Tempting The Heiress (Published Under LIB)
Kabanata 6
Kabanata 6
I'VE done things. Terrible things. Things I could never imagine. I'm a child for convenience. My Mom was impregnated by a married businessman, Ethan Castuares, my Dad. It was just one night pero ako ang naging bunga noon. I still remember what my Mom told me when she was still alive.
My Mom, Cynthia Raymundo, tried everything to raise me alone. Then, she met him. I was only six months old when she met a man, her best friend's husband, Eduardo Paige.
Of course, Eduardo Paige has the fame, the money, and everything my Mom wanted in someone and she became envious of her friend's family.
Because of another accident, a night full of lust resulted in another child, my younger sister, Allison. Or maybe, that's what I was raised to believe. I heard from the investigation lately that my mother had manipulated that night.
Eduardo was a victim.
Ewan, siguro, a part of me still believed mom wouldn't do that but I guess I didn't know her that much. I guess I didn't see her that way or refused to.
Back then, hindi alam ng Mommy ko na buntis siya kaya lumayo muna siya pansamantala, but the moment she realized she was pregnant, she was devastated.
She thought about the money, how she could raise us, my sister and me. My Mom worked hard, two jobs at a time. Kahit anong raket pinasok niya but because she came from a rich family, she gave up that instant.
Tinaboy ng pamilya niya si Mommy noon nang malaman nila na nabuntis siya sa akin, that's why she's living alone and made many devious schemes. The moment my sister was born, she sent her to an orphanage dahil hindi niya kayang buhayin, just like that.
She raised me alone but when she found out that her best friend was sick ay kung ano-ano na ang pumasok sa utak niya. She began thinking of ways to get Eduardo Paige, to have his money and wealth—she used me. She faked all the documents, DNA samples, and all para mapaniwala ang pamilyang iyon na ako nga ang anak.
We came into the picture and destroyed a happy family.
Because of my existence, a family was wrecked. Wala rin naman akong alam dati, buong akala ko ay tunay na ama ko noon si Eduardo na siyang halos kinalakhan ko na. He's a good father, he took care of me but when I found out that he wasn't my real father, doon ako labis na nasaktan at nagalit.
I thought alam niya pero pakana pala ng Mommy ko ang lahat. I really would like to be mad at my mother but I can't. She's the only family I have and I promised her I would do my best to help her, and I did.
I wanted to please my Mom so she will never leave me, natatakot ako dahil wala na akong pamilya, hindi ko alam kung nasaan ang kapatid ko, walang pakialam ang ama ko. I don't know where I stand in her life anymore, so I please her in every way I can, kahit maging kriminal pa ako.
Eduardo Paige has a daughter from her late wife, Natalie Paige, and my Mom and I did everything to ruin her life. We paid someone to try and kill her, we hired a car to hit her. I even tried flirting with her fiancé. I may also have done terrible things to her if I hadn't stopped at the right time. We stole her father's attention for money that my Mom and I are craving.
Déjà vu but like the antagonists in every story, we failed.
My life failed. I lost everything that time when they found out about what we did. My mom was jailed, she lost her mind and killed herself. I was left alone.
Karma siguro. Karma sa lahat ng mga kademonyohan ko.
They sent me away. Unfortunately, they let me live, the thing they shouldn't have done.
What's the purpose of living, anyway? Gayong wala na akong pamilya? They left me here! Alone! Devastated!
That's when I met Attorney Velgas, my real father's friend. Ipinahanap ako sa kanya ng tunay kong ama. I found out na wala na pala itong asawa at wala ring anak.
I am the only child he had, so he looked for me. We're casual, nagtatrabaho ako sa kompanya niya noon na walang iniisip na kapalit. I just want to have a family by my side, kaya kahit malamig ang trato sa akin ng ama ko ay masaya ako.
I thought everything was going smoothly but I was wrong. My father was arrested one day for embezzling the company's money. Malaki ang halaga nito at mahirap pagtakpan. My father wasn't clearing his name at all. He just told me to do everything to get the evidence for his crime para makalaya siya and as a daughter who lacks love, I agreed.
Again, I made a decision: I will stop changing myself. I promised not to do any shit again, but here I am trying to steal something like before, again.
I've done terrible things, I almost killed someone... Karma's a bitch, and maybe this is my karma—striking back, saying hi to my face.
I know I deserved it.
Kung ito ang oras para singilin ako sa lahat ng mga maling bagay na nagawa ko? Tatanggapin ko.
"Can you think of someone na p'wedeng gumawa nito?" marahang tanong sa akin ni Iñigo habang nakaupo sa tabi ko at nakasilip sa mukha ko.
I shook my head and lowered my face. Nanginginig ang kamay ko sa kaba.
"N-No one..." mahinang sagot ko at pumikit. I really wanted to say yes, maraming p'wedeng paghinalaan na magbibigay sa akin ng ganito.
It's probably one of my father's enemies, na sa akin gumaganti. I really want to tell him but once I do, I will never get it back at masisira lahat ng plano ko.
"Hey, it's alright..." Napamulat ako bigla nang may mainit na palad na humawak sa kamay ko. I stared at Iñigo's hand, gently caressing mine. Making me feel his warmth.
"The security is checking on it, calm down..." malumanay niyang bulong bago hawakan ang baywang ko palapit sa katawan niya. He put his hand on my arm at pinasandig ako sa kanya.
I sighed at muling ipinikit ko ang mata.
Damn you, Iñigo. How can you possibly shake my heart with every small deed? How can you make me lose my senses? How can you ease the scary feeling inside?
"Sir, nandito na po ang CCTV..." Sabay kaming nag-angat ng tingin sa guard na nasa harapan.
"Alright..." ani Iñigo at inalalayan akong patayo. Sabay kaming naglakad palapit sa monitor habang nire-rewind naman ng isang guard ang video.
It was an empty hallway at first but three seconds had passed ay nagbukas ang elevator at niluwa nito ang isang lalaking nakaitim. He was walking casually at nang tumapat siya sa unit ko ay inilapag niya ang kulay pulang kahon.
He then looked up at the camera like he knew it was there and nodded. My breath hitched at humigpit naman ang hawak ni Iñigo sa baywang ko.
"There," the guard paused the video, 'yong taong nag-angat ng ulo ang naglagay ng kahon.
We can't clearly see his face dahil sa naka-cap ito na kulay itim na nagtatago sa mata nito at madilim na parte ang nakuha ng CCTV.
"Fuck," napalingon ako nang magmura si Iñigo, kunot na kunot ang noo niya at nakatiim ang panga. He looks like he's pissed.
"Zoom the video," sabi niya at ginawa naman nito ang sinabi. Nangunot ang noo ko nang matitigan ang kitang bahagi ng mukha ng lalaki.
May malaki itong marka sa may panga na hindi ko makuha kung ano. Is it a scar? I don't know. Hindi ko makuha. Tiningnan din namin ang CCTV sa parking pero mukhang alam nito ang pasikot-sikot dahil iniwasan nito ang camera. What we saw was that he rode in a black motorbike and left.
"Thallia, oh my, ayos ka lang?!" Sa biglang pagbukas ng pintuan ay pumasok mula roon si Mary Jane na magulo pa ang buhok na animo'y galing sa pagtakbo. Napalingon ako kay Iñigo at sa nakita kong mensahe sa mata niya ay sinabi niyang tinawagan niya ito.
"Oh, my god! Ayos ka lang?!" biglang nasa harapan ko na si Mary Jane at hinihila ako palayo kay Iñigo na hindi man lang nagsalita.
He just raised his phone to show me bago tumalikod at may tawagan.
"Yeah," mahinang sagot ko naman bago ako paupuin sa upuan.
"May naisip ka ba na p'wedeng gumawa nito?" Nilingon ko siya nang magtanong siya. I nodded.
"Probably one of my dad's enemies..." mahinang bulong ko naman sa kanya.
"What? Nalaman nila na rito ka na nakatira?"
I nodded and sighed.
"Probably..." I answered. "Maybe I should change my place again." Sumulyap ako kay Iñigo na kausap ang mga guard.
I saw how he frowned at napakamot siya ng kilay bago tumalikod at may kinausap sa telepono.
"Change your place? Sa tingin mo ba ay hindi ka nila mahahanap? Maiisip din nila 'yan kaya susundan ka pa rin nila..." sagot niya sa akin.
"Then, what should I do? Hindi pa ako tapos sa plano ko, ni wala pa ngang nangyayari..."
"Wala? E ano 'yang nakikita ko? Si Attorney pa talaga ang tumawag sa akin dito para masamahan kita..." humagikhik siya. "Ano? Bakit kayo nandito? Saan ka natulog kagabi?" sita niya sa akin.
"Sa bahay," maang kong sabi pero kinurot niya lang ako.
"Bahay? H'wag ka nga, Thallia! Kunwari ka pa, nawala ka nga sa party kagabi!" natutuwang bulong niya sa akin. "O, ano, Thallia? Saan? Isinuko mo na ba ang Bataan?"
Napairap ako sa kanya.
This woman is so unserious.
"I should find another place to live, maganda sana kung malayo but hindi p'wede, kailangan ko lang ng kasama o hindi kaya ay mahigpit na security," sabi ko at hinawakan ang nakakuyom kong kamay.
This is frightening and scary. I never thought I would feel this kind of thing. Ganito siguro ang pakiramdam ni Natalie noon.
It was terrible now that I experienced it firsthand.
I was terrible.
Bakit ganito akong tao?
Naipikit ko ang mata ko at napabuntonghininga.
"Why don't you live with me?" suhestyon ni Mary Jane. Napamulat naman ako at ngumiwi sa kanya.
"No way, not again!" simangot ko. Humagalpak naman siya ng tawa.
I still remember when we used to live together. Nakitira ako sa condo niya para may makasama pero sa loob ng dalawang linggo ay napuno na ng kahalayan ang utak ko.
Magkasama kasi sila ng boyfriend niya sa condo at kung ano-anong kahalayan ang pinaggagawa nila. Halos langgamin na nga ako sa katamisan nila at palagi akong puyat sa ingay nila!
"Sige na, don't worry, we'll reduce the noise."
Sumimangot ako lalo. "No, thanks!" I answered.
"Let's go," napalingon ako nang may magsalita. Nakita ko ang seryosong mukha ni Iñigo habang nakatingin sa akin.
"Sir?" tanong ko.
"Let's go to work, let the guards do their job," malamig niyang sabi. Wala akong makitang emosyon sa mata niya.
Gone is the Iñigo earlier, para na siya muling striktong abogado na nakilala ko noong simula. Malamig, walang emosyon at kunot ang noo.
"Halika na," biglang turan ni Mary Jane na mukhang gulat din at hinawakan ang braso ko patayo. Iñigo turned his back on us and started walking.
Hanggang mapunta kami sa elevator ay wala pa rin itong imik. Nakatingin ako sa repleksyon niya sa elevator at nang magsalubong ang mata namin ay tumiim lang ang panga niya. Nangunot ang noo ko.
Anong ginawa ko? Hindi kaya may problema sa opisina?
Pagkalabas namin ay kaagad na nagsalita si Mary Jane. "Sir, sa kotse ko na lang po kami sasakay ni Thallia."
Tumigil sa paglalakad si Iñigo at nilingon kami. Kunot pa rin ang noo niya.
"You sure?" baling niya kay Mary Jane at nang tumango ito ay nilingon niya ako. He stared intently at me at napakurap lang ako sa intensidad ng tingin niya. "You'll go with her?"
Hindi pa ako makapaniwala nang tanungin niya ako at kung hindi pa tumabingi nang bahagya ang ulo niya ay hindi ako makakasagot.
"Yes, Sir..." tango ko naman. He licked his lips before nodding at umayos siya ng tindig. He loosened up his tie bago nagpamulsa at sumulyap sa akin.
"Take care," aniya bago tumango at talikuran kami.
The whole drive to the office ay nagdadaldal si Jane, hindi naman ako makasabay dahil sa iniisip ko ang nangyari ngayong araw. The threat, Iñigo and his mood swings, the kiss, last night.
Naunahan pa kami sa opisina ni Iñigo at deretso siya sa kanyang opisina. Bulong-bulungan na naman sa elevator kung gaano siya ka-hot at kasungit ngayong araw. Napapangiwi ako sa bawat hagikhikan at sikuhan ng mga babae sa harapan ko.
"And that jaw? Gravity! Ma-angle! Sarap sukatin!" hagikhik ng babae.
"Sobra! Tapos 'yong mata? Jeskelerd, nakakalunod! Sarap lumangoy!" sabat naman ng isa.
E, kung lunurin ko kaya kayo?
"Ang swerte naman ng secretary ni Attorney!" I know right? "Ano kayang itsura? Ilang months pa lang? Sana tayo na lang para napagnanasaan natin ang biceps ni—"
That was a random train of thought. Tumikhim ako.
"Excuse me," matalim kong sabi sa kanila, napalingon naman sila sa akin. "Kung kalandian lang naman ang pag-uusapan n'yo diyan, can you please shut your mouth?"
Napasimangot sila.
"E, ano naman sa 'yo?" segunda ng isa at umayos ako ng tayo bago humalukipkip.
"Your annoying loud voices is getting into my nerves, as you see, tahimik ang lahat pero manhid kayo. Everyone's having peace in here pero 'yong mga bibig n'yo walang preno," kumunot ang noo ko nang magtawanan ang dalawa sa harapan ko.
"Thallia, hayaan mo na," siko sa akin ni Mary Jane.
"Then, ano naman sa 'yo? Inggit ka lang siguro, bakit hindi ka na lang makisali?" hindi ako nagsalita.
"Uh, baka naman isa ka rin sa naghahangad kay Attorney? Sorry ka na lang pero kagaya ka lang namin, you wouldn't have the chance to have him like us kaya manahimik ka na lang."
Napatawa ako sa sinabi nila at hinawi ang buhok ko.
"Oh, really?" tawa ko bago napairap. "You don't even know me," tumaas ang sulok ng labi ko at siya ring pagbukas ng elevator.
Nawala ang ngisi ko nang makita ang taong nasa tapat ng elevator. The ladies become quiet. Wala na ring gumagawa ng ingay sa loob nito.
On the other side was Attorney Sandejas, standing boredly in front of the elevator door. Nakapamulsa siya habang nag-aantay at nang makita ako ay mukhang nagulat siya.
Akala ko ba dumeretso na 'to sa opisina?
The awkward silence was so loud when he entered. Kaagad siyang pumunta sa pwesto ko, hindi naman ako nakapagsalita at si Mary Jane naman ay ngisi lang ang ginagawa. Sumara ang elevator na walang imikan. The two girls are glaring at me pero kikinang ang mata kapag napapasulyap sa tabi ko.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at biglang nasamid ng makitang nakatingin din sa akin si Iñigo.
"Why?" tumikhim ako.
"Can you," biglang sabi niya at iniangat ang kanyang necktie, napatingin naman ako sa damit niya na bukas na naman ang tatlong butones at wala nang suot na necktie.
"Hinubad mo?" tanong ko at tumango naman siya. Napasinghap ang dalawa at napatawa si Mary Jane.
Inabot ko ang necktie sa kamay niya bago ngumiti nang matamis pa sa asukal. "Sure, Iñigo, mamaya..." bago ako humarap sa dalawa at umirap.
Kakaiba talaga ang mood swings nitong si Attorney, kanina ay napakasungit tapos ngayon ay medyo babait dahil sa magpapaayos ng necktie. Naunang lumabas si Mary Jane nang magbukas ang elevator, kasunod ako na nakataas-noong naglakad. Sa likod ko naman ay si Iñigo na kaagad na tumabi sa akin.
"Ayos ka lang?" tanong ko habang naglalakad kami sa opisina.
"Hmm, why?" sagot naman niya sa akin.
"Kasi paiba-iba ang mood mo," sabi ko naman. "Kanina Sir, ang bait mo tapos sumungit tapos biglang medyo okay na..."
"Really?" maang niyang sabi. Tumango naman ako kaagad at sumulyap muna siya sa akin saglit, nabakas ko ang kakaibang ekspresyon niya bago bumalik sa dati.
Pagkarating namin sa opisina niya ay kaagad niyang inilapag ang gamit sa lamesa bago ako lapitan. Walang salitang tumungo siya at inayos ko naman kaagad ang necktie niya.
"There," pinasadahan ko ng kamay ang damit niya bago ngumiti.
"Salamat kanina, Sir..." Napatitig naman sa akin si Iñigo.
The intensity of his gaze made my knees weak, hindi ako nakagalaw nang hawakan niya ang pisngi ko at hinawi ang buhok ko roon bago nilagay sa likod ng tainga ko.
"It's fine," aniya. Gusto kong hilahin pabalik sa pisngi ko ang kamay niya nang tanggalin niya ito. Tumango naman ako bago tumalikod pero bigla niya akong tinawag kaya lumingon ako.
"Bakit, Sir?" tanong ko.
"Uh, nothing..." iling niya bago tumikhim. Nagtatakang tumalikod naman ako at nang makalabas ay dumeretso ako sa upuan ko at napahawak sa dibdib ko.
Calm down, heart. Hindi ito ang usapan, 'di ba?
The whole day, Iñigo was quiet and serious. Madalang lang siyang magsalita ngayong araw at nagpatimpla lang siya ng kape at hindi na muling nagpatawag ng tulong. He's usually like this kapag may bagong kaso siyang pinag-aaralan so I assume na gano'n nga ang nangyayari.
Time passed like a blur. Nakanganga lang ako buong araw pagkatapos kong ayusin ang mga papeles na kailangan niya. I'm also done with the presentations. Hindi niya ako pinapatawag sa opisina niya para sa tulong.
Mary Jane was the first one to go out of our office, inaya niya akong sa unit muna nila tumuloy puro napagdesisyunan kong uuwi na lamang ako sa unit ko.
Seven-thirty na pero nasa loob pa rin ng opisina si Iñigo. What's taking him so long? Sa tagal ko rito ay madalas siyang mauna pauwi sa amin at ngayon lang nangyaring nasa loob pa rin siya ng opisina niya.
Napabuntonghininga ako at tumayo. Inayos ko ang palda ko at hinawi ang buhok ko bago naglakad sa opisina niya. Sisilip lang ako. Kumatok ako pero walang sumagot kaya napagdesisyunan kong buksan ito at sumilip. I saw him on his desk at medyo madilim ang opisina kaya binuksan ko ang ilaw.
Lumapit ako at nagulat nang makitang naka-ubob pala siya sa lamesa at natutulog. Napangiti ako at marahang lumapit doon.
Kaya pala hindi ka lumalabas, huh? May kung anong masayang pakiramdam ang lumukob sa dibdib ko. Nag-squat ako para masilip ang mukha niya. Nakalaglag na naman ang buhok niya sa kanyang noo at nakaawang ang kanyang labi.
It's my second time seeing him asleep and I admit, I love this cute sight of him.
Iniangat ko ang kamay ko at inabot ang buhok niya. I caressed his hair at napabitiw ako bigla nang biglang magmulat ang mata niya.
Natigalgal ako at natigilan naman siya.
"Thallia?" tawag niya. "What are you doing?" dagling nag-iwas ako ng tingin.
"I, uhh... May dumi lang kasi..." sagot ko at mabilis na tumayo kahit nangalay ang paa ko. Mabilis din siyang umayos ng upo at napahikab. He's cute. Napangiti ako.
"What time is it?"
Napatingin ako sa relo ko bago sumagot. "Seven thirty-five..."
"What? May tao pa ba sa labas?"
Umiling ako habang pinagmamasdan siyang pinapasadahan ng kamay ang buhok pabalik sa ayos.
"How about you? Bakit hindi ka pa umuuwi? Gabi na," sabi naman niya bago tumayo.
"I just waited for you, nakatulog ka pala kaya pinuntahan kita and now, ano, aalis na ako..." naiilang kong sabi bago binasa ang labi ko.
"Sige, Sir, uuna na ako..." Paalam ko bago nagmamadaling tumalikod. Naglakad ako palapit sa pintuan pero hindi ko pa man napipihit ang seradura ay tinawag niya ako.
"Wait for me," aniya. Napalingon ako at nakita ko siyang tinatanggal ang coat niya at kinukuha ang gamit niya.
"Po?" tanong ko.
"Sabay na tayo," sagot niya. Napamaang ako sa sinabi niya at hindi na ako nakapagsalita nang buksan niya ang pintuan at hinawakan ang palapulsuhan ko palabas.
"Paanong sabay? Iba po ang daan ko pauwi..." sagot ko naman pero mukhang hindi niya ako pinapakinggan at kinuha ang bag ko sa desk ko at hindi ako binitiwan.
He pressed the elevator and that's when he spoke. "Ihahatid kita."
"Huh? Kaya ko naman, Sir..."
Baka nagi-guilty siya kasi nag-antay ako?
"Iñigo," he corrected. "Tapos na ang office hours."
Napatango ako.
"Okay," naguguluhan kong sabi. Nang makarating kami sa ground floor ay pinagtitinginan kami. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa wrist ko pero hindi niya iyon ginawa at tiningnan lang ako nang masama kaya tumigil ako.
"No one's in the office, p'wede nang ipalinis at i-lock," sabi niya sa guard at doon ako nakakuha ng pagkakataon para kunin ang kamay ko mula sa kanya. The pace of my heart is annoyingly fast kaya hindi ako mapakali sa hawak niya.
Napatingin siya sa akin nang makuha ko ang kamay ko at nangunot ang noo niya pero hindi siya nagsalita. Naglakad siya palabas kaya sumunod ako.
"Iñigo, ako na lang uuwi mag-isa, 'yong bag ko..." lumapit ako sa kanya at inilahad ang kamay ko.
He stopped walking and stared at me before shaking his head. "No, I'll take you home..."
"Huh? Kaya ko naman, 'tsaka—"
"I'll take you home, okay?" he said with finality at hindi na ako nakaimik nang patunugin niya ang sasakyan at pagbuksan ako ng pintuan.
"Sure ka? Hindi ka ba gagabihin?" tanong ko. Sumimangot siya at nagseryoso ang mukha niya at sa takot na masungitan ay mabilis na akong pumasok sa loob.
The whole ride was in silence, hindi naman ako makapagsalita at makapagtanong dahil sa hiya at medyo pagkailang. Nag-iisip pa rin ako kung bakit niya ako gustong ihatid.
Mabuti na lang at walang traffic kaya nakarating kami kaagad sa building ko. Agad ko namang kinuha ang bag ko.
I stared at him. "Iñigo, uhm, salamat sa paghatid." I cleared my throat.
My breath hitched when he stared back at me, ang ilaw mula sa parking ay tumatagos sa kotse, nagbibigay ng kislap sa kulay-asul niyang mga mata.
"Take care of yourself," biglang sabi niya. Nakagat ko ang labi, nagpipigil ng ngiti bago tumango.
"Okay, Sir. Noted!" sagot ko sa kanya. His lips twitched at marahan siyang tumango at napasinghap ako nang biglang lumapit ang mukha niya sa akin.
Nanlaki ang mata ko nang halos magdikit ang ilong namin sa lapit niya. I can smell his minty scent, halos marinig ko na rin ang malakas na kabog sa dibdib ko.
"Thallia," he whispered. I swallowed hard when I saw him staring at my lips. Umangat ang mata niya sa mata ko pabalik sa labi ko.
Naglumikot ang tiyan ko at umawang ang labi ko. I suddenly have the urge to pull his neck so I can kiss him hard like last night pero isang tunog ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
"Your seatbelt," lumayo siya sa akin habang may tagong ngiti sa labi. Nag-init naman ang pisngi ko kaya mabilis akong nag-iwas at nakagat ang labi.
"Uh, salamat..." mabilis akong lumabas sa kotse niya at halos mapasigaw na ako sa sobrang pagkapahiya.
Damn, Thallia! You want to kiss your target?! Huh? Anong nangyari sa prinsipyo mo? Pero bakit kasi kailangang malapit ang mukha? Gano'n ba kapag nagtatanggal ng seatbelt? It's not!
Nawala ang pagkainis ko sa sarili nang makarinig ako ng kaluskos. Natigil ako sa paglalakad at kumabog sa kaba ang puso ko. The thought of being alone again scares me. Paano kapag nasa unit ko at nag-aabang ang lalaki kanina? Sa pagtigil ko sa paglalakad ay nawala ang tunog ng hakbang. Inilibot ko ang paningin ko at lumunok.
This part of the parking lot is dark. Bakit ngayon pa nakapatay ang ilaw rito?
Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin kaya lumingon ako at inilibot ko ang paningin ko. My heart is thumping wild and fast kaya binilisan ko ang lakad. Sa bawat hakbang ko ay may nakasunod sa akin.
Nangilid ang luha ko at humahataw na sa pagkabog ang puso ko. Nakarinig ako ng kalampag kaya nagulat ako at tumakbo sa elevator. Nagmamadaling pinindot ko ang elevator. Paulit-ulit dahil naririnig ko na ang papalapit na hakbang
"Come on, faster..." mariing bulong ko at nang magbukas ay mabilis akong pumasok. Nanlaki ang mata ko nang makakita ng anino sa may hindi kalayuan, papunta sa puwesto ko.
I pressed close pero malapit na siya ay hindi pa rin sumasara kaya tumulo ang luha ko sa kaba. Nanlaki ang mata ko nang takbuhin nito ang elevator at napaatras. His scary eyes were staring straight at me.
I was readying myself to shout pero bago pa man niya maabot ang pinto ay nagsara na.
Nanginig ako at nakuyom ang kamay. I searched for my phone, patuloy na sa pagtulo ang luha. I know he's taking the stairs!
Sa bawat paglapit ng floor ko ay siya ring pagkabog nang malakas ng dibdib ko. Nanlalabo ang mata ko sa mga luha at tinawagan ang kung sino mang maabutan ng kamay ko.
"Hello?" narinig ko ang baritonong boses nito ay nag-umalpas na ang luha ko.
"I-Iñigo, h-help me..." nanginginig kong sabi at nabitiwan ko ang phone ko nang tumunog ang elevator sa floor ko.
Mabilis kong dinampot ang nalaglag kong phone at tinakbo palabas ang elevator. Inilibot ko ang paningin sa tahimik na pasilyo. Mabilis kong pinindot ang passcode ko pero dahil sa panginginig ng kamay ko ay nagkamali ako.
"Shit," sa bawat pagpindot ko ng numero ay naririnig ko ang hakbang sa hagdan.
Mabilis akong pumasok at napaupo sa lapag habang umiiyak. Every passing minute felt like an hour. Narinig ko ang papalapit na hakbang at mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Sinubukan kong abutin pasara ang pinto pero hindi ko magawa dahil sa paglambot ng tuhod ko.
My body is shaking, my hands are trembling at gano'n na lang ang pagtigil ng hininga ko nang makita ang lalaking nagbukas ng pinto.
The man I've been wanting to see is right in front of the door with his disheveled hair and panicking deep blue eyes. His lips were slightly parted and when he saw me, he ran towards my direction before kneeling and cupping my cheeks.
"Are you alright?" nang hawakan nito ang pisngi ko ay napahagulgol ako ng iyak.
"I-Iñigo..." I sobbed at mabilis na niyakap ang leeg niya. Narinig ko naman ang malalim niyang paghinga bago niya hinawakan ang baywang ko at hinila ako paupo sa hita niya.
"Sshh, Thallia, wala na siya..." sumubsob ako sa leeg niya at umiyak. I was clutching his shirt at nakayakap naman siya sa baywang ko habang hinahaplos ang buhok ko.
He whispered something and kissing my hair, pinapakalma ako.
"H-he's here," bulong ko, pumiyok ang boses ko at humigpit ang hawak niya sa baywang ko at pinirmi ako sa kanyang hita.
"Hush now, okay?" bulong niya bago humiwalay sa akin. He touched my cheek and dried my tears.
"Pack your things," natigilan ako sa turan niya. "You'll live with me..." aniya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co