Chapter49
Chapter 49
Save Him
Isang araw matapos ang aksidente. Mommy Christina decided na ilipat si Sebe sa Manila. Doon mas matutukan siya.
Hindi ako nabahala doon. Sumama ako sa pribadong eroplano na pinagsakyan nang walang malay na katawan ni Sebe.
His mom and dad was there.Hindi ako masyadong kinakausap ni mommy Christina. I understand, If its not because of me wala sa ganitong sitwasyon ni Seb.
Tatanggapin ko, kasi kasalanan ko dahil hindi ako nag iisip. I let my pride eat me.
Si daddy Raymundo naman ay sinisigurado na okay lang ako. Na healthy ang pagkain ko, though he remained so serious at the same time.
Si Shawn naman ay binilin sa akin na susunod siya nang Manila. He is a brain surgeon. Sa US pa siya noon nag aral para lang doon. Kaya alam kong malaki ang maitutulong niya.
Mabilis na lumipas ang isang linggo.
Nasa St. Lukes na si Sebe kumuha ang mama niya nang isang kuwarto na kompleto.
Nasa 11th floor ’yon. Maaliwalas ,may ref ,may aircon,kumportable ang kanyang kama at sa gilid ay may malaking couch na minsan ay ako ang natutulog. Minsan ay ang mama ni Sebe.
"Anak I think you should rest." Mama tapped my back. Nasa gilid ako ni Sebe ,hawak ang kamay niya.
Hindi ako napapagod na bantayan siya. Gabi gabi akong umiiyak. Natatakot ako na baka hindi na siya magising. Natatakot akong posibleng magka amnesia siya.
Umiling ako.
Kakatapos ko lang kumain. Halos hindi na din ako dito lumalabas.
"Okay lang ako dito Ma. Hindi ko siyang puwedeng iwan.." Mahina na sabi ko.
’Nong unang araw namin dito ay agad pumunta ang mga pinsan niya. I saw the angry and fear in their eyes. Wala sa kanila ang pumansin sa akin.
Kung sa pag iwan ko kay Sebe ay mapapatawad pa nila ako. Pero ngayon,sa sitwasyon ni Sebe ay hindi na nila ako pinansin.
Nalaman ko din na sinamahan pala ni Radleigh si Sebe sa Iloilo para kunin ako.
"Anak.. "
Mama called and hugged me from the back.
"Wag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo ha? May anak ka sa sinapupunan mo. "
I nodded without looking at her.
"Kumakain naman ako ma. Umiinom ako nang vitamins."
"Alam kong pagsubok lang ito anak. Marami kaming nagmamahal sayo. "
Mom's hugged comforted me.
Dumaan pa ang isang araw na halos lutang ako. Minsan nangangalay ang aking katawan. Minsan sumasakit, pero wala akong sinabihan ni isa sa kanila. Ayokong mabahala sila at hindi ako makakabantay kay Sebe.
Pagpasok ko sa kuwarto ni Seb ay agad kong nakita ang mama niya na umiiyak sa kanyang tabi.
Napakurap kurap ako.
Tulad ko alam kong nasasaktan din siya lalo na ang anak niya ang nasa ganyang kalagayan.
Araw araw akong nagsisisi. Nagiging matigas ako. Oo,nasaktan ako,nagalit at nasuklam. Gusto kong magsisi siya sa ginawa niya. But not in this fucking way. Hindi sa ganito. Sobra sobra na ito.
"Mommy.."
Agad niya akong tiningala at nakita ko ang sunod sunod na bagsak nang kanyang luha.Nangilid ang aking luha.Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya halos tumagos iyon.
Sa mga nag daan na araw ay naging malamig siya sa akin. Pero hindi nila ako pinapapabayaan.Hindi ko na nakaya at tuluyan ko na siyang nayakap.
"M-Mommy...I-I'm so.. so sorry.." Humagolhol ako na parang bata.
Ngayon lang ako nawala sa emosyon ko. Kung noon ay kaya kong takpan nang kalamigan ang lahat na reaksyon ko. Ngayon hindi ko na kaya. Sobrang sakit na.
Ang makita na bumasag ang katawan ni Sebe,pumayat ,maputla at malalim ang mata ay parang ako ang pinapatay.
Kung hindi lang dahil sa baby namin ay baka tuluyan ko nang pabayaan ang sarili ko.
She hugged me tok.
Binalot ang buong kwarto nang hagulhol naming dalawa.
"I-It's not your fault.."Niyakap ko siya ng mahigpit.
Nanginig ang boses niya. Tinitigan niya ako.
"Mahirap kalabanin ang tadhana... " She held my hand.
"Please hija forgive my son.Alam kong nagkamali siya at nagpadala siya. Ako na ang humihingi nang tawad hija.." She cried.
Hearing her pain right nowmakes my system broke. Nabilib ako sa oras na ito. Kung ang ibang ina ay siguro hindi ako mapapatawad sa nangyari .
But her....she even apologized kahit na hindi kailangan.
"Napatawad ko na po siya mommy. Kahit na lumayo ako mahal na mahal ko po siya." Pinunasan ko ang aking luha.
Tumingin siya sa kanyang anak.
"I saw my son played so many girls before hija. Kahit na sobrang seryoso niya nakita ko pa rin na papalit palit siya nang babae noon. Until...." She looked at me.
"Until he found you.Kahit na naengaged siya kay Eli noon na hindi niya naman ginusto. He fought for you. Tinalikuran niya lahat para sayo.He even went in New York para magsimula ulit nang sarili niya. Doon palang, alam ko na mahal na mahal ka ni Sebastian, Natalia.".
She caressed my hand.
"So now, fight for him.. Kaya mo yan.. For the baby too.."
Gumaan ang loob ko sa pag uusap na iyon. Umalis ang mama ni Sebastian para kumuha nang ibang gamit at pagkain panghapunan..
Pinupunasan ko nang wet wipes ang mukha ni Sebe nang biglang sumakit ang aking tiyan. Its unbearable.
"Ack~" I inhaled and exhaled. Nagiging routine ko na kung biglang sumakit ang aking tiyan.
After a seconds, sobrang namawis na ako agad kahit na medyo nawala na ang sakit
Ang balakang ko naman ang nangalay.
I wiped my wet forehead nang biglang may kumatok sa pinto at bumukas iyon.
Napatayo ako nang makita kung sino iyon.
"What are you doing here?!" Diin na sabi ko at nilapitan siya.
The face of this bitch!
"Natalia... I'm here to apologize---"..
I cut her by my precious palm.
Sinampal ko agad siya nang bumangon sa akin ang galit. Because of her I hated Sebastian so much. Because of her nandito kami sa ganitong sitwasyon na sana ay masaya kung hindi niya hinalikan si Sebe.
Her lips parted and she cried.Agad bumakat ang aking kamay sa kanyang maputing mukha.
"Get out of --here!" Nanginig ako nang biglang sumakit na naman ang aking tiyan.
Umiiyak siya at tinignan si Sebe.Umiling siya agad at yumuko.
"It's all my fault. Please patawarin niyo ko.."
Bumuhos ang aking luha dahil sa galit..
"It's too late Claire. Just , please leave.. " matapang na sinabi ko. Pilit tinago ang nararamdamang sakit.
"No, gusto kong malaman mo na walang kasalanan si Sebe. I force him! I am the first who kissed him!"She tried to explain.
"Dahil akala ko mamahalin niya ako.."
"Kahit na ano pang paliwanag mo. Hindi na mababago--".
"I know! But my conscience eating me!" She shrieked.
I looked at her coldy..Maybe hahayaan ko siyang ngumawa sa ngayon.
"Natalia, I saw him suffered while you're gone. He even cursed me! He hate me so much. "
Mas lalo akong nakuha sa sinabi niya. Mas lalo kong sinisisi ang aking sarili.
I looked away and gasped.
"You're forgive---Oouch!". Napangiwi ako at hinawakan ang aking tiyan..
"Wh-What happened"? Claire asked worriedy at lumapit sa akin.
Umiling ako pero mas napayuko at napaawang ang aking labi habang sapo ang aking tiyan na sobrang kirot.
"Ahhhgh!" I screamed breathlessly agad dumalo sa akin si Claire..
"Oh..my God! You're bleeding!" She panicked.
"Help! Nurse!" Nahulog pa ang bag niya pero wala na siyang pake doon.
Napayuko ako sa sahig at nakitang madaming dugo ang nandoon sa sahig.
Oh god? Ngayon na ba ako manganganak? Ngayon na hindi makikita ni Sebe? Sobrang sakit na aking nararamdaman sa aking tiyan. Walang kasing sakit. Ngayon lang ako nakadama nang ganito ka sakit.
Tuluyan na akong bumagsak sa sahig habang akay ako ni Claire..Pumasok ang isang doktor at si Shawn ,kasunod ang dalawang nurse.
"S-Shes bleeding! Manganganak na siya!" Claire panicked she looked so pale.
Pero bago ako mailabas ay nadinig namin ang pag ingay nang life machine ni Sebe.
Napamura si Shawn.
"Nurse, take her in DR. Call Dra. Roselle immediately." Sabi ni Shawn sa ibang nurse.
"W-Wait, I'll call tita Christine." Sabi ni Claire na hindi alam ang uunahin kong si Sebe ba na nag aagaw buhay or ako namagsisilang nang bagong buhay.
"Shawn." I called shawn painly. Trying to shade the pain. "Please do a-anything.." I cried.
He nodded and caressed my face.
"I will.. Please be safe. I will save him for you."
Habang papalayo ay nadinig ko ang ingay nang mga pinsan ni Sebe at nadinig ko ang boses ni mama at Kylie.
Nanlamig ang aking pakiramdam at unti unting nawala ang sakit na nadarama at nagdilim ang aking paningin.
Huli kong narinig ang pag taranta nang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co