluyan nang lumuhod.
"P-patawarin n'yo po ako! Nagipit lang po ako! Pangako po, sasabihin ko po ang lahat ng nalalaman ko!"
"Hubert, stop that. Let's talk about it." Pagkatapos ng pilitan ay kaagad namang napakalma at napatayo namin si Hubert mula sa pagkakaluhod. Uminom siya ng tubig at inabutan ko siya ng tissue nang makita kong kamay ang pinangpupunas niya ng luha niya.
Lumamlam ang mata ko habang nakatingin sa kanya. He was vulnerable and hurt. We're just the same, vulnerable pero ang pinagkaiba ko lang ay hindi ko ito ipinapakita sa ibang tao.
Kanina noong nagpapaliwanag siya ay kaagad ko na siyang napatawad. I know he's sincere, nararamdaman kong totoo ang sinasabi niya.
"How about your wife and child? How are they now?" tanong ko. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya sa sinabi ko at ibinaba niya ang kanyang baso bago ako lingunin.
"May tumulong po sa akin para mapagamot ang anak ko at maoperahan ang asawa ko," inantay namin ang sasabihin niya pa. "Ang kapalit po ng pagtulong po sa akin ay ang pagtestigo rin po laban sa mga Perez."
Kaagad akong napatingin kay Attorney at nakita ko rin ang pagtataka sa mata niya.
My forehead creased when I felt something in the way his eyes darkened with curiosity.
"Who is that person?" tanong nito.
"Pasensya na po, Attorney, Ma'am, pero bawal ko pong sabihin. Pasensya na po," hinging paumanhin niya at bahagyang tumungo. Mas lalo akong nagtaka at tinitigan ko si Hubert bago nagsalita.
"What did he offer you besides that?" tanong ko.
"Proteksyon po," sagot niya. "Para sa pamilya ko. Pasensya na po pero mahigpit niya pong ipinagbawal na h'wag sabihin ang katauhan niya."
Who might it be? Sinubukan kong mag-isip ng mga maaaring tumulong sa akin. Ang kapatid ko ay hindi ko pinagsabihan sa problemang ito. She might know something about this but I don't think na p'wedeng magawa niya ito. Besides from her ay wala na akong maisip na gagawa nito!
Napatingin ako kay Attorney Velgas at nakita ko ang pag-iling niya at napabuntonghininga naman ako.
"Is it a man or a woman?" giit ko.
"Ma'am—"
"Please, Hubert."
"Pero kasi—"
"Please! Kahit ito lang, Hubert. Parang-awa mo na," I asked him desperately. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mata niya at nakita ko rin ang paghinga niya nang malalim bago tumingin sa akin.
"Lalaki po," sagot niya. Napatango ako at bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko.
A man, who could that be?
Gulo ang isip ko buong gabi, trying to think of a man who will do this. I am sure, he's related to me dahil kung hindi ay bakit niya gagawin ito? Pero kahit anong pilit kong isipin ay wala akong maisip kung sino.
Vaughn? Attorney Velgas? Definitely not.
Impossible ring kamag-anak ni Dad dahil galit ang mga ito sa kanya gayong nakulong siya!
𓍝𓍝𓍝
"ARE you sure you can face him?" Nagbaba ako ng tingin nang marinig ang boses ni Mary Jane sa telepono. I am fixing myself when I called to inform her that I'll file my resignation letter.
Halos ayaw niya akong papuntahin sa opisina pero walang makakapigil sa akin. I have to do this para sa ikakatahimik ko. Hindi na rin naman posibleng maayos naming dalawa ang gusot na ito at kahit gaano ko siya kamahal ay hindi ko na siya mapipilit na mahalin ako kung hindi naman talaga.
"Don't tell me na hindi mo na mahal si Iñigo dahil impossible 'yan. Can't you fix this anymore? Wala na ba talaga kayo?"
"Siya na ang umayaw," nanghina ako nang maisip ko iyon. I heard from his own lips how he played with my heart, how he pretended to love me.
Naramdaman ko ang pagtutubig ng mata ko kaya mabilis kong ipinikit ang mata at pinigilan na mapasinghap.
"I-I have to give this to him personally, Mary Jane. H-he's been a good employer to me at kahit iyon lang ay naging mabuti siya sa akin." I just want to see his face one last time, too.
Nanatili akong tulala pagkawala ng tawag at nakatitig lang sa resignation letter na ibibigay ko mamaya. Am I ready to see him? It's been days since the last time I saw him, pero sariwa pa rin sa utak at puso ko kung paano naging malamig ang dati niyang malamlam na mata. Sariwa pa rin ang mga salitang binitawan niya.
"B-baby, makikita natin ang daddy mo mamaya," bulong ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Walang habas sa pag-alpas ang luha sa mga mata ko habang sinasabi ko iyon at halos mabasag ang puso ko sa lahat ng sakit.
"Sorry, baby... I'm really sorry for doing this," I whispered before sobbing.
For the last time, I will see the face of the man who took and stole my heart. I could never have it back. For the last time, I will let my heart beat again.
Pagkatapak na pagkatapak ko sa opisina ay kaagad na nagtambol sa kaba ang puso ko.
"Good afternoon, Ma'am! Tagal n'yong nawala, a!" Ngumiti ako nang batiin ako ng guard na madalas na nandito kapag papasok ako.
"Good afternoon din po," ngiti ko bago ipinalibot ang tingin sa department namin. A few days of absence really didn't change a thing, tanging ang tahimik na pasilyo lang ang nakakapanibago. Sa bagay, lunch break na kasi kaya marahil walang natira. Bumaling ang tingin ko sa pwesto kung nasaan ang opisina ni Iñigo.
Flashbacks rushed back to my memories. Parang kailan lang at masaya pa ako habang pumapasok dito at kakatukin siya para tanungin siya kung kumain na siya o hindi.
Ngayon, kakatukin ko siya para ibigay ang resignation letter ko.
How funny is that?
"Hoy, bruha!" halos mapatalon ako sa gulat nang lumitaw kung saan si Mary Jane.
"Nakakagulat ka naman!" I hissed at her pero tumawa lang siya at hinawakan ang braso ko palapit sa pwesto niya.
"Handa ka na ba?" napatingin ako sa envelope na hawak ko bago tumango.
"I guess?" ngiti ko. Nagulat naman ako nang may kung anong pinunas siya sa pisngi ko paalis.
"You're crying, Thallia," puna niya. Mabilis akong napahawak sa pisngi ko at naramdaman ang basa roon. "Are you sure you're fine?"
Tumawa ako ng mahina at tumango.
"Oo naman, saka, napuwing lang ako." Ngumisi pa ako para makumbinsi siya pero napangiwi lang ako nang batukan niya ako at kinuha sa kamay ko ang envelope bago ipukpok sa noo ko.
"Gaga, h'wag ako!" puna niya. Nawala ang ngiti ko at ngumuso na lang. "Siya, sige, kung 'yan ang desisyon mo. Para din naman ito sa 'yo."
Tumango ako sa kanya. Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin bago siya muling nagsalita.
"Pero ingat ka, huh?" sabi niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Beastmode 'yang lolo mo. Pulos nakasimangot hindi mangiti-ngiti. Ang daming nabulyawan at nasisante nitong mga nakaraang araw kaya maghanda ka," bilin pa niya. Napangiti ako sa sinabi niya bago tumango.
"Noted!"
"Sige at lalabas muna ako, huh? Tawag ka na lang para masamahan kita pagkatapos," nagbeso siya bago kumaway at nang mawala siya tsaka ko lang naramdamang muli ang nakakamatay na kaba.
I felt like my heart was gonna explode in nervousness, natatakot akong makita siyang muli. Umangat ang kamay ko para sana kumatok pero ibinaba ko rin dahil sa panginginig ng kamay ko. I bit my lower lip and breathed hard.
Kaya mo 'to, Thallia! Face him! Ito rin naman ang huling beses na makakausap mo siya ng ganito.
"For formality lang," bulong ko sa sarili ko. Bumuga pa ako ng hangin at nakuyom ko pa ang kamay ko para mawala ang kabang nararamdaman.
"Kaya natin 'to, baby, right?" Bumuga muli ako ng hangin at nang itinaas ko ang kamay para kumatok ay biglang bumukas ang pinto. Kaagad akong napaatras nang makita si Iñigo sa harapan ko. Nakita ko rin ang gulat sa mata niya nang makita ako at saglit kaming nagkatitigan.
I noticed how his eyes changed into a darker shade while he's staring at me. Hindi rin ako nakapagsalita at napaawang lang ang labi ko sa gulat. Kumunot ang noo niya at nang halos malunod na ako sa mata niya ay kaagad akong nag-iwas ng tingin at tumikhim.
"G-good afternoon, Attorney," I managed to say.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko rin ang pagkakakunot ng noo niya habang nakatingin siya nang malalim sa akin na parang kinakabisa ang mukha ko.
"What do you need?" Halos mapaupo ako sa lamig ng boses niya.
My heart thumped wildly, para na itong sasabog habang nakatingin ako sa kanya kaya napahawak ako nang mahigpit sa bag ko.
"I-I just want to give this," pinigilan kong manginig ang kamay ko at inabot sa kanya ang envelope na hawak ko. His eyes darted from my face to my hand at nang abutin niya 'yon ay halos panawan ako ng hininga.
I saw him scanning the envelope at nakita ko ang unti-unting pag-iiba ng ekspresyon niya at ang pag-igting ng panga niya. His forehead creased. Humigpit ang hawak sa sobre sa kamay niya.
"Let's talk," malamig niyang sabi at tumalikod mula sa akin. Nanigas ang paa ko nang mag-umpisa na siyang maglakad pero ginawa ko ang lahat para lang makasunod sa kanya. Habang nakasunod ako sa kanya ay nangingilid ang mga luha ko. I missed him so much, gusto ko na lang tumakbo sa kanya at yakapin siya patalikod pero hindi ko ginawa.
Mariin akong pumikit at pinalis ang mga luha kong parating nang makapasok na kami sa opisina niya. Pinasadahan niya ng kamay ang magulong buhok at binuksan ang butones ng dress shirt na suot. Napansin ko ring wala siyang kurbata at walang bakas na kahit anong reaksyon ang kanyang mukha.
His stubbles grew, wala man akong mabakas na reaksyon sa mukha niya ay kita ko ang panghihina ng mga mata niya habang binabasa ang resignation letter ko.
I remained standing in front of him. Nag-aantay ng reaksyon at sagot niya. Pinagsawa ko rin ang mga mata ko sa kanya dahil baka ito na ang huling beses na makita ko siya ng ganito kalapit.
Naramdaman ko ang pag-ikot ng tiyan ko habang nakatingin sa kanya kaya humaplos ang kamay ko roon.
Yes, baby, that's your daddy. Seryoso lang siya ngayon pero mabait 'yan at malambing.
"Is this really the reason why you're resigning?" nag-angat siya ng tingin at ibinagsak sa lamesa ang papel.
"Yes, Sir, personal issues po," deretsong sagot ko at dagling nagbaba ng tingin nang hanapin niya ang mata ko.
"Miss Raymundo," tumayo siya at iniangat ang sleeves ng suot hanggang sa may siko. "Do you expect me to find a secretary this instant after you resign? You've been gone for days without notice tapos pagkabalik mo ay sasalubungin mo ako ng resignation letter?"
"I'm sorry, Sir. I-I just have to think," deretso kong sagot pero sa kabila nito ay humahapdi ang dibdib ko dahil sa lamig ng boses at pakikipag-usap niya sa akin.
"I..." bumuntonghininga siya at nakita ko ang pagbasa niya ng labi niya at ang pagpasok ng kamay sa bulsa niya. "I'll ask the HR about this. Also, your contract will be the problem."
"Babayaran ko na lang po 'yong damages," I answered quickly. I saw a glimpse of emotion on his eyes na agad na nawala.
"You really wanted to get away from me," bulong niya pero narinig ko kaya napatingin ako sa kanya. He stared at me bago nagbaba ng tingin at tumalikod mula sa akin.
I don't understand you, Iñigo.
"Mauuna na po ako, Sir. I will e-mail you na lang po," I said at mapait na napangiti nang hindi siya sumagot at nanatili lang nakatingin sa salaming pader ng opisina. I stared at him for a long time before taking a step back at naglakad ako palabas. Bawat hakbang ko ay bumibigat ang dibdib ko.
Goodbye, Iñigo.
I took a step towards the door at pagkabukas ko pa lang ay kaagad na nalaglag ang panyo ko kaya tumungo ako para abutin iyon. I heard unwanted noises outside at pagkatayo ko ay kaagad akong nakarinig ng maingay na yabag.
"Thallia!" kaagad akong napalingon kay Iñigo at gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang nagkasa siya ng baril bago itinaas at unti-unting itinutok sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co