Truyen3h.Co

What Used To be Ours

Chapter 11

_Dominous_

Code's POV

"Daddy, why are you leaving so early po?" Inaantok na tanong ni Chiara habang kumakain ng almusal.

Natatawa akong inilapag ang hawak kong kutsara bago bahagyang lumapit sa kaniya, "Because Daddy have work to do somewhere else. Daddy will have to drive pa kaya I need to leave early so I'll arrive early rin dun sa place." Malambing kong paliwanag kay Chiara sa tabi ko na kanina pa nagkukusot ng mata.

"Eh Daddy, ang early pa, oh! I'm sleepy pa!" Pagmamaktol nito na ikinatawa ko,

"It's early pa nga, bakit ka kasi sumunod sa akin dito sa baba?" Natatawa kong tanong bago muling dinampot ang kutsara ko.

Inalis nito ang kamay sa mukha at sinamaan ako ng tingin habang nakanguso, "Because I wanna say goodbye to you!" sagot nito na lalong kong ikinatawa bago tumango.

"Fine, fine, after I leave, you go back to sleep, okay?" I softly said, she yawned, which made me chuckle before ruffling her hair.

I finished my breakfast within a few minutes. Chiara immediately jumped out of her chair to send me off and kiss me goodbye. She's waving by the doorstep as I drive off.

It's around 6 in the morning, the sun is already up, and there's already mild traffic on the road. I'm jamming to Arctic Monkeys while looking out the window of my car, familiarizing the route as it is my first time after 8 years driving outside Manila again.

I'm tapping my fingers on the steering wheel, slightly banging my head on every beat of 'I Wanna Be Yours' when suddenly my phone rings.

I glanced at my phone, which is clipped in a phone stand on the dashboard.

It was an unfamiliar number. I didn't plan on answering it since I'm driving and I don't know the caller. But when the traffic lights went red and I had to stop, I was forced to answer it.

"Hello? Who's this?" I said, my left hand on the steering wheel, tapping my fingers.

[Hello? Is this attorney Nicodemus Costa?] Said from the other line.

The voice seems familiar, but I can't pinpoint who owns this kind of soft voice.

"This is Nicodemus Costa, who's this?" I asked, brows furrowed. I'm still trying to figure out who's on the other line.

[Ah, hello, Code? This is Cairo, Cairo Velasco? Natatanda mo pa ba ako?] Biglang namilog ang mga mata ko. Kung makakatayo lang ako sa kina-uupuan ko ay baka mapatayo ako sa gulat.

"Cairo? Oh wow, hi, napatawag ka, kamu–"

[Code, si Grey kasi, nasa condo niya ngayon, may sakit siya ngayon. Tumawag siya sa akin, nagpapasundo pero may operation kasi ako in 13 minutes, hindi ko siya masusundo. Hindi rin naman masusundo ni Louis, baka pwedeng ikaw na na ang sumundo sa kaniya.] Putol nito sa akin.

Kailangan ko pang manahimik ng ilang segundo at intindihin ang mga sinabi niya.

Si Grey? Si Grey lang ang naintindihan ko. Anong meron kauy Grey?

"Sandali, sandali, hindi ko naintindihan, sorry, pwede mo bang ulitin—"

[Baka pwedeng puntahan mo si Grey sa condo niya at dlahin sa ospital? May sakit kasi siya ngayon, hindi na niya kinakaya at nagpapadala na sa ospital. Walang ibang makakasundo sa kaniya ngayon, busy kami sa ospital.] Putol nitong muli sa akin.

Saka lang na-proseso ng utak ko ang mga sinasabi niya at pakiramdam ko'y biglang lumakas ang kalabog ng dibdib ko.

"Pupuntahan ko siya, can you send me his full address?" Natataranta kong turan. Gusto ko na agad ipihit ang manibela ng sasakyan at umalis sa traffic na ito.

[Sige, sige, ise-send ko, salamat, Code!] Maski ang boses nito ay natataranta na. Agad niyang pinatay ang tawag. Ilang segundo lang ang nakalipas ay sinend na nito ang address ni Grey.

Malayo na ito sa kung nasaan ako ngayon pero ayon sa Maps ko ay may madadaanan pa ako na pwede kong likuan para makapunta rito.

Halos lumipad ang sasakyan nang muling umusad ang traffic. Agad akong lumiko sa unang likuan na nakita ko at naka-iwas na sa traffic. Ilang eskinita ang sinoutan ko at halos maligaw na ako. Pero nang makarating ako sa harap ng condo ni Grey ay nakahinga ako nang maluwag.

"Good morning boss, kaibigan ako ni Grey Chua, nakatanggap ako ng tawag na nagpapasundo raw si Grey sa unit niya. May sakit kasi siya, baka pwede kong puntahan sa taas?" Natataranta kong turan sa guard.

Mabuti nalang at agad akong sinamahan ni manong guard sa taas, dala-dala ang susi ng unit ni Grey.

"Grey?! Naririnig mo ba ako!?" sigaw ko sa labas ng pinto nito habang binubuksan ito ni manong guard.

Agad akong pumasok sa segundong mabuksan ang pinto. Nilibot ko ng tingin ang buong unit, pero nang hindi makita si Grey sa loob ay napaharipas ako ng takbo sa pintuan ng kwarto nito.

"Naku sir, wala akong susi ng pintong 'yan." ani ni manong guard.

"Grey? Kaya mo bang buksan yung pinto?!" Halos sirain ko na ang pinto nang kumatok ako.

"Grey?!" Tawag ko pa rito, pero ilang segundo lang ay bumukas din ang pinto.

Ang bilis ng pangyayari, nakita ko kung paano bumagsak ang katawan ni Grey sa sahig na siyang mas ikinataranta ko.

"Grey!!" Agad akong napaluhod sa sahig at dinaluhan si Grey para ihiga ito sa hita ko.

"Tatawag na ako ng ambulansya, sir!" Natatarantang turan ni manong guard.

"Ayaw, ayaw ko," Umiiling si Grey, nakapikit na ang mga mata nito pero nakakapagsalita pa.

"Ako na ang magdadala sa kaniya sa ospital, manong. Salamat!" Pigil ko kay manong guard matapos marinig ang pagtanggi ni Grey.

Gumagalaw pa rin ang ulo nito at umiiling, nakakunot din nag noo nito at malalim ang bawat paghinga.

Tinapik ko ito sa pisnge para kunin ang atensyon niya. Kahit medyo nag-aalinlangan na buhatin si Grey dahil sa laki ng hubog ng katawan nito, nang i-angat ko ito mula sa sahig ay parang wala nalang sa akin ang bigat niya, "Hey, Grey, it's me, it's Code, you'll be fine, I got you." I said, in hopes to calm him down.

Nang makarating kami sa labas ng building ay agad ko itong isinakay sa passenger seat. Hindi na siya responsive pero nakaka-upo pa rin nang maayos. Inihiga ko rin ang bangko ng passenger seat para maayos ang pagkaka-upo niya doon.

Bawat sasakyan na haharang sa akin ay nilalampasan ko. Lumalampas na rin ako sa speeding limits pero hindi ko na iyon pinapansin dahil emergency naman ito.

Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating agad kami sa ospital. Naagaw ko ang atensyon ng bawat tao sa labas ng ER maski ang iba na nasa loob nang agad akong sumaklolo pagkababa ko ng sasakyan.

Agad na may mga dumalong nurse sa akin at dala-dala ang stretcher. Nakarinig pa ako ng ilang pagsinghap at pagkagulat nang makita nilang si Grey ang inilalabas ng sasakyan ko.

"Anong nangyari, sir? Ano pong nangyari kay Doc Chua?" tanong ng nurse habang isinusugod namin sa loob si Grey.

Bumaba ang tingin ko kay Grey, malalim pa rin ang bawat paghinga nito, maputla na ang mukha pero nangingitim na ang labi.

"Pinuntahan ko siya sa condo niya kasi nakatanggap ako ng tawag kay Doctor Velasco na nagpapasundo raw is Grey, ang alam ko ay may sakit siya, iyon lang ang alam ko." sagot ko rito, tumango ang nurse bago sinabi ang mga iyon sa kasama pang nurse.

Maya-maya ay ipinasok na nila si Grey sa ward at agad kinuhaan ng vital signs. Dahil sa pagkataranta ko pero kulang sa kaalaman kung ano ang gagawin, nanatili akong nakatayo sa gilid, dalawang metro ang layo kay Grey at pinapanood lang siyang asikasuhin ng nurse.

Makalipas ang halos isang oras ay nailipat na ng kwarto si Grey. Mahimbing na itong natutulog, bahagya nang bumaba ang lagnat niya pero kailangan pa rin bantayan.

May ibinigay sa akin ang mga nurse na form. Ilang minuto ko iyong pinagmasdan habang naka-upo sa sofa ng kwarto ni Grey.

Pinaglalaruan ko ang ballpen sa isang kamay habang ang isa naman ay hawak-hawak ang clipboard kung nasaan ang form.

First name, at surname palang ang nasasagutan ko sa form. Kahit ang middle name, birthday at age ay hindi ko manlang malagyan.

Wala na akong ibang alam tungkol kay Grey. Kahit nga ang dahilan ng pagkakasakit niya ay hindi ko alam. Hindi ko rin naman alam kung sino pa ang tatawagan o hihingan ko ng tulong.

Napasandal ako sa sofa, napatingala ako sa kisame at ilang malalim na buntong hininga ang kumawala sa labi ko.

Malamig ang buong silid, tahimik at tanging ugong lang ng aircon ang naririnig ko. Napapikit ako nang mariin at napamasahe sa ulo.

Maya-maya ay biglang may tumawag sa cellphone ko. Noong una ay nagbabakasakali ako ni Cairo ito, pero nang makita na ang secretary ko pala ito ay napabuntong hinga ako.

"Hello? Maze?" Umaga palang pero pakiramdam ko'y pagod na pagod na ako.

[Hello? Sir? Nasaan na po kayo? Hinihintay na po kayo rito.] Tanong nito, malambing ang boses nito pero may bahid ng pagkataranta.

Pinagmasdan ko ang papel sa kamay ko, "Maze, tell them I won't make it today. Hindi ko rin alam kung available ako bukas. Sabihin mo sa kanila ay ire-reschedule ko nalang ang meeting." Paliwanag ko rito,

[Sige po sir, noted po.] sagot nito bago ibinaba ang tawag.

Inilapag ko sa sofa ang cellphone ko at muling napa-buntong hininga. Nang bumukas ang pinto ay agad akong napatayo para tingnan kung sino ito.

"Oh," bumagsak ang balikat ko nang makita si Louis.

Nang lumingon ito sa gawi ko ay nakita ko kung paano ito bumuntong hininga at lumingon sa kabilang gawi.

"Balita ko ikaw raw ang nagdala kay Grey rito?" tanong nito habang minamasahe ang noo niya.

Inilapag ko sa sofa ang form, "Yes, ako nga." Maikli kong sagot,

Nagbalik ito ng tingin sa akin, nakakunot ang noo, "Bakit? Bakita ikaw?" tanong nito na siyang ikinataas ng isa kong kilay.

"Doctor Velasco called me, he was the one who asked me to pick up Grey from his unit," I replied, and I immediately saw how his other brow raised.

"Doctor... Velasco? As in, Doctor Cairo Asaiah Velasco?" he asked, and I nodded, placing both my hands in my pockets.

"Yes, him, he called me and asked me to pick up Grey from his unit," I replied, and he slightly tilted his head.

"How did you know Doctor Velasco?" he asked, crossing his arms together.

I want to raise a brow and laugh at him. Gosh, he looks... pathetic.

"Oh, Grey didn't mention it to you?" I badly want to laugh at his expression, which is starting to look annoyed.

I took a few steps towards him, "Me, Grey and Doctor Velasco were friends in college. When Grey and I were boyfriends, to be exact." I said, bragging.

Natutuwa akong makita ang inis niyang ekspresyon. Natutuwa akong ipamukha sa kaniya na mag-boyfriend kami ni Grey dati. Natutuwa akong nakikita siyang naiinis sa akin. It makes me feel... superior.

"And how did you get in his unit? Sinira mo yung pinto?" Tanong nito na bahagya kong ikinatawa lalo pa't kahit hindi niya ipahalata ay bakas sa boses niya ang inis.

"The guard helped me, then Grey opened his bedroom door for me," I replied, still bragging. A smile was printed on my lips, making sure I'll get on this Louis' nerves.

Napasinghal ito bago pumameywang, "Hindi pala maganda ang security sa condo ni Grey, nagpapapasok ng kung sino-sino." singhal nito na ikinataas ng isa kong kilay.

"Bakit? Gusto mo ba, ikaw lang ang nakakapunta sa condo ni Grey?" Nanunuya kong tanong,

Nakita kong umigting ang panga nito na mas lalo kong ikinatuwa dahil alam kong naiinis ito lalo.

May sasabihin sana ito nang bumukas ang pinto at pumasok si Cairo sa loob. Agad nitong tinanong sa akin ang kalagayan ni Grey. Sinabi ko lang sa kaniya ang sinabi ng doktor kanina. Sa kaniya ko na rin ibinigay ang form para siya na ang makapagsagot dahil mukhang siya naman ang may mas nakakakilala kay Grey.

"January pala ang birthday ni Grey?" Bulong ko nang ibalik sa akin ni Cairo ang papel.

Suminghal si Louis, "Bakit? Ngayon mo lang nalaman?" Agad ko itong nilingon at sinamaan ng tingin.

"Baka mag-away pa kayong dalawa diyan," Parehas kaming napalingon kay Cairo na kakagaling lang sa tabi ni Grey na mahimbing pa rin na natutulog,

"Code, salamat ulit sa pagsundo kay Grey. Busy kasi talaga ako kanina, hindi rin naman sumasagot si Louis, ikaw nalang ang naisip kong tawagan." Malambing na sabi ni Cairo na agad kong ikinangiti.

"Sus, wala yun, ganun talaga kapag importante sa akin yung tao, kaya kong isantabi lahat." Nilingon ko si Louis, ngumisi bago nagbalik ng tingin kay Cairo.

Nakita ko ang bahagyang pagguhit ng ngisi sa labi ni Cairo na agad din niyang pinawi,

"Sorry sa abala, kami na ang bahala rito. Baka may gagawin ka pa, pwede ka nang umalis." Kung hindi lang malambing magsalita si Cairo, iisipin ko na pinapaalis ako nito.

Dahil pinawisan ko na rin ang suot kong polo at natuyo rito sa kwarto. napagdesisyunan kong umuwi na at magpalit ng damit. Nagulat si Chiara nang makita akong umuwi at hindi ako tinigilang tanungin hangga't hindi ko ito sinagot. Nagdahilan nalang ako na na-cancel ang meeting ko kaya umuwi rin ako agad. Pagkabihis ko at pagkakain ay dumiretso ako sa kwarto at nag-asikaso ng iba pang papeles sa kumpanya.

Pagsapit ng hapon ay natapos ako sa isa kong trabaho kaya naman naglakad-lakad ako sa may gilid ng pool.

Hindi pa rin maalis sa isip ko si Grey. Kung gaano ito kaputla kanina, kung gaano kainit ang katawan niya nang buhatin ko ito. Kung gaano kalalim ang bawat paghinga niya habang nasa sasakyan kami. Kung gaano nagsimulang umitim ang labi niya na laging mapula.

Na-upo ako sa may flower box kung saan may lilom at hindi mainit.

Sinubukan kong hindi siya isipin. Sinubukan kong alisin sa akin ang pag-aalala pero bawat segundong lumilipas ay mas gusto kong malaman kung ano ang kalagayan niya ngayon.

Napahilamos ako sa mukha, tumayo mula sa flower box at naglakad pabalik sa loob ng bahay.

"Chiara," tawag ko rito, nasa sala ito at naglalaro habang nanonood ng TV.

"Anak, would you like to visit Doc Grey?" tanong ko rito nang malapitan siya.

Agad nitong ini-angat ang kaniyang ulo mula sa laruan, "We're going to Doc Grey?" Lumiwanag ang mukha nito.

Bahagya akong napangiti bago tumango, "Yes, now get change so we can go to the hospital na." ani ko rito at agad siyang tumayo bago tumakbo pa-akyat ng hagdan.

Maya-maya ay bumaba ito, naka-dress at dala-dala ang kaniyang maliit na bag.

"Anong laman ng bag mo?" tanong ko rito nang hawakan ko ito sa kamay at naglakad palabas ng bahay.

"Refills! Baka ubos na yung ibinigay ko kay Doc Grey sa safety box niya!" ani nito at gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko.

I hope she can make him feel better.

Hindi ko agad sinabi kay Chiara na may sakit si Grey at naka-confine sa ospital. Nagulat nalang siya nang pumasok kami sa ibang kwarto at hindi sa clinic ni Grey.

"Doc Grey! What happened to you po!" sigaw nito nang ma-abutan niya si Grey na nakatayo at hawak-hawak ang IV stand niya.

Namilog ang mata ni Grey at gulat na gulat hinabol ng tingin si Chiara na tumatakbo palapit sa kaniya bago nag-angat ng tingin sa akin.

"Bakit mo siya dinala rito?" Gulat nitong tanong sa malalim at garalgal niyang boses nang yapusin siya ni Chiara sa binti.

Nagkibit-balikat ako, "I just thought... maybe she can make you feel better." sagot ko at nagbaba ito ng tingin kay Chiara na nakayapos pa rin sa binti niya.

"Are you sick po, Doc Grey?" Narinig kong tanong dito ni Chiara.

Naglakad ako palapit sa sofa at doon ay naupo bago pinagmasdan silang dalawa na malapit sa kama.

Bahagyang lumuhod sa Grey para makapantay si Chiara, "Yes Chiara, Doc Grey is sick." Bahagyang ngumiti si Grey habang inaayos ang buhok ni Chiara.

Kahit nakatalikod sa akin ay alam ko na ang nakanguso ekspresyon ng anak ko nang kumiling ang ulo nito, "Why po? Akala ko po you're strong? Bakita po ikaw nag catch ng disease?" tanong nito at napatawa ako nang bahagya sa tanong ng anak ko.

"Who said I'm strong?" Gulat na tanong ni Grey, nang nilingon ako ng anak ko at ituro ay bahagyang nanlaki ang mata ko.

"Daddy said you're strong daw po kaya I shouldn't be worried that you'll catch disease here sa hospital. But why are you sick po?" Pagkekwento ni Chiara, nag-angat ng tingin sa akin si Grey na bahagya kong ikinataranta.

Galit ba siya? Bakit ganun yung tingin niya? Hindi naman siya mukhang galit pero bakit nataranta ako bigla sa mga mata niya.

Ngumisi ito bago nagbaba ng tingin sa anak ko, "Your daddy is right, Chiara. I am strong, pero... I'm not taking care of myself kasi. Kaya... na-catch ko yung disease." Malambing na sagot nito sa anak ko.

Sa tuwing kakausapin nito si Chiara sa malambing niyang boses, parang may kung anong yumayapos sa dibdib ko at hindi ako makahinga nang maayos.

Wala pa akong ibang nakikita na ganun kalambing makipag-usap sa bata. Kahit ako minsan ay parang nakikipaglokohan nalang kay Chiara. Pero si Grey, ang lambing-lambing makipag-usap sa anak ko. Ganito ba siya sa lahat ng nagiging pasyente niya? Bagay nga siyang maging pediatrician, ang galing-galing niya sa mga bata.

Nang makita kong bubuhatin ni Grey si Chiara para i-upo sa kama niya ay agad akong napatayo at nilapitan sila.

"Ako na," Pigil ko kay Grey lalo pa at may swero siya sa kamay.

"Daddy, I'm hungry po." ani ni Chiara nang maupo ito sa kama ni Grey.

Napatawa ako nang pagak, "Anong gusto mong kainin?" tanong ko rito,

"Burger!" sigaw nito na ikinatawa ko. Narinig ko pa ang paghagikhik ni Grey sa likod ko na ikinabilis nanaman ng tibok ng dibdib ko,

"Okay, I will buy your burger, pero behave ka lang dito, ha? 'Wag kang makulit, dito ka lang, 'wag mong iiwan si Doc Grey." Pa-alala ko rito, agad naman itong ngumisi at tumango.

Pagharap ko sa aking likuran ay nagkagulatan pa kami ni Grey dahil medyo malapit kami sa isa't-isa. Napatikhim ako bago nag-excuse at lumabas na ng kwarto.

Medyo natagalan ako sa Jollibee dahil sa dami ng tao. Ang paboritong burger ni Chiara ay 15 minutes din bago naluto kaya naman mas natagalan ako sa paghihintay.

Pagbalik ko ng kwarto ni Grey ay laking gulat ko nang makitang nakahiga na silang dalawa ni Chiara sa kama. Gising si Grey at bahagyang hinihimas ang buhok ni Chiara na tulog na tulog na naka-unan sa braso niya.

"Hindi ka ba nangangalay? Medyo mabigat si Chiara." tanong ko rito nang ilapag sa lamesa ang supot ng Jollibee.

Umiling si Grey, "Okay lang, hindi naman siya ganun kabigat." sagot niya at tumango ako bago naglakad palapit sa tabi ni Chiara.

Bahagya akong yumuko para gising ito, "Chiara, andito na yung burger mo." Panggigising ko rito.

Nang marinig nito ang pagkain ay agad itong nagmulat, bumangon at tumalon pababa ng kama na ikinatawa namin parehas ni Grey.

"Yey! Yey! It's my favorite! It's my favorite!" Nagtatatalon ito habang hawak-hawak ang burger niya.

Natatawa akong naglakad papunta sa gawi niya, kinuha ko ang isa pang burger at ini-abot ito kay Chiara. "Give this to Doc Grey," bulong ko sa kaniya. Agad nitong kinuha ang burger sa kamay ko at tumakbo palapit kay Grey na naka-upo sa hospital bed niya.

"Doc Grey, this is for you, pinapabigay ni Daddy." ani ni Chiara, agad akong napakagat sa burger ko at bahagya pang tumalikod kay Grey para itago ang ngiti ko.

Nang narinig ko itong tumawa ay napaharap ako bigla, "Alam mo bang pinagalitan ako ni Cairo dahil puro fast food ang pagkain ko?" ani nito na bahagyang ikinalaki ng mata ko bago agad siyang hinarap.

"Puro fast ako these past days, hindi rin ako kumakain ng maayos kaya sabi ng doktor, umiwas daw muna ako sa fast food." Dagdag pa niya at kung wala lang laman nag bibig ko ay baka kanina pa ito nakaparte.

"Pero thank you, busog pa ako." ani nito bago ibinalik kay Chiara ang burger.

Si Chiara naman ay nagtatakbo pabalik sa akin at ibinalik ang burger bago tumakbo pabalik kay Grey at gumapang sa kama nito para muliitong tabihan.

Makalipas ang isang oras na pagkekwentuhan ni Grey at Chiara, napagod siguro ito sa kakatawa at kakadaldal ay muli itong nakatulog sa kama ni Grey. Si Grey naman itong nakatutuok sa TV habang hinihimas ang buhok ni Chiara.

Napatingin ako sa aking relo at nakita na malapit nang gumabi.

"Grey, kukunin ko na si Chiara, para makahiga kana rin nang maayos sa kama mo." Tumayo ako mula sa sofa at naglakad papunta sa kama niya.

"Huh? Okay lang, hayaan mo munang magpahinga yung bata." ani niya at ilang segundo akong natigilan.

Nagparte ang labi ko bago tumango, "Sige, sige," ani ko bago siya tinalikuran. Pabalik na sana ako ng bangko nang magsalita ito.

"Balita ko muntikan na kayong magbangayan ni Louis dito kaninang umaga." ani niya, napangiwi ako bago muli siyang hinarap.

"Paano mo nalaman yun?" Taka kong tanong, nakita ko itong ngumisi bago nilingon si Chiara.

"Sabi ni Cairo, kung hindi pa raw kayo aawatin, baka nag-away na kayo rito." sagot niya at napatawa ako nang pagak at napa-iling.

Isa pa si Cairo na hindi nagbabago, may pagka-OA pa rin.

"Hindi naman kami mag-aaway, kaunting... asaran lang." sagot ko at tumawa si Grey na siyang ikinagulat ko.

Wow, tumatawa nanaman siya. Hindi yung normal na pagak at mapait niyang tawa kundi... tawa talaga. Hindi dahil sa inis o kung anuman pero dahil... masaya siya.

"Para kayong mga bata. Ang tatanda niyo na, nagbabangayan pa kayo. Para kayong hindi doktor at abogado." ani niya na ikinasinghal ko nang bahagya.

"Wow ha, ikaw nga itong lagi akong inaaway." Natatawa kong sagot sa kaniya.

Tumigil ito sa pagtawa, bahagyang itinikom ang bibig at binasa ang labi. Nagbaba ito ng tingin kay Chiara na mahimbing na natutulog sa tabi niya at

"Anyways," ani nito at bahagya kong itinaas ang magkabila kong kilay,

Nag-angat ito ng tingin at diretso akong tiningnan sa mata.

Shit, galit nanaman ba siya?

"Thank you, sinabi sa akin ni Cairo na ikaw raw ang nagsugod sa akin sa ospital." Malalim at garalgal ang boses niya. Hindi ko rin makumpirma pero may naririnig akong bahagyang lambing dito.

Napakamot ako sa batok ko at bahagyang nag-iwas ng tingin, "Sus, kaya pala hindi mo 'ko inaaway." Sinubukan kong itago ang mukha dahil naramdaman ko ang biglang pag-init nito.

Narinig ko itong tumawa nang pagak, "Hindi kita kayang awayin," ani nito at bahagyang namilog ang mata ko bago nagbalik ng tingin sa kaniya.

"Ha?" Naguguluhan kong turan.

Napatawa ito nang pagak, "Hindi kita kayang awayin kapag kasama mo ang anak mo." ani nito bago umirap.

Bumagsak ang namumuong ngiti sa labi ko. Bahagya akong napanguso bago nagpameywang. Akala ko naman...

—----------

a/n: frieny-frieny nanaman silang dalawa HAHAHAHAH 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co