Truyen3h.Co

Tempting The Heiress (Published Under LIB)

Kabanata 23

heartlessnostalgia

Kabanata 23

MY jaw dropped when I saw him pointing the gun at me. Halos manginig ako at hindi nakagalaw. My heart began beating abnormally, halos mapaluha ako habang nakatingin sa kanya.

No, Iñigo... No, please! 'Yong baby natin!

Napahawak ako sa tiyan ko sa takot sa gusto niyang mangyari pero parang ayaw maniwala ng puso ko na magagawa niya ito.

"Lower your head!" His voice roared and as I moved my body away, I heard the loud shot echo.

Napaupo ako sa lapag. My ears were ringing. I closed my eyes and gripped my shoulder, waiting for something to hurt.

Wala akong maramdaman na kahit ano na tila namamanhid. Iminulat ko ang aking mga mata at nanginginig na napatingin sa kamay ko na nakahawak sa braso ko. Unti-unti ko itong sinilip at tumulo ang luha ko nang walang makitang kahit anong bakas ng dugo.

Mabilis na inilipat ko ang tingin kay Iñigo at sa baril na nakaangat pa rin sa ere pero hindi siya nakatingin sa akin. Mabilis akong lumingon at napaatras nang makita ang nakabulagtang lalaki sa lapag habang napapalibutan ito ng sariling dugo.

I screamed. Napaatras ako at nabuwal. Malakas na napasalampak ako sa lapag habang umaatras at nanginginig. Patuloy na tumutulo ang luha ko at nanginginig ang katawan ko. Nang bumaling ako kay Iñigo ay mabilis niyang ibinagsak ang baril at tumakbo palapit sa akin.

Mas napaiyak ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at sinakop ang mukha ko.

"T-Thallia," nanginig ang boses niya at hinanap ang mata ko.

"I-Iñigo," tawag ko sa pangalan niya at humikbi. He cursed at mabilis na isinubsob ako sa dibdib niya.

"Sssh. You're okay," bulong nito at hinaplos ang buhok ko. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay kita ko ang lamlam ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. "I'm sorry," he whispered when our eyes met at mabilis na humiwalay sa akin at pinahid ang mga luha ko.

Nang akmang lilingunin ko ang lalaki na nakabulagta ay kaagad niyang nahawakan ang pisngi ko kaya bumalik ang tingin ko sa kanya.

"D-don't," mariing sabi niya. "We need to get out of here," mabilis siyang tumayo at kaagad akong inalalayan. I was startled when he held my hand at naglakad kami papunta sa baril na nalaglag niya kanina. I watched him take the gun at mabilis naman niya akong nahila kaya napunta ako sa likod niya.

"H'wag na h'wag kang aalis sa tabi ko." Nilingon niya ako at naguguluhan man ay tumango ako at humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Dere-deretso kaming naglalakad palabas ng opisina niya. Nagsitayuan pa ang balahibo ko at kinain ng takot nang makita ang lalaki na nakabulagta.

Is he dead?

"He's not dead," biglang sabi ni Iñigo na animo'y naririnig ang mga iniisip ko. Hindi ako nakasagot at nanatili ang tingin sa lalaki at magkahalong takot at kaba ang naramdaman ko. He was bathing with his own blood at nakita kong nakahawak pa ang baril sa kamay nito.

Kaagad akong napabaling kay Iñigo na sinusuri ang paligid. Did he point the gun to save me sa gustong bumaril sa akin?

Mabilis niya akong nahila palapit sa lalaki at tiningnan ko siya nang kunin niya ang baril sa kamay nito at iniangat sa ere na animo'y may sinusuri.

"Prepared, huh?" Umiling siya at nang nilingon niya ako ay napatungo. Marahan niya akong hinila papunta sa gilid sa may cubicle at kaagad siyang nag-squat para magtago.

"Come here," marahan akong gumaya sa kanya at kaagad niya akong inilagay sa may likod niya habang sumisilip siya sa paligid.

"W-what's that?" tanong ko, naguguluhan. Humugot naman siya nang malalim na hininga bago ako lingunin.

"Are you hurt?" aniya. Hindi naman ako nakasagot at halos mabuwal ako nang tumungo siya at nagkatapat ang mukha namin.

"N-no," mahinang sagot ko at nag-iwas ng tingin. Pasimple ko ring tinanggal ang kamay ko mula sa hawak niya at nakita ko ang pagtingin niya sa ginawa ko.

"Hey," sinakop niya ang mukha ko at kaagad na sumikip ang dibdib ko sa tingin na iginawad niya sa akin. It was soft, tender, and careful. His eyes seem like a calm blue sea.

"Are you scared?" kinagat ko ang labi ko at kaagad na naalala ang ginawa niyang pagtutok kanina.

I thought it was for me! I was scared for our child! I thought he would...

Nangilid ang luha ko at kaagad akong tumango at kaagad naman siyang napasinghap at mabilis akong niyakap. I sobbed quietly as I clutched his shirt at humigpit ang yakap niya sa akin. Naramdaman ko ang pagtama ng hininga niya sa buhok ko. He was breathing heavily na animo'y may pinapasan na kung ano.

"I was scared for you, too," mahinang bulong niya bago humiwalay sa akin. Napapikit ako nang haplusin niya ang pisngi ko at tinuyo ang mga luha ko.

"I can't risk you," mahinang sabi niya at nakita ko ang pag-igting ng panga niya. "If I can just," hindi niya tinuloy ang sasabihin at umiling lang bago hinawi ang buhok ko.

"Stop crying, please," paos na alo niya sa akin.

Tumango ako at ako na mismo ang nagpunas ng mga luha ko. He's watching me as I was fixing my face at nakita ko ang pagkakatitig niya sa noo ko.

Natigil ako at naalala ang tahi ko roon dahil sa aksidente kaya mabilis akong tumungo at ibinaba ang buhok ko pero mabilis niyang kinuha ang kamay ko sa buhok ko.

"What's that?" He asked, his voice strained. Mabilis akong nag-angat ng tingin at umiling.

"Nothing," I answered. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at kaagad na tinanggal ang buhok ko sa may noo at bago pa man ako makaiwas ay nakita na niya ito.

"What—" hindi na niya natuloy ang sasabihin ng makarinig kami ng yapak. Kaagad na kumabog ang dibdib ko at napakapit sa braso ni Iñigo.

"Fuck the security," mariing bulong niya at nakita ko ang pagkuha niya ng baril sa lapag bago ako unti-unting pinatago ako sa ilalim ng lamesa.

The silence was deafening, tanging ang umaalingawngaw lang na yapak ang naririnig ko.

Good thing everyone went out for lunch. Paano kung may iba rito na masaktan?

"Do you have a phone with you?" bulong niya habang inaayos ang baril at mabilis akong tumango at iniabot sa kanya ang phone. Inabot niya ito at kaagad siyang natigil nang makita ang wallpaper ko. He shifted his gaze at me at mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Damn, hindi ko pa napapalitan!

"May number ka ni Zeij?" bumalik ang tingin ko sa kanya at mabilis lang akong tumango at nakiramdam sa paligid ko.

What if the man shoots me? What will happen? Paano ang baby ko?

Napabaling ako kay Iñigo na seryosong nagta-type pero lumilingon siya sa paligid at mahinang nagmumura.

"Fucker, they're here," mariing bulong ni Iñigo sa kausap at nakita ko ang pagsilip niya sa akin saglit bago bahagyang tumayo para sumilip.

"Nakatakas sila!" Nakarinig ako ng boses kaya nahatak ko si Iñigo at mabilis siyang napaupo at tiningnan ako.

"I-I heard them," bulong ko at nang akmang tatayo siya ulit ay hinatak ko siya at mabilis akong umiling. "N-no, baka makita ka nila," kinakabahang sabi ko.

I am scared for him. What if they saw him? Masasaktan siya.

"I can't fire a gun again!" bulong pa niya roon at mabilis na gumapang ang kamay niya sa palapulsuhan ko. "She's with me, baka kung anong mangyari," natigil siya at nakinig sa sinabi ng kabila pero tumango lang siya at bumuntonghininga.

"I know that but you know I can never risk her!" he hissed. "Five fucking minutes, Zeijan! Get her out of here!" Pinatay niya ang tawag at mabilis na lumingon sa akin.

Maingat siyang lumuhod at pumikit bago hawakan ang magkabilang balikat ko.

"Listen, Thallia," panimula niya. "I will get you out of here."

My heart squeezed painfully.

"I-ikaw?" napaayos ako ng upo at tiningnan siya.

"Susunod ako, sasama ako sa 'yo," sagot niya sa akin. "Here," kinuha niya ang baril na kanina'y inaayos niya at natulala ako nang ipahawak niya iyon sa kamay ko.

"Use that, shoot anyone who will try to shoot you," naramdaman ko ang pamumutla ng mukha ko at ibinalik ko sa kanya ang baril.

"No! I-I can't shoot!"

"You can," mabilis niyang ibinalik sa akin ang baril at ipinahawak sa akin. He enveloped his hand with mine para hindi ko ito bitiwan.

"Listen, we will run towards the emergency exit, nag-aantay sa ibaba sina Zeijan. They will take you, okay? Sasama ka sa kanila," marahang sabi niya.

"I-ikaw? 'Di ba sasama ka rin?" pagkumpirma ko. Hindi ko siya p'wedeng iwanan dito!

Bumuntonghininga siya bago tumango sa akin. "I will try, I will come with you," bulong niya.

"I will cover you, shoot if you should. Don't be afraid, okay? I'll be right behind you," dagdag pa niya. Napatingin ako sa baril na hawak ko pabalik sa kanya na nakamasid sa akin.

"I-Iñigo, I—" natigil ako nang bigla niya akong higitin sa yakap at napapikit ako ng dumampi ang labi niya sa gilid ng noo ko.

Mariing napapikit ako at mabigat na paghinga naman ang ibinalik niya sa akin. Magkahalong takot, kaba, at pagkakagulo ang nararandaman ko. Hindi ko maipaliwanag at pakiramdam ko'y ang sikip ng dibdib ko.

"Trust me, Thallia. Please trust me," bulong niya bago humiwalay at hinawi ang buhok ko. Binasa niya ang labi at inilibot ang paningin at mabilis na tumayo at hinawakan ang kamay ko.

Pagkatayo ko ay kaagad akong binalot ng kaba pero mabilis ang galaw niya at hinanda ang baril na nakuha niya sa lalaki kanina.

We walked side by side, nakita ko ang bilis ng mata niya't nag-oobserba at ganoon din ako. We walked in silence, nang makita ko ang isang armadong lalaki na nag-iikot ay kaagad akong tumungo at hinila si Iñigo. Nakayukong naglakad kami, hawak ko nang mahigpit ang kamay niya at sa isang kamay naman ay ang baril.

Marahan at walang tunog na naglakad kami papuntang exit nang matigilan ako at natulala nang makita ang guard na kanina lang ay bumati sa akin. Bulagta ito at naliligo sa sariling dugo.

Napasinghap ako at napaatras pero kaagad namang nagdilim ang paningin ko nang takpan ni Iñigo ang mata ko.

"Don't look, Thallia," bulong niya at nang bitiwan niya ako ay nauna siya sa paglalakad habang hila ako.

Nanginginig na ako sa takot habang naglalakad kami.

I can't believe that I just saw the guard kanina pagkatapos ay ganito! I prayed to keep us safe, sana ay ligtas kaming makaalis sa lugar na ito pero tila hindi narinig ang dalangin ko dahil halos mabingi ako sa lakas ng putok.

"Nandito sila!" sigaw ang narinig ko at nang lingunin ko si Iñigo ay kaagad niya akong itinago sa likod niya at nagpaputok ng baril.

"Fuck!" mariing mura nito at nagpalitan sila ng putok ng baril. Napatungo pa ako at nanlambot.

Mabilis kong nahila si Iñigo kaya nakapagtago kami sa may gilid at kaagad naman niyang tiningnan ang baril niya.

"Tang ina." Nilingon niya ang pwesto ng lalaki na tumawag pa ng iba pabalik sa exit na malapit na sa pwesto naming dalawa.

"I shoot, you run." Tinuro niya ang pintuan. "You get out first, susunod ako."

"No! Lalabas tayong magkasama!" I insisted.

"Thallia!"

"No! You will leave with me!"

"Thallia, you have to be safe! Hindi ako lalayo sa 'yo. Sa likod mo lang ako, naiintindihan mo? Tatakbo ka roon at babarilin kung sino mang haharang sa 'yo, lalabas ka at nakaabang na sina Zeijan sa labas!"

"Kailangang kasama kita!" I answered him frustratingly.

There's no way I will leave without him! Hindi siya p'wedeng mapahamak!

"I will, okay? Trust me, susunod ako." Nanlaki ang mata ko nang tamaan ng bala ang vase malapit sa pwesto ko at kaagad naman akong hinila palayo ni Iñigo.

"Go!" he whispered at kaagad akong tumakbo. Nakarinig ako ng mga putukan at nang lingunin ko ay nakikipagpalitan ng putok si Iñigo.

Nagtago ako at mahigpit na hinawakan ang baril nang may muntik nang masalubong. Nanahimik ang putukan at makalipas ang ilang segundo ay tumayo ako pero nanlaki ang mata ko nang makita ang isang lalaking nakaitim at nang makita ako ay hinanda na ang baril.

I immediately kicked his feet hard, dahilan para mawalan siya ng balanse at mapaupo. Nabitiwan niya ang baril kaya tumakbo ako pero kaagad niyang nahagip ang paa ko kaya napatili ako at nadapa.

Iniangat ko ang baril at nagpaputok pero kaagad siyang nakaiwas.

"Get off me!" sigaw ko at sinubukan siyang sipain pero sinalag niya ang paa ko at mabilis na nadampot ang baril at itinutok sa akin.

I pulled the trigger, trying to shoot him again pero sinipa niya ang kamay ko kaya tumalsik ang baril.

"Huh! Akala mo ba malakas ka?" Mahigpit na nakuyom ko ang kamay ko nang tumawa siya at nakita ko kung paano lumabas ang bala sa baril sa ginawa niyang pagkasa.

"Thallia Castuares," may kung anong ngisi ang lumabas sa labi niya at halos tumigil ang paghinga ko nang dahan-dahan niyang itinapat sa sentido ko ang baril. "Ikaw pala ang sinasabi ni boss."

Iñigo, please, please...

"Mukhang malaki ang kikitain ko ngayon, ah," tawa ng demonyo at mariing naipikit ko ang mata ko habang nararamdaman ang malamig na bagay sa sentido ko.

Baby, forgive me. I'm sorry...

Isang malakas na putok ang narinig ko at mayamaya ay nakarinig ako ng pagbagsak at ang pagkawala ng malamig na bagay sa sentido ko.

Kaagad akong napamulat at mabilis na lumingon at halos mapatakbo ako kay Iñigo nang makita siya.

"Are you alright?" sinalubong niya ako at mabilis niyang sinuri ang mukha ko at ang braso ko. "I'm sorry," bulong niya at may sinabi pa pero hindi ko na narinig nang makita ang lalaki sa likuran niya na dahan-dahang tumayo mula sa pagkakahiga at iniangat sa ere ang baril.

Wala sa isip at walang sabing kinuha ko ang baril mula sa hawak ni Iñigo at pinaputukan ang lalaki. Napaatras ako sa gulat sa ginawa ko at nakita ko ang pagbagsak ng lalaki sa lapag.

"Shit!" mabilis na nahawakan ni Iñigo ang braso ko at nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya.

"I-I don't—"

"Come on," mabilis niyang nakuha ang baril sa kamay ko at pinauna ako sa pagtakbo habang nagpapaputok siya sa mga humabol sa amin.

Mabilis kong nabuksan ang exit at tumakbo pababa ng hagdan. Nakasunod naman si Iñigo hindi kalayuan sa akin dahil tumitigil siya at bumabaril pabalik sa kanila.

"Ayon sila!" Narinig ko ang ingay at ang pagbukas ng pintuan na pinaglabasan namin ni Iñigo at ang putok ng baril. Natigil ako at napaatras, halos tumigil ang tibok ng puso nang may tumamang bala malapit sa paanan ko.

"Run, Thallia!" Iñigo shouted and shot the man upstairs who was chasing us.

I ran faster, hawak ko ang tiyan ko sa takot na may mangyaring masama sa anak ko at kay Iñigo na pilit akong tinatakpan h'wag lang matamaan. Nakita ko ang dulo ng exit sa may parking kaya halos magmadali na ako.

Nilingon ko si Iñigo at bumagal ang takbo ko nang makitang malayo na siya sa akin para lang makaiwas at mapaputukan ang nasa itaas.

"Iñigo!" sigaw ko at mabilis niya akong nilingon at umiwas sa bala na muntik nang tumama sa kanya.

"Run! Mauna ka na!" Nagpaputok siya. "Faster!"

Sinunod ko ang gusto niya at nang malapit na ako sa mismong pintuan ay nilingon ko siyang ulit.

"Iñi—"

"Fuck!" Nanigas ang katawan ko nang makitang napaupo siya habang nakahawak sa balikat niya. My breath hitched when I saw the blood dripping from his shirt.

"Iñigo!" halos matakbo ko na siya para balikan pero narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng exit at kaagad akong natigilan nang biglang may humawak sa baywang ko palabas.

"Iñigo!" I screamed and almost kicked the man.

"Thallia! Calm down!" Mabilis akong lumingon at kaagad na naluha nang makita si Dash sa likod ko.

"D-Dash! Dash! Si Iñigo!" I clutched his shirt at pilit na kumawala pero hinawakan niya ulit ang baywang ko palayo.

"No! Kami na ang bahala!" pigil niya sa akin.

"H-he was shot! I need to help him!" Halos itulak ko siya pero mas malakas siya sa akin at pinirmi ako.

"Thallia! Calm down! Nandoon na sina Zeij!" Pero hindi ako nakinig at nagpumilit makawala habang pinipilit niya akong pumasok sa van.

Nang maipasok ako sa sasakyan ay kaagad na pumasok siya sa frontseat at bago ko pa man mabuksan ang pintuan palabas ay agad niya itong ni-lock.

"Dash! Si Iñigo!" Napahikbi ako at kinalampag ang pintuan. "Let me out! I need to see him!"

"Zeijan will help him, Thallia! Magagalit si Kuya kapag hinayaan kitang makapasok doon ulit!"

"N-no," umiling ako at napahawak sa dibdib ko habang humihikbi. "S-save him," naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko kaya napatungo ako at mas lalong napahikbi.

"He can't leave us," malalim na hinugot ko ang hininga at nang umandar ang sasakyan ni Dash paalis ay bumigat ang pakiramdam ko at ang talukap ng mga mata ko.

𓍝𓍝𓍝

"SHE should really stop stressing herself," baritonong boses ang narinig ko.

"That's what we are telling her, hindi naman nakikinig," dahan-dahang iminulat ko ang mata at naaninag ko kaagad si Natalie sa harapan ko.

"N-Nat," tawag ko. Nanlaki ang mata niya at mabilis akong inalalayan. Iniayos naman ni Greg ang unan sa likod ko at kaagad na kumapit sa akin ang kapatid kong si Allison para hawakan ng kamay ko.

"Ate..."

"How's my child?" tanong ko at napahawak sa tiyan ko sa kaba, inilibot ko ang tingin at doon ko nakita ang seryosong si Terrence na siyang OB-Gyne, na asawa ni Natalie habang nakatingin sa akin.

"He's fine," he said at nakahinga naman ako nang maluwag at napahaplos sa tiyan ko.

"Be careful, sinabi ko na iyan sa 'yo dati pa," ani Terrence. "Your child will be really at risk if you stress yourself. I told you not to run and avoid getting bumped but you still did."

Nanahimik ako at napatungo.

"I'm sorry," bulong ko.

"Keep safe, Thallia. Hindi na lang ikaw ang may hawak sa katawan mo. Your child needs you, too. Avoid stressing yourself, okay? Mabuti na lang at hindi ka dinugo. Baka may mangyaring hindi maganda sa susunod na gawin mo 'yan," pangaral sa akin ni Terrence. Napatango ako at napahawak nang mahigpit sa kamay ni Allison.

Sorry, baby... Kasalanan ni Mommy...

Nagpaalam naman na lalabas si Terrence, ngumiti at humalik muna sa noo ko si Nat bago sumama sa asawa niya palabas para maiwan kami.

"Who brought me here?" pag-iiba ko.

"Someone called me, lalaki, he told me na dinala ka niya rito dahil masama ang pakiramdam mo kaya pumunta kaagad kami," sagot ni Ally.

"S-si Iñigo?" mabilis kong tanong at ipinalibot ang tingin ko sa paligid.

"Who's Iñigo?" takang tanong ng kapatid ko pero hindi ko siya sinagot at ipinalibot ang tingin.

"The one who brought me here?"

"Dash daw ang pangalan, who is he?" Mabilis akong inatake ng kaba at hindi na mapakali.

How's Iñigo?

"He told us to tell you everything is fine. I don't know what he meant by that but do you know him?" Tumango naman ako kaagad.

"Wala ba siyang sinabing iba?" tanong ko pa. Umiling siya.

"He just told me na h'wag ka munang uuwi sa unit mo. He even left bodyguards here." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What?"

"I don't know but sabi niya kailangan ay ligtas ka. Why is that?" Mabilis akong nag-iwas ng tingin at umiling.

"You can sleep in our house," suwestiyon ni Greg kaya napatingin ako sa kanya.

"Baka may mangyari, sa condo na lang ako."

Ayokong madamay sila! Mariing umiling si Allison at inabot ang buhok ko.

"That Dash guy left bodyguards for you and we have a lot of guards sa bahay namin. You will be safe there," ani Allison.

"You should stay with us for a while, our children want to meet you." Ngiti ni Greg.

Noong gabing 'yon ay deretso ako sa kwarto para magpahinga pero hindi ako makatulog. I was scared to sleep, na baka may mangyaring masama sa akin o hindi kaya ay kay Iñigo at sa anak ko.

Is he safe?

Binabagabag ako ng isiping iyon kaya pabiling-biling lang ako sa higaan.

I am talking to my little angel, asking for forgiveness dahil sa kapabayaan ko kanina at sa pag-iisip sa kalagayan ni Iñigo. I wanted to call and ask Dash about him pero wala pala sa akin ang telepono ko kaya hindi ko magawa. Gusto ko mang lumabas ng bahay at pumunta kina Iñigo pero hindi naman maaari dahil iniisip ko ang baby ko.

The bodyguards were roaming outside at hindi ako makatulog.

I started counting sheep, trying hard not to think of Iñigo's condition at sa huli ay hinatak ako ng antok.

Nagising lamang ako sa kaluskos at sa kamay na naramdamang kong humaplos sa noo at buhok ko. Noong una'y akala ko ay nananaginip lang ako pero nang hindi nawala an pakiramdam na iyon ay napamulat ako.

"Y-you're safe." Kaagad akong napabalikwas ng bangon nang marinig ang boses na iyon. Mabilis na binuksan ko ang lampshade at nanlaki ang mata ko at kumabog ang puso ko nang makita ang nasa harapan ko.

"Iñigo!" Tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin bago humaplos sa pisngi ko.

"Y-you're safe," ulit pa niya.

Napansin ko ang pamumutla ng labi niya at ang lamlam ng mata niya kaya't kaagad akong napatingin sa shirt niya at napigil ang paghinga nang makita ang damit niyang puno ng dugo.

"'Y-yong—" Umawang ang labi ko nang walang pasabing higitin niya ako sa yakap at sumubsob sa balikat ko. Hindi ako nakagalaw sa gulat at sinubukang lumayo.

"Iñigo! May sugat ka!" I exclaimed pero hindi siya sumagot at bumigat ang ulo niya sa balikat ko. Kinain ako ng takot at kaba nang maramdaman ko ang pagbagsak ng kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co