Truyen3h.Co

What Used To be Ours

Chapter 16

_Dominous_

Code's POV

A deep and loud sigh escaped my lips when Hades left. I grabbed a part of the chair beside me and leaned on it to support my weight. I brushed my fingers through my hair before tightly closing my eyes.

The fuck was that?!

What was that!? I didn't know what I was doing earlier! But one thing I know is that it's all because of that damn alcohol and fucking emotions!

I took a deep breath and composed myself before going back outside. Just as I was about to sit, Grey lifted his head from his phone, and our eyes met. He seemed shocked for a second before looking back at his phone.

"Ano ngang pinag-uusapan natin kanina?" tanong ni Lukas, tiningnan ko lang ito habang nagsasalin ng alak sa baso ko.

"Ewan sa 'yo, sa dinami-dami na ng sinasabi mo, hindi ko na natatandaan." sagot ni Yago rito na ikinahagalpak ng tawa ni Hades.

Just when I placed down the bottle of liquor, Grey immediately grabbed it and poured in his glass. He almost filled it to the rim, which shocked me a bit.

Lukas started talking again; he was the talkative one at the table, while Yago was the one who mostly answered and bickered with him. I would laugh and giggle on the side while glancing at Grey from time to time, who was silent but still listening to Lukas' nonsense stories.

After watching Grey for the whole hour, I noticed he was drinking hard and nonstop. I got concerned, but I didn't want to speak up or mention it.

"Okay ka lang, Grey?" Maski ako ay napalingon kay Lukas nang tawagin nito si Grey.

Mabilis kong nilingon si Grey na namumula na sa tabi ko. "Yep, I'm fine," Grey gave him a nod.

"Lasing kana yata, eh. Tama na ang kakainom." Inalis ni Lukas ang bote ng alak sa harap ni Grey.

Humagikhik si Grey bago ito kinuha at inilapag sa harap niya, "I'm fine, hindi pa ako lasing." he said, giggling.

It was clear he was already drunk. His face looks so red, plus, he's giggling even though there's nothing to giggle about.

Heck, this is the first time I'm seeing him drunk.

Napalingon ako nang biglang humagikhik si Yago, "Na-alala ko, nag-inom kami dati sa bahay nila Hades, tapos sobrang nalasing si Grey. Hindi na siya maka-uwi kaya pinatulog na ni Hades sa kanila." Natatawa nitong turan, si Lukas ay mukhang na–alala rin ang sinasabi ni Yago at napatawa rin.

"Tapos, edi sobrang lasing si Grey? Hindi na siya makapagbihis nang sa kaniya, si Hades pa ang nagbihis diyan!" Humagalpak sila ng tawang tatlo.

"Tanda mo yun?" tanong nito kay Lukas, si Lukas naman ay sapo-sapo na ang tiyan sa kakatawa.

Nang lingunin ko si Grey sa tabi ko ay nagsasalin ulit ito ng alak sa baso.

Just when did he become so alcoholic? I've never seen a doctor who's a heavy drinker like this.

Humupa ang pagtawa nila Yago at Lukas, maluha-luha pa si Yago sa kakatawa nila, "Grabe, nagseselos ako nun, eh." ani nito, nang humagikhik si Grey sa tabi ko ay muli ko itong nilingon.

Inubos lang namin ang natitirang alak sa bote bago napagdesisyunan na tumigil na sa pag-inom.

Si Yago ay agad tumayo at kinuha ang isang anak at ini-ahon sa pool.

Sinunda ko ito para kunin si Chiara, "Me na, Daddy! Kaya ko na!" Pagtataray nito nang akayin ko paalis ng pool.

Nagkatinginan naman agad kami ni Lukas na natatawa pa.

"Come, let's change your clothes na." Hahawakan ko ulit sana ito sa kamay nang umiling ito at pinag-cross pa ang mga braso.

"Me na! I'm big girl na, oh. I can change by myself na." Nagmartsa ito papasok, nang madaan nito ang table kung saan kami nag-iinom kanina ay natigilan ito.

"What happened po to Doc Grey?" tanong nito kay Grey na mukhang nakatulog na sa bangko niya.

"Uh, he's just tired, Chiara." sagot ni Lukas at tumango si Chiara, nilingon ako nito at itinuro si Grey, "Daddy, help Doc Grey po. He seems very-very tired." Utos sa akin ni Chiara bago nag martsa papasok ng bahay.

Naglipat ang tingin ko kay Lukas na agad naitikom ang bibig at inayos ang pinag-inuman namin. Napabuntong hininga ako bago nilapitan si Grey. Pikit na ang mga mata nito at malalim ang bawat paghinga.

Tinapik ko ito sa balikat, "Grey? Can you stand? Lumipat kana ng kwarto para makapagpahinga kana." Sinubukan ko itong gisingin,

"Naku, inaakay 'yang isang 'yan." Nang lingunin ko si Lukas sa harap ko ay umiiling-iling ito.

"Bagsak 'yan, 'yang ganiyan ni Grey? Lasing kung lasing 'yan, hindi 'yan makakapaglakad mag-isa." ani nito bago dinala sa loob ng bahay ang mga basong ginamit namin.

Napa-pameywang ako bago pinagmasdan si Grey, bumuntong hininga ako bago ito muling tinapik, "Grey? Itatayo kita, okay?" Mukhang nagising-gising naman siya dahil tumango ito, bahagya akong lumuhod para ilagay ang braso niya sa balikat ko.

Itinayo ko ito habang hawak-hawak sa tagiliran. Pero dahil may katangkaran siya at kabigatan ay muntikan na kaming matumba.

Dahan-dahan ang bawat hakbang ko lalo pa at hinihila ko nalang si Grey dahil hindi naman ito humahakbang mag-isa.

Mabuti nalang at ang kwarto nito ay nasa baba lang kaya hindi ko na kailangan i-akyat ng hagdan.

Nang ihiga ko ito sa kama ay muntikan pa akong mapasama at matumba sa kama. Isang ungot ang lumabas sa labi nito bago humiga sa gilid niya. Napabuntong hininga ako bago inalis ang tsinelas niya.

Muli akong napa-pameywang habang pinagmamasdan si Grey.

He can't sleep like this. Nakasuot pa rin siya ng rash guard niya na natuyo na sa katawan niya.

Napakamot ako sa ulo bago nalingunan ang bag niya sa bangko. Naglakad ako papunta rito at binuksan ito. Agad bumungad sa akin ang hygiene kit niya bago ang isang pares ng checkered na pajama at terno nitong pang-itaas.

Nilingon ko si Grey habang hawak-hawak ang pajama niya.

Napakagat ako sa labi ko. Iniisip ko palang na bibihisan ko ito ay maling-mali na. Lalo pa ang isipin na kailangan ko siyang hubaran.

Napa-iling ako, inilapag ko sa lamesa ang pajama bago lumabas ng kwarto.

"Okay na si Grey? Bihisan mo rin pala yun—"

"Nasaan si Hades?" Putol ko kay Lukas na inaasikaso pa rin ang mga pinagkainan namin.

"Ah..." Lumingon ito sa paligid, "Baka nasa ano... sa kwarto nila, check mo." sagot nito at tumango ako bago agad lumapit sa pintuan ng kwarto nila Hades.

Kumatok muna ako bago dahan-dahan pumasok dahil alam kong tulog na ang isang anak nito,

"Hades?" Tawag ko rito nang sumilip sa pinto,

Agad akong nilingon ni Hades na mukhang busy sa laptop niya, "Pwedeng magpatulong?" tanong ko rito, agad itong tumayo at lumapit sa akin.

"Saan?" Mukhang inaantok na rin ito,

Sinenyasan ko itong sumunod sa akin, nang makapasok kami sa kwarto ni Grey ay napabuntong hininga ito, "Hindi ko siya kayang bihisan." ani ko at agad ako nitong nilingon na nakakunot ang noo.

"Bakit hindi?" tanong niya at nagpabalik-balik ang tingin ko sa kaniya at kay Grey.

"Ano... kasi... baka magalit siya kapag nalaman niyang ako ang nagbihis sa kaniya. Isa pa, sinabi na rin ni Yago kanina na binihisan mo na raw dati si Grey. Hin... Hindi ko talaga kaya." sagot ko at bumuntong hininga si Hades bago napamasahe sa noo.

Tumango ito, "Oh sige, sige, lumabas ka muna." ani nito at agad akong tumango at lumabas gaya ng sabi niya.

Sumandal ako sa pader na katabi ng pinto, nang makita ako ni Lukas ay nilapitan ako nito, "Ano? Si Grey? Kamusta?" tanong nito,

Itinuro ko ang pinto gamit ang ulo ko, "Andun, nasa loob, binibihisan ni Hades." sagot ko at nagparte ang labi nito.

"Akala ko binihisan mo na?" tanong nito at umiling ako, "Hindi, hindi ko kaya. Papatayin ako nun kapag nalaman niya na ako ang nagbihis sa kaniya." sagot ko na ikinatawa ni Lukas nang bahagya.

"Mabuti nalang pala andito si Hades, 'no? Mukhang sa kaniya rin naman magiging komportable si Grey." ani nito at tumango ako. "Basta kahit anong mangyari, hindi ko gagalawin si Grey, lalo na kapag lasing 'yan." ani ko at nakita kong tumaas ang isang kilay ni Lukas habang may nakaguhit na maliit na ngisi sa labi niya.

Agad kumunot ang noo ko bago ito pabirong sinuntok sa dibdib, "Siraulo," ani ko na ikinatawa niya.

Maya-maya ay lumabas na rin si Hades, nagpasalamat ako rito bago sinilip si Grey mula sa pinto. Maayos na ang pagkakahinga nito at balot na rin ng kumot.

Tinulungan ko na si Lukas sa pag-aayos at paglilinis. Itinago ko rin ang mga natirang pagkain sa ref at naghugas ng mga baso at pinggan. Hindi na rin kami natagalan ni Lukas doon bago umakyat na sa taas dahil magkatabi lang din ang kwarto namin.

Pagkarating ko ng kwarto ay tulog na si Chiara sa kama. Tiningnan ko pa ang buhok nito kung basa pero mukhang nagtuyo na rin siya mag-isa dahil nakakalat sa kwarto ang hair blower niya.

Kumuha ako ng damit ko mula sa duffel bag at naligo na. Pagkatapos ay nagtuyo rin ako ng buhok bago naupo sa tabi ni Chiara sa kama.

Nang damputin ko ang cellphone ko para sana tingnan kung may messages ako, lowbat na pala ang cellphone ko. Nang hanapin ko ang charger ko ay wala ito sa bag ko. Napakamot ako sa ulo ko nang ma-alala na ginamit ito kanina sa kotse para magpatugtog.

Bumuntong hininga ako bago bumaba ng kama at lumabas ng kwarto. Medyo natakot pa akong lumabas ng gate dahil madilim sa labas at tahimik ang paligid.

Nang kunin ko ang charger ay napansin ko sa backseat ang isang kumot. Nang abutin ko ito ay agad ko itong nakilala.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi bago isinara ang pinto ng sasakyan. Dala-dala ko ang charger at kumot pabalik ng bahay.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Grey, pero agad napakunot ang noo ko nang makita na wala ito sa kama niya.

Nang makarinig ako ng sumusuka sa may banyo ay agad akong pumasok ng kwarto at tumakbo papuntang banyo kung saan nakaluhod si Grey sa sahig at sumusuka sa bowl.

Agad ko itong dinaluhan at hinimas sa likod. Sinuklay ko pa ang buhok nito at inalis ang nakaharang sa mata at noo niya. Pawis na pawis din ang noo nito kaya kumuha ako ng toilet paper at pinunasan ito sa noo habang sumusuka.

Inalalayan ko siyang tumayo nang matapos dahil nangangapa ito at mukhang matutumba pa. Kinuha nito ang tissue sa kamay ko at pinunasan ang gilid ng labi niya.

"Dahan-dahan," ani ko rito nang maglakad kami pabalik ng kama niya. Dahan-dahan ang paghiga nito sa kama at isang buntong hininga ang kumawala sa labi nang lumapat na ang katawan sa kutson.

"Usually," tiningnan ako nito, "When I'm drunk, I get horny, but depends on the person I'm with." ani nito na bahagya kong ikinatawa habang nakakunot ang noo.

"Pero ikaw," Itinuro ako nito, "You, Code Costa, you just... boils my blood. Kahit lasing, galit na galit ako sa 'yo." ani nito, napapameywang ako bago napa-iling habang nakaguhit ang maliit ngunit mapait na ngisi sa labi ko.

"Natatandaan ko pa rin lahat ng pinagdaanan ko noong umalis ka." Dagdag pa nito, diretso ang tingin sa akin habang nakahiga sa kama at nakapatong ang kamay sa tiyan.

"Fuck you, binakla mo 'ko. You fucked me so damn good na hindi ko makakalimutan. And you made me believe you fucking love mo, pero tangina—" Nilapitan ko ito, inayos ang pagkakahiga sa kama at kinumutan.

"Hey, you're drunk," Putol ko rito, baka kung magpatuloy pa siya ay may masabi siyang pagsisisihan niya bukas.

"Tangina mo," Sinubukan ako nitong hampasin pero agad ko itong hinawakan sa kamay.

He closed his eyes, snuggled under the sheets, and let out a heavy sigh. I sat next to him, examining his face.

He definitely got more mature. There were lines already showing on his forehead, bags under his eyes, and some wrinkles on the side of his lips.

But damn, he still looks gorgeous.

If only I have the fucking balls to him the truth. I'd do it. If only he would let me, I'd fucking try to win him and his heart back. I'd risk it all again. I'll go back to zero and climb up his high walls.

I shook my head, stood up, and picked up my charger from the table before exiting his room, taking another glance at him before closing the door behind me.

I woke up first the next morning, I prepared breakfast, and heated up food from last night. Hades woke up next, followed by Yago, and helped me prepare the table. Lukas woke up next and stared out the window for a few minutes before Hades told him to wake up the kids.

"Si Grey pala?" tanong ni Yago nang naka-upo na sila sa lamesa, dahil ako nalang ang nag-iisang nakatayo ay ako na pumunta sa kwarto ni Grey.

"Hey," Bati ko rito, nagulat pa ito nang sumilip ako.

"What happened last night?" Kunot-noong tanong nito,

Nagparte ang labi ko bago pumasok ng kwarto niya at sinaraduhan ang pinto sa likod ko, "Well... you were drunk so I had to bring you here." I calmly replied,

He raised a brow and run his finger through his hair, "Ano pa? Ano pang ginawa kong katangahan?" Mariin nitong tanong at agad akong umiling,

"Wala kang ginawa—"

"Oh come on, kilala ako ang sarili ko kapag lasing, anong ginawa ko?" Inis nitong putol sa akin, isang singhal ang kumawala sa labi ko bago napa-iling.

"Wala nga—"

"Fuck it, Code, sabihin mo na—"

"Wala nga! Wala kang ginawang katangahan! You were just drunk as fuck and I had to bring you here. Si Hades ang nagbihis sa 'yo dahil hindi kita kayang galawin! That's it!" Sigaw ko pabalik dito.

Matinik ang tingin nito sa akin, yung tipong alam ko na pinapatay niya ako sa isip niya.

"And..." I sighed, I immediately saw how he arched a brow, "You told me how you fucking hate me. Hanggang sa kalasinghan mo, galit na galit ka sa 'kin." Dagdag ko pa at nakita kong gumuhit ang ngisi sa labi niya.

Parehas kaming napalingon sa pinto nang bumukas ito at sumilip si Yago, "Naririnig kayo ng mga bata sa labas...!" Pabulong nitong sigaw, nanlaki ang mata ko bago agad lumabas ng pinto. Mabuti nalang at mukhang hindi naman nakikinig si Chiara dahil nililibang ito ni Lukas habang kumakain.

Tahimik kami buong almusal — well, kami ni Grey. Si Chiara at mga anak nila Yago ang maiingay at nagkukulitan. Lalo pa at isa sa kambal ay talagang nakikipagpaligasahan kay Chiara sa pagiging madaldal.

Naligo pa ang mga bata pagkatapos mag-almusal, nang magutom at mapagod ay kumain ulit ang mga ito dahil nakahain lang naman ang mga pagkain sa lamesa. Nagsimula na rin akong magdala ng mga laruan at regalo ni Chiara sa sasakyan para mamaya pag-alis ay kaunti nalang ang aasikasuhin ko.

Nagsimula na kaming mag-impake at maglinis ng 10 AM. Hanggang 12 noon lang kami rito kaya naman inayos na namin ang mga gamit. By 11 AM ay nakapagbihis na ang mga bata at kaming matatanda naman ang naghanda sa pag-alis.

Naunang umalis sila Yago at Hades, kasunod nito si Lukas dahil may hahabulin pa na meeting at maya-maya ay umalis na si Grey. Chine-check ko ang bawat kwarto kung may naiwan ba kaming mga gamit habang hinihintay ako ni Chiara sa sofa nang marinig kong bumukas ang gate.

"Doc Grey!!" Agad akong dumungaw sa labas nang marinig na sumigaw si Chiara.

Nakita ko si Grey na humahangos papasok ng bahay habang kinakawayan si Chiara,sumakto pa na nasa loob ako ng kwartong tinulugan niya kagabi at maya-maya ay pumasok ito sa loob.

"Oh, bumalik ka?" tanong ko rito, sinamaan ako nito ng tingin bago dire-diretso na naglakad papunta sa bangko at dinampot ang kumot niya.

"Nakalimutan ko lang." ani nito bago naglakad sa gawi ng pinto kung saan ako nakatayo.

Nang akmang lalampasan na ako nito ay agad ko itong hinawakan sa braso, "Grey, thank you." Mabilis kong sabi rito dahil baka magalit pa ito.

Bahagyang lumambot ang ekspresyon nito, "You're welcome, but I did it all for Chiara," he softly said, which made a smile grow on my lips.

"I know, pero salamat pa rin." sagot ko at tumango lang ito bago binawi ang kamay niya na binitawan ko na rin bago lumabas ng kwarto.

Halos sabay kaming umalis ng lugar, kinakawayan pa siya ni Chiara at kumakaway ito pabalik bago nagmaneho paalis.

Grey's POV

"Balita ko... pumunta ka raw sa birthday ng paborito mong alaga?" Napabuntong hininga ako nang tumabi sa akin si Louis sa nurse's station.

Napabuntong hininga ako bago kinuha ang clipboard sa counter at naglakad paalis.

Maya-maya ay na-abutan nanaman ako nito sa hallway at kinulit ako tungkol sa birthday ni Chiara.

Ilang beses ako nitong sinubukan na tanungin tungkol sa mga nangyari sa birthday ni Chiara. Pero dahil may kaunti pa rin akong hangover at pagod mula sa kahapon ay hindi ko ito pinapansin.

Hanggang sa matapos ang shift ko ng 6 PM at lumabas na ng ospital para puntahan ang sasakyan ko sa parking lot.

"Hindi ka talaga magke-kwento 'no?" Papasok na sana ako ng sasakyan nang tumigil ang kotse niya sa tabi ko.

Napatawa ako nang bahagya bago pumasok ng kotse, "Gusto mong kumain sa condo ko?" Aya ko rito, namilog ang mata nito bago agad tumango.

"Oo ba, magluluto ka?" tanong niya at tumango ako, "Oo, kaya sige na, mauna kana, convoy na tayo." ani ko rito at tumango ito bago nagmaneho paalis na agad ko rin sinundan.

Pagdating namin sa condo ko ay tinatanong na agad ako nito. Sinabihan ko ito na magkekwento ako kapag kumakain na kami. Pumayag naman ito at tinulungan ako sa pagluluto ng chicken curry para mabilis kaming matapos sa pagluluto at makapag-kwento na ako.

"So, what happened?" he asked while getting himself some rice.

I chuckled, shaking my head while getting food for myself, "It was... okay, na-late ako kasi nagdalawang isip ako kung pupunta pa ako." sagot ko at nag-hum ito.

"Masaya, kalaro ko si Chiara at yung kambal na naka ng kaibigan ko sa pool." sagot ko at tumango siya.

"May mga anak na pala kahit iba mong kaibigan?" tanong niya at natatawa akong tumango.

"Of course, they're in their 30's too, hindi na nakakagulat yun." sagot ko at utay-utay tumango si Louis habang kumakain.

"Tapos? What happened next?" he urged.

I paused, remembering what happened in the kitchen.

Fuck.

Should I tell him?

It is bothering me. But it wasn't just the almost... kiss that is bothering me, but also a feeling inside me that I shouldn't be feeling.

In the end, I told Louis what happened. He kept on teasing and mocking me about what happened. He was making fun of my suffering.

That almost kiss haunted me for the whole day and will probably haunt me for the next few days or weeks too.

We were so... close to each other.

I remember how intimate the moment was. How... I was willing to risk it all again.

I know Code was caught in the moment. Even I was caught in the moment. And I wanted what Code wanted at that moment, too. I know we were sharing the same heat. I know we were going through the same crisis inside our system, whether to do it or not.

When Louis stopped teasing and laughing at my mental crisis, I let out a heavy sigh while playing with my food.

"Louis," I called, he hummed and lifted his head up, "I... I'm having second thoughts about it." I admitted,

Louis arched a brow and tilted his head a bit, "About what?" he confusedly asked,

I slowly shook my head while biting my lower lip, "About... taking revenge on Code. Parang ayaw ko na siyang gantihan." sagot ko at nakita kong kumunot ang noo nito.

Bumuntong hininga ako at sumandal sa bangko, "Pakiramdam ko kasi na... wala ng point magalit sa kaniya at wala ng point na... gantihan siya." Dagdag ko pa at utay-utay tumango si Louis.

"So, that's it?" he asked, which made my brows furrow, "That's what?" I confusedly asked,

He shook his head, "You'll let him have a great life without paying for what he did? While you had to suffer and cry your heart out for years because of what he did?" he asked, and my lips parted.

"It's unfair, Grey." he said before leaning on his chair, "At least... a little, gumanti ka, okay? Ipaghiganti mo yung sarili mo. The present you might not want to do it, but we both know the younger you would want his downfall," he said, smiling at me, he reached for my hand on the table and gave it a little rub.

Our eyes locked, and a small smile grew on my lips before giving him a nod.

—-----------

a/n: uh.... Idk what happened pero... ewan ko sa'yo Louis! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co