Truyen3h.Co

What Used To be Ours

Chapter 14

_Dominous_

Code's POV

"Daddy! Daddy! My birthday is in two weeks! It's my birth month na!" Agad akong napalingon sa gilid ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Chiara na nagtatatalon.

Napatawa ako nang pagak bago inalis ang salamin ko at agad sinalubong si Chiara na nagtatakbo palapit sa akin at nagpabuhat, agad ko itong kinalong, "Yes, your birthday is in two weeks. And you're turning seven!" I booped her nose which made her giggle.

"So, what do you want for your birthday? You know, here in the Philippines, we call it... debut. When a little girl turns 7, she becomes a big girl na and she has a grand celebration for her birthday!" I said, I watched her expression light up for a few seconds before her shoulders dropped and her lips formed into a pout.

"Big celebration? But I don't have friends, Daddy. All my friends are in Canada," she replied, and it suddenly hit me.

I copied the pout on her lips, "Then what do you want? Come on, tell Daddy what you want for your birthday so Daddy can make plans na." sagot ko rito habang inaayos ang buhok niya.

Ngumuso ito, pinindot-pindot pa ang hintuturo sa baba at tumingin sa kisame habang nag-iisip.

She gasped, then her face lit up, followed by a giggle, "I want Doc Grey to be at my birthday!" she exclaimed, which immediately made my lips part.

"Huh? Why? Ano ba ang balak mo sa birthday mo?" tanong ko rito.

"We can have... a family time, Daddy!" Malawak ang ngiti nito na ikinangisi ko rin nang bahagya.

"If family time and gusto mo, bakit kasama si Doc Grey? He's not part of our family." tanong ko rito at ngumjuso ito,

"Then... let's make Doc Grey part of our family! So we can be a big, happy family!" Her eyes grew big, and so did the smile printed on her face.

My smile slowly fades, I pursed my lips before wrapping my arms around her back to prevent her from falling on her back.

"Then? Anong gusto mong mangyari sa birthday mo?" I changed the subject,

She giggled, "I want to... swim! Cause it's so hot in the Philippines! Then... just... all my favorite foods! Chicken, alfredo pasta, pizza, shanghai, mac and cheese, and many more! Then... I just want... just us, Daddy! With Doc Grey too!" she giggled, which made me sigh.

"Chiara, we can't just... invite Doc Grey, maybe he's busy." I tried to talk it out.

After the incident at the gym? I doubt Grey would still want to see me. We got a little... physical that day.

Chiara shook her head, "That's why let's tell him now! So he can make time for my birthday!" she started lightly slapping my arms. I laughed at her reaction, which almost looked like a tantrum, before nodding.

"Go na, Daddy! Message Doc Grey na!" Pinag-cross nito ang braso niya bago ako sinamaan ng tingin at ngumuso.

Natatawa akong umiling bago dinampot sa lamesa ang cellphone ko, "Fine, anong sasabihin ko kay Doc Grey?" tanong ko rito habang binubuksan ang messages namin.

"Just tell him it's my birthday next-next week and he's invited!" She started slapping my arms again, which made me chuckle while typing a message for Grey.

To: Rafael Grey

It's Chiaras birthday next-next Saturday, June 14th, you're invited.

"Here, I sent him a message na." I showed her the phone, she took it from my hand and stared at it.

"Did he read it na?" tanong nito, siilip ko ang cellphone bago napa-iling, "Looks like hindi pa." sagot ko,

Ilang segundo namin itong pinagmasdan. Maya-maya ay nag-seen na si Grey.

"Oh! He read it na! Tell Doc Grey na we're expecting him! Dali! Dali!!" Ini-abot sa akin ni Chiara ang cellphone habang hinahampas ako sa braso.

Tumango lang ako bago agad sinundan ang message ko kay Grey.

To: Rafael Grey

And we're expecting you, so please come.

"Ayan, nabasa na ni Doc Grey." Ipinakita ko ulit sa kaniya ang cellphone na agad niyang inagaw.

"Chiara, wait lang, magbabanyo lang si Daddy." ani ko rito, agad tumalon pababa si Chiara mula sa pagkakakalong sa akin at agad akong tumayo para pumasok ng banyo.

Wala pa akong isang minuto sa banyo ay bigla kong narinig si Chiara na nagsasalita. Napakunot ang noo ko bago agad inayos ang pajama na suot ko at nag-flush ng bowl.

"Chiara, who—" Natigilan ako nang makita itong may kausap sa cellphone ko.

Agad napakunot ang noo ko at sinilip ang katawagan ni Chiara sa cellphone.

"I'm turning seven, Doc Grey! I'm gonna be a big girl na!"

Nahulog ang panga ko nang marinig ang sinabi ni Chiara.

[Wow! That's great! Big girl kana, so that means you're stronger na and won't catch disease easily!!] Narinig kong sagot ni Grey sa kabilang linya.

Hindi ko napigilan ang ngiti na gumuhit sa labi ko. Pinag-cross ko ang aking mga braso bago sumandal sa frame ng pinto at nakinig sa dalawa.

"Is that so, Doc Grey? Why po ikaw? You're bigger than me pero you got sick last time?" tanong ni Chiara.

Napatikom ako ng bibig at pinigilan ang sarili na matawa para hindi maagaw ang atensyon ni Chiara.

Nakarinig ako ng pagtawa sa kabilang linya na nanggaling kay Grey, [Because... I'm not taking care of myself kasi, Chiara. Kaya ako nagkasakit. So ikaw, dapat, lagi mo aalagaan ang sarili mo. Always eat healthy foods para hindi ka magkasakit.] sagot ni Grey sa kabilang linya at utay-utay akong tumango.

"Why don't you take care of yourself, Doc Grey? I can take care of you po if you want!" Magiliw na turan ni Chiara na ikinatawa ko nang bahagya habang umiiling.

Maski si Grey ay napatawa rito, [Don't worry, Chiara, I'm taking care of myself na. Enough about me, what do you want for your birthday?] Nagbago ang tono ng pananalita nito.

Mas naging malambing at maamo ito kaysa sa kanina. Iyong tipo ng boses na ginagamit niya sa mga pasyente niya pero mas maamo pa. Mas... mas mabait pa. Yung tono ng boses na kahit kailan ay hindi niya gagamitin sa akin.

"Oh, Daddy! Say 'Hi' to Doc Grey!" Natauhan ako bigla nang kawayan ako ni Chiara.

Umalis ako mula sa pagkakasandal sa pinto bago bahagyang inayos ang buhok ko habang naglalakad palapit kay Chiara.

Itinapat nito sa akin ang cellphone, nakita ko ang pagbagsak ng ekspresyon ni Grey pero halatang pilit pa rin nitong hindi ipinapakita ang galit lalo pa at hagip pa rin ng camera si Chiara.

"Hello," I flashed a flat-line smile, gave him a little nod and a wave.

He nodded back, "Hello," his voice sounded disappointed.

Nag-usap pa silang dalawa ni Chiara habang naka-upo lang ako sa kama. Hindi na rin naman ito nagtagal lalo pa at wala pala sa condo si Grey at may pinuntahan kaya kailangan pa niyang umuwi.

Kinabuksan ay ilang oras akong bakante sa trabaho. Ginamit ko ang oras ko para maghanap ng mga lugar kung saan pwedeng mag celebrate ng birthday si Chiara. Sa lahat ng sinabi niya kagabi, swimming lang ang naintindihan ko. Yung mga pagkain, madali na iyon, ang hindi ko lang alam ay kung ano ang gusto niyang gawin kapag ayaw na niyang mag swimming.

Sa mga nakaraan niyang birthday, madalas akong magpakain sa pre-school niya lalo pa at may pasok pa ang birthday niya. Iyon din kasi ang natatandaan ko noong bata ako kapag birthday ko. Noong... buhay pa ang Mommy.

Madalas ko lang din regaluhan si Chiara ng mga gusto niya. Madalang kaming maghanda sa bahay lalo pa at alam kong tututol lang si Dad.

Kung may mga kaibigan na sana si Chiara rito sa Pilipinas ay maganda kung magkakaroon siya ng debut. Pero dahil halos dalawang buwan palang kami rito ay wala itong ibang kilala na bata kundi ang kambal nila Hades at Yago.

May nahanap akong AirBnb sa Laguna. Malaki iyon at maganda rin ang swimming pool. Maraming amenities at pwedeng gawin gaya nalang ng videoke at mga arcade machines. May mga laruan din na pwedeng-pwede naming gamitin. Mas mahal lang talaga iyon kumpara sa ibang AirBnb pero mukhang sulit naman ang ibabayad ko.

Maaga akong umuwi ng bahay, tinawagan ko pa si Lukas para humingi ng saklolo.

[Ano ba talaga ang pino-problema mo? Yung birthday ng anak mo o yung gusto ng anak mo na invited sa birthday niya yung ex mo?] Pabalang na tanong ni Lukas sa kabilang linya.

Napabuntong hininga ako bago napasapo sa noo, "Yung venue... okay na, nakahanap na ako ng lugar, 110,000 pesos, 2 days, 1 night." sagot ko at nag-hum si Lukas sa kabilang linya.

"Pero... yung kay Grey. Mukhang payag naman na si Grey lalo pa at ang ganda-ganda ng usap nila ni Chiara kagabi. Pero ang problema nga..." Napabuntong hininga ako.

"Kakayanin ko ba na andun si Grey?" tanong ko at narinig ko ang paghagikhik ni Lukas sa kabilang linya.

[Oo naman, sus, ikaw pa? Palag-palag na yun, kayang-kaya mo na andun siya.] sagot nito na ikinabuntong-hininga ko.

Wala rin akong nakuhang matinong sagot kay Lukas. Nakipaglokohan at nagtawanan lang kami buong tawag at nakalimutan na ang dahilan kung bakit ko siya tinawagan.

Nagbakasakali ako na hindi busy ang mag-asawang Hades at Yago. Mabuti nalang at nakawork-from-home pala ang dalawa kaya pagkatapos namin maghapunan ay niyaya ko si Chaira sa bahay nila.

"Hoy, yung enrollment nung anak mo, asikasuhin mo na sa Lunes, ha." Napa-angat ako ng tingin kay Hades nang tapikin nito ang asawa sa balikat bago inilapag ang mangkok na may lamang yelo sa lamesa.

Agad napa-angat ng tingin si Yago bago tumango, "Oo, payment nalang naman ang aasikasuhin, naayos ko na yung mga papel." sagot ni Yago.

Gumapang ang mga mata ko sa gawi ng tatlong bata na naglalaro sa sala, si Chiara nanaman ang bidang-bida. "Mag-aaral na yung kambal niyo?" tanong ko sa dalawa.

Si Yago ang tumingin sa akin dahil umalis si Hades para kunin ang ibang pulutan sa kusina, "Oo pre, actually last year pa sila nag-aaral, kaso ililipat namin ng school." sagot ni Yago at nagparte ang labi ko.

"Bakit? Mahal ang tuition?" tanong ko at umiling si Yago.

"Hindi pre, mas mahal nga itong lilipatan dahil private, pero mabuti na rin yun. May mga bata kasing nang-aaway dun sa dalawa at... dalawa nga ang tatay." sagot nito at agad nagparte ang labi ko at napatango.

"Magkano ang tuition ng kambal niyo dun sa bagong school? Wala pa rin kasi papasukan si Chiara, grade 1 na 'yan sa pasukan." tanong ko rito, bumalik si Hades dala-dala ang isang pinggan at kasunod si Lukas na may dalang pitsel.

"Tuition ba? 120k," sagot ni Hades bago umupo sa tabi ng asawa.

Utay-utay akong tumango, "Okay na rin, dalawa naman yung pinag-aaral niyo, eh." sagot ko at narinig kong tumawa si Hades.

"120k, each." sagot niya at agad napakunot ang noo ko. "Mahal naman!" singhal ko na ikinatawa ng mag-asawa.

"Ang mahal naman magpaaral ng anak! Mas mahal pa yata 'yan sa tuition ng college!" singhal ni Lukas at agad akong tumango.

Natatawang umiling si Yago, "Pero pre, Code, kapag gusto mong magpasama sa paghahanap ng school, pwede akong sumama." Presinta nito, tumango ako bago dinampot ang baso.

"Salamat pre, mga this week din, aasikasuhin ko na bago mag-birthday si Chiara." sagot ko at tumango si Yago.

"Oh, maiba ako, ang sabi mo sa message mo, namomroblema ka sa birthday ng anak mo, bakit?" tanong ni Hades,

Napabuntong-hininga ako bago sumandal sa bangko. 'Yan ang maganda kay Hades, talagang nag-mature na siya. May maayos na maisasagot sa akin hindi kagaya ng kupal sa tabi ko.

"Ayun na nga," sumimsim ako ng alak, "Birthday ni Chiara sa 14, ang gusto niya ay swimming, edi naghanap ako ng AirBnb na maraming amenities para hindi siya ma-bored, ang kaso..." bumuntong-hininga ako,

Lumapit ako sa mag-asawa, "Gusto ay kasama si Grey," bulong ko.

Kumunot ang noo ni Yago, "Gusto ay ano?" Taka nitong tanong bago lumapit dahil hindi ako marinig nang maayos.

"Si Grey raw, gustong kasama—" Agad kong hinampas si Lukas sa tabi ko.

Pinanlakihan ko ito ng mata bago nilingon si Chiara na nakalingon na sa amin. Nginitian ko ito bago kinawayan, maski sila Yago at Hades ay kinawayan ito. Mabuti at naagaw ng kambal nila Yago ang atensyon nito at nagbalik na ng tingin sa mga kalaro.

"Ganun na siya ka-close kay Grey?" Pabulong na tanong ni Hades at tumango ako habang pinaglalaruan ang baso sa kamay ko.

Utay-utay akong tumango habang pinagmamasdan ang alak sa baso ko, "Oo, sa lambing ba naman magsalita ni Grey, sa bait sa mga bata, kahit siguro ako, kapag kinausap niya nang ganun, mapapa-amo niya, eh." sagot ko at narinig kong tumawa si Lukas sa tabi ko.

"Marupok ka lang, gago." ani nito na agad ikinahagalpak ng tawa ni Yago, nag-angat ako ng tingin at sinamaan ng tingin ang hayop sa tabi ko.

"Oh, eh anong gagawin mo? Iimbitahan mo ba?" tanong ni Hades at nagbaling ako ng tingin dito.

"Na-invite ko na, makulit si Chiara, tinawagan pa nga." sagot ko rito,

"Ay, yun lang," bulong ni Yago bago nagsalin ng alak sa baso.

"Okay lang sa 'yo?" tanong ni Hades at muli akong napabuntong-hininga.

Nagkibit-balikat ako, "Walang magagawa, gusto ng anak ko." sagot ko rito bago akmang aabutin ang alak nang ilayo ito ni Hades, "'Wag kang masyadong mag-inom, magmamaneho ka, kasama mo yung anak mo." Sermon nito na ikinatawa ni Yago at Lukas.

Napanguso ako bago sumandal ulit sa bangko, "Ang awkward siguro naming dalawa sa birthday ni Chiara." ani ko habang nakatulala sa lamesa.

"Alam mo, Code, hindi pwedeng awkward kayo ni Grey sa birthday ng anak mo. Dapat... welcoming ka pa rin, dapat... kalimutan mo muna ang hidwaan niyo ni Grey. Birthday yun ng anak mo, pagbigyan mo na. Paano kung... mapansin ng anak mo na nag-iiwasan kayo ni Grey?" ani ni Hades at tumango ako,

"Okay lang sa akin, sige na, kaya ko naman yun, pero si Grey? Iniisip ko si Grey, paano kung siya ang hindi okay?" tanong ko bago nag-angat ng tingin.

Napasimsim ng alak si Yago habang nakatulala rin sa lamesa, si Hades naman ay dahan-dahan na sumisimsim ng alak, mukhang may iniisip.

"Siguro naman... bago pumunta si Grey, inihanda na rin niya yung sarili niya. Hindi naman siguro yun makikipag-away sa 'yo sa birthday-an." May lumabas din na maganda sa bibig ni Lukas.

Tumango si Hades, "May point si Lukas. Professional naman na tao si Grey, hindi naman niya siguro dadalhin yung galit niya sa 'yo sa birthday ng anak mo. Ilulugar naman siguro niya yung galit niya." sagot ni Hades at bahagya akong napatawa lalo na nang may ma-alala sa paglulugar ng galit na 'yan.

May mga ilang sinabi pa at payo si Hades sa akin para sa birthday ni Chiara tungkol kay Grey. Hanggang sa nag-iba na ang usapan namin at tungkol na sa pagpaplano ng birthday ni Chiara. May suggestion si Hades na pwedeng food provider namin sa birthday ni Chiara para naman hindi na rin mapagod ang mga kasambahay namin at makapagpahinga sila sa dalawang araw na iyon.

Napag-usapan din namin si Cairo. Nag-message ako rito at inimbitahan siya. Nabanggit ko na pupunta ang mag-asawa at invited ang buong tropa noong college.

Pero wrong move ko yun. Alam niyang kasama si Lukas sa imbitado at agad itong nagsabi na hindi makakapunta dahil busy sa trabaho. Naging tampulan tuloy ng kantyaw si Lukas na mukhang maiiyak pa habang inaasar namin.

Hindi rin kami nagpaabot ng gabi at hindi na rin ako gaanong nag-inom. Si Chiara naman ay halos ayaw nang iwan ang kambal at kinailangan ko pang buhatin palabas.

May mga tinapos akong papel sa trabaho ng umaga bago nagpasama kay Yago sa mga eskwelahan ng hapon. Hindi rin kami nagtagal dahil ang unang school na tiningnan namin ay nagustuhan ko na rin agad lalo pa at private ito. Hindi ko na pinansin ang tuition dito dahil hindi naman ito magiging problema. Sinigurado ko lang na magiging safe at mag-e-enjoy ang anak ko rito.

Pagka-uwi ko ng bahay ay nagpahinga lang ako saglit bago nag-asikaso ulit ng mga kontrata para sa kumpanya lalo na at may kailangan akong i-review na kontratang kanina lang dinala. Pagkatapos ng hapunan ay nakipaglaro kay Chiara ng ilang minuto bago bumalik sa kwarto at nagpatuloy sa ginagawa ko.

Nalingat ako sa oras, hindi ko napansin na mag a-alas diyes na pala. Nag-aayos na ako ng mga papel sa lamesa ko nang bumukas ang pinto.

"Daddy?" Sumilip si Chiara ng pinto, "Oh, sweetie, bakit gising ka pa?" tanong ko rito, mas nilakihan nito ang bukas ng pinto bago pumasok, may itinatago nanaman sa likod.

"I made something po," Dahan-dahan ang hakbang nito na bahagya kong ikinatawa.

"What is it?" Ini-ikot ko nag swivel chair ko para salubungin ito.

"It's an invitation letter... for Doc Grey," Ini-abot nito sa akin ang kulay pink na papel na puno ng sticker.

"Please give it to him po," Malambing nitong turan. Ang mga mata ay halos kamukha na ng tuta na nagpapa-awa. Ang nguso ay pwede nang sabitan sa sobrang haba.

Sinong makaka-hindi rito!?

Agad akong tumango, "Tomorrow, I'll stop by the hospital." sagot ko at agad lumiwanag ang mukha niya.

"Yey! Thank you, Daddy!" Agad ako nitong niyakap at pina-ulanan ng halik sa pisnge.

Inihatid ko ito sa kwarto niya at pinatulog na bago bumalik sa kwarto ko at nagpahinga na.

Kinabukasan ay pumunta muna ako ng opisina para makipag-meeting kay Mr. Villanueva. Bago magtanghalian ay saka ako pumunta ng ospital para ibigay kay Grey ang invitation.

"Attorney, wala po si Doc Chua ngayon, day-off po niya." sagot sa akin ng nurse.

Nagparte ang labi ko bago utay-utay tumango, "Thank you, nurse." ani ko bago lumabas ng ospital.

Nang maupo ako sa loob ng sasakyan ko ay napasandal ako sa bangko.

Saan ko naman hahanapin si Grey?

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko bago nag-message rito.

To: Rafael Grey

May ipinabibigay si Chiara, kakagaling ko lang sa ospital, off mo raw ngayon. Saan kita pwedeng puntahan?

Sinapo ko sa mga kamay ko ang cellphone ko bago ipinatong ang braso sa manibela. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago tumingala sa ka-ulapan.

Kakapasok palang ng June pero masama na ang panahon. Hindi pa dapat natatapos ang summer pero mukhang babagsak na ang ulan.

Nang tumunog ang cellphone ko ay agad ko itong tiningnan,

From: Rafael Grey

Nasa condo ako,,,

Nang mabasa ko ang reply niya ay agad kong binuhay ang sasakyan bago nagmaneho paalis. Malapit-lapit na ako sa condo ni Grey nang biglang bumagsak ang ulan. Napa-iling ako lalo pa at wala manlang akong kapayong-payong sa sasakyan.

Nang pababa na ay hinubad ko ang coat ko at ibinalot iyon sa invitation para hindi ito mabasa bago sumugod sa ulan.

Nakahinga ako nang maluwag nang makapasok sa building. Basang-basa ang buhok ko ganun na rin ang puti kong polo. Agad kong tiningnan ang invitation at mabuti naman ay hindi ito nabasa.

To: Rafael Grey

Andito na ako sa lobby :)

Gustohin ko man umupo sa sofa ay hindi ko magawa dahil maski ang pantalon ko ay nabasa. Nakatayo lang ako sa isang tabi habang nakasandal sa pader at pinagtitinginan ng ilang dumadaan.

Maya-maya ay nakita ko si Grey na kalalabas lang ng elevator. Nakasuot ito ng terno niyang grey na short at sweater, naka-salamin na may black frame at naglilibot ng tingin.

Agad akong umalis sa pagkakasandal sa pader at naglakad palapit dito.

"Oh...!" Nanlaki ang mata ito nang sumulpot ako sa harap niya.

Nakita kong nagbaba-taas ito ng tingin sa katawan ko bago bumagsak ang balikat, "Anong ibibigay mo?" tanong nito,

Itinaas ko ang invitation, "Ipinabibigay ni Chiara," ani ko at kumunot ang noo nito bago inabot ang papel sa kamay ko.

"'Yun lang, una na 'ko." Tinalikuran ko na ito at humakbang palabas.

Maya-maya ay narinig ko itong tinawag ang pangalan ko, "Code," Agad ko itong nilingon pabalik,

"Yes?" Nginitian ko ito,

Nakita kong kunot-noo itong bumuntong hininga, "Magpalit ka muna ng damit, magkakasakit ka." ani nito at bahagyang namilog ang mata ko.

"H-Ha? Wala akong dalang pamalit." sagot ko at napa-irap ito. "Papahiramin kita ng damit, sumama ka sa 'kin sa condo ko." ani nito bago ako tinalikuran at naglakad palayo.

—------

a/n: bakit may pag-invite na sa condo?? HAHAHAHAHAH anyways, 3/3 kskskskks happy reading!! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co