Truyen3h.Co

What Used To be Ours

Chapter 9

_Dominous_

Code's POV

I woke up extra late the other day. Aside from a little hangover due to last night's drinking, I'm also recovering from the whole week of barely having any sleep.

It was almost 10 in the morning when I got up from bed. I checked Chiara's room first to see if she was still asleep or playing, but I found her room empty. When I went down the stairs, I saw her in the living room, watching Doc McStuffins on TV while playing with her own Doc McStuffins toys.

"Morning, sweetie," I greeted her as I arrived in the living room.

Her head snapped at my direction, gave me the biggest smile before rushing towards me and I immediately lifted her up. "Did you have breakfast already?" I asked while fixing her hair.

She nodded, "Yes, Daddy, I had cereal po," she replied, and my brows furrowed before walking towards the dining room.

"Cereals? Why not rice?" I asked when I sat her down.

"But I wanted cereals, Daddy. We've been having rice for the past month na po." she nagged, which made me chuckle.

I sat down on my chair, "Well, welcome to the asian household where rice is life." I said with a chuckle that made her giggle too.

"Sure ka, anak? Ayaw mo kumain ng kanin?" tanong ko rito nang sumubo ng pagkain.

Agad itong umiling, "No po, Daddy, I'll go play nalang po ulit." Tumalon ito pababa ng bangko niya bago nagtatakbo pabalik ng sala.

Naiwan tuloy akong mag-isa sa hapag. Tumahimik ang paligid at tanging tunog ng kutsara't-tinidor lang ang naririnig ko. Idagdag pa pala ang kaunting tunog na nanggagaling sa pinapanood ni Chiara sa hindi kalayuan.

Napabuntong hininga ako. Nothing seems to come inside my mind, I have nothing else to think specially now that I finished all the papers. I feel relieved but the feeling of relaxation makes me anxious.

I was about to take another spoonful of rice when I suddenly remembered what happened last night.

I paused, put down my spoon, and pursed my lips.

Fuck, it felt like a fever dream.

Paano kung panaginip lang pala talaga yun? Paano kung hindi pala yun nangyari? Paano kung sa sobrang pagod ko, nakatulog pala talaga ako at hindi naman lumabas ng bahay at hindi ko naman siya nakita at naka-usap sa 7/11?

Hindi ako nakatiis at tumayo mula sa pagkaka-upo bago naglakad papunta ng kusina.

"Alam ko dala ko yun pauwi, eh." Bulong ko pagkabukas ng ref.

Hinanap ko rito ang isang can ng beer na iniuwi ko kagabi.

"Yun! Sabi na, totoo yun lahat!" Nakahinga ako nang maluwag nang makita ang lata ng alak sa ref.

Ibig sabihin totoo ang mga nangyari kagabi? Nagkita at nagka-usap talaga kaming dalawa nang hindi kami nag-aaway o nagbabangayan.

Buong-buo nanaman ang araw ko.

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay inaya ako ni Chiara na makipaglaro sa kaniya. Kahit gusto pang humiga at matulog ng katawan ko ay sinamahan ko ito at naging assisstant pa niya sa panggagamot ng mga laruan niya.

Nang matapos ang pinapanood ay nag-aya naman itong mag-swimming. Kahit ayaw ko pang mabasa ay nagpalit ako ng damit at sinamahan din ito sa paliligo.

Pagkatapos ng tanghalian, naligo na ako at matutulog sana nang mag-aya naman si Chiara na mag-mall. Nagpalit lang ako ng pang-itaas bago umalis.

"Look, Daddy!! It's a new set!!" Nagtatatalon si Chiara habang nakaturo sa clay set.

Binitawan ko ang cart na tulak-tulak ko bago lumapit at inabot ang set na itinuturo niya.

"But I got you a clay set last month," I said before handing it to her.

She pouted, "But Daddy, I want it po! Please!! I'll be an extra good girl!" she pleaded with her puppy eyes.

Natawa ako sa sinabi nito bago lumuhod sa harap niya, "Extra good girl?" Natatawa kong turan,

Ngumisi ito bago tumango, "Yes po, kasi I'm a good girl na, I'll be extra good girl pa po." sagot nito na ikinahagikhik ko bago tumango.

Pagkatayo ko ay kinuha ko na mula sa kaniya ang kahon bago ito inilagay sa cart.

Ilang minuto pa kaming naglibot-libot sa toy store at ilang laruan pa ang nadagdag sa cart namin bago siya nagsawa at nag-aya nang umalis. Binayaran ko muna ang mga laruang napili niya bago kami lumabas.

Dumiretso kami sa arcade kung saan puro claw machines at rides ang sinakyan niya. Natatawa ako kapag nakikipag-usap ito sa mga batang hindi niya naman kilala. Napapansin ko na yung iba bata pa mismo ang nahihiya sa kadaldalan ni Chiara.

Nang mapagod ito at nakuha lahat ng gusto niya sa claw machine ay nag-aya itong magpabili ng ice cream. Dala-dala ang lahat ng pinamili niya at mga nakuha niya sa arcade ay sinusundan ko ito sa mall. Ilang beses ko rin itong pinigilan na kung saan-saang store pumasok o kung kani-kanino lumapit.

Oras naba para mag-hire ako ng body guard ng batang 'to? Just incase lang naman.

"Daddy, after this, saan na po tayo pupunta next?" tanong ni Chiara habang kumakain ng ice cream

Napabuntong hininga ako bago tumingin sa aking relo.

Wow, hindi pa talaga siya napapagod.

"It's almost 5PM na, ayaw mo pa bang umuwi?" tanong ko at bahagya itong napanguso.

"Gusto po, but can we buy a cake before we go home?" tanong nito at napatango nalang ako.

Nang maubos ko ang ice cream na kinakain ko ay inaya ko na itong umalis. Nakabuntot nanaman lang ako rito na parang bodyguard nang may makilalang mukha.

Natigilan ako sa paglalakad, "Cairo?" Tawag ko rito, nag-angat ito ng tingin mula sa wallet niya bago kunot-noong tumingin sa paligid.

"Cairo!" tawag ko ulit dito.

Sa wakas ay nakita na niya ako, namilog ang mata nito at ganun din ang bibig, "Code! Kamusta!?" ani nito bago hinawakan sa kamay ang batang lalaki na kasama nito.

"Bless ka kay tito Code mo." ani nito sa batang kasama niya.

Bahagyang nagparte ang labi ko nang maglakad ang batang lalaki palapit sa akin at inabot ang kamay ko.

"Anak mo?" tanong ko at namilog ang mata niya.

"Ha–"

Bigla kong na-alala si Chiara, "Shit, Cairo may nakita ka bang batang babae–"

"Yung kasama mo kanina? Dire-diretsong naglakad, eh." Putol niya at namilog ang mata ko.

"Sige Cairo, nice seeing you!" ani ko bago humaripas ng takbo.

Lumakas ang kalabog ng dibdib ko nang hindi makita si Chiara. Muntikan na akong lumapit sa guard kung hindi ko lang ito nakita sa Jollibee at kasamang nakikipag-picture sa dalawang bata.

Nakahinga ako nang maluwag.

"Chiara," tawag ko rito, agad ako nitong nilingon at lumiwanag ang mukha.

"Daddy, Jollibee!" Magiliw nitong turan habang nakaturo sa loob.

Bumili pa kami ng tatlong Happy Meal bago bumili ng cake at saka lang naka-uwi. Kasama rin ako sa pagbubukas ng mga bago niyang laruan at kahit bumibigat na ang talukap ng mata ko ay pilit kong ginigising ang sarili ko dahil kinakausap ako nitoniya ako.

Hindi ako nakakain ng hapunan nang maayos dahil pakiramdam ko'y busog pa rin ako. At nasa isip ko pa rin ang batang lalaki na kasama ni Cairo kanina.

Kamukha nung bata si Cairo. Mula sa hugis ng mukha at mga mata.

Anak niya kaya yun?

Mahigit isang buwan na kami ni Chiara rito pero ngayon ko lang siya nakita. Walang masyadong nagbago sa hitsura niya pero may pailan-ilang pagbabago pa rin naman akong napansin.

Hindi ako makatulog, hindi ako mapakali, bumangon na ako ng kama at agad tinawagan si Lukas.

[Hello, napatawag ka?] Bungad nito,

Napakamot ako sa ulo, "Alam mo bang may anak si Cairo?" tanong ko rito,

[Huh!? Seryoso ba!?] Gulat na gulat na tanong nito, napatayo ako mula sa pagkaka-upo sa kama at naglakad papuntang sliding door sa kwarto.

"Nakita ko sa mall kanina, may kasamang batang lalaki, kamukhang-kamukha pa nga niya, eh." Pagkekwento ko rito,

Narinig kong napasaltik ito ng dila sa kabilang linya, [Mali naman ang timing ng pagkekwento mo, pare. Nasa Bicol ako ngayon, eh.] Nanghihinayang nitong turan na ikinatawa ko nang bahagya.

"Anong ginagawa mo diyan?" Napapameywang ako,

[Business, may inaasikaso ako rito.] sagot niya at napatango ako,

"Kailan ka uuwi? Sagot ko na ang inumin at pulutan para sa 'yo. Kawawa ka naman." Pang-aasar ko rito na ikinahagalpak nito ng tawa sa kabilang linya.

[Ay hanep! Sabi mo 'yan, ha! Diretso agad ako sa bahay mo kapag naka-uwi na ako ng Manila.] ani nito at tumango ako,

"Sige, hihintayin ko 'yan." ani ko na ikinahagalpak naming dalawa ng tawa.

Hindi ko naman alam na magmamadali pala itong umuwi ng Maynila. Makalipas ang dalawang araw ay dumating ito sa gate namin ng hapon. Magdidilim na rin at saktong naghahanda na ng hapunan.

"Akala ko ba mga three to four days ka pa sa Bicol?" Bungad ko rito, agad naman itong may ini-abot sa akin na paper bag.

"Pwede namang bilisan ang trabaho, 'wag mo 'kong igaya sa 'yo na mabagal gumawa." Pang-aasar nito na ikinasinghal ko.

"Kapal ng mukha, baka mamaya humahagulgol kana." ani ko rito habang naglalakad papasok.

"Gago," singhal nito na ikinahagikhik ko.

Pati kay Chiara ay may regalo itong pagkain. Noong una ay nahihiya pa si Chiara rito pero nang halos limang minuto na ang nakakalipas ay naririnig ko nang tumawa ang dalawa sa sala habang naghahanda ako ng pulutan namin.

Nakikain pa man ito ng hapunan sa amin. Yaman na yaman, nakikikain sa bahay ng may bahay. Pagkatapos naming kumain ay inihatid ko muna si Chiara sa kwarto niya. Nilibang ng ilang minuto bago bumaba at pinuntahan si Code na nasa tabi ng swimming pool, nagmu-muni-muni na.

"'Yan naman, wala pang shot, umiiyak kana." ani ko rito, agad ako nitong nilingon bago napatawa.

"Tarantado, pinagmamasdan ko lang yung langit." ani nito bago naglakad papunta ng bangko.

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa labi nito nang sumandal.

Natatawa akong umiling, "Sakit? Sakit 'no." ani ko rito habang nagsasalin ng alak sa baso.

Tumingin ito sa akin bago napatawa nang pagak, "Wow ha, kung makapagsalita ka, akala mo alam mo yung nararamdaman ko. Ikaw nga ang biglang sumulpot na may anak na rin. Kung merong nakaka-intindi sa nararamdaman ko, si Grey yun." sagot nito nang abutin mula sa kamay ko ang baso.

Agad naman akong napahagikhik, "Sorry naman. Alam ko lang naman na nasasaktan ka ngayon." sagot ko at napabuntong hininga nanaman ito bago sumimsim ng alak.

Ilang oras din kaming nag-inom ni Lukas. Noong una ay tinatawanan pa nito ang nakita ko. May pagka-in-denial din siya at ayaw maniwala. Pero nang paubos na ang isang bote ng alak ay nagsimula na itong umiyak hanggang sa humagulgol na ito at kailangan ko pang patahanin.

Nagpatulong na rin ako sa driver ko para dalhin siya sa guest room para makapagpahinga. Pagkagising naman nito kinabukasan ay mukhang iiyak pa rin ito anumang oras kaya hindi ko na siya inasar. Pagkatapos mag-almusal ay nagpaalam na rin ito at umalis.

Dahil sa mga nangyari at sinabi ni Lukas kagabi, bigla kong na-alala si Grey. Ganun din kaya ang naramdaman niya? Pero magkaiba sila ng sitwasyon ni Lukas. Hindi si Grey ang sumira sa kung anong meron kami dati kaya wala dapat siyang pagsisihan at hindi dapat siya nakakaramdam ng pagsisisi dahil wala siyang kasalanan.

Taliwas naman sa nangyari kay Lukas at Cairo na si Lukas ang mali at ang dapat talagang nagsisisi.

Napapa-iling nalang ako habang na-aalala ang mga nangyari at sinabi ni Lukas kagabi. Nakaka-awa siya, pero kung masaya na si Cairo sa buhay niya ngayon, wala nang magagawa si Lukas.

I stayed in the house for a few more days since I took a week leave. I spent more time with my daughter since I barely talked to her last week due to my hectic schedule and tons of workload. We went to Tagaytay in SkyRanch, which she enjoyed the most. Hindi pa kami nakaka-alis ng Tagaytay ay nagtatanong na agad siya kung kailan daw kami babalik doon.

"Daddy, can I come to work today?" she asked while we were having breakfast. Today's Monday and I'm scheduled to visit the site.

It took me a few seconds to answer, "Pwede naman, but we will go sa site, okay? Because Daddy needs to visit the building." I softly exclaimed and she immediately nod.

"Okay po, wait for me, Daddy, okay? I'll come with you sa site." she said and I chuckled before nodding.

I immediatey took a shower after breakfast. Tapos na akong magbihis at mag-ayos nang sumilip ako sa kwarto ni Chiara at inaayusan pa rin ito ng buhok ng mga kasambahay. Mabuti nalang at bago pa mag 8 AM ay naka-alis na agad kami.

Papunta na dapat kami ng site nang tumawag sa akin ang secretary ko dahil gusto raw akong maka-usap ni Mr. Villanueva. Dumiretso muna tuloy kami ng kumpanya at iniwan ko si Chiara sa opisina ko habang nasa meeting ako with Mr. Villanueva at ibang investors.

Ilang beses akong nakatanggap ng text galing sa secretary ko dahil may gustong ipabili si Chiara. Ilang beses din tuloy akong nakapag-send ng pera para makabili si Chiara ng kung anu-anong pagkain.

Hindi ko naman inasahan na aabutin kami ng tanghalian dito. Mabuti nalang at nalibang si Chiara sa opisina ko kaya hindi ako hinanap sa ilang oras na wala ako.

"Are you hungry, Chiara?" Tanong ko agad dito nang makabalik ako ng opisina.

"No po, Daddy, I'm full pa po." Busy ito sa pagkukulay sa lamesa ko. Natigilan ako nang makita ang paper bag ng Jollibee at ba pang pagkain sa lamesa ko.

Of course, busog pa siya. Ilang beses ba naman akong nagpadala ng pera para sa kung anong bibilhin niya.

Kahit medyo gutom na ako ay inasikaso ko muna ang mga ipinapagawa sa akin ni Mr. Villanueva. Almost 2 PM na nang makaramdam ng gutom si Chiara. Saka lang ito nag-ayang kumain kaya naman dali-dali kong inayos ang gamit ko para maka-alis na kami agad.

Walang katapusang Jollibee ang gusto nitong kainin lalo pa at may Jollibee sa tapat ng kumpanya. Pakiramdam ko ay malapit na akong tubuan ng pakpak kapag kumain pa ulit ako ng manok sa susunod na araw.

"Daddy, what time po tayo pupunta ng site?" tanong nito habang kumakain kami.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya bago tiningnan ang relo ko, "After 3 PM since mainit pa sa site ngayon." sagot ko at tumango lang ito.

May pahabol pa siyang ice cream na order bago kami bumalik ng opisina. Ilang beses din itong nagtangkang lumabas ng opisina ko. Mabuti nalang at maingay ang pinto kaya rinig na rinig ko sa tuwing bubuksan niya ito.

"Daddy, it's pass 3 PM na, it's pass 3 na!!" Nagtatalon na ito sa harap ng lamesa ko. Saglit akong tumingin sa oras bago napabuntong hininga at isinara ang laptop ko.

Malapit nang matapos ang araw pero marami pa rin siyang energy. Siguro bagsak 'to sa kama pag-uwi mamaya.

Halos 4 PM na rin kaming nakarating ng site dahil sa traffic. Hawak-hawak ko si Chiara sa kamay dahil baka sa sobrang kalikutan nito ay malingat ito at mawala sa paningin ko. Ilang beses ko rin itong pinipigilan at hinihigpitan ang kapit sa kamay dahil ilang beses itong nagtangkang tumakbo papunta kung saan.

"Daddy, look oh! It's so cool! Look! Look!!" Pilit kinukuha ni Chiara ang attensyon ko habang tinitingnan ko ang mga materyales.

Niyuyugyog nito ang kaliwang kamay ko habang ang kabila ay hawak-hawak ang isang materyales.

"Ay—" Napasigaw kaming kamay nang muntikan ko nang mabitawan ang hawak ko, mabuti nalang at agad itong nasalo ng dalawa kong kamay.

"Magkano ba ang isa nito, sir? Mahal ba 'to?" Natatawa kong turan habang pinagmamasdan ang nasa kamay ko.

"Medyo sir, mga 35 kiyaw raw ang isa niyan." sagot ni foreman na ikinatawa naming lahat sa loob.

"Ilan ang biniling ganito?" tanong ko pa.

"Mga... 105 na ganiyan sir, ilang kahon din ang dinala dito noong minsan, eh." sagot nito at tumango ako habang kinekwenta sa isip kung magkano iyon.

"Ahh... ito ba yung nasa 4 million na kinuha sa kumpanya noong minsan? Naka-usap ko kasi yung isang abogado ng kumpanya, may ni-release daw na 4 million noong minsan." tanong ko rito at agad naman silang tumango.

"'Yan nga po yun, sir. Kadadating lang ng mga 'to noong isang linggo, eh." sagot nito at agad akong tumango.

Inilapag ko sa lamesa ang materyales nang mapagtantong natahimik bigla si Chiara. Paglingon ko sa aking likuran ay biglang kumalabog ang dibdib ko nang hindi ito makita.

"Nakita niyo ba yung anak ko?" tanong ko sa lahat ng nasa silid.

"Nakasalubong ko kanina sir, nagtatakbo sa labas." sagot ng isa na kakapasok lang.

Agad akong napaharipas ng takbo palabas ng silid kasunod ang isang foreman at iba pang tauhan nito.

"Yung anak ni sir, naka pink na dress, hanapin niyo!" May isa akong narinig na sumigaw habang nagkakatabo kami sa site.

"Chiara! Nasaan ka? Chiara!" sigaw ko, naka-agaw kami ng attensyon mula sa ibang mga construction worker at maski ang iba ay sumama na sa paghahanap.

Saan nanaman kaya siya nakarating? Saan naman kaya iyon sumuot? Paano kung pumasok siya sa loob ng ginagawang building? Paano kung nakarating ito sa mga bakal-bakal? Paano kung masugatan siya ng mga nangangalawang na bakal? Paano kung mabagsakan siya ng mga bakal!?

"Chiara!" Napasigaw ako nang makita buhat-buhat ito ng isang doktor.

"Daddy!" sigaw niya pabalik, kumakaway pa at malawak ang ngiti.

Agad ko itong kinuha mula sa doktor na may karga rito, "Saan ka pumunta? Bakit ka umalis? Paano kung nasaktan ka? Paano kung may masamang nangyari sa 'yo!?" Hagas na hagas kong turan dito habang ang mga pawis ko ay patuloy sa pag-agos sa noo ko.

Nakuha pa niyang tumawa, "I'm fine po, Daddy! Doc Grey saved me from the car po." Tumuro ito sa likuran niya.

Saka ko lang napagtanto na si Grey pala ang doktor na may buhat-buhat sa kaniya.

"He saved me from the car po kanina kaya hindi po ako na-hit ng car." Tila giliw na giliw pa si Chiara sa nangyari.

Napabuntong hininga ako bago tumayo habang hinihimas ang buhok ni Chiara.

Nang tingnan ko sa mata si Grey ay tinaasan ako ng isa nitong kilay. "She's fine, hindi siya nasaktan." ani nito sa diretsong tono ng boses.

Tumango ako, "Salamat," Maikli kong sagot bago siya agad na tinalikuran. Si Chiara ay agad tumakbo papunta sa isang foreman na kanina pa niya nakakalaro, humahagikhik pa ito at nagtatatalon.

Nakaka-ilang hakbang na ako palayo nang magsalita si Grey, "Pabaya ka palang ama 'no?"

Natigilan ako, kumunot ang noo bago siya hinarap, "Ano?" Pagod na ako buong araw sa trabaho. Dadagdagan pa ba niya?

Napatawa siya nang pagak bago nagpameywang, "I saw her roaming around, walking at the driveway by herself. Muntikan pa siyang mabangga, paano kung wala ako? Paano kung walang nakakita sa kaniya?" Matigas nitong turan. Nakita ko pa kung paano umigting ang panga nito na ikinatawa ko nang pagak.

Humakbang ako palapit sa kaniya, "Salamat ha–"

"Sa susunod kasi, 'wag mong aalisin ang tingin mo sa kaniya. Bata 'yan! Malamang malikot 'yan! She needs extra eye on her. Baka kasi kung anu-ano nanaman ang inaatupag mo kaya napapabayaan mo na yung anak mo!" singhal nito, malalim at garalral ang boses. Base sa ekspresyon niya ay mukhang siyang nag-aapoy sa galit.

Naiintindihan ko na nag-aalala siya kay Chiara. Pasalamat pa nga ako dahil andiyan siya para iligtas ang anak ko. Pero hindi ko naiintindihan kung ano ang pinaghuhugutan niya ng galit sa nangyari? Hindi ko alam kung bakit ang init-init ng dugo niya lalo na sa akin.

Kalmado naman ako noong una. Nag-aalala ako, oo, natataranta ako, oo. Pero hindi ako galit noong una kagaya niya. Pero dahil sa reaksyon niya, sa ekspresyon niya at sa mga sinasabi niya, nagsisimula na rin akong mainis sa kaniya.

Suminghal ako, "Hindi ko siya pinapabayaan, may inaasikaso lang ako." Kalmado ngunit mariin kong turan.

Tumaas ang magkabilang kilay nito bago nanunuyang humagikhik, "Talaga ba? Parang ilang beses nang nalagay sa panganib ang buhay ng anak mo, ah? Ilang beses nang nadala rito sa ospital. Parang kapabayaan na ang tawag diyan—"

Hindi na ako nakapagpigil pa at agad itong nakwelyuhan. Sa sobrang panggigil ko sa kaniya ay halos mapunit ang tela ng damit niya. Ilang pulgada nalang din ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa at pakiramdam ko'y anumang oras ay pwedeng may magawa ang kamay ko na alam kong hindi hahantong sa maganda.

He raised his brow, teasing me and taunting me, "What? You're gonna punch me? Go on, punch me. Nasa harap tayo ng ospital, maraming makakakita sa 'yo." Nanunuya niyang turan.

Ilang segundo ko siyang tinitigan sa mata. Kung anong inis at galit ang nakaguhit sa mata at mukha ko ay siya namang pang-aasar ang nakapinta sa mukha niya. Alam niyang hindi ko siya kayang saktan dito. Alam niyang hindi ko siya kayang saktan.

Pakiramdam ko'y sasabog ako sa galit at inis. Pakiramdam ko'y namamaga na ang kamay ko at gustong-gustong ilabas ang nararamdaman nito. Nanginginig din ang mga ito sa sobrang panggigigil sa kaniya.

Tumaas ang isang kilay nito, "Ano? Suntok? Galit ka diba? Go on, sumuntok ka." Nanunuya niyang turan. Ramdam ko ang pailan-ilan niyang paghabang dahil bahagya naka-angat ang mga paa niya mula sa sahig.

Ramdam ko ang init ng ulo ko. Ang panunuyo ng lalamunan ko dahil sa galit at ang pamumuo ng mga luha sa mata ko.

Sinasagad niya talaga ako.

Marahas kong binitawan ang kwelyo niya at itinulak siya palayo. Natatawa nitong inayos ang kwelyo at damit niya.

"Duwag," bulong nito na ikinatawa ko nang pagak.

"Hindi kasi ako agresibo gaya mo." sagot ko pabalik dito. Umangat ang tingin niya at gumuhit ang isang nanunuyang ngisi sa labi.

He shook his head, "Some people are not just meant to be parents," he said with all his might to offend me.

Wow, just wow.

He faced his back to me and started walking away.

A bitter chuckle escaped my lips. I placed my hands on my waist and chuckled in disbelief. I want to follow him and run after him.

Fuck, I should've really punched him on the face.

Napahilamos ako sa mukha ko bago muling tumingin sa gawi niya, "At ikaw!? Sa tingin mo mas magiging mabuti kang ama!?" sigaw ko rito.

Nakita kong natigilan siya sa paglalakad. Bumagsak ang balikat nito at bahagya pang napatungo.

Ilang segundo ko siyang pinagmasdan habang malalim ang bawat paghinga. Hinihintay ko siyang humarap, bumalik sa akin para suntukan o kwelyuhan din ako. Gumanti siya, magalit siya, suntukin niya ako. Tutal iyon naman ang paborito niyang gawin.

Pero hindi, inayos nito ang salamin niya bago dire-diretsong naglakad palayo.

Nagparte ang mga labi ko, natawa ako nang pagak bago napa-iling.

Dadating pa kaya ang araw na magkaka-ayos kami ni Grey? O habang-buhay na kaming ganito? Habang-buhay na kaming magkagalit.

------------

a/n: parehas silang foul dun, if you read the first book, malalaman niyo kung gaano yun kabigat kay Grey

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co