Chapter 15
Code's POV
Hindi agad na-proseso ng utak ko ang sinabi niya. Ilang segundo akong natameme sa kinatatayuan ko. Hanggang sa lumingon pabalik si Grey, bumuntong hininga bago naglakad pabalik sa akin.
"Maglalakad kaba ng sarili mo o bubuhatin kita?" Inis nitong turan, natauhan ako bigla at agad humakbang para sundan siya.
Tahimik lang kami sa elevator lalo pa at kaming dalawa lang ang andito. Tinatamaan pa ako ng aircon sa loob kaya mas lalo akong giniginaw. Ibinalot ko na ang hinubad kong coat pero walang nagbago sa pakiramdam ko.
Nang bumukas ang pinto at lumabas kami ng elevator ay para akong tuta na nakasunod sa kaniya. Nang makarating kami sa unit niya ay nilakihan nito ang bukas ng pinto bago dire-diretsong pumasok. Nag-aalinlangan akong humakbang papasok at isinara ang pinto sa likod ko.
Nakatayo lang ako sa may pinto habang siya itong pumasok sa kwarto niya. Halos yapusin ko na ang sarili ko sa lamig lalo pa at malakas ang aircon ni Grey sa loob ng unit niya.
Nang lumabas ito ng kwarto ay nakita kong kumunot ang noo nito bago naglibot ng tingin.
"Nasaan ka?" tanong nito, humakbang ako ng ilang beses para lang makita niya.
Naglakad ito palapit sa akin at ganun din ang ginawa ko sa kaniya, "Bakit ka nandiyan? Oh," Ini-abot nito sa akin ang damit,
"Andun yung banyo," Turo nito at tumango ako bago naglakad papunta rito.
Kasyang-kasya lang sa akin ang t-shirt na ibinigay niya, habang ang jogging pants niya ay halos pumutok sa hita ko sa sobrang sikip.
Napa-iling ako at agad itong hinubad dahil baka mapunit ito kung ipipilit ko.
Sumilip ako sa pinto, "Grey?" tawag ko rito,
"Grey?" Tawag ko ulit nang walang sumagot.
Bahagya kong nilakihan ang bukas ng pinto pero nanatiling nakatago dahil wala akong suot pang-ibaba maliban sa brief ko.
Nang hindi ko makita si Grey sa loob ay isinara ko ang pinto bago napabuntong hininga. Nalingunan ko ang towel na nakasabit dito sa loob. Agad ko itong kinuha at ibinalot sa beywang ko.
Dahan-dahan akong lumabas ng banyo. Hinanap ko si Grey sa kusina at sala pero wala ito. Nalingunan ko ang pinto ng kwarto niya at napabuntong hininga bago naglakad papunta rito.
Hindi ko halos magawang kumatok. Kinakabahan ako...
Bumunot ako ng isang malalim na hininga bago kumatok, "Grey?" tawag ko, idinikit ko ang pisnge ko sa pinto pero walang sumagot.
"Grey?" Kumatok ulit ako, napakunot ang noo ko bago hinawakan ang doorknob at dahan-dahan itong pinihit.
Nang dumungaw ako sa loob ay nakita ko si Grey sa harap ng computer niya at naglalaro.
"Grey?" Tawag ko rito habang dahan-dahan naglalakad palapit sa kaniya. Mahigpit ang kapit ko sa towel sa beywang ko dahil medyo maliit ito at hindi secured sa beywang ko.
"Grey..." Tinapik ko ito sa balikat.
Agad siyang napa-igtad at inalis ang headphone, "What...!?" Kunot-noo nitong turan, nagbaba ang tingin nito bago mabilis na nagbalik ng tingin sa mata ko.
"Bakit hindi kapa nakabihis?" Pinagtaasan ako nito ng kilay,
Napakamot ako sa batok, "Sikip yung jogging pants." sagot ko at napabuntong hininga ito.
Nag-type ito sa keyboard niya bago tumayo at pumasok sa banyo ng kwarto niya. Nakatayo lang ako sa isang tabi habang hinihintay siya at pinagmamasdan ang kwarto niya.
Ang dilim, itim pa ang kurtina nito kaya walang kailaw-ilaw sa loob. Tanging ang monitor lang ng computer niya ang pinanggagalingan ng liwanag. Malamig din ito dahil naka 20 degrees celsius ang aircon nito.
Maya-maya ay lumabas ito ng banyo at may mga dalang damit, "Oh, tingnan mo kung alin ang kasya sa 'yo." Ini-abot nito sa akin ang mga short.
"Thank you," agad akong tumango at naglakad palabas ng kwarto niya.
Mabuti at nagkasya sa akin ang grey niyang short na halos katulad lang ng suot niya. Tiniklop ko ang mga damit niya at dinala ito sa kwarto niya.
"Ipatong mo lang diyan," ani nito, tutok na tutok sa computer niya.
Tumango ako bago ginawa ang sinabi niya, "Hindi ba maganda na buksan mo yung kurtina para maliwanag naman? O magbukas ka ng ilaw? Nakakasira ng mata ang pagtitig sa monitor kapag madilim." ani ko rito.
Hinubad nito ang headphones niya at nang lingunin ako ay kitang-kita ko ang inis sa mukha nito.
"Ang pakialamero mo 'no?" Galit nitong turan, namilog ang mata ko bago agad nagtaas ng magkabilang kamay.
"Hindi ako pumunta rito para makipag-away." ani ko at bumuntong hininga ito, nakita ko pa sa screen nito na natalo sila sa laro niya.
"I..." Naitikom ko ang labi ko,
"I know you hate me, pero sana... makapunta ka sa birthday ni Chiara. I'll send you the venue and the address." ani ko, tumayo ito mula sa pagkaka-upo at naglakad palapit sa akin.
Madilim ang kwarto pero na-aaninag ko ang mukha niya na halos isang dangkal lang ang layo sa akin.
"Umalis kana." Mariin nitong turan. Nagparte ang labi ko bago agad tumango, "Yes, I'll go, thank you for the clothes. Ibabalik ko nalang." ani ko bago siya tinalikuran,
"'Wag na," natigilan ako nang magsalita ito, "Maghahanap ka pa ng dahilan para bumalik dito." ani nito, narinig kong naglakad ito bago tumunog ang bangko niya.
Nag-hum ako, "Sige," maikli kong turan bago lumabas ng kwarto niya at ng unit niya.
Nagmaneho ako pabalik ng bahay. Ang sabi ko kay Maze ay tawagan ako kung kailangan ako sa kumpanya dahil masama ang pakiramdam ko at umuwi muna ako. Kahit alam kong galit si Grey ay sinend ko rin sa kaniya ang address ng venue para sa birthday ni Chiara.
Nakahiga ako sa kama, nakatingala sa kisame at blangko ang isip nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko itong dinampot at tiningnan ang message sa pag-aakalang galing ito sa secretary ko.
Rafael Grey sent a photo
From: Rafael Grey
Talagang nag-iwan kapa ng babalikan 'no?
Nanlaki ang mata ko nang makita ang damit ko sa lamesa niya.
Shit! Nakalimutan kong damputin kanina!
To: Rafael Grey
Sorry, hindi ko na-alala kanina, nakalimutan kong damputin noong paalis na ako.
From: Rafael Grey
Ewan ko sa'yo
Napabuntong hininga ako. Hindi ko ito magawang balikan dahil alam kong mainit na ang ulo sa akin ni Grey. Siguro'y hahayaan ko nalang iyon sa unit niya. Baka sunugin niya o gawin niyang basahin. Bahala na siya. I just hope that... he shows up on Chiara's birthday.
Naka-convoy kami nila Lukas, Yago at Hades papunta sa Laguna. Dahil si Lukas naman ang boss sa trabaho niya ay madali itong naka-alis ng trabaho. Dahil ang mag-asawa ay nakawork-from-home, madali rin itong naka-biyahe. Ako pa ang kinailangan magpaalam kay Mr. Villanueva na hindi ako available ng dalawang araw.
"Magkanong bayad mo rito? Ang ganda? Ang lawak ng lugar." tanong ni Yago habang nakatayo sa gilid ng swimming pool at nagbabantay sa mga bata na naliligo.
"110,000, 2 days, 1 night." sagot ko habang nag-iihaw ng barbecue.
"'Wag mo nang balakin, tuition na yun ng anak mo." sagot ni Hades sa tabi ko na tagapaypay.
Napahagalpak ako ng tawa bago napa-iling. Maya-maya ay dumating na ang mga in-order kong pagkain. Si Chiara ay agad naka-ahon at kumain. Ang isang anak nila Hades ay medyo pahirapan pakainin dahil may pagkapihikan.
"Daddy, where's Doc Grey?" tanong ni Chiara habang kumakain.
Napa-angat ako ng tingin at napalingon pa kila Hades na nakatingin din sa akin.
Napatikhim ako, "Uhm..." tumingin ako sa cellphone ko.
"He's on his way na, traffic lang daw." sagot ko at tumango si Chiara.
Nakita kong nakatingin pa rin sa akin si Hades, malungkot ang mga mata bago napabuntong hininga at umiling.
Agad akong nag-message kay Grey.
To: Rafael Grey
Hey, hinahanap kana ni Chiara, makakapunta ka ba?
Napabuntong hininga ako bago napakagat sa labi at inilapag ang cellphone sa lamesa.
Ilang beses din nagtanong si Chiara sa akin kung nasaan na si Grey. Lagi kong sagot na traffic lang ito at mukhang hindi na natutuwa si Chiara.
Nagtanghalian na at wala pa rin ito. Mukhang nawala na si mood si Chiara dahil nagpalit na ito ng damit at nanood nalang ng TV sa loob.
Napabuntong hininga ako.
Grey, please, maawa ka kay Chiara.
"Dadating kaya si Grey?" tanong ni Yago habang naghuhugas ako.
Nagkibit-balikat ako, "Hindi ko alam. Sana." sagot ko bago inilagay sa palanggana ang pinggan.
"Baka late lang, ano bang sabi?" tanong nito at umiling ako, "Hindi sumasagot sa message ko, eh. Hindi rin nag se-seen." sagot ko at tumango si Yago.
Sinilip ko ang mga bata sa sala na naglalaro at nanood ng TV. May mga regalo si Chiara sa tabi na hindi binubukwqn. Ang cake nito ay hindi pa rin niya iniihipan dahil wala pa si Grey.
Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan si Chiara. Halatang-halata na hindi ito masaya. Maski si Hades ay sinesenyasan ako at hinahanap na rin si Grey.
Lumabas muna ako ng bahay para sana tawagan si Grey. Pero maya-maya lang ay may sasakyang dumating sa labas. Agad nanlaki ang mata ko at parang bata na tumakbo papunta ng gate.
Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makita ang itim na Montero ni Grey.
"Chiara! Doc Grey is here!" sigaw ko mula sa gate.
Parang kidlat ay siyang agad nakalabas ng bahay at nagtatakbo papunta ng gate.
Pinanood ko si Grey na lumabas ng sasakyan niya, may kinuha pa ito sa kabilang pinto at sa likuran.
Nang makita kong marami itong dala ay agad akong lumabas ng gate para sana tulungan ito, "Akin na, tulungan na kita." Kinuha ko ang bag na dala-dala niya.
Nang kunin ko ang bag mula sa kamay niya ay nagulat ako sa bigat nito.
Is he...
"Mag o-overnight ka?" Gulat kong tanong rito,
Tiningnan ako nito bago bumuntong hininga at tumango, "Nag-leave ako," sagot niya at lumiwanag ang mukha ko.
"Doc Grey!!" sigaw ni Chiara nang pumasok ito ng gate,
Agad nakaluhod si Grey at sinalubong si Chiara na niyapos siya, "Here's the birthday girl! Happy birthday!" Bati ni Grey rito, nakasunod na agad sila Hades at Yago na mukhang nakahinga rin nang maluwag nang makita si Grey.
"Why are you late po?" Nakangusong tanong ni Chiara nang kumalas sa pagkakayakap kay Grey.
Narinig kong humagikhik si Grey, "I'm sorry, natagalan kasi ako sa pagbili ng regalo sa 'yo." sagot nito bago kinuha sa likuran niya ang malaking kahon na nakabalot at ilang paper bags.
"Wow!! That's all for me!?" Nagtatalon si Chiara na ikinangisi ko.
Tumango si Grey, "Yes, it's all for you." sagot ni Grey at nagtatalon si Chiara, "Thank you, Doc Grey!!" Muli itong niyapos ni Chiara.
Muling gumuhit ang ngiti sa labi ko bago napa-angat ng tingin sa mag-asawa sa harap ko. Nakangisi si Yago habang napapa-iling si Hades, nakangiti rin.
Hawak-hawak ni Grey si Chiara sa kamay nang pumasok, ako itong nakasunod sa likod nila dala-dala ang bag ni Grey.
Idiniretso ko ang bag ni Grey sa kwarto habang sila itong naglalaro na ng mga bata sa sala. Agad binuksan ni Chiara ang regalo ni Grey na isang malaking Barbie dream house. Ang mga paper bag ay may mga laman din na Barbie na agad binuksan ni Chiara.
Habang nasa sala sila ay pumunta muna ako ng kusina para i-kuha si Grey ng pagkain.
"'Yan naman... magselos ka kay Grey at close na close sa anak mo." Siniko ako ni Yago, natatawa akong umiling bago ito hinarap.
"Medyo... isipin mo naman, halos sumimangot na si Chiara kanina. Pero noong dumating si Grey, hindi na mapakali. Binuksan pa agad yung regalo ni Grey. Habang yung mga regalo ko, kanina pa nakatambak dun sa sulok." sagot ko na ikinatawa ni Yago.
"Grabe rin yung regalo ni Grey sa anak mo. Actually kahit noong isang birthday nung kambal, tig-isang laruan na sasakyan ang regalo niyan dun sa kambal." sagot niya at utay-utay akong tumango habang pinapanood sila Grey sa sala.
"Mahilig talaga si Grey sa bata 'no?" Bulong ko, sinundan ng tingin ni Yago ang tinitingnan ko bago nag-hum.
"Baka gusto na niyang magkaroon ng sariling anak?" ani nito at nilingon ko siya.
Napakunot ang noo ko, iyon naman talaga ang pangarap ni Grey, diba?
Pero napakagat ako sa labi ko nang mapagtanto na baka ako lang nag nakaka-alam nito. Baka... sa akin lang sinabi ni Grey iyon noong college.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko.
Knowing I still share an intimate moment with him and he only shared that dream of his with me... it made me feel... special at some point.
Nang matapos buksan ni Chiara ang mga regalo ni Grey ay saka lang ito nag blow the candle. Si Hades ang kumuha ng mga pictures at video namin habang kinakantahan si Chiara. At ganun din ang pictures naming mag-ama pagkatapos niyang ihipan ang kandila.
"With Doc Grey rin!" Tawag nito, namilog ang mata ko at ganun din si Grey na kalong-kalong ang isang anak nila Yago.
"Doc Grey, come here po!" Aya ni Chiara, kinuha ni Lukas ang anak ni Yago para makatayo si Grey.
Pakiramdam ko'y natuod ako habang pinapanood itong lumapit sa amin at tumayo sa kabilang tabi ni Chiara.
Anong gagawin ko? Aalis ba ako? Gusto ba ni Chiara na silang dalawa lang? Sasama paba ako sa picture?
"Code, ngiti," tawag sa akin ni Hades.
Natauhan ako bigla bago inilagay ang kamay ko sa likod ni Chiara. Napa-igtad ako nang maramdaman ang kamay ni Grey na pumatong sa kamay ko pero pinilit na ngumiti para sa picture.
Nakalimutan kong huminga habang kumukuha si Hades ng picture namin. Nang ibaba nito ang cellphone ay agad kong binawi ang kamay ko at saka lang nakabunot ng isang malalim na buntong-hininga.
Muling nagpabihis si Chiara sa akin ng rash guard at inaya si Grey na maligo.
"Yung bag ko?" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Grey sa harapan ko.
"A-Ah..." tumuro ako sa kwarto, "Andito sa kwarto sa kanan." sagot ko at tumango lang ito bago naglakad papunta ng kwarto.
Maya-maya ay lumabas ito, suot ang itim niyang rash guard na mukha na siyang suman sa sobrang pagka-fit sa kaniya habang suot-suot pa rin ang salamin.
Natigilan ako nang magbaba ang tingin ko sa dibdib nito.
Damn, kailan pa lumaki nang ganun kalaki ang dibdib niya? Flat pa yun noon college, ah?
"Stop looking at those, tutusukin ko 'yang mata mo. Nasaan yung anak mo?" Agad akong nagbalik ng tingin sa mata niya.
"Uh... nasa pool na, kasama sila Lukas." sagot ko at tumango ito.
Wala akong tigil sa pag-aayos ng lamesa lalo na at ang isang anak ni Yago ay pabalik-balik at kuha nang kuha ng shanghai at ganun na rin ang baso. Napapakamot nalang ako sa ulo sa tuwing papasok ito, basa ang paa at nagtutulo para kumuha ng pagkain.
Nang magsimula nang dumilim ay inihanda ko na ang mga pagkain para sa hapunan. Pagkakain ay saka nag-set up si Lukas ng alak sa maliit na na lamesa sa tabi ng swimming pool.
"Nicodemus, tama na ang kakahugas mo diyan, lumabas kana doon at hinihintay ka nila Yago." Sita sa akin ni Hades na buhat-buhat ang isang anak na balot na balot ng towel.
Natatawa ako sa hitsura ng anak nitong namimilog lang ang mata ang buhat-buhat ng tatay at ipinasok sa kwarto.
Paglabas ko ay magkatabi na si Lukas at Yago sa mahabang bangko, si Grey naman ay naka-upo na sa harap ni Lukas at busy sa cellphone. Nilingon ko ang bakanteng bangko sa tabi ni Grey.
Kukuha pa sana ako ng isang bangko nang pigilan ako ni Yago, "Diyan kana sa tabi ni Grey, hindi naman mag-iinom si Hades at may gagawin sa loob." Pigil sa akin nito, si Lukas sa tabi nito ay tahimik na sumisimsim ng alak pero nakaguhit ang ngisi sa labi.
Napabuntong hininga ako bago naupo sa tabi ni Grey. Bahagya ko pang inilayo ito mula sa kaniya bago dinampot ang baso.
Bidang-bida si Lukas sa pagkekwento lalo pa at galing itong Vigan noong isang linggo. Inaaya pa kami nito na mag-Vigan na para bang nakaka-isip lang siyang magbanyo at para bang sobrang dali ng gusto niya.
"Busy ako sa ospital, ngayon nga lang ako nakapag-leave, eh." sagot ni Grey bago sumubo ng pulutan.
"Balik na rin kami ni Hades sa opisina sa susunod na linggo, magpapasukan na rin kasi yung mga bata." sagot pa ni Yago.
"Grabe naman kayo sa 'kin, minsan nga lang akong mag-aya, oh!" Pagmamaktol ni Lukas na ikinatawa naming tatlo.
Si Yago ang hindi maka-inom ng marami lalo pa at binabantayan nito ang mga bata sa pool. Hindi ako gaanong nag-aalala kay Chiara lalo pa at maalam itong maglangoy. Nag-swimming class ito sa Canada at may sinalihan pang competition para sa mga bata. Iyon nga lang ay nag-aalala rin ako dahil sa kakulitan nito. Kalaro pa nito ang makulit na anak ni Yago na katapat niya sa kalikutan.
Naubos namin agad ang isang bote ng Johnny Walker dahil sa lakas mag-inom ni Lukas.
Pumasok ako ng bahay para kumuha ng tubig dahil naubos na ang laman ng pitsel. Maya-maya ay may narinig akong yabag ng paa sa likod ko. Paglingon ko ay si Grey ito at dala-dala ang mangkok na pinaglalagyan ng pulutan.
"Gusto pa raw ni Lukas nung ribs." ani nito, itinuro ko sa kaniya ang pinaglalagyan ng ribs at agad niya itong nilapitan.
Napuno na ang pitsel na hawak ko, nilapitan ko siya at pinanood na magsandok.
Bumunot ako ng isang malalim na hininga, "Grey, thank you," bulong ko rito,
Agad ako nitong nilingon at pinagtaasan ng isang kilay, "Saan?" Mataray nitong tanong,
Gumuhit ang ngiti sa labi ko,
"For coming, nakita mo naman kung gaano kasaya ang anak ko noong dumating ka. Noong wala ka pa? Mukhang lantang gulay na 'yan, hindi na halos maka-usap at nakasimangot lang." sagot ko at utay-utay itong tumango.
Bumuntong hininga ito bago ibinalik ang sandok sa kaserola, "Actually," hinarap ako nito,
"I was... having second thoughts kaninang umaga. Kaya ako na-late dahil... hindi sana ako pupunta." Pag-amin niya, nagparte ang labi ko at utay-utay tumango.
"Dahil ba sa 'kin?" Malumanay kong turan, naglayo ito ng tingin, nakita kong napalunok ito bago tumango.
"I'm not confident I can stand your presence." Bulong nito, utay-utay akong tumango bago nag-hum.
"I understand," sagot ko rito,
Nagbalik ito ng tingin sa akin, nakita kong umigting ang panga nito bago tumikhim.
"Sandali, dito ka lang." ani nito bago lumabas dala-dala ang mangkok. Ilang minuto akong naghintay rito, maya-maya ay pumasok ito ng bahay.
"Oh, baka balikan mo pa 'yan sa condo ko." Marahas nitong ini-abot sa akin ang damit kong naiwan sa condo niya.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko, "Wow... akala ko susunugin mo, eh. O baka gawin mo na basahan sa condo mo." Biro ko at agad ako nitong inirapan.
"'Wag kang masyadong magpakasaya, galit pa rin ako sa 'yo." Inis nitong turan, napatawa ako nang bahagya bago inilapag sa bangko ang damit.
"At gaganti pa rin ako sa 'yo." Dagdag niya na mas ikinatawa ko lalo.
Tumango ako, "Alam ko, kailan ba? Now naba? Ano? tara? Saan ba?" Hamon ko rito, humagikhik ito, tumingin sa gilid bago napa-iling.
"You sound like you're asking me for–..." Natigilan ito, nakita kong napakagat ito sa labi niya bago ako muling humarap.
Umiling ito, "Nevermind," ani niya na ikinakunot ng noo ko.
Tinaasan ko ito ng kilay, "Asking for what?" tanong ko rito,
Muli siyang umiling, "Wala, wala," sagot niya, napatawa ako nang pagak bago pinag-cross ang braso ko, "Grey," Humakbang ako palapit sa kaniya.
Napasinghal ito, "What?" Tinaasan ako nito ng kilay,
"Ano nga yun?" Mariin kong tanong rito,
Tumaas ang isang kilay nito, "Wala nga–"
"Grey," I called in a warning tone.
He scoffed, "You think you can scare me?"
"I'm not scaring you," I answered right away.
I took another step forward, I thought he would take a step back, but he remained in his position and even looked at me straight in the eyes.
I thought he was gonna say something. I thought he was gonna rebut or argue with me.
But he remained standing— both of us did. Just the two of us, standing inches apart from each other, chest almost touching, I could clearly feel his breath brushing onto my chin due to the little height difference.
I felt the sudden beating in my chest. When his eyes travelled down to my lips, I felt my body stiffen.
Our surroundings are so quiet that I could feel how loud my heartbeat is.
Can he hear it too? Can he hear how nervous I am right now?
I feel hot, even though there's a centralized aircon inside, I feel sweat building up on my forehead.
Grey tilted his head to the side, and unconsciously, I tilted my head in the other direction.
My hand moved on its own, and I didn't realize I was already holding Grey's arm.
I swallowed the lump in my throat. I feel like I'm running out of breath with the little space parting us.
Grey's lips parted, suddenly, I felt my face moving closer to his.
I was ready for it. I was ready to... kiss him.
"Hoy, mga bakla, hindi nakakamag-ex 'yan, ha." Naitulak namin ni Grey ang isa't-isa nang magsalita si Hades na kalalabas lang ng banyo.
Agad nakalabas si Grey ng bahay habang naiwan kami ni Hades sa loob. Natatawang umiling si Hades bago naglakad paalis, maya-maya ay tumigil ito at nilingon ako. "Umayos kayong dalawa ni Grey. Hindi ikaw ang may birthday para makatanggap ka ng birthday sex." ani nito bago naglakad pa-akyat.
Napabuntong hininga ako bago sumandal sa lababo. Napapa-iling ako bago pinunasan ang pawis sa noo ko.
I must admit, that was... hot. He definitely made me hard.
—---------
a/n: ano 'to mga teh? Magka-away sa araw, bati sa gabi?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co