Tempting The Heiress (Published Under LIB)
Kabanata 5
Kabanata 5
I breathed hard when I got away from his body. Nag-iinit ang katawan ko na tila'y napapaso kapag nasasanggi sa kanya kaya dagli akong tumakbo ng banyo at naghilamos.
I didn't care about my makeup being ruined! Muntik na! The temptation was right there in front of me, nag-aantay na lang na sunggaban and I gave in.
I don't know if Iñigo being asleep is a blessing or a curse. I admit, na-tempt ako. I can't help it! Iñigo's lips are just so... Naipikit ko ang mata ko. Damn it!
Why am I so stupid and impulsive?! 'Di nag-iisip! Tanga!
Nang makalabas ako ng banyo ay binalingan ko ulit si Iñigo. Tumba siya sa kama pero wala na ang pang-itaas niyang damit. Napahawak ako sa leeg ko na hinalikan niya. I can still feel his lips brushing my neck, kaya napailing ako.
"You're both drunk, Thallia." I convinced myself bago napabaling sa closet niya. I opened it at hinanap muli ang lagayan ng mga shirt. He has a lot of white shirts, kaya 'yon na lang ang kinuha ko.
Napadaan din ako sa mga suit niya na puro dark color at sa kanyang mga long sleeves at polo na nakahanay sa malinis at organized na paraan. It's even color-coded!
Napunta rin ako sa cabinet niya na puro kulay itim na leather shoes at sa drawer na puno ng relo. I smiled when I saw his neckties, nakapalumpon iyon sa maayos na paraan but it's funny, thinking na hindi siya marunong maglagay no'n.
Nang marinig ko ang ingay ng isang mahinang ungol sa labas ay mabilis akong lumabas at nakita ko na siyang nakadapa sa kama. Umupo ako sa tabi niya at nanlaki ang mata ko nang makita ang tattoo niya sa likod. Nasa likod ito ng kaliwang balikat niya. Inilapit ko ang paningin ko roon para mas malinaw.
It's a feather, dalawa, ang isa ay malaki at ang isa ay katamtaman lang ang laki and they are tied together. Iniangat ko ang kamay ko at hinaplos iyon. The tattoo feels good in my hands. I never imagined it would be possible, a tattoo on his back. I mean, Iñigo, I think, is a man who would never put a tattoo on his body, pero ang makakita ng tattoo ngayon sa katawan niya ay lalo lang akong namangha.
Pahirapan pang ipasuot sa kanya ang shirt. Nakailang tumba pa ako sa kama dahil sa pag-ikot niya o hindi kaya ay sa paghatak niya sa kamay ko. Puro angil at tulak naman ako dahil ayoko nang matukso kagaya ng kanina.
Gamit ang kanyang banyo ay naligo ako. Dito na lang ako matutulog, gabi na at hindi ko naman hawak ang utak ng mga tao sa kalsada. I wore his shirt bago lumabas. Kaagad akong nangialam ng suklay roon para patuyuin ang buhok ko.
I smelled like him, ginamit ko kasi ang shower gel at shampoo niya. Tiningnan ko pa siya ulit at inayos ang magulo niyang buhok na tumatabon sa mukha niya bago ako natulog.
Ang gwapo niya talaga. I whispered to myself. But I'm sorry, ikaw ang may hawak sa ebidensya laban sa Dad ko kaya wala na akong choice.
Kung wala lang ang gulong 'to, hindi ko maiisip na magdalawang-isip na maakit sa kanya pero wala, e.
I must stop myself from feeling anything that can ruin my plans. That night, I slept at the sofa, maaga rin ako aalis kinabukasan para hindi niya ako maabutan.
𓍝𓍝𓍝
I woke up with the sun almost blinding me. I groaned at nakusot ko ang mata sa liwanag. Umikot ako at isinubsob ang mukha ko sa unan. The bed smells good. The blanket feels warm.
Pinalitan ba ng laundry shop ang fabric softener na pinapagamit ko? But it smells more comfortable, that's a check, hindi ko sila sisitahin.
Umusog pa akong muli at may nakapa akong yakapan. Isinubsob ko ang mukha ko roon at sininghot, but this pillow smells better than the bed! Idinantay ko ang paa ko rito at nagsumiksik pa bago inamoy ito.
Is the pillow warm and moving?
"Enjoying my chest? Hmm? Nangunot ang noo ko sa narinig, pero hindi ako nagsalita.
I'm still sleepy! My bed just smells so damn good and a hoarse manly voice is laughing. I think I'm also dreaming.
Idinikit ko ang ilong ko at mas inamoy pa ito.
"I never knew you loved my smell, Ms. Secretary..." I heard a chuckle. Secretary? What? Secretary...
Napamulagat ako at kaagad na nanlaki ang mata. Tinitigan ko ang yakap ko. It's not a pillow! Instead, it's hard and... and well-sculptured! It's a chest!
Isang matinis na tili ang lumabas sa labi ko bago itinulak ang nasa harapan ko.
"Oh, my god! Who are you?!" tili ko at mabilis na niyakap ang sarili. Hindi lumilingong bumaba ako ng kama at mabilis na tumayo. I am aiming to make a run out of the room pero hindi ko nagawa nang sumabit ang paa ko sa kumot.
Napaungol ako sa sakit nang bumaligtad ako at bumagsak sa sahig.
"Shit!" narinig ko ang kalampag sa may kama at ang pagkirot ng balakang ko.
"Are you okay?" parang naglaho ang pananakit ng balakang ko nang makita kung sino ang pumunta sa harapan ko. "Anong masakit sa 'yo? Saan?" Nakakunot at nag-aalalang mukha ni Iñigo ang naaninag ko.
His seriousness became clearer in front of me, kunot ang noo niya habang sinasakop ang mukha ko para tingnan ang palibot nito. Napakurap ako, bumaba ang tingin ko sa katawan niya at napasinghap ako nang mapagtantong wala siyang pang-itaas.
I lowered my gaze and he's just wearing... boxers. I gulped. My eyes widened when he chuckled, umangat ang tingin ko sa mukha niya.
"Anything wrong, Thallia?" he asked me pero nakaangat ang sulok ng kanyang labi.
"Huh?"
"You seemed to like the view," he said with a lopsided smile. I will be lying if I tell myself he's not hypnotizing.
"View?" naguguluhan kong sabi. Tumaas naman ang kilay niya at bumaba ang tingin niya sa katawan niya. "H-hoy! Hindi, a! How dare you accuse me of fantasizing about your body?!" sikmat ko at mabilis na hinawi ko ang kamay niya sa pisngi ko.
Mabilis akong tumayo pero napaupo lang ulit sa lapag dahil sa puwersa ng pagkirot ng baywang ko.
"Tss! Hindi naman pala kaya," masama akong tumingin kay Iñigo na naka-squat sa harapan ko. Inilingan niya lang ako at hindi na ako nakapag-react nang bigla niya akong pangkuin at ipinaupo sa gilid ng kama niya.
"Does your hip hurt?" tanong niya bago sumilip sa mukha ko. Napaatras naman ako dahil sa muntik nang tumama sa ilong ko ang labi niya.
"No, ayos lang," sagot ko bago tumikhim. "By the way, anong oras na?" pag-iiba ko sa topic.
"Seven," he answered. Ang lapit pa rin ng mukha niya sa akin kaya nangunot ang noo ko.
"We're late, Attorney. Hindi ka pa ba mag-aayos?"
"I can fix myself right away," sagot naman niya bago naupo sa tabi ko. Hinawi ko naman ang aking buhok at pilit na winawala sa utak ko ang nangyaring pagyakap kanina. The last thing I remember last night was that I slept on the couch! Paano nangyaring napunta ako sa kama?
"Sleepwalking," he said as if he heard my thoughts. Sleepwalking? Bakit? Hindi ako naglalakad kapag tulog!
"I'm not sleepwalking!" sagot ko naman. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri.
"I saw you walking, tumabi ka na lang bigla..." aniya at nang lingunin ko siya ay nag-iwas siya ng tingin. "What are you doing here at my house?"
"Hinatid kita. You're drunk dead, Attorney," sagot ko naman. I saw him nod, lumingon siyang muli sa akin at nakitang kong bumaba ang tingin niya sa dibdib ko.
Tumingin ako roon at napagtantong suot ko ang shirt niya, at wala akong bra and my peaks are in the view.
Napatitig siya roon at napangisi lang ako. Boys. Always tempted.
Sinuklay ko pa ang buhok ko at halos mangunot ang noo niya nang hawiin ko ito paalis sa balikat ko. My breast is almost noticeable and I almost laugh at the seriousness of his face. I'm not new to this; I go to parties without wearing a bra. It looks funny in a dress sometimes and I like it bare.
"You're..." Napatigil siya bago napasinghap at bumaling sa akin. The playfulness of his voice earlier faded, seryoso siya ngayon at mukhang inis.
"Wearing your shirt?" pagpapatuloy ko. "Sorry, hindi ko naman ine-expect na mapupunta ako rito so wala akong dala. Sorry, I raided your closet to—"
"Why are you not wearing any undergarments?" pagputol niya sa akin.
"What?" I am shocked. "Kailangan ba 'yon kapag natutulog?"
Sumimangot siya.
"You should at least wear it kapag nasa bahay ka ng ibang tao!" sikmat niya. "And where the hell is your bra last night? Paano kapag pumasok bigla ang mga kapatid ko rito?!"
"Hindi naman siguro 'yon papasok dito and why would I have a bra kung wala naman akong suot kagabi?" halos hindi na maipinta ang mukha niya pagkatapos. Namumula na rin ang pisngi niya habang masamang nakatingin sa akin.
I laughed and touched his hair. "Wala namang papasok dito, Attorney, 'di ba? And besides, hindi ako mahilig magsuot niyan," tumaas ang sulok ng labi ko nang walang pasubaling tumayo.
I'm fully aware that my undies were showing when I stood up. Nakaipit pa ata roon ang bahagi ng shirt niyang suot ko kaya lumingon muna ako sa kanya na matiim na nakatitig sa pang-upo ko. I laughed silently before tugging the shirt out of undies and smoothing it.
Parang nasa runway ako na naglalakad paalis sa harapan niya at nang masara ko ang pinto ay narinig ko ang mariin niyang pagmumura.
Mabilis kong hinanap ang bag ko sa sala ng unit niya nang marinig kong nag-ring ang phone ko. I answered it right away when I saw Attorney Velga's name on screen.
"Hello, Attorney?" mahinang sagot ko.
"Where are you, Thallia?" tanong niya sa akin. "I visited you earlier this morning with Vaugh pero wala ka, nasaan ka?"
"With a friend," sagot ko naman bago nag-ikot sa sala. I saw a large portrait in the middle of the house. It's their family.
The Sandejas'. A middle-aged man is wearing a black tux, gwapo ito sa kabila ng kaseryosohan ng mukha at diretsong tindig. Beside him is a beautiful lady wearing a yellow dress, I bet this is his mother, maamo ang mukha nito at maliwanag ang ngiti sa litrato.
Sa likod naman ng sofa ng mga magulang ay nakatayo ang tatlong lalaking anak ng pamilya. Zeijan Ruais is wearing his cocky smile at parang naghahamon ng away ang mata nito, Dash Rakiel is sporting a small smile it wasn't that obvious and by the looks of it, good boy na good boy ang dating. Napatingin ako sa isang gilid at may kung anong kumalabog sa dibdib ko nang makita ang seryosong mukha ni Iñigo Rafael sa larawan.
His stare is nonchalant, cold, and unreadable. He's the exact replica of his Dad. Wala man lang bakas ng ngiti sa mukha niya at deretso ang tingin niya sa camera. As if he's staring at me now.
Pumunta ang tingin ko sa gitna nilang mga lalaki at nangunot ang noo ko nang makita ang isang dalaga sa gitna ng magkakapatid. She's beautiful and smiling sweetly at the camera, too.
Who is she? Kapatid nila? Then why didn't I see her?
"How about the plan? May nagawa ka na ba? A source told me that he saw you with Sandejas last night." I sighed and nodded.
"Yes," sagot ko. I was annoyed because he's been meddling too much with my life. And who's his source? "I'm doing just fine, Tito. I will know the password soon. Just trust me," dugtong ko pa.
"Okay, I'm just checking. Remember your Dad's trial."
Tinatamad na sumagot ako. "Yes, Tito. I will get into Sandejas' files and get everything about my father."
Pinatay ko kaagad ang tawag pagkatapos pero binalikan kong muli ang mukha ng babae sa larawan.
I started looking at the frames and there, I saw again the girl habang nakaakbay roon si Iñigo at nakangiti silang dalawa. The picture was taken at an amusement park. Who is she?
Bata pa silang pareho rito.
Iñigo looks so happy in the picture! Parang may kung anong sumuntok sa tiyan ko.
Meron ding picture ang dalagang iyon na nag-iisa lang sa sala kaya inabot ko 'yon at pinakatitigan. The girl is beautiful, magaan ang features niya sa mukha. Mahaba ang pilik-mata, malamlam ang mata, mapula ang labi at matangos ang ilong.
She is gorgeous. Napabuntonghininga ako. Is this his girlfriend?
"She's my princess," napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Napahawak ako sa dibdib ko at napalingon.
"Iñigo!" I exclaimed.
Tumingin siya sa frame na hawak ko pabalik sa akin. "She's Zidney," he said.
His princess? Zidney? Bumagsak ang balikat ko.
"She's my sister," bigla akong napatingin sa kanya sa gulat.
May kapatid pa silang tatlo?!
"Sister?" He nodded. "Then why don't I see her? Kayo lang nina Sir Dash ang madalas kong makita."
"Because she's gone," Napaawang ang labi ko sa gulat. I suddenly felt bad for asking. Bigla akong nainis sa sarili dahil sa pinagsasabi ko kanina.
"S-Sorry," paumanhin ko at nag-decide na 'di na magsasalita tungkol doon.
"It's fine," ngiti niya at napatingin ako sa balikat ko nang may ipatong siya roon.
"Robe?"
"Wear it, woman. Hindi ako natutuwang palaboy-laboy ka sa bahay ko na halos walang suot," pagsusungit niya bago ako talikuran. "Come on, lalamig na ang pagkain."
The breakfast is great, lalo na at siya ang nagluto. Hindi ko nga alam kung anong mas yummy: 'yong bacon o 'yong pandesal na anim?
May time pa nga na gusto ko siyang tanungin tungkol sa workout niya at kung bakit pumipintog na ang muscles niya pero tinamaan naman ako ng hiya at tuwa dahil may live show ako sa umaga.
"Thallia, what happened last night?"
Natigil ako sa pagsimsim ng kape sa tanong niya. "Huh?" Napakurap ako. "Wala naman. Bakit?"
Tumitig naman siya sa akin bago napangiti at tumango-tango. "You sure?"
Tumango ako at sinubo ang bacon.
"Ah, it just feels weird," aniya bago sumimsim sa kape at tinitigan ako.
Nang-aakit na naman ang asul niyang mata! Diyos ko!
"W-Weird?" ngumuya pa akong muli.
"Yeah, I had a dream," panimula niya. "I dreamt of you, kissing me..."
At nabuga ko bigla ang kinakain ko. Inuubo ako na tumakbo sa lababo para maghilamos. Nanlalaki ang mata ko at mabilis ang paghinga.
"Ayos ka lang?" narinig kong tanong niya mula sa likuran ko.
"Oo! Ano, kumain ka na! I'm full!" hindi lumilingon kong sabi at mabilis na tumakbo sa kwarto para magmura at sabunutan ang sarili ko.
Mabilis akong naligo bago nagpaalam sa kanyang uuwi muna para makapaghanda pagpasok. I wore my dress again last night at sinusuklay ko pa ang buhok ko palabas ng kwarto.
"Sir!" I called him bago lumapit sa kanya sa teresa.
"Yes, do it right away," sabi niya sa katawagan kaya nanahimik ako at nakinig. "Do whatever you like, I don't like someone messing with my work," matalim niyang sabi bago lumingon at nagkasalubong ang mata namin. I saw his eyes widen when he saw me at mabilis na bumulong sa kausap bago ito ibinulsa.
"Kanina ka pa?" tanong niya at pinasadahan ng kamay ang buhok. He's wearing his polo na bukas ang tatlong butones.
"Medyo," sagot ko naman at ngumiti. "Sino 'yon?" I asked him out of curiosity.
"Just some client, hindi kasi makapag-antay," iling niya bago bumuntonghininga at lumapit sa akin. "Would you like to pick my necktie?" tanong niya at napangiti naman ako.
"Sure!"
Sabay kaming pumasok sa walk-in closet niya at kinuha ko ang necktie na babagay sa suot niya. I also chose what suit he should wear today na parang napakadali sa aking gawin.
Tumungo siya nang abutin ko ang leeg niya at inayos ang butones niya. I fixed his tie at nakita ko siyang nakatitig sa damit ko.
"What?" I asked him habang tinatali ang tie.
"Is that the dress you're wearing last night?" tanong niya.
"Hmm," tango ko naman at nang maayos ang necktie ay pinasadahan ko iyon ng palad. Nakakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin at sa damit ko.
"What?" tanong ko.
"You're wearing this dress without a bra?" Nagsalubong ang kilay niya. Tumango naman ako at ipinakita sa kanya ang likod ko.
"Boss, kapag nagsuot ako ng bra makikita ang strap diyan sa likod. Nope, yikes," sikmat ko at nanigas nang maramdaman ko ang palad niya sa likod ko.
His hand gently stroked my back paakyat sa leeg ko. It sent shivers all over my spine, my heartbeat spiked, the butterflies fluttered on my stomach.
"At least wear more comfortable clothes, I guess," mahina at walang determinasyong sabi niya bago ilagay ang buhok ko sa likod para matabunan ito.
Usually, I don't like it when boys comment on whatever I am wearing... but Iñigo? Parang siya 'yong tipong kung 'di nasa bahay ay nakamukmok lang sa trabaho kaya sobrang conservative sa buhay.
I made a face.
"I'm fine, I'm comfortable with my clothes and my skin," I told him.
He sighed and nodded. "Alright, I'm sorry. Baka nilalamig ka lang,"
"Oh?" Natawa na ako at napaiwas siya, namumula ang mukha, mukhang nahiya din.
He placed his suit on my back at sapilitang ipinasuot sa akin kahit ayaw ko kasi ang baduy na sa outfit at umaga na!
I refused his offer when he asked to accompany me going home, pero hindi naman siya nagpatinag. It's like he wouldn't accept 'no' as an answer when it comes to taking me home kaya wala na akong nasabi.
"Salamat, Attorney." Ngiti ko pagkalabas ng sasakyan niya.
"Welcome, change your clothes quickly, ayt? Aantayin kita rito," sabi naman niya habang nakasilip sa akin.
"Huh? H'wag na, Sir! Matagal ako magbihis!" pagtataboy ko sa kanya.
"I know," he smirked. "Kaya bibilisan mo kasi nag-aantay ako."
"Pero—"
"Just get inside, Miss Raymundo. You have twenty-five minutes to get back here," tumingin siya sa relo.
"Ano? H'wag na sabi, Sir! Kaya ko naman—"
"Twelve, thirteen, fourteen—" he started counting kaya nanlaki ang mata ko.
"Oo na!" I hissed at wala nang poise na tumakbo paloob, naiirita nang marinig ang tawa niya.
Good thing, the elevator was invented kaya mabilis akong nakarating sa unit ko. I quickly input my password, pero naramdamang may sumagi sa paa kaya napabaling ako roon. It's a red box, with my name on top of it. Kaagad ko 'yong dinampot at tinitigan.
Saan galing 'to?
Ipinasok ko ito sa loob ng unit ko at kaagad na nagbihis. I had difficulty choosing what dress to wear and it's crazy! Si Iñigo lang naman iyon! Ano ba?!
After almost fifteen minutes ay nakakuha na ako ng damit at dagli kong sinuot. Pasulyap-sulyap pa ako sa orasan at mabilisan ko ring inayos ang manipis na makeup.
Naglalakad na ako palabas habang sinusuot ang sandals ko nang mahuli na naman ng mata ko ang box na iniwan sa tapat ng pintuan ko. Inayos ko ang sarili ko at sinuklay ng daliri ang buhok bago nagtungo palapit doon. Inalog ko muna 'yon bago hinanap ang pangalan ng sender pero wala naman.
Who sent this?
Gusto ko sanang mamaya na tingnan ang laman nito but something is urging me to open it. Binuksan ko ang kahon at kaagad kong nakita ang isang nakatuping bagay. I took it and unfolded it at halos manginig ako sa nakita.
It's my picture and there's a red mark on my face. I shuddered at nanginig ang tuhod ko. Napaupo ako bigla sa sahig at kaagad kong nakita ang pagtilapon ng isang papel.
Kahit na nanginginig at natatakot ay mabilis kong kinuha iyon at pilit na binasa sa kabila ng nanlalabo kong mata.
I know your secret. Watch out.
I was terrified. Nanginig ang kamay ko sa takot at sunod-sunod na bumalik ang mga alaala na pilit kong kinakalimutan.
Tumulo ang luha ko at mabilis na tumakbo at lumabas ng unit ko. I'm crying while pressing the button. Sobra ang pagkabog ng dibdib ko at nang makababa ay mabilis akong tumakbo sa parking.
My heart is thumping hard and fast. Lingon ako nang lingon sa likod ko para malaman kung may nakasunod. Parang sasabog ang puso ko sa kaba at takot habang tumatakbo palapit sa lalaking nakasandal sa kotse niya habang may kausap.
Natigil siya nang makita ako at kaagad na ibinaba ang phone niya.
"Thallia? Why?" He stiffened, his expression alarmed.
Hindi ko na siya nasagot at mabilis na yumakap sa kanya.
"I-Iñigo..." I sobbed and hugged him.
"Thallia? What—"
"H-help me," napasinghap siya sa sinabi ko at mabilis akong hinawakan, ang mata niya'y napuno ng pag-aalala.
"What happened? Are you hurt?" Hindi ako sumagot at mas napahagulgol ng iyak. He tensed up at nang hindi ako bumitiw sa kanya ay mabilis siyang yumakap pabalik habang hinahaplos ang buhok ko.
"Sshh, what happened? It's alright, baby..." nang-aalong bulong niya at niyakap ang baywang ko habang bumubulong ng pagtahan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co