Truyen3h.Co

The Broken Vow

Kabanata 6

heartlessnostalgia

Kabanata 6

"Wala naman, papa-check-up lang kami ng baby ko." Ma-drama akong humawak sa tiyan ko at napatawa nang mahulog na siya ng tuluyan sa swivel.

Never pa akong nakatawa ulit ng ganito kalakas, nakita ko kung paano pa mauntog ang noo niya sa lamesa niya pagkahulog niya.

"W-what..." nakita ko ang pagkurap niya kaya ngumuso na ako, pinipigilan ang tawa para lumabas dahil mukha akong tanga na tatawa-tawa gayong nahulog na nga ang tao.

"Ayos ka lang?" tanong ko, tumayo pa habang hawak ang tiyan ko, sinisilip siua pero nanlalaki lang ang mata niya habang sumusulyap sa tiyan ko.

"You're...you're pregnant?" tanong niyang muli, parang hindi naniniwala kaya tinaasan ko na ng kilay.

"Aba, oo naman, Doc." I smiled, "sa tingin mo ba papasok ako sa clinic mo na hindi sure? Nawalan ako ng mens kaya feeling ko talaga, malakas ang loob ko na may laman na ito."

Napasigaw naman ako sa gulat nang nagkukumahog siyang tumayo mula sa lapag, hinatak ang swivel niya bago naupo at inabot ang calendar sa gilid ng table niya.

"When was the last time you had your menstruation?" he asked, nakatitig at naglilipat ng buwan pero mas naisip lang ako kaya marahan akong naupo.

"Ah, don't worry, Doc. Hindi naman sa 'yo, 'to." Sabat ko at nakita kong natigilan siya, naiwan sa ere ang kamay niyang papalipat na ng calendar at biglaan akong nilingon kaya ngumiwi ako.

"Kalma lang, Doc. Grabe 'yong paglingon ng ulo mo, ah? Baka mastiff-neck ka—"

"What do you mean by that?" aniyang seryoso pa kaya nawala ang ngiti ko.

"Mean by what?"

"I'm...I'm not the father?" he asked, his forehead creased. Nakita ko ang pagsasalubong ng kilay niya at mukha siyang iritado kaya kumurap-kumurap ako.

"Huh?" tanong ko, "galit ka ba?"

"Anong hindi ako?" pumirmi ang labi niya, "anong ibig mong sabihin?"

"What?" my brow raised, "you were thinking na ikaw? Why? Akala mo ba ikaw lang—"

"Philomena!" his voice roared kaya napaayos na ako ng upo.

"What?" I asked innocently.

"I am the father," he told me at napatitig ako sa kanya at biglang napahagalpak ng tawa at umiling-iling, tawang-tawa pa pero matapos ang ilang segundo kong tawa ro'n ay seryoso pa rin ang mga mata niya, madiin ang titig niya kaya suminghap na ako at napatikhim.

"Seryosong-seryoso, ah?"

"Do I look like I'm joking around?" his jaw clenched kaya hinawi-hawi ko ang buhok at umiling.

"Naku naman, Doc Samaniego, you don't expect me to go around brokenhearted because of you, correct? Like I said, we had a great experience way back in America kaya ti-nry ko sa iba."

"Philomena..." he called me seriously.

"Dean Angelo," I started off.

Nagtagisan kami ng titig na dalawa, palaban ako kaya hindi ako nag-iwas at mayamaya'y napasinghap na lang siya at mariing ipinikit ang mga mata at ilang saglit lang ay unti-unting iminulat ang mata.

My heart pounded loudly when I saw that intense jet black eyes staring at me again.

"Who's the father?" he asked me seriously.

"Si..." napaisip ako, "si Jonathan, ang Hari ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro." I answered with a cute smile.

"Tang ina..." he gritted his teeth after cursing at kinilabutan ata ako dahil ang hot ng tunog ng pagmumura kapag galing sa kanya.

"Hoy, don't curse too much. That's bad." I said to distract myself from praising him.

"Is that your boyfriend?" malamig niyang tanong pero ramdam ko ang kung anong disgusto roon.

Gigil na gigil, Doc?

"Hmm..." napaisip ako at humawak pa sa chin. "Hindi, eh." I smiled.

He stood quickly from his swivel, slamming the table, nagulat ako roon at napakurap-kurap sa kanya.

"Who the fuck was that, then, Philomena?" diin niya habang mariing nakatitig kaya nagkibit-balikat ako.

"Fling ko lang, Doc." I answered and his red lips parted, tumiim ang panga niya at napahawak sa sentido niya, mariing napapapikit.

"You..." he cursed under his breath, hindi matuloy-tuloy ang sinasabi. "You still weren't sure you're pregnant, right?"

Tinitigan ko siya at nakita kong seryosong-seryoso kaya natatawa na talaga ako pero pinirmi ko ang labi at sumulyap sa calender.

"My menstruation's delayed, Doc. What do you think that is kaya, ano?" I asked with a smile and he sighed, bumaling sa pintuan at nagsalita.

"PT..." he breathe and pointed me a bit. "You have to fucking take a PT."

"Ay, need pa ba? Diretso na ultrasound—"

"Belle, ang PT!" he exclaimed.

"Hindi na need, Doc." Kulang na lang ay mapabughalit ako ng tawa sa sinasabi ko. "Gusto ko ultrasound agad, gusto ko na marinig kung visible na heartbeat ng baby ko—"

"Belinda, ang pregnancy test!" sigaw niya ng malakas, halos lumabas na ang litid sa leeg kaya napatalon ako.

Biglang sumabog ang pintuan at may babaeng pumasok, nanlalaki ang mata.

"Doc?!" she gasped.

"Give her a pregnancy test," walang preno niyang sabi at tinuro ako.

"Okay, Doc, may nagpapa-schedule pala ng appointment mamaya after lunch—"

"She'll be my last patient," aniyang salubong na ang kilay.

"Po? Aalis po ba kayo—"

"I said give her the fucking PT!" halos mamula na siya sa lakas ng sabi at nakita ko ang panlalaki ng mata ng babae at biglang tumakbo kung saan kaya napatawa na ako.

"Kalma lang, Doc. Ako lang 'to." I said but he glared at me.

"Tayo, babae." He commanded.

"Huh?"

"Tumayo!" he hissed kaya bigla akong napatayo at inayos ang bangs ko.

"Okay, ayan na. Kalma!" tawa ko, "ayan na, nakatayo na? Tapos?"

"Go inside." He pointed a bathroom somewhere on his office kaya naglakad ako roon habang nag-aayos ng damit na suot. Sumunod na rin siya at dumating ang babae na may inaabot sa aking dalawang box ng PT.

"Miss, ito na."

"Salamat—"

"Ilan 'yan?" dungaw ng bagnot na si Angelo sa akin.

"Dalawa, Doc."

"Give her five." He commanded kaya nanlaki ang mata namin no'ng babae.

"Hoy? OA, ah? Okay na 'tong dalawa!" I exclaimed and he glared at me and glanced at the lady.

"Belinda, bigyan mo siya ng limang PT." Malamig niyang utos at nang mawala ang babae ay pinalo ko na ang braso niya.

"Napaka-overreacting mo naman, Doc!" I hissed.

"Go inside," he opened the bathroom and pushed me, pumasok naman ako pero nagulat ako nang pumasok din siya kaya nanlaki ang mata ko.

"Hoy, b-bakit ka sasama?!" I gasped at mas lumalim lang ang gatla sa kanyang noo roon.

"I'll check with you—"

"Hoy, gagong 'to...I'll pee on this, right? W-why do you have to—"

"As if I haven't seen you naked, Philomena?" malamyang sagot niya kaya nag-init ang pisngi ko at hinarap siya.

Suminghap ako sa gulat nang magtama ang katawan namin sa biglaang pagpihit ko sa kanya pero umirap lang ako sa kanya.

"Uso ang privacy, ano, Doc?"

"There's no privacy in here, Philomena." Irita niyang sagot, "not as long I see the results—"

"Labas, Samaniego." I pointed the door and he smirked, throwing me a mocking look.

"No." Mariing sagot niya.

"Isa, labas." Utos ko, matalim siyang tinitigan but instead of surrendering and going out, nakipagtitigan din siya sa akin pabalik.

He took a step forward and my heart hammered loudly as I took a step back away from him. We stared at each other, throwing dark and sharp glares. Every time he'll take a step forward, I'll take a step back from him.

Isang atras ko pa ay natanto kong nasa pader na ako ng banyo, kumuyom ang kamay kong may hawak ng PT nang tumama na ang buong likod ko sa malamig na tiles ng banyo.

He took another step and we're much closer from each other, I felt his breath touched my nose, isang angat ko lang ng ulo ay nasalubong ko na ang mata niya.

"Too bad." He smirked. "There's no taking a step away from me anymore, babe."

"Asshole..." I said in a small voice.

"Sadly, I am." He said and licked his lower lip, he raised his hand, his palm touched the tile at the side of my head.

As he towered me, I realized how tall he is to cage me like this.

I silently complimented his face while we're this close, I haven't seen him for months but he still has this charisma around him. He has this undeniable sex appeal you could literally kneel in front of him in instant.

"You really learned how to play with boys now, eh?" he said in a baritone, low voice.

"S'yempre, ano..." I smiled sweetly at him, sinasalubong ng walang takot ang kanyang mata. "I learned from the expert...you."

"Philomena..." he called, moistening his reddish lips. "Can't we talk about this?"

"For what pa?" I asked, raising my hand to touch his nape and I saw how hard it is for him to gulp while staring at my lips and my eyes.

"You made me sleepless for months now. You should take responsibility for this. Akin ka, Philomena." Aniyang seryoso kaya natawa ako, mas hinaplos ang kanyang batok.

"Uh-hmm, kailan pa?" I asked, "I was never yours, Doc."

"That night you gave yourself to me, you're mine." He pointed out, his hand found its way to my waist, pumirmi iyon doon, marahang pumipisil kaya natatawang sinuklay ko ang buhok niya sa may likod.

"Nah, I own myself, Doc. Hindi ikaw." I licked my lower lip sensually and I saw how his distracted eyes followed it. "Atsaka, akala ko ba kakalimutan na? Bakit ngayon at ikaw na ang pa-throwback dito?"

"Philie..." his eyes followed mine again. "Let's talk about it."

"About what?" my brow raised, "and...what for? I'm already pregnant—"

"I'll take responsibility, then." Aniyang seryoso kaya nanlaki ang mata ko at mahinang natawa.

"Ayos ka lang?" hindi makapaniwalang sagot ko, "this isn't yours—"

"But you're mine, Philomena." Umigting ang panga niya, "that asshole is your fling, right? Do you think he'll take responsibility—"

"Of course, he would," I answered. "In fact, may usapan nga kaming magkikita mamaya. Sasabihin ko na sa kanya—"

Naiwan sa ere ang sasabihin ko nang basta na lang niyang ibinaba ang ulo para hulihin ang labi ko at sakupin ito. I was so stunned at his sudden moves I was frozen in my place.

He bit my lower lip, his one hand touching my jaw.

"Kiss me back, babe." He whispered and was about to kiss me again nang may narinig kaming bumagsak at sabay kaming napalingon at nakita ang secretary niya ata na gulantang sa aming dalawa roon.

"H-hala, hala, sorry, Doc!" she gasped, panicking in shock, dali-dali niyang dinampot ang nahulog na mga PT kaya mabilis kong tinulak palayo sa akin si Angelo na napaatras din.

Nagkatinginan kami peor sabay na nag-iwas at tumikhim. Nag-init ang pisngi ko at inayos ang buhok ko at nang sulyapan ko si Angelo ay sinuklay niya ng daliri ang buhok at tahimik na namulsa at naglakad palabas.

"Help her use that all," ani Angelo sa secretary na tumango sa kanya.

When he left, I was blushing so hard. Napasulyap sa akin ang secretary at ngumiti.

"Hala, Ma'am, kayo po pala ang girlfriend ni Doc." Ngisi niya kaya nanlaki ang mata ko at umiling ng marahas, inaangat pa ang kamay sa ere.

"H-hindi, ah!" I gasped, "ano...uhm, strangers kami."

She gave me a weird look and laughed, "naku, Ma'am...h'wag ka na mahiya. Dapat nga proud ka kasi si Doc 'yan, hindi ko pa ata siya nakikitang ganyan kadikit sa babae—"

"S-saan na 'yong ibang PT?" I cut her off and she gave it all to me.

I was frowning while using it all, binasa ko ang instructions para masundan ang gagawin at dahil lima iyon ay parang wala na akong mapigang ihi sa akin. Parang nag-backfire sa akin ang kalokohan ko at ito ngayo'y mukha akong dehydrated habang inaantay ang result.

"Is she done?" ani Angelo na sumilip pa sa pintuan ng banyo at tinaasan ko siya ng kilay at namaywang ang inilahad ang nakahilerang PT sa may gilid.

"Oo, feeling ko lalaki ang baby namin ni Jonathan." I said and when he cursed and almost ran towards me to check on it ay naiiling na iniwan ko siya sa loob ng banyo at pumunta sa may couch.

"Yes!" he screamed inside the bathroom at napairap ako sa hangin at humalukipkip habang inanatay siya.

Inunahan niya ang secretary niyang palabas at nanlalaki ang matang sinulyapan ako.

"Philomena! It's fucking negative!" he sounded delighted and I pouted.

"Ang saya-saya?" reklamo ko at nangingising may ginawa siya sa desk niya at lumapit sa akin, inaangat ang papel para ipakita at nanlaki ang mata ko nang makita ang nakasulat sa diagnosis kuno niya sa akin.

FUCKING NEGATIVE!

"The heck, Samaniego?!" I hissed and he grinned mischievously, dinikitan pa ng tape ang papel na 'yon at napalo ko na siya nang basta na lang niyang idikit sa noo ko iyon.

"Angelo!" I growled and took it away from my forehead at kagat-kagat niya lang ang labing ginulo ang buhok ko bago muling bumalik sa desk niya at may sinulat na naman na kung ano kaya nailing ako.

I am not sure kung matatawa ako sa kanya o maiinis o kikiligin? P'wede bang all of the above?

Nagtatakang nagpabalik-balik ng tingin ang secretary niya sa akin at kay Angelo na nakatungo desk niya at nagsusulat kaya nagkibit-balikat na ako.

"Nagutuman ang alaga ko," I told her instead kaya napatango-tango ulit siya, mukhang namamalignong napabalik ang tingin kay Angelo na mukhang kinder doon na may kung ano-anong isinusulat.

"Ngayon ko lang siyang nakitang hyper, Ma'am." She said in a small voice kaya tumango ako at humawak sa tiyan ko.

"Ganyan siya kapag nalipasan," I said and I chuckled when she left, looking weirded out with what was happening.

Si Angelo naman ay mukhang walang pakialam sa mundong umalis na ang secretary niya, noong patayo na ako sa couch ay mabilis siyang pumunta sa akin at nag-abot ng papel.

"It's a joke, you know?" I said, "It's a prank! I'm the greatest prankster, 'di ba?" ngisi ko pa pero parang wala na siyang paki na itinuro ang papel.

"I know it now. Here, take this." He said with a cheery voice, making me look at him again.

Is this Mr. Yelo o a kid?

"Ano na namang kalokohan ito, huh?" I asked, glancing at the paper.

"Reseta ko. You'll take it for healthy body." He said kaya binasa ko iyon at lumuwa lang ang mata ko sa nabasa sa reseta niya.

Rx: Kiss Angelo

Take three times a day. (or more!!!)

Umawang ang labi ko at mabilis siyang nilingon at tumaas ang sulok ng labi niya sa akin at nagsalita na.

"That's for free, you can even take one right now." Aniya, basta na lang nagnakaw ng halik sa akin kaya napatili na ako at napatakip ng bibig.

"Ikaw...Angelo Samaniego!" I exclaimed and when I saw him trying to steal more ay kumaripas na akong patakbo palabas.

I knew for a fact he would run after me kaya inikot ang tingin at nang makakita nang mga nurses ay nakisabay ako sa kanila at nang makalagpas na ay mabilis akong lumingon sa likod at nakita kong nakasimangot si Angelo at iniikot ang tingin pero naglaho na ako.

I laughed evilly noong naiwala ko siya, nakikisabay pa ako sa Nurses na nililingon na akong nagtataka kaya ngumiti ako ng matamis at kumaway.

"Hello, sorry sa pakikisabay!" I said.

"Hello po, Doktora?" ani ng isa kaya ngumiti ako at tumango.

"Bago pa lang ako rito," sagot ko na nakangiti. "First day ko 'to."

"Wow, kaya po pala bago kayo sa paningin namin!" they all smiled at me, "saang department po kayo?"

"As of now kasi sa consultation pa lang but I'm on my way to the Pedia department, nawa'y pagpalain." Ngiti ko pa.

"Oo 'yan, Dra.! For sure po ay nasa Pedia ka na soon! Tamang-tama at marami pong mga kids doon, for sure ay mag-e-enjoy po kayo."

"I'm looking forward to it, I'm Philie pala." I introduced myself and when they introduced themselves to me too ay gumaan lalo ang loob ko.

What a nice working environment. Isa ito sa hinihiling ko kapag nagtatrabaho, having good and inspiring people around your workplace helps more in working efficiently bukod pa s'yempre sa sweldo.

Kapag masaya ka sa trabaho ay palagi kang inspired na pumasok.

Luckily, nakasalubong ko ang head na nag-tour sa amin sa araw na iyon. Sinabi niyang ihahatid niya na kami sa tutuluyan namin dito sa Manila kaya nakaalis na rin kami sa ospital at hindi na ako makikita pa ni Angelo.

Nagkekwentuhan sina Ika at ang mga kasama niya sa biyahe patungo sa tutuluyan namin pero ako'y nanatili lang na nakatitig sa daan, tahimik na namamangha sa nakikita sa paligid.

Ang galing! Maganda pala sa Manila, ang daming malalaking building at mga shopping malls! Walang ganito kalaking mga establisyemento sa San Isidro, maliit lang din ang ospital namin doon at ang pinakamalaking pamilihan lang ay ang tyange sa bayan!

Kapag may free time talaga ako, mag-iikot ako rito sa mga mall at baka makahanap ako ng magagandang damit o kahit ano na p'wedeng ipasalubong sa mga magulang ko.

Dumating din kami sa building na sinasabi ng head, dala-dala ko ang maleta ko ay pumasok kami sa lugar at noong akala ko ay maliit lang sa labas ay bongga pala sa loob!

Feeling ko ay nasa isa akong sikat na hotel! May mga tao sa lobby at sa may reception, mukhang mga yayamanin.

"Your rooms would be in this floor," binigyan niya kami ng keycards. "The management decided to give you all your own rooms, simple kumpara sa mga malalaking kwarto at penthouse pero p'wede na sa inyo at magiging komportable kayo."

"Salamat po," I smiled while saying that.

"The management wanted you all to be comfortable while working here since you're one of our aces and you deserve a good treatment. We are honored to have you all! The executives, some of our professionals has their own units in the units above yours."

Nang umalis siya ay excited na nagsialisan sina Ika, they almost ran to the elevator kaya sumunod ako, hindi man nila kinakausap ay nakangiti at nang pumasok sila ay pasunod na sana ako pero mabilis akong hinarang ni Ika.

"Oppss! Next ride ka na." She smiled, sarcasm was written all over her face.

"Huh? Kasya pa naman—"

"Overload na!" one of her friends said at nabakas ko sa mukha nilang ayaw nila akong makasabay doon kaya tahimik akong tumango at saglit na umatras para maisara nila ang pinto ng elevator.

I was sad and disappointed, alright. Wala na nga akong ibang kasama rito kung hindi sila kaya I was somehow expecting we could be good friends or what pero sa ipinapakita nila ngayon ay wala na talagang pag-asa.

It's okay, Philie. You're better off alone.

"Hindi naman sila kawalan," I told myself, smiling.

"Their loss." I was frozen on my place when I heard a voice, isang hawak sa baywang ko ay nakita ko sa repleksyon sa elevator ang nasa tabi ko.

"Angelo?!" mabilis ko siyang nilingon at sumulyap siya sa akin, ang malamig na mata'y tila kinakabisado ang mukha ko.

"Don't mind them, it's their loss." He shrugged, making me frown.

"Anong ginagawa mo rito, huh?" I asked, tinanggal ko ang kamay niya sa baywang ko pero parang walang ibinalik niya lang iyon, mas ipinirmi pa.

"You think you can escape from me?" he asked, tilting his head to look at me. "Not after you scared the shit out of me, Philomena."

"It's a prank, you know?" I rolled my eyes, pinalo ulit ang kamay niya sa baywang ko. "Atsaka, wala namang tayo, 'di ba? Ano ngayon if ever na buntis nga ako sa ibang lalaki? Bakit? You taught me how casual a sex can be—"

"Philie," his eyes soften, sighing and staring at me. "I was an asshole, I know. It was a mistake on my part."

"It's a mistake, Dr. Samaniego." I pushed his hand from my waist, "we were two consenting adults and it was casual, I know. Mali ako kasi akala ko may ibig sabihin 'yon—"

"I like you, Philomena." He stopped me.

I was lying if I told myself I wasn't move by that, I was lying kapag sinabi kong 'di ako naapektuhan ng sinabi niya sa akin. Napalunok ako at napatitig siya sa akin, ang kanyang itim na mata'y malamig man kapag una mong titignan ay may kung anong itinatagong emosyon kapag nagtagal.

"I..." he sighed, brushing his hair frustratedly. "I thought I was just attracted to you and—"

"Alam ko namang maganda ako, Angelo." I smiled at him and his jaw clenched, nodding my head.

"Of course, you're beautiful, Philomena. Damn beautiful." He looks like he's doomed. "And I can't get you off my head."

"Oh?" my mouth formed an O and he nodded, gulping.

"Yes—"

"Edi magpalit ka ng ulo." I said with a smirk and when his mouth parted, saktong bumukas ang elevator kaya kekendeng-kendeng pa akong pumasok habang hila-hila ang bagahe ko.

Nang nakapasok na ako ay nakatulala lang siya sa akin at pinindot ko ang close para isara pero nakahabol siya, pinindot ang floor at kaagad akong siniksik.

"Philie..." he whined.

"Oh, bata ka ba? Naghahanap ng Mama?" reklamo ko nang siksikin niya ako hanggang sa nasa gilid na ako ng elevator.

"No...hinahanap ko si Philie ko." He sighed, nagulat ako nang isang galaw niya lang ay nasa harapan ko na siya.

His perfume reached my nose, intoxicating me. His large frame covered me as he placed his hand above my head, leaning a bit so he could watch my face.

"Don't you...don't you like me anymore?"

My heart quickened, nasa verge na na muntik ng rurupok pero mas matibay ang damdamin natin sa kahoy, I even lifted my chin up to look at him pero sa ginawa kong iyon ay nagdikit lang ang labi namin.

My eyes widened, I saw how he lowered his face more before I could even move and pressed his lips against mine.

"Philie, please..." he begged on my lips, touching my waist.

Nagwawala na ang kalandian ni Philomena sa loob-loob kaya inilayo ko ang ulo kahit bumangga na ako sa likod, hindi lang siya mahalikan.

"H-hindi mo ako madadala sa lambing mo, Mr. Yelo." I hissed. "Hindi na kita crush, infatuation lang 'yong dati."

"I thought you're my Miss Persistent?" he asked, caressing the small of my back.

"Not anymore," sagot ko. "Nanlalaki na ako ngayon, Dean Angelo. 'Di na kita crush."

"Let's talk," he said, ibinaba niya ang dalawang kamay, ipinipirmi iyon sa bakal na hawakan sa may gilid ng elevator, itinatabingi ang ulo para pagmasdan ako.

"Angelo..." I hissed.

"Pester me again," he said, "I promise I'll notice you always—"

"Ows, h'wag ako? Stone cold ka kaya, taong yelo featuring bato." I rolled my eyes and when I heard the sound from the elevator ay mabilis na akong itinulak siya at lumabas pero sumunod naman ang loko.

"Okay, okay...I'll do my best to be—uh, talkative? Look! Look! Marami na akong nasabing salita!" he exclaimed behind me while I was busy checking my room number.

"I can talk a thousand words now! You like this? I'm talkative!" sigaw pa niyang nang-eeskandalo kaya inirapan ko na siya pagkalingon ko.

"Shh! Ingay mo naman, Doc!" I hissed but he marched and placed his hand on my shoulder.

"You're louder, remembered when you moan my name?" he whispered kaya bumagsak na ang balikat ko, mariin ko siyang nilingon at ngumisi siya sa akin na mukhang inosente.

"Angelo! Bastos na 'to—h'wag kang maingay baka sabihin ng nakakarinig ang kaladkarin ko sa 'yo!" reklamo ko pero ngumuso lang ang gago.

"Gelo na lang," he said. "'Di ba, gusto mo tinatawag akong gano'n—"

I kicked his foot and he gasped, mabilis kong siniko ang tiyan niya at nang matumba na siya sa lapag ay napatili ako at dali-daling hinila ang maleta at napuntahan ang kwarto.

He was glaring at me from afar while touching his foot and I smirked, waving at him.

"Bye, Angelo!" I exclaimed while waving my hand. "Wala kang bayag!"

"You..." he ran even if he's hurt kaya mas lumakas ang tili ko at bago pa niya ako maabutan ay dali-dali kong isinara ang pinto sa kanyang mukha.

I heard him knocking on the door while I was resting on a cute couch inside my room pero hindi ko pinansin, noong nawala naman na ang ingay ay inisip kong umalis na siya kaya nakatulog din ako sa couch, nagising lang dahil nagutom noong hapon.

I changed into a simple shirt and shorts to step outside and buy some foods to eat for tonight, hindi pa kasi ako nakakapag-grocery kaya balak ko na lang na mag-take-out sana pero pagkabukas ko pa lang ay nagkagulatan kami nang magkakitaan ni Angelo.

"Philie..."

"Anong gawa mo rito?!" gulat kong sabi and he licked his lower lip, napahawak siya sa batok at nagitla ako nang may kinuha siyang nakaipit sa braso at inilahad sa akin.

"Here..." my eyes widened when I saw him handling me a bouquet of familiar baby's breath flowers.

"A-ano 'to?"

"And foods..." he lifted a paper bag, "nagluto ako sa unit ko kaya medyo natagalan."

I blinked back, kumalabog ang puso ko habang sinusulyapan ang bulaklak at ang hawak niyang paper bag, inaangat ang tingin sa kanya at mukha na naman siyang nawawalang bata roon habang inaantay ang reaksyon ko.

"I-I don't know how to court someone," he stifled a nervous chuckle and my heart thumped loudly.

"H-huh?"

Agad? Agad-agad? Patay na patay sa akin si Mr. Yelo? Talaga ba?! Oh my God! Oh my God! Liligawan niya ako—OMG! Stop!

Bigla akong kumalma nang maalalang hindi pala ako marupok. No. Nada. Nevahhhh!

"I'm an asshole, I know." He sighed, glancing at me. "B-but...can I court you, perhaps?"

Gulat na gulat ako sa naririnig sa kanya, humigpit ang hawak ko sa bulaklak at natulala saglit pero nang makita ko ang ekspresyon niyang nag-aalangan at mukhang natatakot sa nangyayari, kabaligtaran ng madalas walang pakialam na mukha niya ay ngumiti ako ng matamis.

He was shock upon seeing my sweet smile but he relaxed, napabuntonghininga siya at tumaas ang sulok ng labi.

"Can I court you?" he asked and my lips protruded.

"Aww...super sweet naman." I said in the sweetest voice, lifting my hand to touch his nape, tiptoeing so I could see him habang mas ibinababa niya ang mukha.

"Really?" he asked, smiling a bit and I moved closely, pinagbangga ko ang ilong naming dalawa at narinig ko ang mahina niyang pagsinghap at nakita ang marahas na pagbaba-taas ng adam's apple niya habang nakatitig sa akin.

"Hmm..." I hummed.

"Can I court you, then?" he asked, lowering his lips to catch mine pero mabilis akong umiwas at lumapit sa kanyang tainga at pasimpleng nagpatak ng halik doon.

"Philie..." he breathe. "Can I court you—"

"Lelang mo ligawan mo," I whispered sweetly and I felt him stiffened.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co