Chapter 10
Grey's POV
"Snack?"
My eyes glanced in the direction of the sandwich Louis placed on the counter. I looked back at the papers in front of me before shaking my head, "No, thank you, I'm good." I replied before flipping the pages.
From my peripheral vision, I saw Louis lean on the counter while looking at the papers in my hand. "Busy?" he asked shortly.
I slowly nod, eyes focused on the papers. Not even bothering to utter a word in response.
"What's that?" I felt his chest pressed against my shoulders, which immediately caught my attention, "It's... for a patient. I'm looking at his lab results and health history to see if there is a chance his condition might be hereditary." I explained.
His lips parted, gave me a nod before peeking at the papers. "Wala ka pang diagnosis?" he asked, and I slowly shook my head.
"As of now, wala pa, I'm hoping to give him a diagnosis as soon as possible," I replied, and he nodded before reaching for the other papers on the counter.
"I can help you," he smiled at me.
A small smile grew on my lips before I slowly shook my head and reached for the papers from his hand, "It's fine, I can do this. Besides, I know you're busy too." I replied, and he immediately pulled away the paper.
"No, I'll help you, okay? Libre naman ako right now, mamaya pa ako magiging busy, so let me help you, mhmm?" he smiled, gave me a nod before going inside the counter to sit down on one of the chairs and looking through the papers.
A few minutes passed, and Louis told me to come and sit with him at the counter. I said I was fine standing, but he insisted and even got me a swivel chair beside him. Gladly, there were not many kids who came into the ER, so we were able to finish looking through the papers before lunch.
I was disappointed that I was not able to immediately make a diagnosis. It took me another night and a day before I finally figured out the kid's condition after a few more tests.
"Why don't you look happy? You finally figured out the kid's case!" Louis tried to cheer me up while we were walking through the hallway after both attending a surgery.
I chuckled while removing my surgical scrubs, "The kid seems to like me a lot, and so was I, it was just sad that his case is not part of my specialty. So I referred him to another pedia." I replied, and Louis slowly nodded.
"Louis," he hummed, "I've been thinking," I faced him, "What if... mag-aral ulit ako? You know... wala akong... specialty. When I finished my residency in pediatrics and got my license, tumigil na ako sa pag-aaral. Pero ngayon kasi... naisip ko na... maganda siguro kung nag specialized ako." tanong ko rito.
Natigilan ito sa paglalakad kaya naman napatigil din ako. Ilang segundo ako nitong pinagmasdan bago bahagyang napatawa, "Sigurado ka? How old are you, Grey? Kakayanin mo pa ba? — Don't get me wrong, alam kong kaya mo, pero... aren't you planning to get married?" he asked and my lips parted.
"H-Ha? Anong connect ng pag–aaral ko ulit sa pagpapakasal?" Taka kong tanong na ikinatawa niya.
"Ever since I met you in med school, madalang kitang makita na nagsasaya, nag pa-party o... may ibang ginagawa. Lagi ka lang nag-aaral noon. You didn't even tried to date someone. It's not too late to enjoy life, Grey. Have some fun naman." he replied.
I sealed my lips, looked to the side, before pouting.
"Pero, it's up to you. Ang sa akin lang, if you're gonna ask me about my opinion, tama na ang kaka-aral. Sige ka, kapag nag-aral ka ulit, limited nalang ang oras mo dito sa ospital. Madalang ka nalang makikisalamuha sa mga bata kasi puro libro nanaman ang kaharap mo." Biro nito na ikinatawa namin parehas.
"Fine, you got me there." I surrendered, which made him burst out laughing.
I got back home around 10 PM, cooked myself dinner, ate, showered, and finally got to sleep around 11:30 in the evening.
I woke up like a dying vegetable the next day. I still have 2 hours before my shift, I played a few matches of my game on my computer while having oatmeal for breakfast. After an hour, I showered, got dressed, and prepared my bag before driving off to work.
There's a little headache accompanying me throughout my whole round in the ward. Before I check on my other patients, I took a quick stop at my clinic and popped a tablet of paracetamol before doing rounds for another few hours.
By the afternoon, I attended a vaccination drive for kids at the nearby basketball court. It was so hot that I had to change my shirt for few times during the vaccination drive.
"Ang gwapo mo naman hijo," Napa-angat ako ng tingin sa lolang kasama ng batang lalaki na binabakunahan ko.
Nahihiya akong ngumiti, "Salamat po," ani ko habang inaayos ang hiringgilyang ipinanturok ko.
"Ang swerte siguro ng asawa mo, 'no? At ang ga-gwapo at ang ga-ganda siguro ng mga anak mo." ani nito na bahagya kong ikinatawa.
"Wala nga po, eh." Natatawa kong turan at napasinghap ang lola.
"Ay, bakit naman? Ang gwapo-gwapo mo pa naman." tanong nito, hindi ko alam ang isasagot ko dito lalo pa at alam ko namang hindi niya matatanggap ang totoong dahilan kung bakit wala akong asawa't mga anak.
Bakla po ako, lola.
"Busy po sa trabaho," Pagdadahilan ko bago tinulungan ang apo nito na makababa ng kama.
Tumango ang lola, "Pero hijo, ito'y payong matanda lang, ha?" ani nito at bahagya akong sumandal sa pader para humarap kay lola.
"Mag-asawa ka rin, sayang naman. Masaya ang may katuwang sa buhay. Masaya rin ang magka-anak, yung tipong may mga batang makukulit na naglalaro sa bahay mo. Ikaw nga, doktor ka ng mga bata, eh. Impossible na ayaw mo sa mga bata. Kanina pa kita pinagmamasdan, ang lawak-lawak ng ngiti mo sa mga bata." Natatawa turan ni lola na ikinatawa ko rin nang bahagya.
"Ang akin lang... kung kaya mo namang bumuhay ng pamilya, kung... sa tingin mo ay kaya mong magkaroon ng pamilya, subukan mo. Kasi sa hinaharap... maganda na yung may katuwang ka pa rin." Makahulugang sabi ni lola.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko bago tumango, "Titingnan ko po, lola. Babalitaan po kita, invited ka po sa kasal ko, ha?" Biro ko rito at natatawang naglakad palayo ang lola at ang apo niya.
The vaccination drive finished around 6 PM, but since we had to clean up all the things we used and even the place, the sky was already dark when we were finally able to leave the court.
Ang iba sa amin ay dumiretso ng uwi habang ako itong bumalik pa ng ospital dahil 10PM pa ang tapos ng shift ko.
Pagkarating sa ospital ay naligo lang ako, nagbihis, naglinis ng clinic bago nag rounds ulit sa mga pasyente at nag-asikaso ng mga pasyente sa ER.
Kaya naman pagkarating na pagkarating ko sa condo ay halos hindi na ako umabot sa kwarto para manlang magbaba ng gamit dahil pakiramdam ko'y babagsak na ang mga tuhod ko.
I sat on the floor of my room, leaning on the edge of the bed. Too tired to stand, but too dirty to lie down on my bed.
I picked up my phone, ordered food online, and took a nap for fifteen minutes. When my alarm went off, I forced myself to stand up, shower, and change into pajamas while waiting for the food.
Kahit pagbaba ng condo ay tinatamad ako, dahil lang sa gutom ko kaya ko nagawang sumakay ng elevator pababa at pataas.
Habang kumakain ay nanonood ako ng YouTube nang biglang mag message sa akin si Louis.
From: Louis Fernandez
Bro, look at this
Louis sent a link
From: Louis Fernandez
Funny amp! HAHAHAH
I had to watch the video first before knowing what he's talking about. I laughed throughout the whole video since it's full of dogs and their sassy attitudes.
From: Louis Fernandez
Parang ikaw 'yan minsan HAHAHAH
I rolled my eyes after reading his next message. I placed down my fork before typing a reply with both my hands.
To: Louis Fernandez
Gago
From: Louis Fernandez
HAHAHAHAH
I didn't bother sending him another reply, I just reacted with an emoji to his message before switching back to YouTube. Not even a minute after, my phone buzzed, and I saw a notification on top from Cairo's message,
From: Cairo Asaiah
Tingnan mo!!
Cairo sent a video
From: Cairo Asaiah
Ang galing niya sumayaw!! Manang-mana sa tito! HAHAHA
It was Cairo's nephew dancing to music coming from a TV show. A smile grew on my lips while watching the 31-second video of his nephew.
From: Cairo Asaiah
Cute niya, grabe! Kaninang tanghali 'yan, ipinakita sa akin ni Athena, sinend ko lang sayo, hehe
To: Cairo Asaiah
Ang cute nga niya, reminds me of you in college
From: Cairo Asaiah
Hoy! Grabe ka, ha! Sinasabi mo ba na mukha akong batang sumasayaw noong college!??
Napahagalpak ako ng tawa nang mabasa ang reply nito.
To: Cairo Asaiah
That's not what I mean,,, ang sinasabi ko, may future sa pagsasayaw yung pamangkin mo
From: Cairo Asaiah
Ahhh, akala ko naman!!
Napatawa nalang ako sa reply niya bago napa-iling at muling nanood. Hindi ko naubos ang pagkain ko kaya inilagay ko nalang ito sa ref pagkatapos ayusin ang lamesa at natulog na.
Kinabukasan ay ininit ko lang ang natirang pagkain kagabi at binaon iyon sa trabaho. Nainggit pa si Louis sa akin at nakihingi pa ng tira-tira kong pagkain. Hindi naman daw siya mmaarte sa pagkain kaya okay lang kahit tira-tira iyon.
Pare-parehas kaming busy nila Louis at Bianca ng lunch time kaya naman sabay-sabay na kaming kumain ng bandang ala una ng hapon.
Wala kaming nagustuhang pagkain sa canteen kaya naman lumabas kami ng ospital para bumili ng pagkain sa malapit na kainan.
Nagsisimula palang kaming kumain ay biglang may tumawag sa cellphone ko. Akala po pa noong una ay sa trabaho ito kaya dali-dali ko itong sinagot, pero nag makita ko ang caller ID ni Mom ay bumagsak ang balikat ko bago ito sinagot.
"Hello, Mom? Napatawag ka?" Bungad ko rito, parehas pang napa-angat ng tingin si Louis at Bianca na parehas napatikom ng bibig.
[Hello anak! Me and your dad are in the Philippines right now, he wants to have lunch with you. Free kaba bukas?] Masayang turan ni Mom.
Nagparte ang labi ko bago napatingin kay Louis at Bianca na nakatingin din sa akin at nakikinig sa tawag.
"Ahm... Mom hindi ko po kasi day-off bukas, hindi po ako pwede." sagot ko rito bago napasubo ng pagkain.
[Ay, ganun ba? Then when is your day-off para makapagpa-reserve na kami ng dad mo sa favorite restaurant mo.] tanong ni Mom at napatikom ako ng bibig.
"Uh... sa Sunday pa po." sagot ko at nag-hum si Mom.
[Okay! It's set then! Sunday it is! See you, anak! Love you!] Nahihiya akong ngumiti lalo pa nang makitang ngumisi si Louis.
"See you, Mom, love you too." sagot ko bago pinatay ang tawag.
Agad namang humagikhik si Louis, "Grey Chua, 32, pero parang bata kung tratuhin ng nanay." Pang-aasar ito na agad kong inirapan.
"It's not my fault I have a good relationship with my mother," I said, which made Bianca laugh, teasing Louis.
"Kaya mo yun? Good relationship with his mother?" Pang-aasar nito sa isa na ikinangisi ko habang kumakain.
I just wish something comes up on Sunday. An emergency surgery, maybe? A typhoon? An earthquake? Just something I can reason out to not attend that damn lunch.
And as days go by, as Sunday becomes closer and closer, I try my best to distract myself. I try not to think about it that much since the stress in the workplace is enough for me to handle. Ayaw ko nang dagdagan pa.
"Day-off ka nga pala bukas, 'no? Magdadala sana ako ng lasagna." tanong ni Louis habang nasa ward kami.
Napabuntong hininga ako nang ma-alala na bukas rin ang family lunch na sinasabi ni mommy.
"Thank you, Louis, ha? Ipina-alala mo pa." Sarkastiko kong turan bago naglakad paalis. Narinig ko ang pagtawag ni Louis kasunod ang paghabol sa akin nito.
"Bakit? Ayaw mo ba? Diba bukas din ang lunch mo with your–"
"That's the point, ayaw kong pumunta sa lunch na yun." Putol ko rito at kumunot ang noo ni Louis.
"Akala ko ba... you have a good relationship with your mother?" tanong nito na may halong pang-aasar sa boses na bahagya kong ikinatawa.
"With my Mom, yes, but with my Dad?" I shrugged my shoulder, Louis' lips parted before slowly nodding.
"Damn... yun pala ang dahilan kung bakit ka latang-lata nitong mga nakaraang araw." Bulong nito na ikinatawa ko habang tumatango.
"Well... can I help you with anything?" he asked, which made me chuckle at his expression.
I pat him on the shoulder, "As much as I want you to kill me right now so I won't have to go on that lunch, I don't want my mother to be sad." I gave him a straight line, a forced smile, which made him burst out laughing.
"So wala akong magagawa kundi ang pumunta sa lunch na yun." Dagdag ko pa bago naglakad paalis.
Pagka-uwi ko ng condo ay agad akong naligo at nagpalit ng damit, um-order nalang ulit ako ng pagkain at naghanda ng isusuot ko bukas habang naghihintay. Nag message na sa akin si Mom at ipinakita ang isusuot niya dahil excited na raw siya, kaya naman sinubukan kong maghanap ng damit na babagay sa dress na suot niya bukas.
Maaga akong bumangon sa kama, kahit inaantok at kulang sa tulog ay nag-jogging ako sa malapit na park sa condo ko bago nag-almusal sa isang cafe.
Pagbalik ng condo ay naglinis muna ako, naglaba at nag-ayos ng condo bago nagsimulang maghanda para sa lunch.
I dried my hair first, applied some moisturizer and sunscreen on my face, before putting on a pair of jeans, pairing it with a cream, Chinese collar, long sleeve shirt, tucked inside my pants, and secured with a brown belt. I also rolled the sleeves of my shirt so it won't be too hot and opened the top button of the shirt.
It's too hot outside, which is funny because I decided to wear a long-sleeved shirt. But what's great about this is that it's thin and not too hot to wear.
I pushed my hair back, left a few strands hanging on my forehead, before putting on my Cartier, frameless glasses. I also looked through my watches and picked up my Patek Philippe and sprayed my Chanel Bleu de Chanel on my neck and wrist.
I took a last glance at my reflection before picking up my phone, keys, and wallet and head out the unit.
I arrived at the restaurant just in time. When the receptionist saw me enter the place, a waiter immediately welcomed me and escorted me to my parents' table.
I wasn't surprised when I saw them already sitting in their chairs. Dad has always valued his time and has never been late to any of his appointments.
"Andito na pala ang anak ko!" Agad tumayo si Mom mula sa bangko at sinalubong ako ng yakap.
"Look at you! You've changed a lot! The last time I saw you was 6 months ago!" she excitedly said as she pulled away from the hug.
I shyly chuckled. Nakakahiya naman, ang tanda-tanda ko na, bina-baby pa rin ako ng nanay ko.
"And wow! You dressed so nicely! Ang gwapo-gwapo talaga ng anak ko! You look exactly like your Dad!" My smile slowly fades. Mom glanced at Dad's direction, who was busy looking through his small tablet.
"Richard, batiin mo naman ang anak mo." tawag ni Mom dito,
Nang mag-angat ng ulo si Dad at bahagyang inayos ang salamin ay napalunok ako. Sinubukan kong mag-iwas ng tingin pero ang bahagyang pag-ubo palang nito ay sapat na para maagaw ulit ang atensyon ko.
"Ang init-init, naka long sleeves ka." Puna nito na ikinatawa ni mommy at maski ako ay bahagyang napangisi.
He's not rude. He's not arrogant. He's not a terrible business father, just like in the movies. He's even a very awkward person, just like me. He's also very introverted and shy, just like me. I probably got all those traits from him.
The only problem is... he doesn't know how to be a father.
Mom told me to sit while we wait for the food. Mom kept on asking and asking if I'm eating well and cooking my own food. Of course, I had to lie and tell her I'm always eating healthy and cooking my own food.
Ayaw ko namang mapagalitan dito sa restaurant, nakakahiya. Pero mas nakakahiya dahil I'm a man in my 30's and yet my mother scolds me for eating take outs and fast foods.
When the food came, I felt like a college student who just got back home from the dorm and was finally able to eat real food. The only difference is that this isn't homemade. But at least it's better than fast food and oily foods.
Mom ordered all my favorites, which is nice because I barely eat at this place. With my hectic schedule and only one day off a week, eating in a fancy restaurant barely makes it to my list.
"How's work?" My head snapped at Dad's direction when he spoke.
I swallowed the food in my mouth, "It's great, I'm enjoying it. The pay is good too." I replied, making sure I included the pay rate.
He nodded, carefully cutting the steak on his plate, "That's good, mabuti naman at maayos ang sweldo mo sa ospital." sagot niya at tumango ako.
Gosh, this Chinese man values money so much.
"Have you thought about taking over our business in the future?" he brought up, parehas kaming nagkatinginan ni mommy.
"Richard, akala ko ba hahayaan mo ang anak mong pumili ng sarili niyang career?" tanong ni Mom.
Dinampot ko ang baso at sumimsim ng tubig, "Uh, Dad... it's honestly not in my plans." I admitted.
He lifted his head, arched a brow before nodding. "Sayang naman, you're our only son, sinong magmamana ng kumpanya?" tanong niya at bumunot ako ng malalim ng buntong-hininga.
"At isa pa, are you not planning to get married? You haven't introduced anyone to use, not even once." Biglang tanong nito.
Muntikan pa akong masamid sa kinakain ko, mabuti nalang at agad akong naka-inom ng tubig.
"We need a grandkid, Grey. I need an heir who will continue our bloodline, specifically, a boy. Sayang naman kung hindi ka mag-aasawa at magkaka-anak. If you don't have someone in mind, I can set you up with–"
"It's in my plans, Dad, don't worry. Busy lang ako sa trabaho at maraming inaasikaso pero... mag-aasawa ako." Putol ko rito.
Napalingon ako kay Mom, sumasaklolo, pero alam kong kahit siya ay wala ring magagawa.
Dad nodded, "Be glad your grand-father already passed away. Kung hindi, baka matagal kana niyang ipinakasal sa iba." ani nito at napatikom ako ng bibig bago nagbaba ng tingin sa pagkain ko.
What's with these people wanting me to get married? First, Louis, second, that grandma at the vaccination drive, now, even Dad!?
I get it, he just wants to make sure that his bloodline continues. But... I don't know how to fucking do it!
Pwede bang magpakasal basta-basta?! Kung pwede lang, ginawa ko na. Pati ang pag-aanak, baka minadali ko na rin, eh. Kung kaya ko lang.
Kung... gusto ko lang.
This is the reaosn why I don't want to go to this family lunch. Alam kong dito lang ma-uuwi ang usapan.
"You're not getting any younger, Grey. You're already in your 30's. When I was in your age, you're already 8. Dapat sa edad mo na 'yan may anak kana, eh." Malumanay na turan ni Dad.
Napabuntong hininga ako bago tumango, "Yes, Dad, I'll... I'll try to get married as soon as possible. Kapag naging mas magaan na ang trabaho ko, mag-aasikaso na ako ng kasal." Hindi ko na alam ang sinasabi ko. Gusto ko nalang matapos kumain at umalis dito.
"So you already have someone? Bakit hindi mo muna siya ipakilala sa amin? Is it someone we know? Family friend? Colleague? Someone from med school? Or college?" tanong ni Dad.
Agad namilog ang mata ko at napa-angat ng tingin. Hindi ko sinasadyang lumingon kay Mom na pinanlakihan ako ng mata.
Nagbalik ako ng tingin kay Dad, "H-... Someone from college." I replied, and I saw how his brows furrowed.
"Actually we're still... testing waters. Hindi pa sigurado." Pagdadahilan ko.
I spent the next hour of my life lying and making up stories. I'm making sure Dad is convinced and satisfied with my answers, just so he will stop suggesting nonsense.
It was tiring!
Mabuti nalang at malumanay magsalita si Dad. If this is some other dads who always scream and is always mad, I would've lost my cool already. Maybe that's the compensation I got for having an absent father while I was growing up. At least he's nice, at least he's not abusive, but he's just... not there.
Inimbitahan ako ni Mom sa bahay pagkatapos kumain. Nagdahilan ako na may aasikasuhin ako sa bahay dahil nasira ang gripo ko. Ang totoo ay pagod na pagod na ako at gusto ko nalang magpahinga.
Pagdating ko ng unit ay agad akong nagpalit ng damit at nagbihis. Pagkahiga na pagkahiga ko ay bumigat na agad ang talukap ng mga mata ko at agad na nakatulog.
Gabi na at madilim ang buong kwarto nang magising ako. May bahagyang sakit at bigat akong nararamdaman sa ulo ko na agad kong niliguan sa pagbabakasakaling init lang ito ng katawan at baka mawala rin ako.
Pero hanggang sa pagluluto ko at pagkain ay masakit ito at tila ba ay hindi gumagaling. Pagkatapos kumain ay agad akong uminom ng paracetamol at natulog.
Nagising ako ng bandang alas singko, mabigat ang pakiramdam ng katawan ko at masakit pa rin ang ulo ko. Nilalamig ako pero nang hawakan ko ang noo ko ay nag-aapoy ito sa init.
Pinilit ko ang sarili kong bumangon, kahit nahihilo at muntikan nang matumba ay pumunta ako sa banyo para kunin ang thermometer.
"Shit, 38 degrees," Bulong ko nang makita ang body temperature ko.
Ibinalik ko ang thermometer sa cabinet bago bumalik ng kama at nagtalukbong ng kumot.
Inakala kong bababa pa ito at makakapasok pa ako ng trabaho. Pero nang mag alas sais na ay hindi na halos ako makagalaw sa kama.
Agad kong tinawagan si Louis para magpaalam na hindi makakapasok ng trabaho.
[I'll pick you up, magpa-admit kana dito sa ospital.] Ma-awtoridad nitong turan,
Agad akong umiling bago mas nagtago sa kumot, "No, kaya ko pa, gagaling din 'to." ani ko at bumuntong hininga ito.
[Ugh, fine, pero magsabi ka agad kung hindi mo na kaya, susunduin kita diyan.] Nag-aalala nitong turan na ikinatawa ko bago nag-hum.
Maya-maya lang ay dumating si Louis sa unit. Akala ko ay pipilitin ako nitong dalhin sa ospital dahil sa ekspresyon nitong hindi halos maipinta. Pero nagdala lang pala ito ng pagkain ko para hindi na ako magluto. Hinintay lang ako nitong maka-inom ng gamot bago agad din na umalis.
Pagdating naman ng tanghalian ay si Bianca ang nagdala ng pagkain ko. Sinamahan din ako nitong kumain at nilibang pa ako. Kaya kahit masakit ang ulo ko at ang bigat-bigat ng pakiramdam ay tawa ako nang tawa.
Natulog lang ako buong hapon. Buong araw lang akong nasa kwarto, nakahiga at natutulog.
Pagsapit ng gabi ay si Cairo naman ang nagdala ng hapunan ko. Siguro nag-usap-usap silang tatlo sa kung sino ang magdadala ng pagkain ko.
"Kaya ko namang magluto, hindi na dapat kayo nag-abala." ani ko rito nang maupo sa bangko habang pinapanood siyang ihanda ang dalang pagkain.
Napasinghal ito, "Talaga ba? Baka nga kaya ka nagkasakit dahil hindi ka kumakain nang maayos. Naka-usap ko si Louis kanina, madalang ka raw kumain nang tama sa oras. Tapos kapag kumakain ka naman daw, kakaunti, minsan sandwich lang o salad." Sermon nito na bahagya kong ikinatawa.
"Healthy naman yun, ah, salad." Nakangisi kong turan, nilingon ako ni Cairo, masama ang tingin na mas lalo kong ikinatawa.
"Hindi yun nakakatawa, Grey. Ang salad, kinakain kapag light work, kapag... ano..." Kumiling ako, hinihintay ang kasunod nitong sasabihin.
"Ano?" tanong ko rito,
"Basta! Dapat heavy meals ang kinakain mo!" ani nito bago inilapag sa lamesa ang pagkain.
"At!" Pinitik ako nito sa braso.
"Nakita ko sa basurahan mo, puro Shakey's, Burger King at KFC." Nagpameywang ito sa harap ko na ikinatawa ko.
Napasapo ito sa noo, "Jusko naman, Grey, kung kailan ka tumanda, saka ka naman naging pasaway sa pagkain." Sermon nito, natatawa akong kumain sa harap niya. Kahit wala akong panlasa ay pilit kong kinakain ang pakbet na dala niya.
"Alagaan mo naman ang sarili mo. Mag-isa ka nalang dito, mabuti sana kung may jowa kang mag-aalaga sa 'yo." ani nito, napapikit ako nang mariin bago inilapag kutsara.
"Alam mo, Cairo, pang-apat ka nang nagsabi na dapat na akong mag-asawa." ani ko at namilog ang mata niya.
"Hoy, wala naman akong sinabi na mag-asawa ka–"
"Yun na rin yun." sagot ko agad dito, napatawa nang pagak si Cairo bago napamasahe sa noo.
"Grey," tawag nito sa akin,
Napatawa ako nang bahagya, "Cairo," Panggagaya ko sa kaniya.
Napahilamos ito sa mukha na lalo kong ikinatawa.
"Alagaan mo ang sarili mo, parang-awa mo na." Seryoso nitong turan, kahit natatawa pa rin ako sa hitsura niya ay tumango ako.
Pagkatapos kong kumain ay pina-inom na ako nito ng gamot. Inayos nito ang pinagkainan ko bago nagpaalam na at umalis.
Naiwan nanaman akong mag-isa sa unit. Wala pang ilang minuto na nakaka-alis si Cairo ay pakiramdam ko'y nanghina nanaman ako. Nagpalit lang ako ng damit bago bumalik sa kama at natulog.
Nagising ako ng bandang alas sais ng umaga. Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang lamig pero basang-basa ako ng pawis. Mahina na nga ang lamig na ibinubuga ng aircon pero pakiramdam ko'y nasa tabi ko lang ito sa sobrang ginaw.
Ang sakit ng likod at mga kasu-kasuan ko na hindi ko pinapansin kahapon ay mas lumalala at hindi na ako halos makagalaw sa sobrang sakit. Sabayan pa na parang may mabigat na nakapatong sa ulo ko sa sobrang bigat.
Hindi ako makalagaw, kahit ang pag-abot sa cellphone ko na katabi ko lang ay parang napakahirap gawin.
Una kong tinawagan si Louis, pero hindi ito sumasagot. Hindi ko pa mapindot nang maayos ang cellphone ko dahil sa pangingilig ng mga daliri ko. Ang pagtitig din ng matagal dito ay dumadagdag sa sakit ng ulo ko.
Kasunod kong tinawagan si Cairo, makalipas ang ilang ring ay saka ito sumagot, [Hello? Grey? Kamusta—]
"S-Sunduin... n-niyo ako... h-hin-hindi ko na kaya." Mangiyak-ngiyak kong putol sa kaniya.
Pakiramdam ko'y mamatay na ako sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Ang mga paa ko ay halos magyelo na sa sobrang lamig ng pakiramdam ko, pero ang unan na hinihigaan ko ay basang-basan na ng pawis.
[H-HA!? Saglit! Sandali! May operation ako ng 6:30! Si... Si Louis! Sasabihan ko! Kaya mo pa ba? Magpadala na ba ako ng ambulansya!?] Taranta nitong turan,
Napa-iling ako, "A-Ayaw ko, ka-kayo nalang ang s-sumundo sa akin, w-wag nang a-ambulansya." Nanghihina kong turan, maski ang mga labi ko ay nanginginig na.
[Oo, sige-sige! Papuntahin ko si Louis! Ipapasundo kita! Jusko naman, Grey! Kayanin mo! Mabilis lang 'to!! 'Wag kang mamamatay!] sigaw nito bago pinatay ang taway.
Gusto ko pang matawa sa huling sinabi ni Cairo pero kahit yata ang banatin ang labi ko ay masakit.
Ilang minuto akong nakatalukbong sa kama. Ilang minuto akong nanginginig sa ilalim ng kumot at naghihintay.
Nanlalabo na ang paningin ko at pakiramdam ko'y masusuka ako anumang oras.
Hanggang sa may marinig akong tumawag sa pangalan ko. Kasunod nito ang mga pagkatok sa pinto ng unit.
Maya-maya ay mas lumakas ang boses, mas naging malinaw ang pagtawag nila at ganun na rin ang mga yabag ng paa na tila ba ay nasa loob na sila ng unit.
"Grey? Kaya mo bang buksan yung pinto?!" Sunod-sunod ang katok sa pinto ng kwarto ko.
Nakapasok na nga sila, siguro ay binigyan sila ng susi sa baba.
"Sandali..." Kahit nanghihina, kahit nanginginig ang buong katawan ay pinilit kong tumayo at naglakad papalapit ng pinto.
Hindi ko halos mabuksan at maipihit ang doorknob, pero sa segundong bumukas ang pinto ay bumigay ang mga tuhod ko at agad bumagsak sa sahig.
"Grey!!" Agad akong dinaluhan ng tao sa pinto.
Tuluyang nanlabo ang paningin ko hanggang sa hindi ko na ma-aninag ang tao sa paligid. May isang hindi mapakali, nakilala ko pa ang damit ng guard pero hindi ang mukha ng taong sapo-sapo ako sa braso niya.
Tinapik ako nito sa pisnge, bago kasunod kong naramdaman ang pag-angat ko mula sa sahig na para bang lumilipad ako, "Hey, Grey, it's me, it's Code, you'll be fine, I got you."
--------------
a/n: anyare Cairo? Akala ko ba si Louis? Bakit Code 'yan? Or... hallucination niya 'yan 0_0
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co