Truyen3h.Co

What Used To be Ours

Chapter 12

_Dominous_

Grey's POV

I woke up around 7 AM the next day, I decided to get up from my bed and circle around my room to exercise my legs. It's not good if I stay in bed for the whole day; I need to move my muscles too.

I'm looking by the window, stretching my hips from side to side, when the door suddenly opens.

I immediately turn around to look who it is, "Oh, napabisita ka?" Bati ko kay Louis na kakapasok lang ng kwarto.

Napatawa ito nang pagak, "Oo naman, kawawa ka kasi, wala kang kasama rito." sagot nito bago may inilapag na plastic bag sa lamesa.

Napa-irap ako bago naglakad papalapit sa kaniya, "Hindi ko naman kailangan ng sasama sa akin, kaya ko ang sarili ko." sagot ko rito habang nakatayo sa tabi niya at pinapanood na asikasuhin ang pagkain na dala niya.

"Sus, paano kung bangungutin ka habang natutulog? Sinong gigising sa 'yo?" tanong nito bago inilapit sa akin ang mangkok na may lamang lugaw.

Natatawa akong umiling bago dahan-dahan na umupo sa bangko, "Bakit? Gusto mo 'kong tabihan?" May ngising nakaguhit sa labi ko habang pinanliliitan siya ng mata.

Napatawa ito, "Sus, 'wag na, baka lalo kang magkasakit kapag nagsiping pa tayo sa pagtulog." sagot nito na ikinatawa namin parehas lalo na at alam ko ang ibig sabihin ng sinabi niya.

"May nabalitaan ako," ani nito habang kumakain kami.

Tumaas ang magkabila kong kilay bago nag-hum, busy sa pag-ihip ng mainit ng lugaw.

"Binisita ka raw ng ex mo kahapon." ani nito, nang lingunin ko ito ay mapang-asar ang mga mata nitong nakatingin sa akin habang sumusubo ng lugaw.

Nagpilit ako ng tawa, "Yung anak ang bumisita sa akin." Pagtatama ko rito at napatawa ito nang pagak.

"Pero kasama yung tatay?" tanong nito at napa-irap ako.

"Malamang, sa tingin mo ba makakapunta yung anak na mag-isa rito?" Pagsusungit ko rito na ikinahagikhik ni Louis.

"So andito nga si Code kahapon?" tanong niya at napabuntong hininga ako bago tumango.

"Yes, andito silang mag-ama. So what? He was the one who brought me here too." tanong ko rito bago sumubo ng pagkain.

Nag-hum si Louis bago dahan-dahan na tumango, "Isn't he being a little too... comfortable? I mean, okay na ba kayo? Cause the last time I checked, galit ka pa rin sa kaniya?" tanong nito at muli akong napabuntong hininga.

Hinarap ko ito, bagsak ang mga balikat at mapungay ang mata, "Galit pa rin naman ako sa kaniya. Pero hindi ko naman sila pwedeng ipagtabuyan lalo na yung bata. Chiara is a very lovely kid. And... she's also very attached to me. I don't want to hurt her feelings." Malumanay kong paliwanag dito.

Pinagtaasan ako ng kilay ni Louis, "But you know that kid always come with her father, right? Kapag na-attach ka sa batang yun, baka ma-attach ka rin sa ex mo." Mariin na turan nito, muli akong napabuntong hininga bago nagbalik ng tingin sa kinakain ko.

"I'm not the Grey he used to know. I'm not that easy anymore. I've already set my walls, Louis. Hindi na niya ma-aakyat yun." Seryoso kong turan bago sumubo ng lugaw.

"Pero kung para sa anak niya, ako pa mismo ang magbubukas ng pinto." Dagdag ko na bahagyang ikinatawa ni Louis habang umiiling. "Let me just remind you that her father used you once. Tinarantado ka niya dati, at ngayon, gaganti ka, don't forget that." Mariin nitong turan, nilunok ko ang pagkain sa bibig ko bago tumango.

Louis left half an hour later. He has his patients to attend and a surgery at 10. After he left, I just took a very quick body wash and changed into a pair of shorts and a ¾ shirt. Hirap na hirap pa ako sa pagsusuot nito dahil sa swerong nakakabit sa kamay ko.

Sandali rin akong nanood ng TV bago iyon pinatay at nagpahinga.

May nurse na bumisita sa kwarto ko para bisitahin ang IV fluid ko at hindi na nagtagal. Pagka-alis nito ay uminom lang ako ng tubig bago natulog ulit.

Nagising ako nang muling bumukas ang pinto, hindi ko pa ma-aninag kung sino ito noong una, pero bago ko pa man maisuot ang salamin ko ay nakasigaw na agad si Chiara.

"Hello, Doc Grey! How are you feeling po?" Nagtatatalon ito sa gilid ng kama ko.

Agad gumuhit ang ngiti sa labi ko bago bumangon at isinampa si Chiara sa kama ko.

"Daddy cooked lunch for you po!" Nakangiti nitong turan, utay-utay bumagsak ang ngiti sa labi ko bago nilingon si Code na inaayos ang pagkain sa lamesa.

Narinig ko itong tumawa bago umiling, "It wasn't just me, you helped me too!" Magiliw na turan ni Code na ikinatawa ng anak niya sa tabi ko.

Tumalon si Chiara pababa ng kama na ikinagulat ko. "Doc Grey, let's eat na po!" Aya sa akin nito habang naka-upo na sa bangko.

Nagpilit ako ng ngiti bago tumango at bumaba na rin ng kama habang dala-dala ang IV stand ko nang maglakad palapit sa mag-ama.

"It's masarap po Doc Grey! Try it po!" Kinuha pa ni Chiara ang kutsara na inilagay ng ama nito sa harap ko.

Binawi ni Code ang kutsara, "Chiara, let Doc Grey eat by himself." Sita ng ama nito, agad sumandal si Chaira sa bangko at ngumuso na bahagya kong ikinatawa.

Kung may kasama akong bata na ganito kakulit, baka hindi ako mapapagod.

Tahimik kaming kumakain noong una lalo pa at ang bata sa pagitan namin ni Code ay busy sa pagkain. Pero nang mabusog yata ito ay nagkulit at nagdaldal nanaman ito.

"Doc Grey, I helped Daddy to cook this po!" Pagyayabang nito sa tabi ko na siya namang ikinangisi ko.

"Kaya pala masarap." sagot ko rito na ikinahagikhik niya.

"Napaso nga 'yan sa kamay, ang likot kasi." ani ni Code sa tabi ko na para bang nagsusumbong.

Bahagyang namilog ang mata ko at agad inabot ang isang kamay ni Chiara na kanina ko pa nakikitang mapula.

"Why? What happened?" Nilingon ko si Code na sakto namang umiinom ng tubig,

Tumingin ito sa anak at ngumuso pa, "Itanong mo sa kaniya," sagot nito na ikina-irap ko nang bahagya.

"What happened, Chiara?" Malambing kong tanong sa bata.

Ngumuso ito, "I accidentally touched the pot, Doc Grey, it was so hot po." Nakanguso nitong sagot, may action pa ang kamay nito habang nagkekwento na bahagya kong ikinangisi.

"Aww, next time, mag-iingat, okay? It's very dangerous around fire talaga." ani ko rito habang inaayos ang buhok niya.

"Eat kana ulit, hindi pa ubos yung rice mo, oh." Turo ko sa pinggan niya.

"Pero wala na ako ulam, Doc Grey." sagot nito na ikinatawa ko, kukunin ko na sana ang tupperware na may lamang nilaga nang mauna ang kamay rito ni Code na siya namang nahawakan ko.

Agad namilog ang mata ko at binawi ang kamay ko. Ilang segundo kaming nagkatinginan ni Code bago ako ang unang kumalas at nagbalik ng tingin sa anak niya.

Nilalagnat nanaman yata ako? Ang init, ang init ng mukha ko.

Nang matapos kaming kumain ay si Chiara pa mismo ang kumuha ng gamot ko sa lamesa sa may kama ko. Siya rin ang nag-abot sa akin ng tubig nang isubo ko ang tableta.

"Thank you, Chiara," Parehas kaming nakangisi ng bata habang hinihimas ko ang buhok niya.

"Let's go na, Chiara. May work pa si Daddy." Parehas kaming napalingon sa gawi ni Code.

Narinig kong napasinghap si Chiara bago ako biglang niyapos na ikinagulat at ikina-igtad ko.

"No, Daddy! I don't want to leave Doc Grey!" Mahigpit ang yakap nito sa akin na bahagya ko pang ikinakiliti.

Napatawa si Code sa ginawa ng anak, "Come on, sige na, aalis na tayo. May meeting pa si Daddy ng 1 PM." Tumingin si Code sa relo niya.

Nang magbalik ako ng tingin kay Chiara ay nakatingala ito sa akin, nakanguso at mukhang paiyak na.

Nginitian ko ito bago inayos ang buhok, "It's okay, Chiara, I'll be fine here." I gave the kid an assuring smile.

She pouted exaggeratedly, "But Doc Grey...!" Ilang segundo nalang ay mukhang babagsak na ang luha nito.

Narinig kong tumawa si Code sa likod ko, "Babalik nalang tayo mamayang gabi." ani nito bago napadpad ang tingin nito sa gawi ko.

Nang magtagpo ang mga mata namin ay nagparte ang mga labi nito, "If... if okay lang kay Doc Grey." sagot niya at agad akong napabalik ng tingin sa anak nito.

"Your Daddy's right, babalik naman kayo mamayang dinner, right? We'll see each other mamayang gabi." Pang-aalo ko sa bata.

Ngumuso si Chiara bago tumango, "Okay po, wait for me po, okay?" ani nito bago utay-utay kumalas sa pagkakayapos sa akin.

Bahagya akong napatawa bago tumango, "Yes, I'll wait for you. Now go, baka ma-late si Daddy mo sa meeting niya." ani ko rito at tumango ito bago tuluyang kumalas sa yakap at tumakbo papunta sa tatay niyang hawak-hawak na ang bag niya.

Hanggang sa paglabas nito ng kwarto ay kumakaway ito at pinapaalalahanan ako na hintayin siya.

Nanood lang ako ng TV buong hapon, hindi na ako natulog dahil baka hindi ako antukin mamayang gabi. Pagsapit ng alas singko ay nagwalis-walis din ako sa loob ng kwarto dahil medyo alikabukin na.

Nang mag alas sais ng hapon ay naka-upo lang ako sa kama at naghihintay.

Malapit nang mag 7 PM pero wala pa rin ang mag-ama. Nabauntong hininga ako bago nag-check ng cellphone.

Maya-maya ay nagbanyo ako para umihi. Ilang minuto rin ako sa banyo dahil pinagmasdan ko ang hitsura ko sa banyo bago lumabas. Laking gulat ko nang madatnan ang mag-ama sa kwarto ko.

"Doc Grey!!" Umiiyak na turan ni Chiara, agad naman nanlaki ang mga mata ko nang tumakbo ito sa akin at niyapos ako sa binti.

Agad akong napatingin kay Code, "Akala niya umalis kana," ani nito habang inaasikaso ang pagkain.

"I thought you didn't wait for me," Umiiyak nitong turan habang nakasubsob sa hita ko.

Utay-utay akong lumahod para pantayan ito, "Hey, diba sabi ko hihintayin kita? Nag-banyo lang si Doc, hindi ako umalis." Malumanay kong turan dito habang pinapahid ang luha sa pisnge niya.

"Doc Grey won't leave without telling you," I softly said, trying to make her stop crying.

Utay-utay itong tumango, natawa pa ako sa haba ng nguso nito, "Stop crying na, okay? Let's eat dinner na." Aya ko rito, gusto ko pa sana siyang buhatin pero dahil may swero ang kamay ko at medyo masakit ay inakay ko nalang ito papunta sa gawi ng ama niya.

Naka-upo na si Chiara sa bangko at akmang tatabihan ko na nang bumukas ang pinto,

"Hey, I bought you din–ner," Natigilan si Louis, agad gumapang ang tingin nito sa batang naka-upo sa tabi ko bago nagbalik ng tingin sa akin.

"Ah, may bisita ka pala." ani nito bago pumasok ng silid.

"Hello Doc Louis! Daddy made dinner for Doc Grey po!" Magiliw na turan ni Chiara sa tabi ko.

Nagparte ang labi ni Louis bago tumango, "Oh, is that so? I bought food din kasi for Doc Grey. It's from his favorite Chinese restaurant." ani ni Louis bago inilapag ang paper bag na dala niya sa tapat ng mga pagkaing dala ni Code.

"Sabi ng doktor umiwas daw muna siya sa fast food." ani ni Code na agad kong nilingon.

"It's not fast food, plus, these are all Grey's favorite. Of course hindi mo alam yun." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Louis.

Heto nanaman tayo, akala ko si Chiara lang ang bata rito. May dalawang isip bata pa pala.

Suminghal si Code, "It's better kung homemade ang kakainin niya—"

"Kakainin ko parehas, tumigil na kayong dalawa." Putol ko kay Code, naupo ako sa tabi ni Chiara para kunin ang pinggan na may lamang pagkain na si Code ang nagluto at kinuha naman ang dalang pagkain ni Louis.

"Kumain kana rin Louis, alam ko namang hanggang 10 PM kapa rito." Pag-aaya ko rito, habang kumukuha ng pagkain.

"Actually... off na ako ng 6 PM, bumalik lang ako para dalhin yung pagkain." sagot nito at napa-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Stay, ang daming pagkain." ani ko rito at umiling ito,

"'Wag na, ayaw kong ma-istorbo ang little family time niyo." Nakangisi nitong turan na ikinabuntong hininga ko.

"So, I'll be going now. Bye Grey, bye Chiara," kinawayan nito ang bata habang malawak ang mga ngiti sa labi.

Nang mag-angat ito ng tingin kay Code ay napawi ang ngiti sa labi nito, "Attorney," tinanguan lang nito si Code bago umalis ng kwarto.

Narinig kong humagikhik si Code na agad kong sinamaan ng tingin, "Mukhang susuyuin mo pa yung isang yun." Bulong nito na inirapan ko lang at hindi na sinagot.

Nakipagkwentuhan pa sa akin si Chiara pagkatapos kumain. Kung hindi pa ito aayain ng ama na umuwi ay hindi pa ito titigil sa kakadaldal.

Nagising ako kinabukasan sa katok sa pinto ng aking kwarto, "Pasok," sagot ko bago kinuha ang salamin ko sa lamesa.

Unang pumasok si Code ng kwarto kaya inaasahan ko na kasunod nito ang anak. Pero nang saraduhan na nito ang pinto sa likod niya at walang batang maingay ang sumunod ay napakunot ang noo ko.

"Nasaan si Chiara?" Taka kong tanong dito habang pinapanood siyang ilapag sa lamesa ang plastic na dala.

"Hindi ko kasama, nag jogging lang ako at may nadaanan na nagtitinda ng lugaw, naisipan ko lang na bilhan ka." sagot nito habang nakatalikod sa akin at inaasikaos ang pagkain sa lamesa.

Napasinghal ako habang inaalala ang sinabi ni Louis.

"... Tinarantado ka niya dati, at ngayon, gaganti ka, don't forget that."

"Why are you doing this?" I sternly asked, which caught his attention.

He faced my direction, brows furrowed, and he slowly shook his head, "Because I care—"

"I don't need your care. In fact, I don't need you here. What makes you think you can come here early in the morning and bring me food?" I cut him off, I saw how his lips parted, but he immediately sealed back, and I saw his jaw move.

"I'm doing this on behalf of Chiara—"

"Bullshit, kaya lang naman ako nagiging mabait sa 'yo dahil lagi mong kasama ang anak mo. 'Wag mo nang gawing dahilan si Chiara at magpalusot pa. I don't want you here, Code!" Inis kong turan dito.

Narinig ko siyang suminghal, nagpameywang bago tumango, "Fine, fine... I'm sorry for coming here. I'm sorry for caring. Akala ko lang naman..." Nag-angat ito ng tingin, nagtagpo ang mga mata namin at agad ko siyang tinaasan ng kilay.

"Akala mo ano? Akala mo okay na tayo? Akala mo nakalimutan ko na yung ginawa mo dati? No Code, hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng yun!" Gustohin ko mang tumayo mula sa kama ay pinili kong manatiling naka-upo dahil baka kapag nilapitan ko pa siya ay magkagulo lang kami lalo. May swero pa man din ako sa kamay, mahihirapan ako kung susuntokin ko siya.

Utay-utay siyang tumango, "I know... malinaw naman sa akin na galit ka pa rin. Nagmamabuting loob lang ako," ani nito na ikinatawa kong pagak.

"Alam ko kung gaano ka kahayop, Code. 'Wag ka nang magbalat kayo. Dahil kahit ako, pina-plastic lang kita kapag andito ang anak mo. Kaya 'wag mo na rin akong plastic-in ngayon, alam ko naman ang totoo mong ugali!" Nanggigil kong turan.

Mukhang maca-cancel pa ang paglabas ko mamaya ng ospital, baka tumaas pa ang blood pressure ko dahil kay Code.

"Fine... then... aalis na ako." ani nito bago naglakad palapit ng pinto. Pinanood ko lang ito at hindi na nagsalita, malalim ang bawat paghinga ko at pinapawisan ako dahil sa galit.

Hawak-hawak na nito nag doorknob nang muli itong humarap,

"Ano nanaman–"

"Chiara wants to see you mamayang lunch, pupunta kami rito. Pwede rin naman na pasamahan ko nalang si Chiara sa yaya niya para hindi na ako pumunta rito." Malumanay nitong turan.

Marinig ko lang ang pangalan ng anak niya ay bahagya akong kumalma.

Napalunok ako ng laway, "Ma di-discharge na ako mamayang 9 AM, uuwi muna ako ng condo." sagot ko rito at utay-utay itong tumango.

"Then... sasabihin ko kay Chiara na hindi ka na niya mabibisita." ani nito bago tumalikod at akmang palabas na ng pinto nang pigilan ko ito.

"She can visit me sa condo." Pigil ko rito, natigilan ito at muling humarap sa gawi ko.

Bahagyang nagparte ang labi ko, "She—... pwede kayong pumunta sa condo ko." Dagdag ko pa, nagparte ang labi niya bago utay-utay tumango.

"Sige, sasabihin ko sa kaniya." sagot niya bago tumalikod at tuluyang lumabas ng kwarto.

Kinain ko pa rin ang lugaw na dala niya lalo pa at iniwan niya ito sa lamesa. Pagkatapos ay nagpalit na ako ng damit at nag-ayos ng mga gamit ko sa kwarto. Naghintay ako ng nurse na tanggalin ang swero ko. Tinulungan din ako ni Louis na mag-ayos ng mga papeles at bayaran ko sa ospital.

Nag-offer pa ito na ihahatid ako pero alam kong busy ito sa trabaho kaya nag taxi nalang ako pauwi ng condo.

Nagpahinga muna ako sa condo. Nang mag lu-lunch na ay bahagya akong naglinis lalo pa at alam kong dadating si Chiara.

Pero habang naglilinis ako ay biglang nag message si Code at nagsabing hindi sila makakapunta ng lunch dahil busy siya sa kumpanya.

From: Nicodemus Ace

If it's okay for you, pwedeng mamayang hapon nalang kami pumunta diyan. O di naman kaya ay ipapahatid ko si Chiara ngayon sa driver namin at pasasamahan sa yaya niya.

To: Nicodemus Ace

'Wag na, mamayang hapon nalang kayo pumunta. Samahan mo na yung anak mo. Mas pipiliin kong tiisin nag pagmumukha mo kaysa maging awkward sa yaya ni Chiara.

From: Nicodemus Ace

👍🏽

Napaisnghal nalang ako sa reply nito. Kapal din talaga, siya pa ang may ganang mang like-zone.

Naligo ako pagkatapos kong kumain ng tanghalian na ako mismo ang nagluto. Iyan ang pa-alala sa akin ni Louis bago ako umalis. I-block at i-delete ko raw muna lahat ng food delivery app sa cellphone ko para hindi ako matuksong um-order.

Maginhawa sa pakiramdam nang matapos akong maligo. Nagtuyo ako ng buhok at naglagay ng mga cream sa mukha dahil ilang araw din dry ang balat ko sa ospital.

Nagising ako ng bandang alas singko, nag-toast ako ng tinapay para sa miryenda. Nang matapos akong mag-toast ay dinala ko ito sa sala at doon nanood ng TV.

Nagulat ako nang biglang mag message si Code at sinabing nasa baba sila ng building. Agad kong pinatay ang TV at lumabas ng unit para bumaba sa lobby. Pagkarating ko roon ay nakita ko ang mag-ama na naka-upo sa may sofa. Una akong nakita ni Code na agad kinulbit ang anak niya at itinuro ako.

Lumiwanag ang mukha ni Chiara, agad itong nakasigaw at tumakbo papunta sa akin para yapusin ang binti ko.

"Doc Grey!! You're not sick anymore!?" Tuwang-tuwang tanong nito, gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko bago lumuhod at pinantayan siya bago umiling, "Hindi na, magaling na ako." sagot ko at tumango siya, "Yehey!! Hindi na sick si Doc Grey!" Tuwang-tuwang turan nito, nag-angat ako ng tingin kay Code na nasa likod na pala ng anak.

"I... bought foods for dinner, pero lulutuin ko pa. Gusto ka raw kasing kasama ni Chiara mag-hapunan." Ngangapang turan ni Code.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at tumango, "Okay lang, kumpleto naman ang gamit ko sa taas." ani ko bago hinawakan si Chiara sa kamay.

"Let's go na, Chiara? Do you want to see my unit?" tanong ko sa bata at agad itong tumango at nagtatalon pa papuntang elevator.

Pagkapasok namin ng unit ay una kong nakita ang pinggan na may lamang tinapay na nakakalat sa sofa. Agad ko iyong nilapitan at inayos para dalhin sa kusina.

"Doc Grey, bakit ang sad po ng unit niyo? Black, white, and grey lang po ang colors." tanong ni Chiara habang naglalakad-lakad sa loob ng unit.

Narinig kong bahagyang napatawa si Code habang inaasikaso ang dalang lulutuin sa lababo.

Napabuntong hininga ako, "I don't have a favorite color kasi, Chiara. And... I like it simple." sagot ko sa bata bago nagpunas ng kamay pagkatapos maghugas sa gripo.

"Pero it's sad po," ani nito habang nasa gitna ng sala.

Napangisi ako bago siya nilapitan, "Do you have a suggestion ba? Ano ba ang pwede kong ilagay para hindi na siya maging sad?" tanong ko rito bago siya tinabihan at naglibot din ng tingin sa kwarto ko.

"You can put flowers po, then colorful paintings, plants will do rin para mas lively!" sagot nito at utay-utay akong tumango.

"Where are the flowers that we give you before, Doc Grey?" tanong nito, napababa ako ng tingin sa kaniya bago na-alala ang bouquet ng puting roses na bigay ng mag-ama.

"It's in my clinic, Chiara. Kaso they're all dead na, eh." sagot ko rito at ngumuso siya.

"Sayang po, you can put them here." ani niya at tumango ako, "But they're white, sad rin yung kulay niya." sagot ko at tumango ito.

"Daddy picked those po, eh. I wanted to give you pink pero wala daw po pink roses. So Daddy got you the white ones po." sagot nito at bahagyang nagparte ang labi ko. Bigla kong na-alala ang nakita kong ibig sabihin ng puting roses bago gumapang ang tingin ko kay Code na busy sa kusina.

Inaya ako ni Chiara sa bedroom ko, gusto raw niyang makita maski iyon. Nahiya tuloy ako dahil ito ang magulo sa condo ko. Hindi rin siya natuwa sa kulay grey kong kobre-kama at itim na kurtina sa kwarto ko. Maski banyo ay binisita niya, ako na mismo ang nahiya sa sarili kong tirahan dahil nag ho-house tour talaga si Chiara.

Nang mapansin nito ang gaming set up ko ay gustong-gusto nitong maglaro at umupo sa gaming chair. Sayang lang dahil hindi ako makakapaglaro dahil hindi pa ako pwedeng tumitig nang matagl sa computer.

Paglabas namin ng sala ay tiningnan naman nito ang mga board games sa ilalim ng TV. Doon ito napirmi at inaya pa akong maglaro. Naka-upo kami sa sahig kung saan nakalatag ang board game. Inaya pa nito ang ama pero busy na ito sa pag-aasikaso ng hapunan.

Nagugulat ako dahil alam ni Chiara ang nilalaro namin. Nananalo rin ito at minsan ay mas magaling pa sa akin sa nilalaro namin.

Natalo ako nito ng isang beses at sa pangalawang beses ay ako naman ang nanalo. Umayaw ito sa nilalaro namin at naghanap ng bagong lalaruin. Nang muli ko itong matalo sa bago niyang pinili ay umayaw na ito. Sumampa pa sa sofa at pinag-cross ang mga braso niya habang nakanguso.

Gusto ko siyang tawanan, kaso mukhang napikon na ito dahil natalo ko sa laro.

Inayos ko ang laruan na nakakalat sa sahig habang siya itong nanonood ng TV. Natatawa pa rin ako sa tuwing malilingunan ito at makikitang nakasimangot. Pinipigilan ko nalang ang sarili ko na marinig niyang tumawa.

Tumayo ako sa likod nito sa sofa, nakikinood sa pinapanood niyang Disney movie pero hindi naman ako interesado rito kaya kahit na-aasiwa sa mukha ni Code ay nilapitan ko ito.

"Kailangan mo ng tulong?" tanong ko rito nang sumandal sa kitchen island.

Nag-angat ito ng tingin mula sa ginagayat na gulay, "Kaya ko na, doon kana kay Chiara." Pantataboy nito sa akin.

Natawa ako nang pagak, "Nagtatampo yung anak mo, pati ba naman ikaw?" Natatawa kong turan, muli itong nag-angat ng tingin bago napatawa nang pagak.

"Akala ko ba galit ka sa 'kin?" tanong niya at napa-irap ako.

"Galit pa rin, pero nagtatampo kasi sa akin yung anak mo, hindi ako pinapansin." sagot ko at napatawa siya,

"Tinalo mo kasi, dapat nagpatalo ka nalang." ani niya at napatawa ako nang pagak.

Nilingon ko si Chiara na nakasimangot pa rin sa sofa, "Hindi ko naman alam na ganun pala dapat." ani ko habang nakalingon kay Chiara.

Natawa si Code na agad kong binalikan ng tingin, "Ganiyan talaga, kapag nagkaroon kana ng ng sarili mong anak, matututunan mo lahat ng paraan na magpakumbaba." seryoso nitong turan habang naggagayat.

Napabuntong hininga ako bago sumandal sa counter, "Mahirap?" tanong ko at muli itong nag-angat ng tingin sa akin bago tumango.

"Mahirap, try mo." ani niya at napakunot ang noo ko. "Try ko? Na magka-anak?" Taka kong tanong, napahagikhik ito bago ini-abot sa akin nag kutsilyo.

"Alam mo, tulungan mo nalang ako sa pagluluto." ani niya na ikinatawa ko nang pagak bago kinuha ang kutsilyo sa kamay niya at umikot para maggayat.

Kare-kare pala ang lulutuin nito, siya itong nagpapalambot ng karne at nagluluto ng alamang habang ako ng nanggagayat ng gulay. Pagkatapos ko sa mga gulay ay kinuha ko na ang sibuyas at bawang. Ilang segundo palang akong naggagayat ng sibuyas ay nagluluha na ako.

"Code," tawag ko rito, sumisinghot pa.

Agad itong naglakad sa tabi ko para silipin ako, "Ano yun? Bakit?" Hagas nitong turan,

"Ikuha mo 'kong tissue, nagluluha ako." ani ko at tumango ito bago kumuha ng tissue.

Kukunin ko sana ito sa kamay niya nang bigla nitong i-angat ang salamin ko at punasan ang mata ko.

Natigilan ako, pakiramdam ko'y nanigas ang kamay ko. Para akong nirayuma at hindi ito maigalaw. Maski ang mga paa ko ay napako sa aking kinatatayuan.

"Pikit," ani nito, kahit malakas ang kalabog ng dibdib ay sinunod ko ang sinabi niya at ipinikit ang aking mga mata.

"Ako na kaya diyan, haluin mo nalang yung–"

"Ako na, kaya ko na 'to," ani ko bago bahagya inilayo ang mukha sa kaniya at inayos ang salamin ko.

Hindi ko na ito muling pinansin. Ilang beses kaming muntikan nang magkabanggan sa kusina. Ilang beses din dumampi ang kamay namin sa isa't-isa na agad kong binabawi ang akin.

Hanggang sa tuluyan nang dumilim ang langit at ang pinapanood ni Chiara ay natapos na. Inihain na ni Code ang mga pagakin habang nag-aayos naman ako ng mga pinggan at baso. Maya-maya ay handa na ang lamesa at tinawag na ni Code ang anak na mukhang nasa good mood na.

"Wow, Daddy! It's Kare-Kare!" Lumiwanag ang mukha ng bata, sinasandukan ko ito ng kanin habang ang ama naman ay nilalagyan ito ng ulam sa mangkok.

"Doc Grey helped me cook, I'm sure masarap 'yan." ani ni Code na bahagya kong ikinangiti.

"Talaga po Doc Grey? You cook po?" tanong ni Chiara at bahagya akong napatawa,

"Yes Chiara, I know how to cook but not much." sagot ko bago ipagsandok ang sarili ko ng ulam.

Tuwang-tuwa akong panoorin si Chiara na kumain ng Kare-Kare lalo pa at magana siyang kumain. Mahilig din ito sa gulay na siyang mas ikinabilib ko dahil madalang sa bata ang kumakain ng gulay.

"We're like a happy family po," Biglang kumento nito habang kumakain.

Napakunot ang noo ko bago nag-angat ng ulo.

"Why Chiara?" tanong ng ama nito,

Ngumiti si Chiara, "Because... may mommy and daddy ako." sagot nito at muntikan pa akong mabulunan ng pagkain.

Narinig kong tumawa si Code sa tabi ko habang ako itong agad napa-inom ng tubig.

"Sinong mommy sa amin?" Sinamaan ko ng tingin si Code na patuloy ang paghagikhik sa tabi ko.

Bahagyang napanguso si Chiara, "Wala palang mommy kasi parehas kayong boy, dalawa nalang daddy ko!" Malawak ang ngiti ni Chiara, ang mga mata nito ay halos mawala dahil sa laki ng ngiti niya.

Inayos ko ang salamin ko bago sinamaan ng tingin si Code, "What?" Tinaasan ako nito ng magkabilang kilay.

Inirapan ko ito bago nagpatuloy sa pagkain.

Nag-dessert pa kami ng ice cream na galing sa ref ko. Hindi ako kumain ng marami lalo pa at kagagaling ko lang sa sakit. Si Chiara naman ay pinigilan ng ama na kumain ng madami dahil baka magkasipon ito.

Tinulungan ko si Code sa pag-iimpis ng pinagkainan. Noong una ay aakuin ko na sana ang paghuhugas lalo pa at siya ang nagluto pero inagaw nito sa akin ang sponge at sinabing siya na raw ang maghuhugas.

Busy naman si Chiara sa panonood sa TV, at dahil pinawisan din ako sa pagluluto kanina ay agad akong pumsok ng kwarto para mag body wash at magpalit ng damit.

Hindi ako gaano nagtagal sa banyo at maya-maya ay bumalik ng sala. Paglabas ko ay nakita ko si Chiara na nakahiga na sa sofa at mahimbing na ang tulog.

Natawa ako nang bahagya bago nilapitan ang bata. Pinatay ko na ang TV bago inayos ang pagkakahiga ni Chiara ay nilagyan pa ito ng unan.

Anong oras na ba? Malapit na palang mag 9 PM. Napagod siguro si Chiara sa kakalaro kaya nakatulog na.

Hindi ba mahihirapan si Code kung magmamaneho pa sila pauwi? Baka pwedeng... dito na sila magpalipas ng gabi.

Agad akong napalingon sa cellphone ni Code na nasa coffee table. Nang lapitan ko ito ay nakita ko ang pangalang 'Anthony' na bahagyang ikinakunot ng noo ko.

Maya-maya lang ay narinig ko ang yabag ng paa ni Code sa likuran ko. At sa ilang segundo lang ay agad nitong dinampot ang cellphone at sinagot ang tawag.

"Hello? Anthony, yes! I'll be there! I'll meet you at 7 AM—"

Pinaanod ko si Code na naglakad palabas ng terrace, sinaraduhan pa nito ang pinto kaya tuluyan ko nang hindi narinig ang sinasabi niya.

Huminga ako nang malalim, kinuha ko ang bag ni Chiara at inayos ang mga gamit ng bata. Nagkalat ang towel nito, ibang laruan at mga pamuyod sa paligid. Maski ang sapatos nitong suot ay sumuot na sa ilalim ng sofa.

Maya-maya ay narinig kong pumasok si Code ng unit, "Hey, uhm...—"

"Mukhang pagod na si Chiara, mabuti pa ay umuwi na kayo." Putol ko rito, naglakad ako palapit sa kaniya bago ini-abot ang bag ni Chiara, "May kikitain kapa pala bukas, mabuti pa ay umalis na kayo."

—----------

a/n: oooof... ano 'tong na-aamoy ko? Ay, yung alamang pala heheheheheh btw, ⅓ itong update today ksksks, ie-edit ko pa yung dalawa hehehe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co